AP10 WLAS Q3 Week 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

WEEKLY LEARNING ACTIVITY SHEET

ARALING PANLIPUNAN 10 QUARTER 3 WEEK 6,DAY1-3

Tugon sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

PANGALAN: ____________________________________ SEKSYON:________________

Kasanayang Pagkatuto at Koda:


Napapahalagahan ang tugon ng Pamahalaan at mamamayan ng
Pilipinas sa isyu ng karahasan at diskriminasyon (MELC, Week 5-6).

Layunin: (UnangAraw)
Nakapagpapaliwanag na ang tugon ng pamahalaan at mamamayang
Pilipinas sa mga isyu ng karahasan ay dapat sundin (Budget of Works 4).

Pangunahing konsepto:

Tugon sa Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon : (pahina 315-318)

Iginuhit ni: Nicole Gwyneth Madlangbayab Umali


Nagaganap kaya ito sa inyong bayan? Ano ang inyong patunay?

Mga ibat-ibang uri ng karahasan at diskriminasyong nararanasan sa


Bansa.

Ano ang mga tugon ng Pamahalaan ng Pilipinas sa mga isyu ng karahasan


at diskriminasyon.

Sa Pilipinas, may mga batas na nagbibigay proteksiyon sa


kababaihan ,kalalakihan at mga LGBTQIA+ ,isa na dito ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW).
Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito
bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of
Women Anti-Violence Against Women and Their Children. Ito ang
kaunaunahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, ekonomiya,panlipuanan at
pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW
noong Disyembre 18, 1979 noong UN Decade. Pumirma ang Pilipinas sa
CEDAW noong Hulyo
15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5,1981.
Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika,
umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 signatories o State parties noong Marso
2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong 3 Setyembre 1981 o 25 taon na
ang nakakaraan ngayong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam dito.

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa


kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta
sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may
mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaring bawiin.
3. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo.
4. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa
kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng
karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga
stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

KARANIWANG DISKRIMINASYON SA PILIPINAS NA NAIS SUGPUIN NG


CEDAW:

1. Trabaho -patuloy pa ring mababa ang labor force participation rate (lfpr) ng
babae kaysa lalaki nitong nakaraang 10 taon.

2. Pulitika at Panunungkulan -Wala pa sa 17 porsyento ang mga babaeng


nahalal sa matataas na posisyon noong eleksyon noong mayo 2004, ayon sa
resulta ng commission on elections (comelec).

3. Populasyon at reproductive health

4. Karahasan laban sa kababaihan at kabataan at pagbebenta

5. Kababaihan sa kanayunan -Isa sa apat (4) na babae na nasa edad 15


hanggang 24 anyos ay may anak na at karaniwang naninirahan sa
kanayunan. Elementarya lamang ang karaniwang naabot na edukasyon, at
galing sila sa mahihirap na pamilya. (NDHS, 2003).

6. Katutubong Kababaihan

Matindi ang pangangailangang maibangon at mapaunlad ang mga


komunidad na naapektuhan ng digmaan at hayaang makilahok ang mga Moro
at indigenous peoples (IPs) sa lipunan at kaunlaran.

7. Kababaihang mayroong kapansanan

8. Oryentasyon ng kasarian- Bawal mag-asawa o magpakasal ang mga


homosexual partners. Dahil dito, wala silang karapatang gamitin ang mga
legal at panlipunang karapatan ng mag-asawa na may kinalaman
pagmamay-ari, pagmamana, insurance, pagkuha ng claims sa mga
organisasyon o ahensiya, pag-aampon at iba pa.
9.Kababaihan at digmaan -Kasama sa mga pangunahing epekto ng digmaan
sa kababaihan sa komunidad ay pang-ekonomikong dislokasyon, kawalan ng
seguridad, karahasang sekswal, pagkawasak ng `mga tradisyunal na istraktura
at relasyon, at pagkabuwag ng mga organisasyong pangkababaihan.
MGA KARAPATANG GINAGARANTIYAHAN NG CEDAW
1. Karapatan sa mataas na uri ng edukasyon.
2. Karapatan sa komprehensibong serbisyong pangkalusugan, kasama na
ang pagpaplano ng pamilya.
3. Karapatang makinabang sa mga serbisyo sa pautang at iba pang uri ng
pagpapautang.
4. Karapatang makilahok sa gawaing pangkasiyahan, palakasan at kultural.
5. Karapatang mamili ng bilang at pag-aagwat ng anak.
6. Karapatan sa pantay na responsibilidad sa pagpapalaki ng anak.
7. Karapatan sa pantay na oportunidad sa trabaho, benepisyo at serbisyong
panlipunan
8. Karapatang tumanggap ng bayad ayon sa trabahong ginagampanan ng
babae.
9. Karapatang maging malaya mula sa iba’t ibang uri ng karahasan – pisikal,
sekswal, emosyonal, mental o pang-ekonomiko man.
10. Karapatang maging malaya mula sa iba’t ibang uri ng prostitusyon at
pang-aalipin.
11. Karapatang bumoto, tumakbo sa eleksyon, at mahalal sa anumang
posisyon sa Gobyerno.
12. Karapatang maging kinatawan ng bansa sa internasyunal na antas.
13. Karapatang kumuha, baguhin o panatilihin ang nasyonalidad.
Gawan1: Pagsang-ayon o Di-Pagsang-ayon Mo!
Panuto. Lagyan ng tsek ( /) kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang
pahayag at ekis (X) kung hindi.
_____1. Ipinagbabawal ng CEDAW ang lahat ng aksiyon o patakarang
umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.

