CEDAW
CEDAW
CEDAW
ng kababa
ihan:
CEDAW primer
CEDAW convention on the elimination of all
forms of discrimination against women
Cover design by
Women’s Feature Service (WFS)
Published by
UNIFEM CEDAW
South East Asia Program-Philippines
Canadian International
Development Agency (CIDA)
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong 18 Disyembre 1979
noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong 15 Hulyo 1980, at
niratipika niya ito noong 5 Agosto 1981.
Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan
na may pinakamaraming bansang nagratipika, umaabot na sa 180 bansa mula sa 191
signatories o State parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong 3
Setyembre 1981 o 25 taon na ang nakakaraan ngayong 2006, pero kaunti pa lang ang
nakakaalam dito.
2. Kasama dito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may mga
responsibilidad ang Estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito pwedeng bawiin.
4. Inaatasan nito ang mga State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno,
kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo.
TRABAHO
Patuloy pa ring mababa ang labor force participation rate (LFPR) ng babae kaysa lalaki nitong
nakaraang 10 taon. Mula 1995 hanggang 2004, 50% lang ang LFPR ng babae kumpara sa 80%
ng lalaki. (Datos mula sa October Rounds of the Labor Force Survey, NSO)
Laganap pa rin ang pagbibigay ng trabaho ayon sa kasarian o pananaw na trabaho ng babae
at lalaki. Ayon sa datos noong 2004, mas marami pa rin ang mga babae sa mga trabahong
tinuturing na karagdagan sa kanilang papel sa bahay katulad ng pangangasiwa ng opisina at
serbisyong propesyunal, samantalang karamihan sa lalaki ay nasa malalaking industriya. (LFS
NSO)
Karamihan sa mga Pilipinong lalaki ay swelduhan o may sariling negosyo, samantalang
karamihan sa Pilipinong babae at hindi binabayaran sa trabahong ginagampan nila sa
pamilya. Noong 2004, 56% ng mga nagtatrabaho sa pamilya nang walang bayad ay babae,
samantalang 64% ng swelduhang manggagawa at 67% ng mga mangagawang may sariling
negosyo ay mga lalaki. Sa mga nagtatrabahong babae, 50% ay swelduhan, 33% ay may
sariling negosyo o self-employed, at 17% ay hindi binabayaran sa trabahong ginagampan nila
sa pamilya. (NSO)
Halos pantay ang bilang ng babae at lalaki na nagtatrabaho sa ibang bansa, pero iba ang
kontexto ng kanilang partisipasyon. Noong 2004, 51% ng buong populasyon ng overseas
Filipino workers (OFW) ay babae, pero ang buwanang pinapadala nila sa kanilang pamilya ay
57% lamang sa karaniwang PhP 74,267 na ipinapadala ng lalaki. Ito ay dahil karaniwang
mababa ang sweldo ng babae at hindi sila protektado sa trabaho. Ayon sa 2004 survey,
mahigit kalahati (55.8%) ng babaeng nagtrabaho sa ibang bansa ay mga laborer o unskilled
workers, samantalang 27.7% ng lalaki ay nasa kalakalan at kaparehong trabaho, habang
26.9% naman ay nagtatrabaho sa planta o nagpapatakbo ng makina. (2004 Survey on
Overseas Filipinos, NSO).
Protektado rin ang mga OFW sa ilalim ng UN Convention on the Protecion of the Rights of All
Migrants and Members of Their Families at ng Magna Carta for Overseas Filipinos o ang RA
8042, na nagtataguyod din ng karapatan ng mga hindi dokumentadong OFWs. Pinalawak din
ng Magna Carta ang kahulugan ng mga illegal recruiter na maaring kasama pati ang mga
kamag-anak na nambiktima sa mga OFW.
Walang proteksyon o benepisyo ang mga babae sa impormal na sektor, at karaniwang hindi
binibilang ang kanilang malaking ambag sa ekonomiya ng bansa. Ilan sa mga batas na
nagpoprotekta sa kababaihan sa trabaho ay:
1. RA 6972 o Day Care Law
2. Paternity Leave
3. Mga batas na sumasakop sa impormal na sektor
4. RA 7882, na naglalayong magpautang sa mga babaeng may maliliit na negosyo.
5. RA 8289 o ang Magna Carta for Small Enterprises
6. RA 8425 na ginagamit ang microfinance bilang
pangunahing paraan para maibsan ang kahirapan. Sa
pagtatapos ng 2003, may isang milyong tagapangutang – karamihan ay babae -- ang
nakahiram ng kapital mula sa iba’t ibang grupong microfinance para sa
kanilang negosyo.
