Aralin-2 Q3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAKSA 2: GENDER ROLES SA IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIG

Paano natutunan ang Gender Role sa Pilipinas?


Ang Gender Role ay ipinapasa ng mga magulang sa mga anak natutunan
ito sa pamamagitan ng magkaibang trato ng mga magulang sa kanilang anak
na babae at lalaki. Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mag-anak
nasusubaybayan ng mga bata ang kanilang mga magulang sa kanilang mga
gawi at kilos, pagtrato sa isa’t-isa at papel sa komunidad na kanilang
kinabibilangan. Dahil dito, tinanggap ng mga bata ang mga naturang papel
para mapasaya ang kanilang mga magulang.
Tumutulong din ang gender role na malaman ng mga bata kung sino sila
at kung ano ang inaasahan sa kanila. Habang nagbabago ang mundo,
nagbabago rin ang mga papel batay sa gender role. Isang halimbawa nito ang
pagbabago ng gender roles ng mga kababaihan at kalalakihan mula noong
panahon ng Kastila, Hapones, Amerikano at hanggang sa kasalukuyan.
Basahin at suriin ang matrix sa ibaba.
Pre-Kolonyal
Ang kababaihan bagamat na maaaring maging pinuno ng pamahalaan ay
tumatamasa pa rin ng mga maliit na lebel ng karapatang pantao sapagkat ang
mga kalalakihan ay maaaring mag-asawa ng madami, at maaaring
makipaghiwalay sa mga babae at may karapatan ding kunin ang ari-arian na
una nang naibigay sa babae.
Panahon ng Kastila
Ang mga kababaihan ay dapat na maging mahusay sa gawaing bahay.
Inaasahan din sila na magkaroon ng malaking pakikipagugnayan sa relihiyon
at simbahan. Ang mga kalalakihan ang madalas na kumikita at bumubuhay
sa kanilang may bahay at pamilya. Sa panahon ng pag-aalsa ang mga
kababaihan ay naging parte rin ng pagkamit ng kalayaan laban sa mga Kastila.
Ang iba ay naging mga bayani, tulad na lamang ni Gabriela Silang.
Panahon ng Amerikano
Ang pinakamalaking pagbabago sa panahon ng Amerikano ay ang pantay na
pagtanggap ng mga paaralan sa mga kababaihan at kalalakihan. Ang mga
kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang
pamamaraan. Kasabay nito ang pagbibigay karapatan sa mga kababaihan na
bumoto.
Panahon ng Hapones
Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong ikalawang
digmaang pandaigdig. Kasalukuyan Sa kasalukuyan, lubos ang kaalaman ng
mga tao tungkol sa pagkakapantay-pantay ng karapatan sa kahit na anong
kasarian.
Gender Roles sa Ibang Bahagi ng Daigdig
Sa mga iba’t-ibang rehiyong ng mundo, ay iba iba ang gender roles ng
mga lalaki at babae. Hindi maitatatwa na mahigpit ang lipunan para sa mga
babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Matagal ang
panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong
makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang Ikalawang bahagi ng ika-20
siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae
na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit
sa kababaihan hanggang dumating ang taong 2015 nang pormal na naibigay
sa mga kababaihan ng Saudi Arabia ang karapatang bumoto ayon sa ulat ng
BBC News, Disyembre 12, 2015. Ayon din sa datos ng World Health
Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at
Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang
FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa
impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.

Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago


sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anomang benepisyong
medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid
dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon
ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo,
hirap umihi at maging kamatayan. Ang ganitong gawain ay maituturing na
paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan. Sa South Africa, may mga
kaso ng gang-rape sa mga Lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang
oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat
na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may
mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro
ng LGBT.

