PLF Notes

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

PAGSULAT SA PILING LARANGAN SA

FILIPINO

ARALIN 1

PAGSULAT
• Maipahayag ang mga ideya at kaisipan
• Maipahayag ang nararamdaman hinggil sa isang paksa o isyu(pananaw o opinyon)
• Libangin ang sarili at ang kapwa
• Pag sasatitik ng mga salita para po maipahayag yung mga nararamdaman o ideya tungkol sa isang
bagay.
KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
-nakakadaragdag ng kaalaman
-nakakatulong na ilabas ang nararamdaman na hindi kayang ibahagi sa mga tao
LAYUNIN
-makapag libang
-Magbigay impormasyon
- Makapang hikayat

-Ayon nga kay Mabilin (2012), ang akademikong pagsulat ay uri ng pagsulat na higit na
mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat. Ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng
intelektwal na pagsulat dahil lubos na pinatataas nito ang kaalaman ng mga mag-aaral sa iba’t
ibang larangan. Samakatuwid, nangangailangan nang higit na mataas na antas ng kasanayan
at pag-iisip ang ganitong uri ng pagsulat kaya lubos na malilinang ang iyong kakayahan sa
kritikal na pag-iisip, pangangalap ng impormasyon, pag-organisa ng mga ideya at kakayahang
magsuri ng iba’t ibang akademikong sulatin.

-Ang akademikong pagsulat ay pinaka mahalaga kaysa sa lahat ng uri ng pagsulat dahil
pinapataas po nito yung kaalaman ng mga mag-aaral sa ibat-ibang larangan tulad po ng
nalilinang po nito yung kakayahan sa pag-iisip at pag- oorganisa ng mga ideya kaya itinuturi
po itong pinakamataas na antas ng intelektwal na pagsulat.

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT AYON SA MGA SUMUSUNOD:

Arapoff (1975) ang pagsulat ay proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng


mahusay na pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan (dinidebelop nito sa isang tao ang
kanyang kakayahang isaayos ang mga ideya upang piliin ang mahalaga at kapakipakinabang
sa kanyang layunin)
-Ang pagsulat daw po dito raw po ibinabahagi ang mga karanasan pero ang mga mahahalaga
at kapakipakinabang lamang na mga ideya.

Smith (1976) naniniwalang ang pagsulat ay isang tao-sa-taong komunikasyon. Hindi lamang
pagsasabi ng isang bagay kundi ang pagpapahayag nito sa isang partikular na sitwasyon ng
isang tao. Kinakailangan na ang mga salita ay pinipili at isinasaayos ang istruktura ng mensahe
upang maging malinaw

Keller (1985) (sa bernales, et al. 2006) ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan
at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito

Xing at Jin (1989), (SA BERNALES, ET AL. 2006) Ang pagsulat ay komprehensibong
kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbubuo ng kaisipang retorika
(masining na pagpapahayag) at iba pa.
-kinokonsider po dito ang paggamit ng wika, tamang gramatika, o paggamit ng
tamang bantas o hinihimay-himay po ng nagsusulat ang kaniyang akademikong
sulatin.

Badayos (2000) ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap
para sa nakararami, maging sa unang wika man o pangalawa
-para po kay badayos ang pagsulat ay hindi po para sa lahat

Peck at Buckingham (Sa bernales, et al. 2006) isang ekstenyon ng wika at karanasang
natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa
-nakikita

Montealegre, B.I (2020) Isang uri ng diskurso na ginagamitan ng sosyo kognitibong pananaw
at metakognisyon na pag-iisip
Metakognisyon- kakayahan ng ating isipan na kumuha ng kaalaman at maunawaan yung mga
impormasyon sa pamamagitan ng pagsisiyasat, paglalagay ng sarili sa binabasa, at
paguugnay ng mga karanasan

SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW
- ISANG PARAAN NG PAGTINGIN SA PROSESO NG PAGSULAT

Maituturing itong isang paglalakbay-isip nang hindi alam ang destinasyon sapagkat madalas na
ang ating pag-iisip ay hindi pa tiyak at patuloy na gumagalugad sa iba’t ibang paraan kung
paano isusulat ang paksa