Pangkalahatang Rekomendasyon ng CEDAW
1. No. 13 – ibigay ang parehong bayad para sa parehong trabaho at halaga nito
2. No. 16 – iulat ang sitwasyon ng mga manggagawang babaeng hindi binabayaran, at
kumilos para masigurado ang pagbabayad at pagbibigay ng karampatang benepisyo
sa kanila.
3. No. 17 – Pagsukat at pagbibilang sa mga trabaho ng babae sa bahay nang walang
bayad, at pagpapahalaga ng kontribusyong ito sa gross national product.
PULITIKA AT PANUNUNGKULAN
Wala pa sa 17 porsyento ang mga babaeng nahalal sa matataas na posisyon noong eleksyon
noong Mayo 2004, ayon sa resulta ng Commission on Elections (COMELEC).
1. Tatlo (3) sa 12 senador ay babae at 30 lamang sa 200 kongresista ay babae.
2. Isang partylist lamang (Gabriela) sa 16 na pwesto ang para sa kababaihan, at apat
(4) sa 24 representante ng party list ay babae.
3. Sa lokal na yunit, 15 sa 77 gobernador ay babae, samanatalang 7 naman sa 77 bise
gobernador, at 121 sa 725 board members.
4. 15.4% at 13.8% ng mga alkalde at bise alkalde ay babae, samantalang 17.1%
naman ng kabuuang konsehal ay babae.
Mas maraming babae ang bumoboto at nanalo sa eleksyon pero maliit pa rin ang
partisipasyon nila sa pulitika at panunungkulan. Noong nasyunal na halalan noong 1998 at
2001, lahat ng babaeng kandidato (20% lamang sa kabuuang bilang ng kandidato) ay nahalal
sa pwesto. Sa kabila ng kanilang tagumpay sa eleksyon, nanatiling maliit pa rin ang papel ng
kababaihan sa publikong sektor. Sa katunayan, malaki ang ibinaba ng partisipasyon nila
noong eleksyon noong 2004, sa kabila ng tumataas na statistiko simula pa noong 1994.
(COMELEC)
Maliit pa rin ang partisipasyon ng kababaihan sa judiciary. Puro lalaki pa rin ang nakapwesto
sa Shari’a courts o ang special courts sa batas ng Muslim, maliban noong 1996 nang
nagkaroon ng isang babaeng hukom. Noong March 2004, apat (4) lamang sa 14 justices sa
Korte Suprema ay babae.
Matindi pa rin ang ‘glass ceiling’ laban sa kababaihan, bagamat mas marami sa mga ito ay
nasa burukrasya lalo na sa teknikal at mga pangalawang posisyon. Mahigit kalahati (53%) ng
1.45 milyong manggagawa sa gobyerno noong 1999 ay babae, pero sila ay karaniwang nasa
pangalawang posisyon lamang (71.9%). Halos 34% ng kababaihan ay nasa pinakamataas o
pangatlong posisyon ng panunungkulan. Karamihan sa mga babae ay nasa teknikal na gawain
samantalang ang mga lalaki ay karaniwang ehekutibo o tagapangasiwa. (Civil Service
Commission)
Bumaba rin ang partisipasyon ng babae sa mga unyon mula 59.6% noong 1996 hanggang
34.2% na lamang noong 2000. Bumaba ang kanilang panunungkulan sa mga unyon mula
35% noong 1998 hanggang 25.6% na lamang noong 2000. (NCRFW)