_____2. HB 3773 ay nagpapanukala na dapat dalawa lamang ang anak ng


isang ideyal na laki ng pamilya.

_____3. Hinihikayat ng CEDAW ang State parties na panatilihin ang mga


stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa kababaihan.

_____4. Karapatan sa komprehensibong serbisyong pangkalusugan, kasama na


ang pagpaplano ng pamilya ay isa sa ginakarantiyahan ng CEDAW.

_____5.Nilalayon ng CEDAW na maging pantay ang karapatan ng lahat ng


kasarian.

Gawain 2 : Pangungusap Ko, Dugtungan mo!

Bilang tugon sa karahasan at diskriminasyon sa kababaihan sa bansa


ang pamahalaan ay inaasahang
____________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________________________________.

Layunin: (Ikalawang Araw)


Nakapag-uuri sa mga isyu ng karahasan at mga nakaakibat na
batas na dapat sundin (Budget of Works 5).

Pangunahing Konsepto : Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa isyu ng


karahasan at Diskriminasyon (pahina 319-323).

Gawain 3: Anticipation-Reaction Guide

Panuto: Basahin ang mga pahayag na nasa gitnang bahagi. Suriin


ang mga pahayag. Isulat ang S kung kayo ay Sumasang-ayon at DS kung
hindi. Ang gawaing ito ay dalawang beses ninyong sasagutan. Una, dito sa
simula ng Aralin at ang susunod ay pagkatapos ng aralin.

Sago t PAHAYAG Sagot


t
Bago Pagkatapo
s
Magsimula ng
Aralin
ang Aralin

-Layunin ng Magna Carta for Women na itaguyod


ang husay at galing ng bawat babae at potensiyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa
pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa
katotohanan na ang karapatang kababaihan ay
karapatang pantao.

-Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa


dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman
ang oryentasyong seksuwal at pagkakilanlang
pangkasarian ay nararapat magtamasa ng lahat ng
karapatang pantao.

-Ang tinatawag na marginalized women ay mga


babaeng nasa mapanganib na kalagayan gaya ng
pang-aabuso at karahasan samantalang ang
women in especially difficult circumstances ay mga
babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan.
-Sa Pilipinas karaniwan na ang mga lalaki ang
naghahanapbuhay at naglilingkod sa pamahalaan.

-Sa kabila ng mga batas na umiiral na


nangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan
may mga pagkakataon pa rin na nakakaranas ang
mga ito ng pang-aabuso at diskriminasyon.
Mga batas na ipinatutupad ang pamahalaan upang matugunan ang
isyu sa karahasan at diskriminasyon at bigyang proteksyon ang
kababaihan:

1. Anti-Violence Against Women And Their Children (Anti-VAWC) Act


Of 2004 o RA 9262.– Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban
sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa
mga biktima nito, at nagtatakda ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag
dito. Binibigyang proteksiyon ng batas na ito ang kababaihan at kanilang mga
anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa
kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang
relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon.
Tugon ng Pamahalaan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon
Ang “anak” naman ay tumutukoy sa anak ng babaeng inabuso, anak na wala
pang labingwalong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at anak na may
edad na labing- walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o
ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang
babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
2. Republic Act 9710 o Magna Carta for Women ay batas para sa
proteksyon sa karapatang pantao ng kababaihang Pilipino at naglalayon na
tanggalin ang lahat ng uri ng diskriminasyon, lalo na sa itinuturing na
marginalized women o babae na bahagi ng mga sektor na hindi nabibigyan ng
wastong representasyon sa lipunan. Ito’y naisabatas noong ika-14 ng Agosto
noong 2009 matapos itong pirmahan ng dating Pangulong Gloria Macapagal-
Arroyo.
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang
pangunahing tagapagpatupad (“primary duty bearer”) ng komprehensibong
batas na ito.Ginawa na tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na
proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at
ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Gawain 4 : TAPAT-TAPAT
Natutunan mo sa mga nakaraang paksa na may batas na
nagprotekta sa kababaihan at LGBT. Magsaliksik tungkol sa mga batas para
sa kalalakihan. Itala sa talahanayan ang mga batas na kukumpleto sa hanay.
Pagkatapos, humanap ka ng mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa
karapatan ng kalalakihan.

Batas para sa Batas para sa LGBT Batas para sa


kababaihan kalalakihan
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mga batas na para sa kababaihan, kalalakihan at LGBT?