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea


Taong 1931 nang ang Antropologong si Margaret Mead at ang kanyang
asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New
Guinea upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa
kanilang pananatili roon nakatagpo nila ang 3 pangkulturang pangkat:
Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki
at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at
pagkakaiba nito sa bawat isa, at maging sa Estados Unidos. Nang marating
nina Mead at Fortune ang Arapesh (na nangangahulugang “tao”), walang mga
pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay
kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin,
mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala sa kanila
namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (o kilala rin sa tawag na
Biwat). Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at
naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At sa huling
pangkat, ang Tchambuli o tinatawag din na Chambri, ang mga babae at mga
lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay
inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila
rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantalang ang mga
lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at
mahilig sa mga kuwento.
Ang Gender Roles sa Iba’t ibang Institusyong Panlipunan sa Pilipinas
Ang pagkilos, mga gawain at pananalita ng bawat indibidwal ay
hinuhubog ng lipunan. Ang mga bahaging ito ay nagmumula sa ating
kinagisnang kultura hanggang sa mga taong ating nakakasalamuha(Antonio,
et.al 2017).
1. EDUKASYON
Sa ating bansa, may karapatang makapag-aral ang babae at lalaki. Sa
pag-aaral ni Eviota(1994) halos pantay ang bilang ng babae at lalaki. Sa
kolehiyo , mas marami ang babae kaysa sa lalaki (David et.al; David &Albert
2015). Malaki ang pagbabago sa dating paniniwala ng mga magulang na ang
edukasyon ay hindi kinakailangan ng kababaihan dahil sila ay mag-aasawa at
mananatili lamang sa bahay.
Ang karaniwang kurso noon para sa mga babae ay secretarial, nursing
at education. Sa paglipas ng panahon, ang pagkuha ng kurso gaya ng
abogasya, medisina at inhenyeriya ay bukas na din sa mga babae (Eviota,
1994).
Sa katanuyan, ipinamalas ng pitong kababaihan ang kanilang
kahusayan sa abogasya ng sila’y mapabilang sa sampung topnotchers ng 2019
Bar Exam batay sa resultang inilabas ng Korte Suprema nitong Abril 29, 2020.
Si Atty. Mae Diane Azores ng University of Sto. Tomas- Legaspi City ang
nanguna sa eksaminasyon.
Isang Pilipinang inhenyero naman ang pinuno ngayon ng Advanced
Engineering Development Branch ng National Aeronautics and Space
Administration (NASA)Kennedy Space Center sa Amerika. Siya ay si Josephine
Santiago-Bond, na nagtapos ng sekondarya sa Philippine Science High School
at Electronics and Communications Engineering sa Unibersidad ng Pilipinas.
Napatunayan din ang husay ng kababaihan sa pagtatapos ng klase ng
Philippine Military Academy (PMA) nitong Mayo, 2020. Nagtapos bilang
valedictorian si First Class Gemalyn Deocares Sugui ng Echague, Isabela.
2. PAMILYA
Pangunahing responsibilidad ng mga babae ang pag-aalaga ng mga anak at
pagasikaso sa mga gawaing bahay. Tumutulong din sa gawaing bahay ang ilan
sa mga lalaki subalit sila ay tinatawag na “macho-nurin o kaya naman “under
the saya” (Eviota,1994).
Itinuturing na “Padre de Familia at Haligi ng Tahanan” ang mga lalaki kaya
sa kanila nakaatang ang paghahanapbuhay at paggawa ng desisyon lalo na sa
aspetong pangkabuhayan ng pamilya (Eviota,1994).
Ayon sa artikulo ni Macairan (2012) na “House husbands' emerging in
Philippines”ng Philippine Star , sa pagdami ng babaeng Overseas Filipino
Workers (OFW) , dumarami din ang tinatawag na “house husband” o mga
lalaking naiiwan sa bahay upang mag-alaga sa mga anak at gampanan ang
mga gawaing dati’y ginagawa ng kababaihan.

3. PAMAHALAAN/GOBYERNO
Ayon sa pag-aaral ni Dr. Socorro L. Reyes (1992), karaniwang lalaki ang
namumunobilang kapitan, mayor at gobernador . Iilan lamang ang mga
babaeng nakikilahok sa larangan ng pulitika. Ang paglahok sa pulitika ng ilang
kababaihan ay bunsod ng pagiging miyembro ng middle class o kaya kabilang
sa angkan ng mga pulitiko.
4. TRABAHO/INDUSTRIYA
Dahil sa hamon at mga karanasan ng kababaihan, mahalagang aspeto ng
operasyon at solusyon sa mga problema ng kompanya ang desisyon ng mga
babaeng manedyer.(Leanin.org & Mckinsey 2016).
Subalit mas mababa pa rin ang partisipasyon ng kababaihan sa
pagmamay-ari(ownership) ng mga kompanya tulad din ng Malaysia, Indonesia,
Vietnam, at Lao PDR.
• Sa survey ng mga negosyo sa iba’t ibang bansa, ang Pilipinas ay isa may
mataas na proporsyon ng senior management team (40 % ) ng
kababaihan(Grant Thornton 2017).
Subalit, nananatiling supporting roles lamang ng senior management ang
promosyong nakukuha ng kababaihan (Hal: Human Resource Officer, Chief
financial Officer).
• Ang halimbawa ng ilang kompanya sa Pilipinas na may babaeng Chief
Executive Officer (CEO) or President ay ang SM Mart and SM Retail, Inc. ni
Teresita Sy- Coson at ang Robinsons Retail Holdings Inc., ni Robina Gokongwei
-Pe.
5. RELIHIYON
Sa mga sekta ng relihiyon, may mga bahaging ginagampanan ang parehong
kasarian. Sa Katolisismo, nananatiling kalalakihan,lamang ang pinapayagang
magpari at kababaihan naman ang nagmamadre.
Sa Iglesia ni Cristo (INC), bagaman ang kalalakihan lamang ang
pinapayagang maging ministro, ang mga babae naman ay pinapapayagang
maging diakonesa, mang-awit, kalihim, at iba pa. Sa Seventh Day Adventist,
Born-again Christian, at iba pa pang sektang Protestante, maaaring maging
taga pangaral maging ang mga babae nilang miyembro.

You might also like