Sinisiguro ng CEDAW ang karapatan ng babae na…
1. Bumoto, tumakbo sa eleksyon at manungkulan sa anumang posisyon sa Gob yerno.
(Article 7)
2. Makilahok sa non-government organizations at mga asosasyon na may kaugna yan
sa pulitikal at publikong kalagayan ng bansa. (Article 7)
3. Magkaroon ng pagkakataong maging kinatawan ng Gobyerno sa internasyunal na
antas at makilahok sa gawain ng mga organisasyong internasyunal. (Article 8)
Ayon sa pinakahuling family planning survey (FPS), 49.3% ng babae ang gumagamit ng isang
uri ng contraceptive, at karaniwan ay makabagong paraan ito. Sa bilang na ito, 35.1% ang
gumagamit ng makabagong paraan, samantalang 14.2% naman ang gumagamit ng mga
tradisyunal na paraan. Mas marami pa ring gumagamit ng tableta, na sinusunod ng female
sterilization at calendar/rhythm. Bagamat mas laganap ito sa mga health centers at mas
madaling naipapamahagi, 2.1% lamang ang gumagamit ng condom. (2004 FPS, NSO)
Ayon sa National Demographic and Health Survey (NDHS), 5.6% sa mga buntis ay hindi
kumukunsulta sa doktor at 6.5% naman (71.8% nito ay naninirahan sa kanayunan) ay
tumatakbo sa mga traditional birth attendants (TBAs) lamang. Isa sa tatlong (37.1%)
nanganganak ay tinulungan ng TBAs samantalang 3 sa 5 (61.34%) buntis ay nanganganak sa
bahay. (2003 NDHS, NSO)
Mula 1984 hanggang Setyembre 2005, may naitalang 2,354 kaso ng HIV Ab Seropositives ang
Department of Health. Sa bilang na ito, 862 ay babae. May 702 kaso ng ganap na AIDS sa
kabuuang kaso ng HIV na naiulat.
Nakabinbin na panukala:
Ang HB 3773 o ang Responsible Parenthood and Population Management Act ay batay sa
alituntunin ng nasyunal at lokal na pamahalaan na magbigay ng mga batayang serbisyo sa
kalusugan, reproductive health at pagpaplano ng pamilya. May parusa ang sinumang opisyal
ng gobyerno na pumipigil o kumikitil sa pagbibigay ng legal at ligtas na serbisyo sa
reproductive health, kasama na ang pagpaplano ng pamilya. Ang pagkakaroon ng dalawang
(2) anak bilang ideyal na laki ng pamilya ay hindi rin ipinag-uutos.
Matindi rin ang problema ng VAW sa mga Pilipinong migrante, lalo na’t ito ang may
pinakamaraming babaeng nagtatrabaho sa ibang bansa. Mula 1993 hanggang 2002, may
naitalang1,013 kaso ng trafficking. Noong 2004, iniulat ng
grupong Kanlungan ang 32 kaso ng trafficking sa
170 kasong hinawakan nito.
KABABAIHAN SA KANAYUNAN
Isa sa apat (4) na babae na nasa edad 15 hanggang 24 anyos ay may anak na at karaniwang
naninirahan sa kanayunan. Elementarya lamang ang karaniwang naabot na edukasyon, at
galling sila sa mahihirap na pamilya. (NDHS, 2003)
KATUTUBONG KABABAIHAN
Matindi ang pangangailangang maibangon at mapaunlad ang mga komunidad na
naapektuhan ng digmaan at hayaang makilahok ang mga Moro at indigenous peoples (IPs) sa
lipunan at kaunlaran. (Situational analysis of the Philippine Population, UNFPA 2005)
Lubhang apektado ang mga Moro at lumad sa Mindanaw sa patuloy na kawalan ng lupa,
kakulangan sa serbisyong panlipunan, mababang antas ng edukasyon at kapabayaan ng
gobyerno. Lumalala ang sitwasyon ng babae, matanda man o bata, dahil sa lakas ng
impluwensya ng tradisyon o mga nakagawian na. Sa Cordillera, isa sa 5 pinakamahirap na
rehiyon sa bansa, mas nalulugmok sa kahirapan ang mga katutubo, lalo na ang katutubong
kababaihan.
Maaari ring gamitin ang Article 14 ng CEDAW sa katutubong kababaihan, kasama na ang
proteksyon ng kanilang kultura at mga minanang lupain.
Sinisiguro ng CEDAW ang lahat ng karapatan ng mga babaeng may kapansanan sa mga
serbisyong tulad ng rampa at palikuran, pareho sa lalaki.