2. Bakit walang partikular na batas para sa lalaki? Paano ito
nakaaapekto sa mga babae at LGBT.
3. May pantay bang karapatan ang lalaki, babae at LGBT?
4. Makakatulong ba ang mga batas na ito?

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?


Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o
hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng
Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang nabubukod na pansin ang
kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa
iba’t ibang larangan, marginalized women, at women in especially difficult
circumstances.
Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag
na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang
mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang kababaihang
manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid,
mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng
nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng
pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
“illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

Gawain 5: Mga Tanong Ko, Sagutin Mo!

Ano ang batas na


ito?

_______________

Ano ang kabutihang


naidudulot? Sino ang saklaw?
MAGNA CARTA FOR
________________ _______________
WOMEN

Sino ang
tagapagpatupad?

_______________

Nagyong tapos mo nang basahin ang teksto, subukan mo


namang sagutin ang mga tanong sa loob ng graphic organizer batay sa
naunawaan mula sa binasa.
Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang nagagawa ng Magna Carta para sa kababaihan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Layunin : (Ikatlong Araw)


-Nakapaghahanda ng isang report o video presentation/ clip tungkol
sa mga isyu nang karahasan.
Pangunahing Konsepto: Adbokasiya ng Karahasan sa mga Kababaihan
Ang karahasan sa kababaihan ay isang malaking isyu sa ating lipunan
tulad na lamang ngayon kahit moderno na ang panahon marami pa ring
kababaihan ang nakakaranas ng pananakit mula sa kanilang asawa. Ayon sa
mga balita, dumarami na rin ang biktima ng rape. Ang nakakalungkot pa nito,
kadalasan ang mga ang mga kababaihan ang sinisisi kung bakit sila
pinagbubuhatan ng kamay ng kanilang mga asawa. Minsan ang panggagahasa
sa babae pa isinisisi sa kanila dahilan daw sa mgs pinapakita nila sa mga tao.
Ang pananakit sa kababaihan ay hindi lamang kaugnay ng katawan
Nakapanliliit ng pagkatao ng babae ang pananakit.nagdudulot ito ng kahihiyan
sa babae tuwing ito ay sinasaktan.Ang babae ay dapat iginagalang, inaalagaan
at minamahal.Kahit ano pa ang kaunlaran ang ating naabot mawawalang
halaga ito kung hindi tayo marunong rumespeto sa bawat isa.
Gawain 6: Ano Kaya?
Matapos mabatid ang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng lalaki,
babae at LGBT sa daigdig at sa bansa sa pagkakataong ito, magsaliksik
tungkol sa isyu ng karahasan at ibahagi sa iba’t ibang malikhaing paraan gaya
ng sanaysay/video clips/tula o awit.

Rubrik sa pagtataya ng sanaysay/video clips/tula o awit


Pamantayan Mahusay 10 Sapat 8 Kaunti 5 Kulang 3
puntos puntos puntos puntos
1. Tiyak ang
paksa/mensahe
2. Wasto at
magkakaugnay
ang mga
pangungusap/simbolo
3. Malinaw na
naparating ang ideya.
4. Nakahihikayat sa
mga mambabasa

Sanggunian:

Deped Module
.K-12 Modyul ng Mag aaral, Araling Panlipunan 10 ( Mga Kontemporaryong
Isyu at Hamong Panlipunan) 2017 Kagawaran ng Edukasyon, Ground
Floor,Bonifacio Bldg.,Deped Complex,pp 285-309.

Published Material
. Antonio, Eleonor D. et al., Kayamanan, Mga Kontemporaryong Isyu, Manila:
Rex Bookstore.

Internet https://aralipunan.com/magna-carta-for-women/
• http://shs.upm.edu.ph/node/186
• https://www.youtube.com/watch?v=yhI9XwIkD00

Answer Key:
Gawain 1: Pagsang-ayon o Di pagsang-ayon Mo!
(Makakaiba ang mga sagot.)

Gawain 2: Pangungusap ko, Dugtungan Mo!


(Makakaiba ang mga sagot.)

Gawain 3; Anticipation-Reaction Guide


(Makakaiba ang mga sagot.)

Gawain 4: TAPAT-TAPAT
(Makakaiba ang mga sagot.)

Gawain 5: Mga Tanong Ko, Sagutin Mo!


(Makakaiba ang mga sagot.)

Gawain 6: Ano Kaya?


(Makakaiba ang mga sagot.)

Author: Angellie M. Lavilla


School/ Station: Manila De Bugabus National High School
Division: Butuan City
Email address: [email protected]

Tagasuri:

1. CLEO C. CONCHA
Teacher III- Butuan City Comprehensive High School
South I- Araling Panlipunan Teacher

2. MARILYN A. ORONGAN
MT I- Butuan City Comprehensive High School
South I- Araling Panlipunan Teacher

3. CARLOS C. CATALAN JR.,PhDM


Division Aral. Pan. Coordinator
Butuan City Division
.

You might also like