Erica Kabbaihan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Kaligiran ng Pag-aaral

Tila magkaiba na ang imahe ng mga kababaihan ngayon at mga kababaihan

noon. Sa pagdaan ng panahon ay tila naiba narin ang pananaw ng mga tao sa

kababaihan. Kung ating babalikan ang nakaraan, tila ay walang karapatan ang mga

kababaihan nuon. Tanging mga lalake lang ang nakapag-aaral. Lalake lang ang

naghahanap-buhay. Lalake lang halos ang nakikinabang sa mga luho ng lipunan.

Ayon sa isang artikulo ni Valiente (2011), wala daw boses ang mga kababaihan nuon.

Hindi daw makapagreklamo ang mga babae nuon at hindi raw nila maisapubliko ang

kanilang mga hinaing.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting tumaas ang katayuan ng mga kababaihan

sa lipunan. Nagagawa na nila ang mga gawaing panlalake at maaari na silang

magtrabaho at makapamuhay ng malaya. Dalawang-katlo ng mga manggagawa sa

mundo ay mga babae. Sila ay nagtatrabaho ng 14-17 oras araw-araw. Kalimitang ang

mga babae ang gumaganap ng dalawang tungkulin, bilang asawa’t ina sa tahanan

at tagapaghanapbuhay.

Sa Pilipinas isang programa na promoprotekta sa Kababaihan ay ang Magna

Carta of women (MCW). Ginagarantisdo ang batas para sa kababaihan lalo na sa

magsasaka at nag tatrabaho sa bulubundukin, mga nagtatrabaho sa hindi maayos na

lugar at mahihirap na naka tira sa syudad, mga Katutubong kababaihan at mga may

kapansanan, pati na rin ang mga mas lumang mga kababaihan at mga batang

babae. Sabi ni Mary Joan Guan (2008), executive director ng Kapisanan ng Pag-aaral
sa Kababaihan, na ang espiritu ng MCW ay nakasalalay sa pagpapatupad nito

pagpunta laban sa mga trend ng mga karapatan batas nakaraang sa mga

kababaihan. At din ang ibang kautusan ay ang karahasan laban sa kababaihan.Sex,

kapangyarihan, pang-aabuso. VAW ay naka-link sa mga hindi pantay na

kapangyarihan relasyon sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan, na nagreresulta

mula misinformed tanawin ng lipunan sa kasarian at sekswalidad, ayon sa Philippine

Commission on Women (PCW) VAWC ay hindi lamang isang krimen, ngunit din ng isang

malubhang paglabag sa mga karapatang pantao.

Habang sa Davao city, isang partido na nagbukas ng isip para sa mga

kababaihan karapatan ay Gabriela. Dapat i-maximize ang mga tagapagtaguyod ng

mga karapatan ng babae ang halalan village konseho upang labanan ang katiwalian

sa mga opisyal ng antas ng komunidad at presyon upang ipatupad ang Anti- VAWC

istruktura at iba pang mga programa- gender- related (Emmi De Jesus ng Gabriela

Women Party Rep.)

Layunin ng pag-aaral

Ang pananalisik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng

kasagutan ang mga sumusunod:

a) Matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa hustisya.

b) Matukoy ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa

karapatan ng mga kababaihan.


IPO

Antas ng kaalaman sa -Statistics Panukalang programa


hustisya at karapatan ukol sa kaalaman sa
-Survey questionnaire
ng mga kababaihan hustisya at karapatan
ng kababaihan

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga

nabangit na mga tao:

Sa mga mag-aaral na may kaalaman sa mga karapatang

pangkababaihan. Upang madagdagan ang mga kaalaman ng mga mag-

aaral sa mga karapatan at kahalagahan ng hustisya ng kababaihan sa Pilipinas.

Sa mga mag-aaral na wala pang kaalaman sa mga karapatang

pangkababaihan. Malaman nila ang mga karapatan ng kababaihan ay

importante sa makabagong panahon ngayon at may marami itong

magagandang naidudulot sa kahit anong aspeto at pamamaraan.