1. Pangkalahatang Rekomendasyon No. 18 – Magbibigay ang State Parties ng
karampatang impormasyon sa kanilang ulat ukol sa kondisyon ng mga kababaihang
may kapansanan at mga karampatang hakbang para matugunan ang kanilang
pangangailangan, sakop na ang edukasyon, trabaho, serbisyong pangkalusugan, at
social security, at gayundin ang kanilang karapatang makilahok sa iba’t ibang salik
kultural at panlipunang gawain ng kanilang komunidad.
ORYENTASYON NG KASARIAN
Bawal mag-asawa o magpakasal ang mga honmosexual partners. Dahil dito, wala silang
karapatang gamitin ang mga legal at panlipunang karapatan ng mag-asawa na may
kinalaman sa pagmamay-ari, pagmamana, insurance, pagkuha ng claims sa mga organisasyon
o ahensiya, pag-aampon at iba pa.
KABABAIHAN AT DIGMAAN
Kasama sa mga pangunahing epekto ng digmaan sa kababaihan sa komunidad ay
pangekonomikong dislokasyon, kawalan ng seguridad, karahasang sekswal, pagkawasak ng
mga tradisyunal na istraktura at relasyon, at pagkabuwag ng mga organisasyong
pangkababaihan. (NCRFW 1993 Study)
Mula 1980 hanggang 1999, may 100 kaso ng karahasan laban sa kababaihan kaugnay ng
digmaan ang naitala ng Human Rights Commission sa Rehiyong 2, 6 at 9. Mula Enero
hanggang Nobyembre 2001, tinatayang 135,000 hanggang 150,000 katao – karamihan dito
ay babae – ang napilitang lumikas sa kanilang tahanan at komunidad at manirahan sa mga
evacuation center dahil sa patuloy na labanan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo.
(NCRFW)
Karaniwang kasama sa mga gawaing pangkapayapaan ang mga babaeng lumad, Moro at
Kristiyano dahil naging biktima ang kanilang mga anak sa iba’t ibang paraan sa digmaan.
1. Sinisiguro ng Article 6 ng CEDAW ang karapatan ng kababaihan na maging malaya
mula sa iba’t ibang uri ng karahasan – pisikal, sekswal, emosyonal, mental o pang-
ekonomiko man.
2. Declaration on the Protection of Women and Children in Emergencies and Armed
Conflicts
Binuo ang OP-CEDAW noong 6 Oktubre 1999 at unang ipinatupad noong 22 Disyembre 2000.
Pumirma ang Pilipinas sa OP-CEDAW noong 21 Marso 2000 at niratipika niya ito noong 12
Nobyembre 2003. Noong Setyembre 2005, 72 sa 180 State parties ng CEDAW ang pumayag
sa Optional Protocol. Bilang paglilinaw, bukas ito sa mga State Parties lamang pero
boluntaryo. Tanging ang mga mamamayan ng OP State Parties ang pwedeng gumamit nito.
http://iwraw.igc.org 17.
IWRAW-Asia Pacific
http://iwraw-ap.org
WAKASAN ANG DISKRIMINASYON LABAN SA KABABAIHAN
“Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay malinaw na paglabag sa mga prinsipyo ng
pagkakapantay-pantay at paggalang sa karapatang pantao.”
-- Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW)
BAGAMAT MAY ILANG PAG-UNLAD NA SA maraming bansa sa mga pagkilos para wakasan
ang diskriminasyon laban sa kababaihan, wala pa ring lipunan sa mundong ito kung saan
natatamasa na ng kababaihan ang maging pantay sa kalalakihan. Sa pagpasok ng ika-21 siglo,
patuloy pa rin ang pakikibaka ng kabahaihan sa iba’t ibang bahagi ng mundo laban sa iba’t
ibang uri ng diskriminasyon. Ilan lamang ito sa kasalukuyang sitwasyon sa buong mundo:
Simula pa noong itinatag ito, layunin na ng United Nations (UN) na itaguyod ang
pagkakapantay ng babae at lalaki. Sa mga nakaraang taon, nagsagawa ito ng apat (4) na
international conferences para itaguyod ang karapatan ng babae. Sa kasalukuyan, may
limang (5) grupo sa UN na nakatutok sa mga isyu ng kababaihan: ang Commission on the
Status of Women, ang Committee for the Elimination of Discrimination Against Women, ang
Division for the Advancement of Women (DAW), ang United Nations Development Fund for
Women (UNIFEM), at ang International Research and Training Institute for the Advancement
of Women (INSTRAW). Mayroon ding Inter-Agency Committee na naglalayong siguraduhin na
lahat ng programa at patakaran ng UN ay sinaalang-alang ang mga kababaihan (gender
perspective).