Sang-ayon naman si Royo (2001) ang pagsulat ay paghubog ng damdamin at isipan ng


tao. Naipaparating niya ang kanyang mga mithiin, pangarap, damdamin,bungang-isip at
mga agam-agam. Sa madaling salita, nakikilala niya ang kanyang sarili

-dahil nga po ang pagsulat ay ginagawa o maaaring paraan upang ibahagi po yung mga
bagay na nasa ating isipan o nararamadaman na hindi kayang ibahagi sa iba, sa
pamamagitan nito nahuhukay po natin yung mga bagay tungkol sa ating sarili tulad ng mga
bagay na gusto at ayaw. Kaya mas nakikilala pa po natin ang ating sarili sa pagsulat.

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGSULAT (DIMENSYON, PANANAW)

• Ang pagfofokus, mabilis na pagsulat na nauugnay sa layunin tungkol sa isang paksa


-sinusulat ng mabilisan yung layunin sa isang paksa

• Pag-iistruktura, pag-oorganisa at muling pag-aayos ng teksto upang mailahad ang ideyang


tatanggapin ng mambabasa
-para po mailahad ng maayos sa yung ideya, isinasaayos at inoorganisa po muna ito upang
mas mapadali ang pagkakaintindi ng mga mambabasa

• Paggawa ng burador, transisyon ng kaisipan mula sa manunulat tungo sa mambabasa


‘writer based thought to reader based text. Pidbak sa mga guro at kasama
-ito po yung pagsama-sama ng mga nabuong ideya batay po sa nakalap na datos

• Pagtataya o ebalwasyon, makakatulong ang paggamit ng tseklist upang makakuha


ng pidbak at mga puna upang maisaayos muli ang binuong burador
-ito ay proseso ng pagbuo ng kahatulan po tulad po ng kung gano po kahusay o may kalidad po
yung ginawa at tumutukoy ito sa pagkuha ng impormasyon o pidbak po para mas maisaayos
yung ginawa pong burador

• Muling pagtingin, ginagawa upang matiyak kung tama ang ginawa. Layunin nitong
malikha ng makabuluhan at mabisang pagsulat na makadedebelop sa kasanayan ng
manunulat
-ginagawa po ito upang makasigurado kung may mali o kung sapat na po ba yung ginawa

DALAWANG DIMENSYON NG MULTI-DIMENSYUNAL


• Oral na dimensyon – kapag ang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong
sinulat, masasabing nakikinig rin siya sa iyo

• Biswal na dimensyon - ito ay nauugnay sa mga salita o wikang ginagamit ng isang awtor
sa kanyang teksto na inilantad ng mga nakalimbag na simbolo

4 NA PANGUNAHING PUNTO SA PROSESO NG PAGSULAT


➢ Ang karanasan ang humuhubog sa pagsulat, karanasan sa buhay ay nagiging bahagi ng
iyong nalalaman, naiisip at kung ano ang dapat mong sabihin. Ang iyong pag-iisip ay
imbakan ng mga karanasan na taga-proseso ng mga ideya sa kasalukuyan at hinaharap.
-ang mga nararanasan po natin sa buhay ay nagiging part o bahagi po ng ating
nalalaman o naiisip.

➢ Hindi sumusunod sa iisang daan, ang pagsulat ay paurong-pasulong na gawain kung


kaya’t huwag umasang makasusunod nang maayos sa mga hakbang sa proseso ng pagsulat
- minsan po ay may pagkakagulo o pagkalito po sa pagsusulat kaya may mga pagkakataon
na hindi makakasunod ng maayos sa mga hakbang o proseso ng pagsulat.

➢ Naghahatid ng naiibang hamon, maaaring pangongolekta ng datos at pag-aanalisa


bago makasulat
-iba iba ang hamon ng bawat pagsulat. Maaaring marami po munang kailangan na
kolektahin na mga datos o aanalisahin bago po makasulat.

