AP6 CSE Reader Template 1 For Presentation

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Key Stage: Araling Panlipunan Grades 4 – 6

Specific Level: Ikaanim na Baitang

Quarter: Ikaapat na Markahan

Topic: Kontemporaryong Isyu ng Lipunan na Hamon sa Isang Malaya


at Maunlad na Bansa.

I. Summary Patuloy ang pagsisikap ng mga Pilipino sa


(Essential Message, 3-4 pagsasakatuparan ng pantay na karapatan sa pagitan ng mga
sentences) kababaihan at kalalakihan. Ang pagsasabatas ng mga
mekanismo, proseso, at istruktura ng paglilingkod sa
kababaihan ay patunay sa pagnanais na maiangat ang buhay
at dignidad ng kababaihang Pilipino. Ngunit sa kabila ng mga
inisyatibong ito, hamon pa rin ang pangmalawakan at
epektibong implementasyon na siyang tunay na tutugon sa
katarungang panlipunan para sa kababaihan.

Questions (At least 3 1. Batay sa binasang artikulo, masasabi ba nating malaki


comprehension questions na ang ipinagbago ng kalagayan ng mga kababaihan sa
about the article) bansa? Bakit o bakit hindi?
1ST THREE QUESTIONS 2. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga balakid upang
FOR STUDENTS maisakatuparan ang pagkakapantay-pantay ng mga
kababaihan at kalalakihan?
3. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang
pagsuporta tungo sa pantay na karapatan ng mga
kababaihan at kalalakihan?

Article: (Cite source)

Discussion

Legarda, Loren. 2011. "Gender Equality and Women


Empowerment: A Cause for Both Genders." Senate of
the Philippines Press Release. Quezon City: Senate of

1
the Philippines. 1.

Gender Equality and Women Empowerment: A Cause for Both


Genders
(A transcript of Senator Legarda’s Speech)

Ginoong Pangulo, mga kasama, sa araw pong ito ay


pinagdiriwang natin ang International Women's Day at ang
buwan ng Marso naman ay kinikilala natin bilang Women's
Month o Buwan ng mga Babae.

Ang papel na ginagampanan ng mga babae sa ating lipunan ay


patuloy na nagbabago. Matapos mabigyan ng pagkakataong
makapag-aral, ang mga babae ay naging aktibong bahagi na
ng puwersang manggagawa, kadalasa'y gumagawa ng
trabahong dati'y laan lang para sa mga lalaki. Isang
magandang halimbawa po ay ang hakbang ng ilang bus
companies na kumuha ng babaeng driver na tinuruang
magmaneho ng Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA) at rekomendado ng Metro Manila
Development Authority.

Pero sabi nga nila, hindi komo maraming babae na ang


nakapagtra-trabaho ay sapat na ito. Hindi komo nakikibahagi
na sila sa paggawa ng desisyon sa pamilya, sa komunidad at
sa bansa, ay nangangahulugang pantay na sila sa mga lalaki.

Noong 2010, naglabas po ang Forbes Magazine ng kanilang


"Most Powerful People in the World." Sa 68 po na nasa lista,
lima lang dito ang babae - sina Angela Merkel, Chancellor ng
Germany; si Sonia Gandhi, Presidente ng Indian National
Congress; si Brazilian President Dilma Rousseff; si US
Secretary of State Hilary Clinton, at si Oprah Winfrey. [1] Sa
tinatayang 3.3 bilyong babae sa buong mundo, o 49% ng
kabuuang populasyon, li-lima lang po ang itinuturing na
powerful, o may sapat na kapangyarihan.

Dito sa Pilipinas, ang partisipasyon ng mga babae sa pulitika at


pamamahala ay nasa 18% lang ng elected posts noong 2010
elections.

Noong 2007 senatorial elections, apat lang ang babae sa 37 na


kandidato. Sa apat pong kandidatong iyon, iisa lang po ang
pinalad na maglingkod. Sa taon ding iyon, 51 lang ang
babaeng pinalad na maging representante noong 14th
Congress sa kabuuang 240 puwesto.

2
Sa edukasyon naman po, totoo, mas marami ang mga
babaeng nakapag-enrol sa elementary at secondary education.
Sa school year 2008-2009, ang female net enrollment ratio
(NER) sa public elementary level ay nasa 85.71%. Ang male
NER ay nasa 84.56%.