Binuo ng United Nations General Assembly noong 1979, ang Convention on the Elimination
of All Forms of Discrimination Against Women, ang pinakakomprehensibong kasunduan ukol
sa karapatan ng kababaihan. Tinatawag ding International Bill of Rights of Women. Ang
Convention ay nagbibigay ng mga legal na obligasyon para malutas ang diskriminasyon.
Ipinatupad ang Convention noong 3 Setyembre 1981, at noong March 2005, may 180 bansa o
State Parties na ang nagratipika nito. Ang Convention ay ang pangalawang internasyunal na
kasunduan sa karapatang pantao na may pinakamaraming nagratipika. Sinasaad ng Articles 1
hanggang 16 nito ang mga partikular na aksyon mula sa mga bansang nagratipika. Ang
Articles 17 hanggang 30 naman ay tungkol sa mga proseso sa pagpapatupad ng Convention.
Diskriminasyon (Article 1)
Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay ang anumang pag-uuri, ekslusyon o restriksyon
batay sa kasarian na naglalayon o nagreresulta sa hindi pagkilala, pagtamasa o paggamit ng
mga babae ng kanilang karapatang pantao o batayang kalayaan sa pulitikal, pangekonomiko,
panlipunan, kultural, sibil o anumang larangan, may asawa man o wala, batay sa
pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae.
Prostitusyon (Article 6)
Ipapatupad ang lahat ng hakbang, kasama na ang pagsasabatas, para mapigilan ang iba’t
ibang uri ng pang-aapi at pagbebenta ng kababaihan.
Representasyon (Article 8)
Ang lahat ng babae ay may karapatang maging kinatawan ng kanilang bansa sa internasyunal
na antas, at makilahok sa gawain ng mga organisasyong internasyunal.
Nasyunalidad (Article 9)
Ang mga babae ay may pantay na karapatan tulad ng lalaki na kumuha, baguhin o
ipagpatuloy na gamitin ang kanilang nasyunalidad at gayundin sa kanilang mga anak. Hindi
kaagad maaapektuhan ang nasyunalidad ng isang babae kung siya ay nagpakasal sa
mamamayan ng isa pang bansa.
Gagawin ng mga State Parties ang mga sumusunod na hakbang para maiwasan ang anumang
diskriminasyon laban sa kababaihan dahil sa kanyang pag-aasawa o pagdadalantao:
• Ipagbawal ang pagtatanggal sa trabaho ng isang babae dahil sa pagiging buntis o
pag-aasawa nito,o dahil sa pangangailangan niyang magpahinga dahil sa
panganganak;
• Bigyan ang babae ng “maternity leave” na may bayad at makatanggap ng social
benefits nang hindi natatanggal sa trabaho gayundinang
kanyang estado sa trabaho at iba pang benepisyo;
• Isulong ang pagkakaroon ng mga serbisyong panlipunan, partikular na ang mga
pasilidad para sa pangangalaga ng anak, para matulungan ang mga magulang na
tugunan ang kanilang responsibilidad sa pamilya habang nagtatrabaho;
• Magbigay ng espesyal na proteksyon sa mga buntis sa mga trabahong maaaring
magdulot ng panganib dito.
Regular na pag-aaralan ang mga patakaran at batas na ito, at babaguhin kung kinakailangan
lalo na kung may mga bagong siyentipiko o teknolohikal na batayan.