➢ Iba-iba ang paraan ng bawat manunulat, ang istilo ng pagsulat


ay patuloy na nadedebelop habang lumalawak ang kanyang
karanasan
-kada po na mas dumarami yung nararanasan ng manunulat, nag
iimprob o nag dedebepelop istilo ng pagsusulat nila

PROSESO NG PAGSULAT
Pre-writing – nagaganap ang paghahanda ng pagsulat. Ginagawa rito ang pagpili ng
paksang isusulat at ang pangangalap ng datos o impormasyong kailangan sa pagsulat

Actual writing – ikalawang hakbang ng pagsulat. Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat.
Nakapaloob dito ang pagsulat ng burador o draft

Rewriting – ikatlong bahagi, dito nagaganap ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa
wastong grammar, bokabulari at pagkakasunod-sunod ng ideya o lohika

LAYUNIN SA PAGSULAT

▪ EKSPRESIV
• Impormal
• Gumagamit ng unang panauhan na ako, ko, akin
• Sarili ng manunulat ang target nitong mambabasa
• Naglalarawan ito ng personal na damdamin, saloobin, ideya at paniniwala
• Sariling karanasan
• Malaya ang paraan ng pagsulat
• Halmbawa nito ang dyornal, talaarawan, personal na liham at pagtugon sa mga isyu
• Ipahayag ang sariling pananaw kaisipan at damdamin sa pangyayari

▪ TRANSAKSYUNAL
• Pormal
• Ikatlong panauhan siya, sila, niya,nila
• Ibang tao ang target na mambabasa
• Hindi masining o malikhain bagkus naglalahad ito ng katotohanan na sumusuporta sa ideya
• Nagbibigay ng interpretasyon sa panitikan, nagsusuri nagbibigay impormasyon,
nanghihikayat nagtuturo nagbibigay mensahe sa iba
• Kontrolado ang paraan ng pagsulat dahil may pormat at istilo
• balita, artikulo, talambuhay, editoryal, interbyu

pinag-kaiba ng expesiv at transakyunal


ang expresiv po impormal, ito ay malaya ang paraan ng pagsusulat o wala pong sinusundan
na pormat, ito po ay gumagamit ng unang panauhan at nag bbase po ito sa sariling
karanasan kaya inilalarawan po dito yung personal na damdamin, mga ideya o saloobin po.
Habang ang trasaksyunal po ay pormal o ginagamitan po ng pormat sa pagsusulat,
gumagamit rin po ito ng ikatlong panauhan at ito po ay nagsusuri at nagbibigay ng
impormasyon na may katotohanan.

URI NG LAYUNIN SA PAGSULAT

Impormatibo – naghahangad na makapagbigay ng mga impormasyon at paliwanag

Mapanghikayat – naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,


opinyon o paniniwala

Malikhain – maipahayag ang kathang-isip, imahinasyon, ideya, damdamin o kumbinasyon ng


mga ito
MGA KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Pormal - iniiwasan ang mga kolokyal na salita at mga ekspresyon. Ang mga wika ay pormal din
-hindi ginagamitang ng impormal o balbal na pananalita

Obhetibo -hindi personal o pansarili, binibigyang diin ang impormasyong gustong ibigay at mga
argumento sa mga ideya na susuporta sa isang paksa
-kinakailangan na kapag nagbibigay ng impormasyon at mga ideya, hindi
dapat nakabase sa personal at dapat ito ay may katotohanan

Maliwanag - malinaw ang pagkakaugnay-ugnay ng ibat’ibang bahagi ng teksto. Paggamit ng


mga signal na salita
-kung malinaw po yung pagbibigay ng mga bahagi ng teksto, mas mapapadali o mas
mauunawaan ito ng maayos ng mga mambabasa

May paninindigan - may sariling pagpapasya at paninindigan sa partikular na paksa


- sapagkat ang nilalaman po nito ay pag-aaral o mahalagang
impormasyon na dapat dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-
katwiran ang mahahalagang layunin.
May pananagutan - pananagutan ang manunulat sa mga awtoridad. Ilatag ang katibayan na
ginamit at pangatwiranan ang iyong ginawa
- Ilahad ang mga proof o katibayan upang mapatunayan ang iginawa, upang maiwasan
ang plagiarism o pangongopya sa ibang manunulat

Kompleks – ang pagsulat na ang wika ay may higit na mahahabang salita mas mayaman sa
leksikon at bokabularyo
-malawak ang bokabularyo o kaalaman sa mga salita

