Ap6 Las Week-4
Ap6 Las Week-4
Ap6 Las Week-4
Department of Education
Region v
6
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
GUBAT NORTH DISTRICT
ARALING PANLIPUNAN
LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO ___4______(Number /Bilang)
Pangalan ng Estudyante:____________________________________________________
Petsa:______________________
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs
Natatalakay ang mga programang ipinatupad ng iba’t ibang administrasyon sa pagtugon sa mga suliranin at
hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972
II. PAG-ARALAN MO
Ang Mga Programa sa Panunungkulan ni Manuel A. Roxas- (Hulyo 4, 1946-Abril 15, 1948)
Naging lubhang mabigat ang gawain ni Pangulong Roxas dahil sa mga suliraning idinulot ng digmaan. Gayunpaman,
buong sikap niyang hinarap ang mga suliraning ito upang magkaroon ng bagong buhay ang bansa.
MGA PATAKARANG PANLOOB AT PANLABAS
Ang patakaran ni Pangulong Roxas ay ibinatay sa paniniwalang ang katatagan ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa
pakikipagkaibigan sa United States. Ito ang dahilan kung bakit naging malapit ang aing bansa sa United States noong mga
panahong iyon.
Sinikap ng Pamahalaang Roxas na makipag-ugnayan sa Japan. Ito ay upang matiyak na hindi magiging panganib sa
kapayapaan ng daigdig ang Japan at upang humingi ng bayad-pinsala sa mga nasira ng digmaan.
Nang itatag ang Nagkakaisang mga Bansa (UnitedNations) pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang
Pilipinas ay isa sa mga unang naging kasapi nito. Sinikap ng pamahalaang Roxas na magkaroon ng ugnayang diplomatiko
sa Nasyonalistang China. Subalit nagkaroon ito ng maraming suliranin. Ang pinagtibay na batas ng Kongreso na nagbigay
ng prayoridad sa mga Pilipino na umupa ng mga puwesto sa mga pamilihang-bayan , ay nakaapekto sa mga Tsino sa bansa.
Ang pakikipag-ugnayan ng bansang Pilipinas sa China ay natuloy lamang noong Abril 18, 1947.
Dalawa ang layunin ng programa ni Roxas; ang pagpapalaki ng produksyon at ang muling pagkakaroon ng mga
industriya. Umunlad ng bahagya ang pagsasaka. Ipinayo ng mga dalubhasa sa ekonomiya ng Philippine-American
Agricultural Mission noong 1947 ang paggamit ng mga makinarya upang hindi mawalan ng pagkakakitaan ang mga tao.
Ang hatian sa ani ay pitumpung bahagdan sa magsasaka at kasama at tatlumpung bahagdan sa may-ari ng lupa.
Upang matulungan ang mga tao at pribadong korporasyon na makapagbagong-buhay, itinatag ang Rehabilitation
Finance Corporation (RFC) na sa ngayon ay kilala bilang Development Bank of the Philippines. Ito ay nagpapautang ng
puhunan sa maliliit na mangangalakal at sa mga taong nais magpagawa ng sariling bahay.
Hindi naging makatarungan ang Bell Trade Act sa mga Pilipino. Hindi pantay ang Parity Rights o ang karapatan ng
mga Pilipino at Amerikano sa paglinang ng mga likas na yamang pinagkukunan at pamamalakad ng mga paglilingkod na
pambayan. Maraming pinuno ng Pilipinas ang tumutol dito, ngunit kung hindi nila ito tatanggapin, hindi ipagkakaloob ng
United States ang tulong na pinansiyal para sa bansa. Dahil sa kondisyong ibinigay, sumang-ayon na rin ang mga Pilipino
kaya’t kinailangang amyendahan ang Saligang Batas ng 1935 tungkol sa paglinang ng likas na yaman ng bansa.
REHABILITASYON NG PILIPINAS
Kapalit ng mga karapatan sa pangangalakal at pakikinabang sa mga likas na yaman sa bansa (Parity Rights), pinagtibay
ng Kongreso ng United States ang pagbibigay ng $120,000,000 bilang tulong sa panibagong pagpapagawa ng mga gusali,
tulay at daan sa Pilipinas. Pinagtibay rin ang pagkakaloob ng halagang $75,000,000 upang patatagin ang pananalapi sa
bansa. Ang halagang $25,000,000 ay naidagdag upang gamiting pantubos sa mga kasulatang ginamit ng mga gerilya.
Ibinigay rin ang halagang $1 bilyon na surplus ng militar ng United States. Pinautang ng United States ang Pilipinas ng
halagang $60,000,000 sa pamamagitan ng US Reconstruction and Finance Corporation. Kapalit ng mga tulong pautang ng
United States pinagtibay ang Bell Trade Relations Act noong Oktubre 1945. Itinadhana nito ang walng taong malayang
pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa United States hanggang 1954.
PANGKATAHIMIKAN
Naging madalas ang engkwentro ng military at Huk, pati ang mga nagmamay-
ari ng malalaking lupa. Tumagal ng dalawang taon ang pagpupunyagi ng pamahalaan ni Roxas na malutas ang problema
sa Huk, subalit hindi ito nagtagumpay.