Sa mga taong wala pang ideya sa paksang ito. Mahalaga na habang

maaga pa ay maipahayag agad sa kanila ang mga magandang naidudulot

ng mga batas ito na nagpoprotekta sa mga kababaihan.


Sa mga taong nang-aabuso at nagdi-diskrimina ng mga kababaihan.

Malaman na ang kanilang ginagawa ay may mga naidudulot na masama sa

kababaihan at meron itong katumbas na parusa kapag may nilabag na batas

na nagpoprotekta sa mga kababaihan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa paglalahad ng pananaw at ang mga

kaalaman ng bawat mag-aaral na nagpapatungkol sa karapatan ng mga

kababaihan. Ang mananaliksik ay nagbigay ng Animnapong (60) talatanungan sa

mga senior high school sa dalubhasaan ng gitnang Mindanao na nagmula sa iba’t-

ibang strand. Ang pag-aaral na ito ay para lamang sa isang semestre.

Depinisyon ng mga Termino

Ang bawat termino na nababangit ay nakapaloob sa aming sulating

pananaliksik. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upang

maunawaan nila ang tungkol dito, mas lumawak pa ang kanilang talasaitaan at

upang maging mas pamilyar pa sila rito. Nangaling ang mga salitang ito sa mga

diksyonaryo, internet, atbp.

Pananaw- ay nangangahulugan sa kakayahan ng mag-aaral na

makapaunawa at makapaliwanag ng kabatiran sa mga karapatan at batas ng

mga kababaihan sa makabagong panahon.


Kaalaman- ay tumutukoy sa impormasyon nakuha ng isang mag-aaral sa

pamamagitan ng karanasan o pag-aaral; ang pagkakaintindi ng mag-aaral sa

paksang kahalagahan ng hustisya at karapatan ng kababaihan.

Mag-aaral- ay ang mga mag-aaral sa Unibersidad ng Mindanao,

Lungsod ng Dabaw na nakatala sa taong panuruan unang termesyal Ikalawang

semestral taong 2015-2016.

Kahalagahan- ay nangangahulugan sa importansya ng hustisya at

karapatan ng mga kababaihan sa bansa para sa mga mag-aaral.

Hustisya- ay tumutukoy sa pagiging wasto o kawastuhan at

pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan sa batas at sa harap ng lipunan.

Karapatan- sa paksang ito ay nangangahulugang payak na mga

karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao

lalong lalo na sa mga kababaihan.

Kababaihan- ay ang pangkat o grupo ng mga babae ito man ay may

asawa o wala na naninirahan sa buong mundo.

VAWC-
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa kaugnay na pag-aaral at mga

babasahin na may kaugnay sa paksa ng pananaliksik na ito. At inilahad din sa pag-

aaral na ito ang Teoryang Sosyolohikal. Ang teoryang ito ay nagpapakita ng

kalagayan at suliranin ng lipunang kinabibilangan ng may akda.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga sarisaring panawagan para sa kalayaan ng mga kababaihan at

pantay na karapatan sa mga lalaki ay narinig na mula sa iba’t ibang panig ng Mundo,

at maraming panawagan ang naimbento para sa mga pagmamartsa. Sa ibang mga

lipunan ang mga babae ay nabuhay sa pagmamaltrato, pagmamalupit at walang

katarungan at ipinagkait ang kaukulang karapatan bilang tao. Mayroon namang mga

Muslim na pinasinungalingan ang ganitong kalakaran dahil sila ay lumabas sa turo at

alituntunin ng Islamikong Prinsipyo. Sa kabilang banda, ang batas ng Islam ay

sinusugan ang karapatan ng mga babae sa paraang magaang maunawaan at

bilang pantay na pamamalakad at ubligasyon. Ang pagsusuri ng maigi sa mga

panawagang ipinalaganap ng mga kilusang pagpapalaya ng mga kabababihan ay

ipinakita na ang mga ito ay umiikot sa tatlong elemento: ‘Pagpapalaya sa mga

Kababaihan; ‘Pantay na Karapatan sa mga Kalalakihan’ at ang ‘Karapatan ng mga

Babae’. (Fuentes, 2010)