Tumpak – ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad ng tumpak o walang labis at
walang kulang
- kailangang ito ay tama o nakabase sa katotohanan

Eksplisit – responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung paano


ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t isa
- Ito ay inihayag o ipinahayag nang walang implikasyon, o kalabuan at hindi nag-iiwan ng
tanong tungkol sa kahulugan o layunin

Wasto – gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita


- Dahil kung mali yung paggamit ng mga salita o bokabularyo, maaaring
mali na rin ang pagkakaintindi o pag iinterpret nito ng mga
mambabasa.
Malinaw na layunin – matugunan ang mga tanong kaugnay sa isang paksa
-upang mas maintindihan ng mga mambabasa ang kaniyang ipinahahayag.
Ito rin ay upang mas maiwasan ang mga katanungan sa kanilang isipan,
patungkol sa kaniyang isinulat
Malinaw sa pananaw – naglalahad ng ideya at saliksik ng iba. Ang layunin ng kanyang papel
ay maipakita ang sariling pag-iisip hinggil sa isang paksa
-Nagbibigay po ng sarling ideya o pananaw tungkol po sa isang paksa

May pokus – kailangan iwasan ang hindi na kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at
taliwas na impormasyon
-dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at hindi dapat na
umiiwas o lumalayo sa nais na ipahayag.
Lohikal na organisasyon - may sinusunod na istandard na organisasyunal na huwaran
-tulad nalang ng paggawa ng introduksyon, yung katawan at kongklusyon upang
organize yung papel

Matibay na suporta – ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na


suporta para sa pamaksang pangungusap
-ito ay kinakailangan ng sapat suporta tulad ng mga karanasan o opinyon ng mga eksperto

Epektibong pananaliksik – kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at


akademikong hanguan ng mga impormasyon
-para pumukaw sa interes o atensyon ng mga mababasa dahil nagbibigay rin
ito ng mga impormasyon tungkol sa mga napapanahong isyu
Iskolarling na estilo - kinakailangan ito ay may kalinawan at kaiiklian
-ang pagpapahayag sa pagsulat ay kahit na may kaiklian, dapat ay napapahayag pa rin ng
mabuti ang mga impormasyon o ideya ng paksa

ARALIN 2

MGA URI/ANYO NG PAGSULAT


Akademiko, ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, term paper,
tesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan
- pinapataas po nito yung kaalaman ng mga mag-aaral sa ibat-ibang
larangan tulad po ng nalilinang po nito yung kakayahan sa kritikal na pag-
iisip at pag- oorganisa ng mga ideya kaya itinuturi po itong pinakamataas na
antas ng intelektwal na pagsulat.halimbawa po nito ay aklat
Teknikal, ito’y espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal
na pangangailangan ng mga mambabasa at minsan maging sa manunulat mismo. Nagsasaad
ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin. Ginagamitan ito ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na
paksa tulad ng science and technology. Nakatuon din ito sa isang ispesipikong audience o
pangkat ng mga mambabasa
-nagbibigay ng impormasyon upang makatulong sa pagsolusyon ng isang suliranin at
nakatuon lang po ito sa ispesipikong pangkat na mambabasa

Journalistic, pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga


mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editorial, kolum lathalain at iba
pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin
-ito po yung pagsulat na kadalasang ginagawa ng journalist o mamamahayag po tulad nalang po
ng balita

Referensyal, ito ay may layong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang
paksa. Madalas itong binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan. Madalas itong Makita sa mga teksbuk na tumatalakay sa isang
paksang ganap na ang saliksik at literatura AY mula sa awtoridad. Makikita rin ito sa mga tesis
at disertasyon
-madalas po ang ideya nito ay binubuod o pinapaikli at tinutukoy po kung san po ito kinuha o
pinaghanguan

Propesyunal, ito’y nakatuon sa isang ekslusibong tiyak na propesyon. Bilang paghahanda ng


mga mag-aaral sa loob ng paaralan ito ay kritikal na pinag-aaralan; police report para sa mga
police, investigative para sa mga imbestigador, mga legal forms, briefs at pleadings para sa
mga abogado, legal researchers at medical report para sa mga doctor at nars

Malikhain, Masining ang uring ito ng Pagsulat. Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng
manunulat, maaaring maging piksyunal at di-piksyunal ang akdang isinusulat.

