LP Cot1 2023

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Schools Division Office

Congressional District IV
PASONG TAMO ELEMENTARY SCHOOL
Tandang Sora Avenue, Barangay Pasong Tamo

PAGPAPAKITANG – TURO SA ARALING PANLIPUNAN 6


Ikatlong Markahan
Ika – 16 ng Abril, 2023

I. Layunin:
Nasusuri ang sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga Amerikano at ang
epekto nito sa kaisipan ng mga Pilipino.

II. Paksa:
 Sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga Amerikano at ang
epekto nito sa kaisipan ng mga Pilipino

Mga Sanggunian: Araling Panlipunan Pag – Usbong ng Nasyonalismong


Pilipino pahina 124 – 125
Araling Panlipunan K to 12 Curriculum Guide
MELC – 2nd Quarter DBOW – 2nd Quarter, Week 4

Mga Kagamitan: Telebisyon, Metacard at Mga Biswal: Lawaran, Tsart at


Bidyo

Pagpapahalaga: Pagpapahalaga ng Edukasyon

III. Pamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagtula at Pag – awit
Pagtula ng isang ng tula “Para sa Iyo, Kabataan!”
Pag-awit ng isang awitin “Halina’t Mag-aral, Matuto sa Araling Panlipunan

2. Balik – Aral:
What’s inside the box Challenge
Tukuyin kung sino at ano ang hinihingi ng mga sumusunod na tanong.

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (Activity)
Picture Puzzle
Panuto: Buuin ang Picture at tukuyin ang mga ito.

2. Panonood ng bidyo tungkol sa sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga Amerikano at ang epekto
nito sa kaisipan ng mga Pilipino.
Panuntunan sa panonood ng bidyo:
 Umupo ng maayos upang maging komportable sa panonood.
 Tumahimik at making sa pinapanood.
 Isulat sa kwarderno ang mahahalagang detalye.
 Unawain ang mensaheng nais ipabatid ng pinapanood.

3. Pagkatin ang klase sa apat na grupo. Ang bawat pangkat ay metacard na nagsasaad kung ano gagawin
ng bawat grupo. Gawin sa loob 10 minuto.
Panuntunan sa Pangkatang Gawain:
 Panatilihin ang katahimikan at kaayusan habang isinasagawa ang Pangkatang Gawain.
 Makilahok sa talakayan at ibahagi ang iyong nalalaman.
 Tapusin ang Gawain sa itinakdang oras.
 Linisin at iligpit ang mga kagamitang ginamit.
 Ipaskil ang iyong Gawain sa pisara at ipaliwanag ng buong husay ang inyong ulat.
Gamitin ang rubrik sa pagbibigay ng puntos sa Pangkatang Gawain.

RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN


Deskripsiyon Puntos Nakuhang
Puntos
Naipapamalas ang galing sa paggawa ng gawain. 5
Maayos at malinaw ang presentasyon ng pangkat. 3
Natapos ang gawain bago ang itinakdang oras sa 2
paggawa.
Kabuuang Puntos 10

Pangkat Rizal: Concept Map


Gamit ang Concept Map, suriin ang mga pagbabago sa sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga
Amerikano at ang epekto nito sa kaisipan ng mga Pilipino.

Sistema ng Edukasyon
at Epekto nito

Pangkat Bonifacio: Semantic Web


Gamit ang Semantic Web, suriin ang mga pagbabago sa sistema ng edukasyong d
ipinatupad ng mga Amerikano at epekto sa kaisipan ng mga Pilipino.

Mga Batas at Epekto sa


Programa Edukasyon kaisipan ng mga
Pilipino

Pangkat Mabini: Comic Strip


Gumawa ng isang comic strip na sinusuri ang mga pagbabago sa sistema ng edukasyong
ipinatupad ng mga Amerikano at ang epekto nito sa kaisipan ng mga Pilipino.
Pangkat Luna: Fish Bone Diagram
Gamit ang Concept Map, suriin ang mga pagbabago sa sistema ng edukasyong ipinatupad ng
mga Amerikano at ang epekto nito sa kaisipan ng mga Pilipino.

Mga Batas at Programa

EDUKASYON

Epekto sa Kaisipan ng mga Pilipino

*Gabayan ang mga bata sa kanilang pangkatang gawain.

3. Pagsusuri/ Pagtatalakay (Analysis):


Talakayin ang pagbabago sa sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga Amerikano at ang epekto
nito sa kaisipan ng mga Pilipino.

Pamprosesong Tanong
a. Anu – ano ang mga batas at programa na ipinatupad sa pagbabago ng Sistema ng edukasyon sa
bansa?
b. Ano ang epekto nito sa kaisipan ng mga Pilipino?
c. Sa inyong palagay, mahalaga ba ang edukasyon sa isang bansa?

4. Paghahalaw/Paglalahat (Abstraction): Think – Pair Share


Balikan muli ang pagbabago sa sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga Amerikano at ang epekto
nito sa kaisipan ng mga Pilipino. Suriin ang mga pagbabago at epekto nito sa kaisipan ng mga
Pilipino. Isulat ito sa kanilang whiteboard.

Pagpapahalaga:
Bilang isang mag – aaral, paano mo papahalagahan ang edukasyon bilang mamamayan ng bansa?

C. Pangwakas na Gawain:
Paglalapat (Application)
Pulso ng Bayan!
Ipanood sa klase ang video clip https://youtu.be/vt6P3xuX2u4?si=sNe3YJw5OjJx8tM9 balita tungkol sa
kahirapan at edukasyon. At sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Ano ang isyu na napanood sa balita? Bakit mahalaga ang edukasyon sa pagsupil ng kahirapan?

IV. Pagtataya (Assessment)


Nasusuriin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa sistema ng edukasyong ipinatupad ng mga Amerikano
at ang epekto nito sa kaisipan ng mga Pilipino. Isulat ang T kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap, at
M kung ito naman ay di – wasto.

_______1. Itinatag ang Department of Public Instruction upang pangasiwaan ang Sistema ng Pampublikong
paaralan sa Pilipinas.
_______2. Sa bisa ng Gabaldon Act of 1907, ipinatupad ang pagtatayo ng dalawang pampublikong paaralan
sa bawat lalawigan.
_______3. Ang pagkakaroon ng unibersidad para sa kababaihan ay nagbigay-daan sa pag – usbong ng mga
babaeng propesyonal.
_______4. Ang pagtuturo ng wikang Ingles ay walang Magandang naidulot sa bansa.
_______5. Pensionado ang tawag sa mga Filipinong ipinadala sa US para makapag – aral.

V. Takdang - Aralin (Assignment)


Noon at Ngayon: Tukuyin ang mga pagbabagong idinulot ng kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas.
Pagkatapos ay iugnay ang mga pagbabagong ito sa kasalukuyang panahon. Magsaliksik upang maging higot
na mayaman sa impormasyon ang iyong gagawin.

Tala (Remark/s): ______________________________________________________________________________________


______________________________________________________________________________________
Pagninilay (Reflection):
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Isinuri ni: Pinagtibay ni:

Randy L. Monforte Lorenza A. Pascua Laura N. Gonzaga Maricris S. Santos


Guro I Dalubguro I Dalubguro II Punong Guro IV

You might also like