Base sa isang pag-aaral tungkol sa Gabriela Youth bilang tanging militanteng

organisasyon ng kabataang kababaihan sa loob ng UP Diliman at UP Manila. Likas sa

mga Unibersidad at kolehiyo ang pagkakaroon ng iba’t ibang organisasyon sa loob

nito. Ang mga organisasyon ay naglalayon na pagbuklurin ang mga mag-aaral sa

iba’t ibang aspeto. Maaaring ito ay base sa kanilang mga hilig gawin (hobbies and

interests-based organizations), base sa kagustuhan na makatulong sa kapwa

(volunteer organizations), base sa kursong pinag-aaralan (academic organizations), at

base sa politikal na prinsipyong nais nilang panghawakan (political organizations).

Matatagpuan din sa mga unibersidad at kolehiyo ang mga organisasyon na

pangkababaihan (sororities) at pangkalalakihan (fraternities) na mas kilala bilang mga

kapatiran. Hindi rin nawawala sa mga unibersidad ang mga pangmasang

organisasyon (mass organizatioin) na nagsusulong ng pagbabagong panlipunan sa

pamamagitan ng mga militante o sama-samang pagkilos.

Tatalakayin sa pag-aaral na ito ang GABRIELA Youth – isa sa mga pangmasang

organisasyon na matatagpuan sa loob ng mga unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas.

Kinikilala ang GABRIELA Youth bilang tanging militanteng organisasyon ng kabataang

kababaihan sa loob at labas ng paaralan. Sa kabuuan, ninanais ng pag-aaral na ito

na makamit ang mga sumusunod: (1) magkaroon ng mas malalim na pagkilala sa

GABRIELA Youth, (2) mapag-aralan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng militanteng

organisasyon ng kabataang kababaihan, at (3) malaman ang papel ng GABRIELA

Youth sa pag-oorganisa ng kababaihan tungo sa pagbabagong panlipunan.

Hindi nawawala ang GAB Youth sa pinakamalawak na mobilisasyon ng

kababaihan tuwing Marso 8. Ang pagdiriwang ng Pandaigdigan Araw ng Kababaihan


ay nilalahukan hindi lang ng hanay ng kababaihan kundi maging ng iba’t ibang sektor

ng lipunan – magsasaka, mangagawa, at kabataan. Naglulunsad ng 16 mobilisasyon

sa lahat ng lugar ng bansa na may balangay ng GABRIELA National at kasabay nito ay

sumusuporta ang GAB Youth sa loob ng mga pamantasan.

Ipinakilala sa pag-aaral na ito ang GABRIELA Youth bilang tanging militanteng

organisasyon ng kabataang kababaihan sa loob ng UP Diliman at UP Manila – mula

dito ay ginamit ang feminist alternative model bilang gabay upang matukoy ang mga

katangian ng GAB Youth bilang organisasyon. Masasabi na ang pamumuno sa loob ng

GAB Youth sa UP Diliman at UP Manila ay gumagamit ng feminist alternative model

dahil sa lahat ng miyembro ay binibigyan ng pagkakataon na mahubog bilang

mahuhusay na lider at hindi lang iisa ang kanilang kinikilala na pinuno (Gregorio, 2013).

Tayong lahat ay isinilang nang may pantay-pantay na karapatan. Ang

karapatang ito ayang kalayaan na iginagawad sa mga kababaihan sa kahit anong

edad. Noon ang mga babae ay nananatili lamang sa bahay at hindi pinag-aaral dahil

naniniwalasilang ang babae ay para lamang sa bahay at ang mga lalaki ang

bubuhay sa kanilang pamilya. Noon din ay hindi sila maaaring bumoto at tumakbo sa

kahit anong posisyon sa pamahalaan. Ngayon, sa paglipas ng panahon ay marami na

rin ang nagbago. Nagkaroon na rin ngkarapatan ang mga kababaihan. Ngunit

ngayon ang mga karapatang ito ay inaabuso (Pangilinan, 2009).