ARALIN 3

ABSTRAK
• Maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu o katitikan
ng komperensya
• Buod ng anumang malalimang pagsusuri ng iba’t ibang paksa na nagagamit ng
mambabasa upang madaling maunawaan ang nilalaman at layunin ng sulatin
• Ito ay nasa unang bahagi ng akademikong sulatin. Tumutukoy ito sa pagkuha ng
ekslusibong karapatan o pagmamay-ari ng isang malikhain o intelektwal na akda o imbensyon
-Maikling buod ng iba’t ibang paksa nasa unang bahagi ng akademikong sulatin, ang
nilalaman nito ay mga layunin at suliranin, metodoliya, resulta at konklusyon

3 URI NG ABSTRAK

IMPORMATIBO
-naglalaman ng halos lahat na mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng
pananaliksik. Maaari na itong makapag-isa sapagkat nagbibigay na ito ng buong ideya sa
lalamanin ng pananaliksik
- Maaari nang mapag isa dahil nakapaloob na po dito yung lahat ng mahahalagang
impormasyon o buong ideya po ng pananaliksik

ANG MGA SUMUSUNOD AY MGA TAGLAY NG IMPORMATIBONG ABSTRAK:

1. Motibasyon – sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang mananaliksik
ang paksa. Sa maikli at mabilis na paraan, kailangang maipakita sa bahaging ito ang
kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik

2. Suliranin – kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin o tanong
ng pananaliksik

3. Pagdulog o pamamaraan – ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano kakalapin


o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung saan nagmula ang impormasyon at datos. Ibig
sabihin, magbibigay ito ng maikling paliwanag sa metodolohiya ng pag-aaral

4. Resulta - ipapakita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa


pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan ng mananaliksik

5. Kongklusyon – sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon


ng pananaliksik batay sa mga natuklasan

DESKRIPTIBONG ABSTRAK
-ito ay mas maikli (kadalasang nasa 100 salita lamang) naglalaman lamang ito ng suliranin at
layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginamit at saklaw ng pananaliksik ngunit hindi
tinatalakay ang resulta, kongklusyon at mga naging rekomendasyon ng pag-aaral sapagkat,
hindi buo ang impormasyong ibinibigay tungkol sa pananaliksik.
KRITIKAL NA ABSTRAK
-pinakamahabang uri ng abstrak sapagkat halos kagaya na rin ito ng isang rebyu, binibigyang
ebalwasyon din nito ang kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik

ARALIN 4

Sinopsis/Paglalagom
-Isang tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita ukol sa kanyang mga narinig o
nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa. Sa paaralan karaniwang
ginagawan ng buod ang mga kwentong binasa, balitang napakinggan, isyung tinutukan,
pananaliksik na pinag-aralan, palabas na sinubaybayan, pelikang pinanood at leksyong
pinakinggan
- ito ay nakatuon po sa sariling pananalita po base sa kaniyang mga nabasa o narinig
at ito ay naglalayong maunawaan ng madali ang isang akda.

Sintesis
-Sa pinakabatayang antas, ito ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito’y koneksyon sa
pagitan ng dalawa o higit pang akda o sulatin. Ang Sintesis ay may kaugnayan, ngunit hindi
katulad ng klasipikayon at komparison. Ito ay ang pagsasama-sama ng iba’t ibang akda upang
makabuo ng isang akdang nakapag-uugnay sa nilalaman ng mga ito.
- ito po ay pinag sasasama sama ng dalawa o higit pang buod para makabuo ng akda
na nauugnay po yung nilalaman nito.