Pero sa mga nakapagtrabaho matapos mag-aral, mas marami


pa rin ang lalaki. Batay sa October 2009 Labor Force Survey
(LFS), ang Labor Force Participation Rate (LFPR) para sa
babae ay nasa 49.3% at ang mga lalaki ay nasa 78.8%. [2]

Patuloy naman ang pagtaas ng mga kaso ng karahasan laban


sa mga babae. Matapos ang anim na taong pagbaba sa bilang
ng mga kaso mula 2001 hanggang 2006, lumala itong muli.
Batay sa records ng Philippine National Police, nagkaroon ng
5,720 kaso ng violence against women noong 2007. Tumaas
pa itong lalo noong 2008 - 6,905 kaso - at noong 2009 -9,485
na kaso [3].

Malinaw na marami pang kailangang gawin para makamit natin


ang mithiing pagkaka-pantay ng mga babae at lalaki sa
lipunang Pilipino. Mahaba pa ang laban para sa pagbibigay ng
sapat na kapangyarihan at kakayanan sa mga babae.

Marami na tayong nagawa. Naipasa na natin ang maraming


batas para sa kababaihan. Nandiyan ang Anti-Violence Against
Women and Children Act (RA 9261), ang Anti-Discrimination
Against Women Act (RA 6725), ang Women in Development
and Nation Building Act (RA 7192), ang Rape Victim
Assistance and Protection Act (RA 8505), at ang Magna Carta
of Women (RA 9710).

At wala po tayong balak tumigil sa paglikha o pagpapaigting ng


mga batas para sa kapakanan ng mga babae.

Naihain ko na po ang Senate Bill 1434, o ang "Women


Empowerment Act." Layunin po ng batas na ito na tunay na
mabigyan ng sapat na representasyon ang mga babae sa
pamamahala. Sa panukala po nating ito, dapat i-reserba ang
ilang percentage ng mga posisyon sa iba't ibang sangay ng
gobyerno, para sa mga babaeng kuwalipikado sa mga
naturang trabaho.

Nandiyan po ang Senate Bill 1436, o ang "Act Expanding the


Coverage of Rape Crisis Centers". Ang panukalang batas pong
ito ay mag-a-amyenda sa ilang bahagi ng Republic Act 8505.
Papalawakin po natin ang saklaw ng mga tulong at proteksyon

3
na ibibigay sa mga biktima ng rape. Magiging bahagi na rin ng
programa ang mga babaeng naging biktima ng iba pang porma
ng karahasan kaugnay ng kaniyang pagiging babae, pati na
ang mga krimen laban sa mga babae at bata.

Naghain din po ako ng iba pang batas para naman tugunan


ang ilang health concerns ng mga babae.

Nandiyan ang Senate Bill 1393, o "An Act Establishing Breast


Care Centers Nationwide" at Senate Bill 1399, o "Breast
Cancer Detection Act" na sisigurong lahat ng babae ay may
access sa pasilidad at procedures para sa early detection,
prevention at paggamot ng breast cancer.

Ang Senate Bill 1398 naman ay gumagarantiyang lahat ng


babaeng pasyenteng sasailalim ng cosmetic procedure ay
bibigyan ng sapat na atensyong medikal, laluna ang mga
babaeng pasyenteng hindi alam na sila'y buntis nang magpa-
opera.

Ginoong Pangulo at mga kasama, nailatag na natin ang


pundasyon para sa isang lipunang gumagalang sa karapatan
ng kababaihan at nagbibigay pahalaga sa kanyang
kontribusyon sa bayan.

Pero wika nga po nila, sa implementasyon, doon nagkakatalo.


Anumang pagka-dakila ng layunin ng Senado para sa
kababaihan ay nawawalang-saysay kapag ang batas ay hindi
naipatutupad, at naipatutupad ng tama.

Taun-taon, tuwing Marso, pinagdiriwang natin ang Buwan ng


mga Babae. Baguhin po natin ang takbo simula sa taong ito.
Gawin nating makahulugan ang bawat Marso ng taon hindi
lang sa pagbibigay puri sa mga kababaihan. Siguruhin nating
ang mga batas nating ginagawa para sa kanilang kapakanan
ay maipatutupad. Siguruhin nating nasa una ng national
agenda ang mga reporma para sa karapatan ng mga
kababaihan.