PAKIKIPAG-UGNAYANG MILITAR SA UNITED STATES
Ipinagpatuloy ang kasunduan ng Pilipinas at United States tungkol sa Base Militar na pinirmahan noong Mayo 14,
1947 kung saan binigyan ang United States ng karapatang upahan ang mga base militar sa loob ng 99 na taon. Bukod sa
kasunduang Tulong Militar 9Military Assistance Agreement) na unang nilagdaan noong Marso 21, 1947 ay nilagdaan pa
ang isa pang kasunduan noong Agosto 30, 1951. Ito ang Kasunduan sa Pagtatanggol sa isa’t isa (US-RP Mutual Defense
Treaty).
Ang Mga Programa sa Panunungkulan ni Elpidio R. Quirino-(Abril 17, 1948-Disyembre 30, 1953)
1
Dahil malala pa rin ang suliraning pangkabuhayan ng ating bansa, iniutos ni Pangulong Quirino ang
pagtaas ng sahod ng mga guro at kawani ng pamahalaan upang matulungang malutas ang paghihikahos sa buhay ng
taong-bayan.
Pinagtibay din ng kongreso ang pagtatakda ng pinakamababang sahod (minimum wage) sa mga kawani at
manggagawa. Upang makatulong sa pangangailangan ng mga magsasaka, ang Agricultural Credit and Financing
Administration (ACCFA) ay itinatag ni Pangulog Quirino. Nagtatag din ng mga bangko rural sa mga bayan. Ang Labor
Management Advisory Board ay itinatag upang maging tagapayo ng pamahalaan tungkol sa pggawa. Gayunpaman, hindi pa
rin naiahon sa kahirapan ang karaniwang mamamayang Pilipino.
Inalok ni Pangulong Quirino ng malawakang amnestiya ang halos lahat ng kasapi ng Huk. Bilang kapalit ng amnestiya,
pumayag si Luis Taruc na magpatala at isuko ang kanilang mga sandata sa pamahalaan sa loob ng 50 araw, ngunit nabigo
ang amnestiya.
Sa pagdaan ng mga araw, marami ang napinsala ng mga Huk. Upang masugpo ang kilusan, pinalawak ni Pangulong
Quirino ang operasyong military ng pamahalaan laban sa kanila. Hinirang ni Pangulong Quirino si Ramon Magsaysay,
isang batang kongresista mula sa Zambales at dating gerilya, bilang kalihim ng Tanggulang Bansa (National Defense).
Nang lumala ang ligalig sa pagitan ng mga Huk at pamahalaan, itinatag ni Pangulong Quirino ng President’s Action
Committee on Socila Amelioration (PACSA). Tungkulin nito ang puntahan ang mga biktima ng Huk at magbigay ng mga
pagkain, gamot at damit.
Sumama si Kalihim Magsaysay sa mga puwersang military ng pamahalaan sa kanilang mga kampanya laban sa mga
Huk. Dinalaw niya ang mga ito at hiniling na makiisa sa mabuting layunin ng bansa. Dahil sa mabuting pakiusap at
pakikitungo ni Magsaysay sa mga Huk, unti-unti silang sumuko sa pamahalaan. Ang mga nagsisukong Huk ay inigyan g
pagkakataong muling mamuhay nang tahimik. Binigyan sila ng Economic Development Corporation (EDCOR) ng mga
tirahan at lupang sakahan.
III. PAGSASANAY
Panuto: Punan ang Graphic Organizer-Venn Diagram ng mga programa ng palawang pangulong sina
Manuel Roxas at Elpidio Quirino. Ilagay sa magkabilang gilid ang mga programa nilang hindi
makgapareho at sa gitna naman ang magkapareho.
PAGKAKAPAREHO
IV. PAGLALAHAT
Ang mga programang isinagawa ng administrasyong Roxas ay ang paglutas sa suliranin sa Huk, pagsasagawa ng
pagbabago sa Saligang Batas, pagtatatag ng Rehabilitation and Finance Corporation, pagpapatibay ng batas na nagtatadhana
ng walong taong malayang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa United States, pakikipag-ugnayan sa Japan para sa bayad-
pinsala sa mga nasira ng digmaan at pagsapi sa United Nations.
Nang mamatay si Manuel Roxas ay humalili dito si Pang. Elpidio Quirino. Ilan sa mga naging programa niya ay ang
amnestiya para sa mga Huk, pagpapautang sa mga magsasaka, pagtakda ng minimum wage at pagtaas ng sahod ng mga
guro at kawani ng pamahalaan.
Sinikap at itinaguyod ng dalawang pangulong ito ang ating bansa na makaahon sa hirap na dulot ng nakaraang
digmaan.
V. GAWIN MO
Panuto: Gumawa ng isang poster tungkol sa mga natutunan mo sa ating aralin.
VI. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin kung sino ang nagpatupad ng mga sumusunod na programa. Isulat sa patlang ang MR
kung ito ay kay Manuel Roxas at EQ naman kung ito ay kay Elpidio Quirino.
___________1. Pagbibigay ng amnestiya para sa mga HukBaLaHap.
___________2. Pagtaas ng sahod ng mga guro at mga kawani ng pamahalaan.
___________3. Pakikipag-ugnayan sa Japan para sa bayad-pinsala sa mga nasira ng digmaan.
___________4.Pagsapi sa Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations)
___________5. Pagpapatibay ng batas na nagtatadhana ng walong taong malayang pakikipagkalakalan ng
Pilipinas sa United States.