Ito kung gayon ay isang sulating maayos at malinaw na nagdurugtong sa mga ideya mula sa
maraming sangguniang ginagamit ang sariling pananalita ng sumulat (Warwick 2011)

Sa Akademikong larangan, ang sintesis ay maaaring nasa anyong nagpapaliwanag o


explanatory synthesis o argumentatibo o argumentative synthesis

SINTESIS- pagbubuo at pangongolekta ng ibat ibang detalye galing sa ibat ibang


resorses din kung saan nakapag-uugnay sa nilalaman ng mga ito
BUOD- ito ay ang pagsasama sama ng mga detalye na pinasimple. Ang mga hindi
masyadong importanteng impormasyon ay hindi na isinasama dito

Katangian ng Mahusay na Buod


✓ Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto – ang buod ay dapat na
sumasagot sa mga pangunahing katanungan (S-A-K-B-P). Dapat na laging sangguniin lagi
ang orihinal na teksto. Maging ang titulo o pamagat ay dapat banggiting buod ito ng akda.
Maaari namang ilagay sa talababa o ‘footnote’ na ang sulatin ay buod lamang ng isang
partikular na akda
-Nakapaloob lamang sa buod ay kung ano ang pangunahing ideya
- ano ano ang mga pantulong na ideya.
-ano ano ang mga mga pangunahaing edbidensya.

✓ Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo - sa pagsulat ng buod, tanging ang


mga impormasyong nasa orihinal na teksto ang dapat na isama. Hindi dapat nagbibigay ng
pansariling pananaw o kritisismo. Bagama’t maaaring tama ang mga ideya ng kritisismong
idaragdag, hindi hinihingi ng buod ang ganitong mga detalye. Madalas na pagkakamali ang
mga ganitong pagdaragdag sa pagbuo ng sintesis

Dapat po na kung anong impormasyon lamang ang nasa orihinal na teksto, yun lang po dapat
ang nakapaloob dito. At hindi rin po ito nagbibigay ng sariling pananaw o kritisismo.

✓ Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o impormasyong wala sa orihinal na


teksto – ang pagsasama ng mga halimbawa o ilustrasyon upang lalong mapalinaw ang
mensaheng ibinabahagi ng isang sulatin ay isang mahusay na hakbang, subalit sa kaso ng
isang buod ay hindi ito kailangan. Kung gayon, kailangang mapag-isipan ito nang mabuti
dahil may limitasyon ang haba ng mga pahayag na gagamitin. Hindi ito kasindali ng ating
iniisip
sapagkat inaasahang maihahayag ang kabuuang mensahe ng isang komprehensibong
natalakay sa isang maikling sulatin lamang
-sa pagsama ng mga halimbawa o impormasyon na wala sa teksto, maaring sumobra ito sa
limitasyon sa haba ng paggawa ng buod

✓ Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang orihinal na mensahe –


malaking tulong na ito ay naihahayag sa sariling pananalita at higit itong nauunawaan ng
sumulat. Nakatutulong din ito upang maihayag ang orihinal na mensahe mula sa orihinal na
teksto sa mas maikling pahayag. Nagiging malikhain din ang sumusulat sapagkat
nagagamit nya ang kanyang isipan sa pagpili ng salita mula sa orihinal na akda
-kahit na gumagamit o ginagamit po ng manunulat ang sariling niyang pananalita hanggat
naiintindihan nya po ito lalo na ang mambabasa at napapatili pa rin sa orihinal na teksto,
ito po ay pwede

ARALIN 5

• Autobiography
(sariling talambuhay)

• Biography
(talambuhay)
Bio
(noun) greek-life (buhay)
-life of someone

Note???
(noun) a brief record of facts, topics or thoughts written down as an aid
to memory (tala, sulat)
PAG KAKAIBA NG AUTO, BIO AT BIONOTE
-ang auto ay gumagamit ng unang panauhan at nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa sarili at kaniyang talambuhay
- ang biography ay gumagamit ng ikatlong panauhan at nagbibigay
impormasyon o talambuhay ng ibang tao
-bionote naman ay binibigyang diin lamang ang mga nakamit na
parangal, kredentials at edukasyon

BIONOTE
(a biography or a profile of someone)
Sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang
indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o
mambabasa.
Binibigyang diin dito ang edukasyon, mga parangal o nakamit, mga
paniniwala at mga impormasyon sa ipinakikilalang indibidwal
upang pataasin ang kanyang kredibilidad
-BROGAN (2014)

URI NG BIONOTE

Micro-bionote - isang impormatibong pangungusap na inuumpisahan sa pangalan,


sinusundan ng iyong ginagawa at tinatapos sa mga detalye kung paano makokontak ang paksa
ng bionote. Karaniwang makikita ito sa mga social media bionote o business card bionote
-ang micro ay may pagkakasunod sunod tulad nalang po kung ano yung inuumpisahan at
tinatapos na detalye at madalas po itong nakikita sa mga social media