Ang laban para isang Pilipinas na mapagkalinga sa babae ay


hindi lang laban ng mga kababaihan. Ang laban na ito ay para
rin sa mga lalaki...mga lalaking mayroong nanay, asawa,
kapatid, anak o kaibigang babae.

Sinumang lalaking may matinong pag-iisip ay hindi papayag na


ang mahahalagang babae sa kanilang buhay ay walang-laban,
inaalipusta at inaabuso. Makahihinga ng maluwag ang mga

4
lalaki kung alam nila na ang mga babaeng ito ay may
kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili; may kakayahang
abutin ang kanyang mga pangarap at maging mahusay at
maayos sa piniling buhay.

Ang kampanya para sa pagkakapantay-pantay ng babae at


lalaki ay mapagtatagumpayan lang natin sa pamamagitan ng
pagtutulungan. Hindi po ito tunggalian ng kasarian. Sa
kampanyang ito, hindi natin mithi na manaig ang babae sa
lalaki o ang lalaki sa babae.

Ginoong Pangulo, ang tangi nating mithi ay ang isang Pilipinas


kung saan ang mga lalaki at babae ay magkakapantay,
magkaugnay, magkahawak-kamay at sumusulong para sa
isang mas maunlad na Pilipinas. (Legarda 2011)

Discussion:

Sa kasalukuyan, marami nang mga hakbang ang


ginagawa ang ating pamahalaan upang mapangalagaan ang
mga karapatan ng mga kababaihan. Ito ay napakahalaga dahil
ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay nangangahulugan
ng isang lipunang gumagalang sa dignidad ng bawat miyembro
nito. Ito ang pangunahing konsepto na nakapaloob sa “gender
equality”.
Kung ang maling pag-unawa sa kasarian ang magiging
pamantayan sa pakikipag-ugnayan sa bawat isa, hindi malayo
na magkakaroon ng tinatawag na diskriminasyon.

Kailangang mabatid ng bawat isa na ang gampanin sa


lipunan ay hindi nararapat ikulong sa usapin ng kasarian.
Samakatuwid, ang gampanin ay ibinabatay sa kakayahang
tumugon ng isang indibiduwal.

Marami nang batas ang naipatupad para sa kababaihan,


subalit nakalulungkot na patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng
mga karahasan at pang-aabusong pisikal, emosyonal at
sekswal hindi lamang sa mga kababaihan kundi maging sa
ibang kasarian.

Gayunpaman magandang tukuyin na ang Pilipinas ang


siyang nangungunang bansa sa Asya sa usapin ng “gender
equality” pangsampu naman sa buong mundo ayon sa World
Economic Forum’s 2017 Global Gender Gap report. Ito ay
pagpapatunay lamang na lumalakas ang adbokasiya at
pagsulong ng “gender equality” ng ating bansa. Ito ay bunga
pagtutulungan ng pamahalaan at lahat sektor ng ating lipunan.

5
Part II

A. Title Readings “Gender Equality and Women Empowerment: A Cause for Both
(CSE Code and LC Genders”
Code)

CSE: Identify ways of promoting gender equality and better


ways of communicating among friends and peers. K3B2
: Explore ways to address gender inequality among boys
and girls, women and men.
: Describe how gender inequality is maintained by
everyone – women, men, boys, girls, LGBT. K7A1
LC : Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan
tungo sa pagtugon sa mga hamon ng malaya at maunlad
na bansa. Halimbawa: OFW’s, gender, drugs at child
abuse, atbp. AP6TDK-IVe-f-6

B. Processing 1. Batay sa artikulo, ano-ano ang mga mahalagang paksang


Questions (For tinatalakay sa iyong binasang artikulo?
Teachers’ Use, at least 3 2. Paano mo mailalarawan ang kasalukuyang kalagayan ng
questions) for the Pilipinas gamit ang mga paksang tinalakay sa artikulo?
application of the 3. Bakit sinasabing sa kabila ng mga oportunidad na
students from the topic nararanasan ng mga kababaihan, kulang pa rin ang mga
ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
4. Ano-anong mga batas at panukalang-batas ang
naglalayong pagbutihin ng kalidad ng pamumuhay ng mga
kababaihan?
5. Bilang mag-aaral, paano mo itataguyod ang pantay na
karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan?

You might also like