Kaugnay na Literatura

Sa pahayag ng UN Human Rights Council noong 2004,1 sa 5 babae karanasan

pang-aabuso. Ang MCW o Magna Carta for Women ay pantaong batas sa karapatan
ng isang komprehensibong kababaihan na naghahanap ng karapatan upang maalis

ang diskriminasyon sa pamamagitan ng pagkilala, proteksyon, katuparan at ang

pagtataguyod sa karapatan ng mga kababaihang Pilipino, lalo na ang mga kabilang

sa mahihirap na sektor ng lipunan.

Ang Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources

Development na pinamumunuan ni Senate President Jinggoy Ejercito Estrada ay

nagsagawa ng pagdinig hinggil sa mga karapatan ng kababaihan sa trabaho.

Tinalakay nila ang usapin ng security of tenure, night shift prohibition at laluna ang iba’t

ibang porma ng diskriminasyon laban sa kababaihan sa lugar-paggawa.

Ayon kay Estrada (2011), na chairman din ng Congressional Oversight

Committee on Labor and Employment (COCLE), ang patas na oportunidad sa

kabuhayan at trabaho para sa mga babae at lalaki ay ginagarantiya ng ating

Konstitusyon. Bilang pagpapatibay pa rito ay niratipikahan ng Kongreso ang United

Nations Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

(CEDAW) at isinabatas din noong 2009 ang Magna Carta for Women. Kinakaila-ngang

palakasin ang mga batas na tuluyang magwawakas sa diskriminasyon laban sa mga

kababaihan sa trabaho.

Pero sa kabila nito ay nagpapatuloy ang mga insidente ng diskriminasyon laban

sa mga kababaihan sa mga patrabaho, tulad ng mga sumusunod: 1.) Pag-iral ng “last-

to-hire, first-to-fire practice” ng ilang kumpanya kung saan ay kadalasang huling

opsyon lang ang pag-hire sa mga kababaihan sa trabaho, at ito ay lalong pinalalala

sa pamamagitan ng mga “job opportunity advertisement” kung saan ay prayoridad


na tinatanggap sa trabaho ang mga kalalakihan; 2.) Kadalasang ang mga

kababaihan ang unang tinatanggal sa trabaho kapag nagkakaproblema ang

kumpanya, at pati nga sa haba ng employment tenure ay mas maaga ang

mandatory retirement age sa kanila kumpara sa mga kalalakihan; 3.) “Low-skilled jobs”

lang din ang karaniwang inilalaan sa mga kababaihan at maliit lang ang nakalaang

tsansa sa kanila sa trainings at promosyon sa mas mataas na posisyon; 4.) Madalas din

ay mas mababa ang ibinibigay na suweldo at benepisyo sa mga kababaihan

kumpara sa mga kalalakihan kahit sa mga pagkakataong pareho lang naman ang

kanilang designasyon at trabaho, at ito ay umiiral mula sa mga kategoryang “unskilled

job” hanggang “managerial at supervisor levels.”

Ang pahayag ni Stephen de Tarczynski (2008), na kahit na ang nakakabisa sa

Agosto ng Magna Carta of Women (MCW) - isang pangunahing batas pagpuntirya

upang wakasan ang diskriminasyon laban sa mga kababaihan sa buong.Angespiritu

ng MCW nakasalalay sa pagpapatupad nito pagpunta laban sa mga trend ng mga

karapatan batas nakaraan ng kababaihan.

Ang Pilipinas ay ang unang Kapisanan ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya

(ASEAN) upang pagtibayin ang CEDAW, at ito ay pinagtibay din ang Opsyonal

Protokol kombensiyon kung saan ay dumating sa puwersa noong Disyembre

2000(Taburaza,2008).

Sa Davao City, isang party ang nagbukas ng isip para sa mga kababaihan

tungkol sa karapatan nila at ito ay ang Gabriela. Dapat palaganapin pa ang mga

tagapagtaguyod ng mga karapatan ng babae sa konseho upang labanan ang


katiwalian sa mga opisyal ng antas ng komunidad at presyon upang ipatupad ang

Anti- VAWC istruktura at iba pang mga programa- gender- related (Emmi De Jesus,

2010)

Kinilala ng isang Propesor mula sa UP Diliman tungkol sa kahalagahan ng mga

kababaihan sa Pilipinas, hindi lamang sa pang-araw-araw na gawain, kundi pati sa

pagtataguyod ng kapayapaan.Sa isang workshop na may titulong Writing Women’s

Peace Stories, sinabi ni Professor Miriam Coronel-Ferrer, ang Chairperson Ng

Government Peace Panel for Peace talks with the Moro Islamic Liberation Front (MILF)

na kapansin-pansin na ngayon ang papel ng mga Pilipina sa ekonomiya at lipunan.