Maikling bionote - binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng impormasyon ukol
sa taong ipinakikilala. Isang halimbawa nito ang bionote ng may-akda sa isang aklat. Karaniwan
din itong makikita sa mga journal at iba pang babasahin.
-ito po ay may isa o hanggang tatlong talata sa paglalahad po ng impormasyon

Samantala, ordinaryo ang isang mahabang bionote sa pagpapakilala sa isang natatanging


panauhin. Ito’y may sapat na oras at espasyo para ito ay isulat
-Ito ay kinakailangan ng mahaba o sapat na oras para isulat

HAKBANG NI BROGAN (2014) (SOCIAL MEDIA GURU) AT HUMMEL (NOBELISTA) (2014)


• Larawan
• Gamitin ang ikatlong panauhan
• Simulan sa pangalan
• Ilahad ang propesyong kinabibilangan
• Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay
• Idagdag ang ilang hindi inaasahang detalye
• Isama ang contact information

ARALIN 6

PANUKALANG PROYEKTO
Nebiu 2002
• Detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba
ang isang tiyak na problema.
• Makikita ang detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto (project
justification) panahon sa pagsasagawa ng proyekto (activities and implementation timeline)
at kakailanganing resorses (human material and financial resources required)
- Isang uri ng dokumento na kung saan nakapaloob o makikita po dito yung mga
plano po na magkukumbinsi sa mga sponsor o namumuhunan
HINDI PWEDE!
• Hindi maituturing na proyekto ang mga dating aktibidad na nauulit sa eksaktong
pamamaraan at periodikong isinagawa.
• Walang malinaw na layunin at
• Mga regular na aktibidad ng organisasyon

• Ang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat; minsan ito’y nasa anyong oral na
presentasyon. Maaari itong internal o inihahain sa loob ng kinabibilangang organisasyon
at eksternal na isang panukala para sa organisasyong di-kinabibilangan.

• Ang panukalang proyekto ay maaaring solicited o unsolicited

• Ang panukalang proyekto ay isinasagawa dahil may pabatid ang isang organisasyon sa
kanilang pangangailangan ng isang proposal ay tinatawag na solicited proposal,
samantala kung wala naman at kusa o nagbaka-sakali lamang ay unsolicited.

-ang solicited ay hinihinging proposal o panukala at ito ay madalas na tinatanggap


- unsolicited ay hindi hinihingi o pinapagawa sapagkat kusa lamang ito. At kadalasan ring
hindi binibigyang pansin ang mga ito

• Tinatawag ding invited o imbitado ang solicited at prospecting ang unsolicited

• Ang panukalang proyekto ay may dalawang uri: ang tinatawag na Maikli at


Mahabang panukalang proyekto.

• Ang isang maikling proyekto ay mayroon lamang dalawa hanggang sampung pahina
(2-10pages) na kadalasan ay nasa anyong liham. Samantala, ang mahabang proyekto ay
naglalaman ng mahigit sa sampung pahina.

• Ang dalawang uri ng proyekto ay nakadepende sa kahingian ng organisasyon kung ito ay


imbitado o di-imbitado
PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

I. Titulo ng proyekto UNANG BAHAGI


-Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina.
Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto, pangalan ng nagpapanukalang organisasyon,
lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala
Tandaan: ang titulo ng proyekto ay dapat na maiksi at tuwiran, dapat na
tumutukoy sa pangunahing aktibidad o inaasahang resulta ng proyekto

II. Nilalaman PANGALAWANG BAHAGI


-Idagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal ay aabot ng sampu o higit pang pahina.
Mahalaga ang pahinang ito upang madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal.
Naglalaman ito ng titulo ng bawat seksyon at ang panimulang pahina ng mga ito.

III. Abstrak PANGATLONG BAHAGI


-Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala. Inaasahang makikita rito ang pagtalakay sa
suliranin, layunin, organisasyon na responsible sa implemenasyon, pangunahing aktibidad ng
proyekto at ang kabuuang badyet. Ginagawa ito upang magkaroon ng buod ang buong
panukala at mabigyan ng masaklaw na pagtingin ang nagbabasa nito.