Itinatag noong 1982, ang Committee on the Elimination of Discrimination against Women
(CEDAW) ang nagbabantay ng implementasyon ng Convention. Ang Committee ay may 23
kasapi na inihalal ng State Parties na manungkulan sa loob ng apat (4) na taon, batay sa
kwalipikasyon na sila ay mga eksperto “na may mataas na katayuang moral at kakayanan sa
mga larangang sakop ng Convention.” Nanunungkulan sila sa indibidwal nilang kakayanan
bagamat sila ay nominado ng kanilang mga Gobyerno.
Nagpupulong ang Committee dalawang (2) beses kada taon, bawat isa ay tumatagal ng
tatlong (3) linggo para pag-aralan ang mga naging resulta sa mga bansang nagratipika ng
Convention. Sa pagsusuri, nagbibigay ng ulat ang mga Gobyerno ng mga hakbang na
nasagawa nila sa pagtupad ng mga obligasyon nila sa kasunduan. Ibinibigay ang mga ulat na
ito isang taon matapos na maging State party ang isang bansa at isang beses bawat apat (4)
na taon. Tinatalakay ng mga kasapi ng Committee at kinatawan ng Gobyerno ang nilalaman
ng ulat. Nakakatanggap din ng impormasyon ang Committee mula sa iba’t ibang non-
government organizations. Batay sa pagsusuri, pwedeng magrekomenda ang Committee ng
iba’t ibang hakbangin para sa isang bansa.
Unang ginamit ng General Assembly ang Optional Protocol noong Oktubre 1999. Sa
pamamagitan ng Protocol, ang mga indibidwal na kababaihan o grupo ng kababaihan na
nagamit na ng lahat na lokal na pamamaraan ay maaring direktang magsampa ng petisyon sa
committee tungkol sa paglabag ng kanilang Gobyerno. Pinahihintulutan din nito ang
Committee na mag-imbestiga sa mga sistematikong pang-aabuso ng karapatan ng
kababaihan sa mga State Parties sa Convention at sa Optional Protocol.
Buod: May 46 na sapilitang aborsyon ang nagaganap sa Pilipinas kada oras. Noong taong
2000, may 26.7 sa kada 1,000 babae na nasa edad 15 hanggang 44 ang minsang
nagdesisyong magpalaglag kahit pa panganib ang dala nito sa kanilang buhay. Laganap pa rin
ang sapilitang aborsyon dahil sa kakulangan sa wastong impormasyon at paraan para
makatanggap ng “contraceptives” ang mga babae. Nagpapalala din sa sitwasyon ang
mababang pagturing sa babae sa loob ng tahanan, kakulangan ng suporta mula sa lokal na
gobyerno at patuloy na hindi pagtugon sa pangangailangan nila sa “contraceptives.”
Hindi dapat ipagwalang bahala ng publiko ang ilegal, patago at delikadong aborsyon.
Pangatlo ito sa mga sanhi ng pagpapaospital ng babae sa mga ospital ng DOH mula 1994
hanggang 1998. Ayon sa Tripartite Research, 78,901 babae sa kabuuang 473,408 sa buong
bansa ang nagpaospital sanhi ng sapilitang aborsyon. Dahil ilegal at sikreto ang proseso,
kadalasang nagdurusa ang babae nang mag-isa samantalang nakatakbo na ang iba pang may
responsibilidad tulad ng ama ng bata at ang gumawa ng aborsyon.
“Isang matinding karahasan laban sa babae kung siya ay isinailalim sa delikadong aborsyon sa
kabila ng pagkakaroon ng ligtas na paraan.”
Unang Bahagi
MANILA (WFS) – Disisyete pa lamang si Brenda. Walang makakahulang naglalakad siya nang
may catheter sa katawan niya. Walang makakapagsabi kung ano talaga ang nararamdaman
niya. Palatawa at palabiro siya, tila ba walang inaalintana sa mundo. Yaon nga lang, medyo
maputla ang hitsura niya.
Tuwang-tuwa si Brenda at ang kasintahan niya nang una nilang malaman na buntis siya. “Ito
ay pasya ng Diyos!” nasabi pa niya sa kanyang sarili. Pero desidido ang kanyang nanay
gayundin ang ina ng kanyang kasintahan sa kinatatakutang “A” na salita. Para sa kanila,
napakabata pa nina Brenda para maging magulang. Hindi rin naman sagot sa sitwasyon ang
kasal.