May gampanin din aniya ang mga kababaihan sa pulitika ng bansa pero bakit tila

naiiwan ang mga ito, partikular sa usaping pangkapayapaan (Francisco, 2015).

Samantala, ibinahagi rin ni Ferrer (2015) na ang aniya’y ilan sa magaganda at

mahirap na pinagdaraanan ng isang babae ay bahagi ng kanyang buhay para sa

isang negosasyon sa usaping pangkapayapaan.

Ayon sa isang pahayag ni Pascual (2015), na sa kabilang usapin na

nagpapatungkol sa kaharasan na nakinakaharap ng mga kababaihan mula noot at

magpahanggang ngayon. Ang pangaabuso sa mga batang babae at nasasali sa

mga masasamang gawain tulad nalamang ng “Human Trafficking” ang may

pinakamaraming natalang kaso sa loob ng 3 taon. Ang mga isyung ito ay hindi man

masyado nabibigyan ng pansin sa mga balita sa telebisyon, nababasa sa dyaryo o

naririnig sa mga radyo, hindi ito nangangahulugan na walang nararanasang problema

ang mga kababaihan sa Pilipinas. Ayon din kasi sa report ng PSA, isa sa bawat limang

babaeng Pilipino may edad 15-49 ang nagsabing nakaranas sila ng pisikal na pang-
aabuso mula nang sila ay limang taong gulang pa lamang. Ito ay resulta ng 2013

National Demographic and Health Survey ng pamahalaan. Samakatuwid, bagaman

at nangunguna ang Pilipinas sa pagkilala sa pantay na karapatan ng mga

kababaihan at kalalakihan, isa pa ring hamon ang patuloy na edukasyon ng bawat

Pilipino ukol sa tunay na pagsasakapangyarihan sa mga kababaihan.

Ayon sa isang sarbay na naiulat sa taong 2009, may 9,485 kaso ng karahasan sa

kababaihan ang naitala ng Philippine National Police- Women and Children Protection

Center (PNP-WCPC). Ito ay mataas ng 21% kumpara taong 2008. Ayon sa Center for

Womens Resources(CWR), may isang babaeng nagagahasa sa kada walong oras.

Hanggang ngayon, ang isyu ng karahasan laban sa kababaihan ay isa pa ring

problema na dapat harapin ng ating bayan.Ayon sa Philippine Commission on

Women, nuong 2009, ang bilang ng mga kaso ng violence against womeno VAW na

naireport sa mga pulis ay tumaas ng 37.4 percent mul sa lebel nito nuong 2008. Physical

injuries and/or wife battering pa rin ang pinakamaraming kaso ng VAW mula 1997

hanggang 2009.

At hindi pa man natatapos ang mga karaniwang isyu ng VAW, unti unti namang

lumalaganap ang isang malaking problema sa internet sa ating bansa. Dahil sa dali ng

pagkuha ng inpormasyon sa internet at dahil na rin sa impersonal nature nito, marami

na ang naging biktima ng cyberspace prostitution.Marami na po ang mga

cyberprostitution dens na na-raid ang NBI sa ating bansa. Nakakagulat ngana pati

mga bata ay naging cyberprostitutes na rin, at maari rin na bata ang mga nag-a-

acess ng mga websites ng mga grupong ito.


Kahit gaano karami ang ma-raid na mga cyberprostitution houses, tuloy tuloy pa

rin ang operasyon ng marami pang ibang grupo. Unang-una, computer lamang ang

kailangan, webcam, headset at internet connection, makaka-pag online na agad ang

mga cyber prostitution houses. Pangalawa, walang ipin ang batas ukol sa isyung ito.