IV. Konteksto PANG-APAT NA BAHAGI


-ito ay naglalaman ng sanligang sosyal, ekonomiko, politikal at kultural. Naglalaman ito ng mga
kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto o
mga datos na nakolekta mula sa iba’t ibag sors

V. Katwiran ng Proyekto PANGLIMANG BAHAGI


1. Pagpapahayag sa suliranin
2. Prayoridad na pangangailangan
3. Interbensyon
4. Mag-iimplementang organisasyon

Pagpapahayag ng suliranin - tinatalakay sa bahaging ito ang tiyak na suliraning


pinagtutuunang solusyonan ng panukala. Binibigyang diin dito kung paano ang isang isyu o
sitwasyon ay nagiging suliranin. Kaugnay nito, pinatutunayan sa bahaging ito kung ano ang
pangangailangan ng mga benepisyaryo batay sa nakitang suliranin.

Prayoridad na Pangangailangan - pinapaliwanag dito ang pangangailangan ng mga target na


makikinabang sa pagkakaroon ng suliranin at paano napagdesisyunan ang mga isasaad na
pangangailangan

Interbensyon - inilalarawan sa bahaging ito ang estratehiyang napili kung papaano


sosolusyunan ang suliranin at gayon din tatalakayin kung papaanong magdadala ng pagbabago
ang gagawing hakbang

Mag-iimplementang organisasyon -inilalarawan dito ang kapabilidad ng nagpapanukalang


organisasyon upang tugunan ang suliraning inilahad. Inilalahad dito kung bakit sila ang
karapat-dapat upang pagkatiwalaang solusyunan ang suliranin. Binibigyang empasis din
dito ang ekspertis ng organisasyon o ng indibidwal na magsasagawa ng proyekto

VI. Layunin PANG ANIM NA BAHAGI


-Inilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto.

Iniisa-isa din ang tiyak na layuning sumusunod:


1. Dapat na isa lamang ang masaklaw na layunin ng panukala
2. Dapat na konektado ang masaklaw na layunin sa bisyon ng pagpapaunlad o pagpapabuti; at
3. Dapat napatutunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon

VII. Target na Benepisyaryo PANG PITONG BAHAGI


Ipinakikita sa bahaging ito ang mga makikinabang sa panukalang proyekto at paano sila
makikinabang dito. Sa pagtukoy sa mga katangiang ito, maaaring gamitan ng krayterya tulad ng
etnisidad, edad, kasarian at iba pa.

VIII. Implementasyon ng proyekto PANG WALONG BAHAGI


Ipinakikita rito ang iskedyul at alokasyon ng resorses. Mahalagang maipakita kung sino ang
gagawa sa mga aktibidad at kailan at saan ito gagawin.

Iskedyul- detalye ng plinanong aktibidad. Magagamit ang mga talahanayan at gantt chart sa
pagpapakita ng mga ito.

Alokasyon-mga kakailanganin upang isagawa ang mga aktibidad ayon sa iskedyul.


Tumutukoy dito ang mga kategorya na gastusin upang magkaroon ng buod ng impormasyon
ukol sa gastusin na kakailanganin sa pagbabadyet.
Hal. Kagamitan, sahod at mula rito’y maiuugnay ang yunit, bilang, presyo at iba pa.

Badyet-buod ng gagastusin at kikitain sa proyekto. Mga expenses at kita o income

Pagmonitor at Ebalwasyon-kung paano at kailan isasagawa ang mga aktibidad para


mamonitor ang pag-unlad ng proyekto; anong metodo ang gagamitin sa pagmonitor at evaluate
at sino ang magsasagawa ng pagmonitor at ebalwasyon.
Pangasiwaan at Tauhan- maikling deskripsyon ng bawat miyembro ng grupo na gumawa ng
panukalang proposal. Tungkuling nakaatang sa bawat miyembro at maaaring isama na lamang
ang curriculum vitae ng mga miyembro.

Lakip-mga karagdagang dokumento o sulatin na kakailanganin upang


lalo pang mapagtibay ang panukalang proyekto.

You might also like