Ganito rin ba ang pananaw ng mga padre de pamilya? Mukhang hindi, at mukhang
magkakagulo kapag nagkataon. Parehong medyo nakakaangat sa buhay ang pamilya ni
Brenda at ng kasintahan niya. Iniisip ng bawat ina ang kinabukasan ng kanilang mga batang-
batang anak. Palihim kung pag-usapan ang isyung ito. Sa katunayan, hindi alam sa
komunidad nila ang sinapit ni Brenda.
Pero hindi lahat ng kwentong “A” ay natatapos ng maayon katulad ng kay Brenda. “May
nagkwento sa akin tungkol sa isang babaeng namatay matapos na ipalaglag niya ang batang
nabuo dahil sa panggagahasa sa kanya,” sinulat minsan ni dating Health Secretary Manuel
Dayrit tungkol sa kanyang bisita sa Sultan Kudarat. (PDI, Talk of the Town, 11 Marso 2005)
Wala na ba siyang ibang pwedeng gawin? Hindi siya mabubuntis kung nabigyan lamang siya
ng emergency contraceptive sa loob ng 72 oras mula nang siya ay magahasa. Karaniwang
binibigay ang contraceptive na ito sa mga biktima ng panggagahasa, pero ipinagbawal na ito
sa bansa ng Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng Bureau of Food and Drug, kahit
na napakadaling bumili nito sa mga botika sa ibang bansa. Nagsagawa ng pampublikong
imbestigasyon ukol rito, pero wala pa ring resolusyon dito.
Taun-taon, 529,000 babae ang namamatay dala ng mga kumplikasyon sa panganganak na
kung tutuusin ay madaling sugpuin. Kakulangan sa regular na pagkukunan ng makabagong
contraceptives ang pangunahing dahilan kung bakit may 76 milyong kaso ng hindi planadong
pagbubuntis sa mga mahihirap na bansa at kung bakit may 19 milyong kaso ng mapanganib
na aborsyon sa buong mundo kada taon. (State of the World Population 2005)
May 46 na sapilitang aborsyon ang nagaganap kada oras sa Pilipinas. (1999 Country
Population Assessment UNFPA)
Ilalabas ng Alan Guttmacher Institute (AGI), Reproductive Rights Resource Group Philippines
(3RG-Phils) at ng UP Population Institute (UPPI) ang resulta ng kanilang saliksik na
pinamagatang “The Incidence of Induced Abortion in the Philippines: Current Level and
Recent Trends.”
Noong taong 2000, mayroong 26.7 kada sa 1,000 babae na may edad 15 hanggang 44 ang
nagtangkang magpalaglag kahit na mapanganib ito sa buhay nila. Mayroong 18.2 na
sapilitang aborsyon kada 100 kaso ng pagbubuntis (aborsyon at buhay na panganganak) sa
parehong taon.
Katulad na lang ng kaso ng isang babae na nasa ika-11 pagbubuntis na bagamat wala pa
siya sa edad na 40. Hindi niya matandaan kung kailan siya huling dinatnan nang
tinanong siya, dahil nga sunod-sunod ang kanyang pagbubuntis mula sa una niyang
anak.
Pero hindi ganito ang sitwasyon sa lahat ng lugar. Katulad lamang sa Aurora, Quezon,
kung saan mismongang Gobernador na si Bellaflor
Angara ang nagsponsor ng ordinansa sa “reproductive health”
dahil walang pambansang patakaran tungkol dito.
Ayon sa 2002 Quality of Care Survey, 53% lamang ng lahat ng rural health units (RHUs)
at 11.7% ng Barangay Health Services (BHS) ang may 90% “compliance rate” kaugnay sa
kagamitan, gamot, at makinaryang medikal. Inaasahang mas maraming kaso ng
kumplikasyon sa aborsyon pero karamihan sa pasilidad ay hindi pa rin handa sa
paghawak ng ganitong kaso.
5. Ang hindi natutugunang pangangailangan sa “contraceptives”
Ito ay tumutukoy sa bilang ng mga babaeng ayaw nang magdagdag ng anak o gustong
mag-agwat ng anak pero walang ginagamit na paraan sa pagpaplano ng pamilya. Ayon
sa 2002 “Family Planning Survey,” 20.5% ng mga babaeng may-asawa ay nasa ganitong
sitwasyon. Pagpapalaglag pa rin ang tanging solusyon nila dahil sa kawalan ng sapat na
paraan.