Marami pa ang ating kailangang gawin upang tunay na masawata ang karahasan sa

kababaihan sa ating bayan. Pabata na po ng pabata ang mga nabibiktima ng VAW,

at moderno na rin ang paraan ng pambibiktima nito. Ang nakakalungkot nito,

nahihirapan ang ating pamahalaan na bantayan ang paglipana ng cyberprostitution,

na naging backyard business na sa ilang mga lugar sa Pilipinas.

Ayon sa isang pahayag ni Sinon (2014), paparami ang bilang ng kababaihan at

kabataan na nagiging biktima ng prostitusyon at karahasan. Bunga ito ng kainutilan ng

rehimeng Aquino na tugunan ang prinsipal na pangangailangan ng mga biktima ng

Yolanda para sa kabuhayan. Marami sa mga ina at kabataang kababaihan ang

napipilitang lisanin ang kani-kanilang prubinsya dahil sa matinding kahirapan.

Hanggang ngayon ay laganap pa rin ang kagutuman at kawalan ng tirahan at

kabuhayan sa Eastern Visayas. Sa desperadong kalagayang ito, higit na nagiging

bulnerable ang mamamayan na mabiktima ng mga iligal na rekruter para lamang

magkaroon ng mapagkakakitaan at mabigyan ng pantawid-gutom ang kanilang mga

pamilya.Hindi na bago ang mga nabibiktima ng sex trafficking at karahasan laluna

mula sa mga pinakahirap na mga prubinsya, tulad ng Samar. Subalit higit pang lumala

ito matapos ang pananalasa ng superbagyong Yolanda at sa lansakang kapabayaan

ng pamahalaan. Dagdag na nakakaalarma ang ulat na karamihan sa mga biktima ay

mga bata. Sa 170 kaso ng sex trafficking, 125 sa mga biktima ay edad 17 anyos
pababa at 45 ang kababaihan, ayon sa pananaliksik ng Center for Women’s

Resources (CWR). Karamihan din sa mga kasong ito ay mula sa mga lugar na

nasalanta ng bagyong Yolanda.

Mabagal at magastos din ang sistema ng reaksyunaryong hustisya sa Pilipinas.

Higit sa lahat, ang estado na inaasahang magtatanggol sa karapatan ng kababaihan

at mga bata ang siya mismong dumadahas sa kanila. Sa ilalim ng rehimeng US-Aquino,

sa 169 biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang, 18 ay babae. At sa 449 detenidong

pulitikal, 34 ang babae. Hindi maiiwasan na masisi sa kasalukuyang umuupo sa

gobyerno ang mga tumataas na kaso ng mga krimen na nagpapatungkol sa

karahasan ng mga kababaihan sapagkat sila ang may otoridad na sugpuin ang mga

ito.

Ang Freedom from Debt Coalition kaisa ng World March of Women-Philippines

sa paggunita ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan (March 8, 2015), ay

nagluluksa sa lumalawak na karahasan sa kababaihan. Ang araw na ito, na sana’y

nagsisilbing selebrasyon ng kagalingan at dignidad ng kababaihan, ngayon ay

nagsisilbing paalala kay Juana na Kumilos para sa Bagong Ekonomiya, Bagong Politika,

Bagong Sistema. Huwag payagan ang sunod sunod na palpak na gawain ng

Gobyernong Aquino, sa ekonomiya, polisiya at pamamahala, dahil sa kanyang

baluktot na sistemang NEO-LIBERALISMO. Ang patuloy nitong polisiya sa giyera sa

Mindanao, kung saan ang mga pagsasanay ng US military ay walang patid, ang

pagdagsa ng US troopsna nagta-tago sa ilalim ng huwad na polisiya ng kapayapaan

at ang pagturing na ordinaryong krimen ang naganap na pagpatay kay Jennifer


Laude ng akusadong sundalong Amerikano, ay dahilan ng pag-luluksa para sa mga

Pilipina.

Ayon sa pahayag ni Suing (2009), marami nang mga karapatan na natatamasa

ang mga kababaihan ngayon hindi tulad noon. Ilan sa mga karapatang ito ay ang

bawat tao'y karapat-dapat sa lahat ng karapatan at kalayaang nakalahad sa

pahayag na ito, nang walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay,

kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o

lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan.

Bukod dito, walang pagtatanging gagawin batay sa katayuang pampulitika,

hurisdiksiyunal o pandaigdig na kalagayan ng bansa o teritoryong kinabibilangan ng

isang tao, maging ito ay nagsasarili, itinitiwala, di-nakapamamahala sa sarili o nasa

ilalim ng ano mang katakdaan ng soberanya.

Ang bawat tao'y may karapatan sa edukasyon. Ang edukasyon ay walang

bayad, doon man lamang sa elementarya at pangunahing antas. Ang edukasyong

elementarya ay magiging sapilitan. Ang edukasyong teknikal at propesyonal ay

gagawing maabot ng lahat at ang lalong mataas na edukasyon ay ipagkakaloob

nang pantay-pantay sa lahat batay sa pagiging karapat-dapat.Ang bawat tao, bilang

kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagang panlipunan at nararapat na

makinabang sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap at pakikipagtulungang

pandaigdig at alinsunod sa pagkakabuo at mga mapagkukunan ng bawat Estado, sa

mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkalinangan na lubhang

kailangan para sa kanyang karangalan at sa malayang pagpapaunlad ng kanyang

pagkatao. Marami pa ang mga karapatan at mga batas na nakalaan para sa mga
mamayang Pilipino at lalong lalo na ang mga kababaihan at hindi natin dapat ito

babaliwalain sapagkat ang mga taong lumabag sa mga batas na nakasaad ay may

kaparusahan.
Kabanata III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga kalahok sa pananaliksik, mga

instrumentong ginamit at pamamaraan sa pangangalap ng datos.

Disenyo at Paraan ng Pag-aaral

Ang disenyo ng pag-aaral o pananaliksik ay deskriptib surbey. Dahil naaangkop

ito sa mga estudyanteng dahil maraming nakakalap na mga impormasyon ang

ganitong uri ng disenyo sa mga respondente. Tinangkang suriin ng pag-aaral na ito

ang kasalukuyang kaalaman, kaisipan at pananaw ng mga estudyante patungkol sa

kahalagahan ng hustisya at karapatan ng kababaihan. Nais rin ng pananaliksik na

masuportahan ang mga naunang pahayag ng mga nag-aaral tungkol sa mga

pananaw ng nasabing usapin.

Respondente ng Pag-aaral

Ang mga kalahok sa pananaliksik ay ang mga senior high school na nag-aaral

sa Dalubhasaan Ng Gitnang Mindanao. Sa pamamagitan ng slovin’s formula nakuha

ang labinlimang (15) respondente sa bawat strand. Ang mga respondente ay sasagot

sa bawat talatanungan na aming ipapamahagi. Limitado sa Animnapung (60) mag-

aaral ang maaaring sumagot sa aming talatanungan.


Instrumento ng Pag-aaral

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay kwestyoner o talatanungan.

Ang talatanungan ay binubuo ng labindalawa (12) na katanungan at pinasagutan sa

mga respondente. Sinasagot ng mga kalahok ang bawat tanong sa pamamagitan ng

paglalagay ng bilog sa kanilang kasagutan.

Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit ay siyang naging daan naming para

makakuha ng mga datos na susuporta sa aming pag-aaral. Para sa lalong

pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananaliksik na mangalap ng

impormasyon sa iba’t ibang hanguan gaya ng libro, journal, pahayag at iba pa mga

sanggunian.

Paraan ng Pagkalap ng Datos

Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisimula sa paggawang

talatanungan at sinundan ng pag-e-edit sa instrumento para maiwasto ang kaayusan

ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa mga

talatanungan na gustong mabigyan ng kasagutan ng mga mananaliksik.

Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal

napinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan

sabawat kalahok at ibinigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha

angnararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumento at inihambing ang mga sagot

ng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan.


Istatistikal na Tritment

Ang Istatistikal ang tritment ay ang tritment na ginamit sa pag-aaral na ito. Ang

pagkuha ng porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito.