Ikalawang Bahagi
Hindi dapat ipagwalang bahala ng publiko ang ilegal, patago at delikadong aborsyon. Noong
1994, 12% ng kasong pagkamatay kaugnay sa panganganak ay dahil sa aborsyon,
samantalang noong 1994 hanggang 1998, aborsyon ang ikatlong pangunahing dahilan ng
pagkakaospital ng babae sa lahat ng ospital na pinangangasiwaan ng DOH.
Naala pa ng bagong doktor na si Dr. J ang karanasan niya noong intern pa siya. “Hindi
pumupunta ang mga babae sa ospital hangga’t walang problema. Akala nila normal lang ang
mag-“bleed.” Gumamit kasi sila ng pampareglang galing sa mga kapitbahay, albularyo o mga
tindera sa Quiapo.”
Ayon sa saliksik ng Tripartite, may 78,901 babae ang naospital dahil sa sapilitang aborsyon
mula sa 473,408 kaso sa buong bansa. Nagpapakita lamang ito na 17% ng lahat ng kaso ay
hindi naitala; maaring ginamot ng mga babae ang kanilang sarili o kaya’y pumunta sa hilot
nang wala namang komplikasyon. Ang iba naman ay walang pera para magpagamot o kaya’y
malalayo ang ospital sa kanila.
“May sistema kami kung saan sinusuri ng social workers kung kayang magbayad ng pasyente
o hindi. Minsan, kami na mismo ang nagbabayad,” sabi pa ni Dr. De Jesus.
Anim hanggang 8 kaso sa kabuuang 40 hanggang 60 admisyon araw-araw ay dahil sa
aborsyon. Sa bilang na ito, 1 hanggang 2 o 15% lamang ang sapilitan. Kasama sa gastos ang
anestisya na ginagamit din sa raspa at manual vacuum aspiration (MVA) para sa naunang
aborsyon.
Batay sa panukalang “budget” noong 2003, tinatayang 50 sentimo lamang ang bawat tao
allocation sa kalusugan samantalang halos 60% ng “budget” ng gobyerno ay napupunta sa
sweldo ng empleyado. Noong 2002, ipinag-utos ng gobyerno ang pagbabawas ng 25% sa
“budget” sa lahat ng ahensiya para magkasya ang lumalaking pagkukulang. Lalong naging
mahirap ang sitwasyon ng mga walang pondo sa labas o kaya’y hindi pwedeng maglunsad ng
mekanismo para kumita, lalo na ang pampublikong kalusugan. (Situational Analysis of the
Philippine Population, UNFPA 2005)
Nang tanungin siya kung alam niyang espontanyo o sapilitan ang isang aborsyon, sinabi ni Dr.
Lawas na karamihan sa unang klase ng aborsyon ay walang lagnat. Kung meron man, at hindi
naman ito dahil sa sipon o ubo, pinaghihinalaang sapilitan ang aborsyon.
“Kasama na rin ng namatay na babae ang lahat ng produktibong kontribusyon niya sa bahay,
sa trabaho at sa ekonomiya. Apektado ang edukasyon at kalagayan ng kanyang naiwang
anak,” sabi naman ni Dr. Shugeru Omi, director ng World Health Organization (WHO)
sa Western Pacific sa isang artikulo na pinamagatang “The
Heavy Price of Maternal, Childhood Deaths” na nilathala sa Philippine Daily
Inquirer noong 9 Abril 2005.
At dahil ilegal nga ito, karaniwang nakakatakbo ang iba pang kasangkot – ang gumawa ng
aborsyon, ang lalaking ayaw panagutan ang kanyang responsibilidad – samantalang naiwang
nagdurusa ang babae.
Ang Pilipinas ay pumirma sa Convention for the Elimination of all Forms of Discrimination
Against Women (CEDAW), ang pinakakomprehensibong kasunduan tungkol sa karapatan ng
kababaihan. Ipinatupad ang CEDAW noong 1981, na nilagdaan din ng Pilipinas sa parehong
taon.