Bilang ng Sumagot

_________________________ X 100

Bilang ng Respondente
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Ang Kababaihan sa Mukha ng Mamamayang Pilipino; Violence Against Women and


Children. De Jesus, Emmi (2010). Gabriela Women Party Representative. Buhangin,
Lungsod ng Dabaw

Ang Modernong Babae, Karapatan at Dapat Natatamasa ng Kababaihan sa Karahasan.


Fuentes, Larra R. (2010). Quezon City: Alermars-Pheonix Publishing House Inc.

Bonabente, Cyril L. (2010) Inquirer Researcher. Kasaysayan: The Story of the Filipino People,
Kelan unang nakaboto ang babae sa
Pilipinas?http://www.libre.com.ph/features/featured-articles/3405-kelan-unang-
nakaboto-ang-babae-sa-pilipinas

Corazon L.A. (2015). Ang Kapalpakan ng Gobyernon ay Karahasan sa Kababaihan.


http://www.fdc.ph/press-statements/women-and-gender/660-ang-kapalpakan-ng-
gobyernon-ay-karahasan-sa-kababaihan

Estrada, Jinggoy (2011). Chairman ng Congressional Oversight Committee on Labor and


Employment. Mga karapatan ng kababaihan sa trabaho. Philstar Newspaper. Manila,
Philippines.

Evale, Leanne (2009). Hubpage: Women in Today’s Society.


http://leanneevalee.hubpages.com/hub/Women-In-Todays-Society

Ferrer, J. C. (2015). Kapangyarihan ng Kababaihan Sa Pilipinas.


http://veritas846.ph/kapangyarihan-ng-kababaihan/

Francisco, Melissa A.(2015). Writing Women’s Peace Stories: Gampanin ng mga kababaihan.
http://storyangpilipino.com.ph/august/article/96663

Isang Pag-aaral Tungkol sa GABRIELA Youth Bilang Tanging Militanteng Organisasyon ng


Kabataang Kababaihan sa Loob ng UP Diliman at UP Manila. Gregorio, Veronica L.
(2013). Quezon City, Diliman.
Magna Carta of Women (MCW): Isang Batas Pagpuksa sa Diskriminasyon Laban sa
Kababaihan. de Tarczynsk, Stephen (2008). Cebu City, Philippines

Guan, Mary Joan L. (2008). Executive Director ng Kapisanan ng Pag-aaral sa Kababaihan.


Women’s Modern Law. http://womensmodernlaw.com/9773

Pantay-pantay na Karapatan sa mga Pilipino atKaalaman ng Kabanata sa Batas


Pangkababaihan. Pangilinan, Jeffrey (2009).Manila, Pasay City.

Philstar Newspaper: Human Trafficking: Mabilis na paglobo ng mga kasong karahasan sa


kababaihan. Pascul, Erica L. (2015). Manila, Philippines.

Publikasyon: Ang Kinakaharap ng Ating Bayan. Lumalalang prostitusyon at Karahasan sa


kababaihan. Sinon Jose Ma. (2014). Mandaue City, Cebu.

Schoenhauer, Stepeh (2010) Aleman Philosopher. The Women’s Life in Todays Generation by
Schopenhauer of Aleman.
http://louhgken.edu.cu/read/07692/The_Women’s_life_Read

Suing, Claire C. (2009). Pandaigdig Na Pagpapahayag Ng Mga Karapatan Ng Tao Sa Ating


Bansang Pilipinas: Isang Artikulo Para sa mga Kababaihan.
http://tl.letrangpinas.com/Q/Ano_ang_mga_karapatan_ng_mga_kababaihan_sa_mak
abagong_pilipinas

Tabuaza, Lilia M. (2008). Ang mga Karapatan at Ang Kasaysayan nito. Chapter 2 – CEDAW sa
Pilipinas. http://publishebook.com/Philippines/Ang-Kasaysayan.pdf

Valiene, John Hanz R. (2011). Ang Boses ng Kababaihan Mula Noon Hanggang Ngayon.
http://maralitangpinoy.com.ph/1443/Boses_Ng_Kababaihan

You might also like