Filipino Sa Piling Larang (Akademik)
Filipino Sa Piling Larang (Akademik)
Filipino Sa Piling Larang (Akademik)
PILING LARANG
(AKADEMIK)
lesson 1
Ang Kahalagahan ng
Pagsusulat at
Akademikong
Pagsulat
Pagsusulat
–Isa sa makrong kasanayang
dapat mahubog sa mga mag-
aaral
Ayon kay Cecilia Austera, et.al
– Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng
kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit
ang pinakaepektibong midyum sa paghahatid ng
mensahe ang WIKA.
Ayon kay Edwin Mabilin, et.al
– Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing
pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o
anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
–Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik
ang nilalaman ng isipan, damdamin,
paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng
paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap
sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang
akda o sulatin.
Iba’t Ibang Dahilan sa
Pagsusulat
– Nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay
naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan
sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila.
– Sa mag-aaral, matugunan ang pangangailangan sa pag- aaral
bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.
– Sa propesyonal na manunulat (awtor, peryodista, sekretarya, guro at
iba pa) ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o
trabaho sa kanilang ginagampanan sa lipunan.
Anuman ang dahilan, nagdudulot ito ng
malaking tulong sa nagsusulat sa mga
taong nakababasa nito, maging sa lipunan
sa pangkalahatan sapagkat ang mga
sinulat ay magiging dokumento sa
nakalipas na pangyayari o panahon na
nagsisilbing utlay para sa kabatiran ng
susunod ng henerasyon.
Ayon kay Mabilin (2012)
– Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaaalamang
kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at
babasa sapagkat ito ay maaaring magsalin-salin sa bawat
panahon.
(Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang
ibinahagi ay mananatiling kaalaman.)
–Sa limang makrong kasanayan pangwika, ang
pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan
ng pansin na malinang at mahubog sa mga
mag-aaral sapagkat dito masusukat ang
kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang
disiplina.
– Sa makrong kasanayan tulad ng PAKIKINIG, PAGBABASA AT
PANONOOD, ang isang indibidwal na gumagawa nito ay
kumukuha o nagdaragdag ng kaalaman sa kanyang isipan.
– Sa makrong kasanayan naman tulad ng PAGSASALITA AT
PAGSULAT, ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng
kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak
na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at sinulat.
Layunin at Kahalagahan
ng Pagsulat
Ayon kay Royo sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr.
na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001)
1. Personal o Ekspresibo
2. Panlipunan o Sosyal
Personal o Ekspesibo
– Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng
manunulat.
– Ang paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa
bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot o
pagkainis depende sa layunin ng taong sumulat.
Panlipunan o Sosyal
– Ang layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa
ibang tao o sa lipunang ginagalawan.
– Transaksiyonal ang iba pang katawagan sa layuning
ito.
– Hal. Pagsulat ng liham, balita, korespondensiya,
pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon,
at iba pa.
–Maaaring magkasabay na maisagawa ang layuning
personal at panlipunan partikular sa mga akdang
pampanitikang naisulat bunga ng sariling pananaw ng
may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na
kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng TALUMPATI
na karaniwang binibigas sa harap ng madla upang
maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga
nakikinig.
Kahalagahan o Benepisyo
na Maaaring Makuha sa
Pagsusulat
1.Masasanay ang kakayahang mag-
organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa
pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral
sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan
ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng
mga kaisipang isusulat batay sa mga
nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan
sa matalinong paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales at
mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa
pagtuklas ng mga bagong kaalaman at
pagkakaroon ng pagkakataong
makapag-ambag ng kaalaman sa
lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa
paggalang at pagkilala sa mga gawa at
akda ng kanilang pag- aaral at
akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa
pangangalap ng mga impormasyon mula
sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa
akademikongpagsusulat.
Mga Gamit o
Pangangailangan sa
Pagsulat
Pagsusulat
–Sinasabing Isang TALENTO
–Hindi lahat ng tao ay may kakayahang
makapagsulat ng isang makabuluhang akda o
komposisyon.
–Hindi rin madali ang pagsusulat, maaaring ito
ay mahubog o malinang.
Dapat Isaalang-alang sa pagsusulat
partikular sa Akademikong Pagsusulat
WIKA
– Nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon at iba pa ng isang taong
nais sumulat.
– Mahalagang tiyakin ang uri ng wikang gagamitin upang maiakma
sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon o pananaliksik
– Mahalagang magamit ang wika sa alinaw, masining, tiyak at
payak na paraan.
PAKSA
– Mahalagang may isang tiyak na paksa o tema ng isusulat.
– Nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang nakapaloob sa
akda.
– Kung may sapat na kaalaman sa paksang isusulat, magiging
malaman, makabuluhan at wasto ang mga datos na ilalagay sa
akda o komposisyong susulatin
– Makatutulong ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat o artikulo
upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang-pansin.
LAYUNI
N
–Nagsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o
nilalaman ng iyong isusulat upang tiyak na
matugunan ang motibo sa pagsulat o ang
iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
–May limang pangunahing pamamaraan:
1.Gumamit ng paraang IMPORMATIBO kung saan
ang pangunahing layunin ay magbigay ng
impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
2. Gumamit ng paraang EKSPRESIBO kung saan ang
manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling
opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman
hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa sariling
karanasan o pag-aaral.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
3. Gumamit ng paraang NARATIBO kung saan ang
pangunahing layunin nito ay magkuwento o
magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
4. Gumamit ng paraang DESKRIPTIBO kung saan ang
pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng
mga katangian, ano, hugis, ng mga bagay o
pangyayari batay sa nakita, narinig, natunghayan,
naranasan at nasaksihan.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
5. Gumamit ng paraang ARGUMENTATIBO kung saan
ang pagsulat ay naglalayong nanghikayat o
mangumbinsi sa mga mambabasa at kadalasan ay
naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong
dapat pagtalunan o pag-usapan.
KASANAYANG
PAMPAG-IISIP
– Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng
mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga o maging ng mga
impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
– Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo ng
malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran.
– Higit sa lahat, kailangang maging obhetibo sa pagsusuri at
pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa
sulatin.
KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN
NG PAGSULAT
– Dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman
sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki
at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas,
pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata at
masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang
makabuo ng isang mahusay na sulatin.
KASANAYAN SA PAGHABI NG
BUONG SULATIN
- Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos,
organisado, obhetibo at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o
komposisyon hanggang wakas.
GAWAIN: PAGSULAT AYON SA LAYUNIN: Basahin ang
panuto sa bawat bilang. Sundin ang bawat isa upang makasulat
ng mga halimbawang pamamaraan ng pagsulat ayon sa layunin.
Paliwanag:_____________________________________________
__
______ 3.Naiwan sa balikat ni Andres ang responsibilidad sa mga nakakabatang
kapatid na sina Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima. Nagtinda siya
ng bastong yari sa yantok gayundin ng makukulay na abanikong papel na siya
mismo ang gumawa. Dahil sa maganda niyang sulat kamay at likas na
pagkamalikhain, gumawa rin siya ng mga poster para sa mga bahay-kalakal sa
kanyang nalalabing oras. Hindi nagtagal at siya’y nagtarabaho bilang bilang
mensahero ng Fleming and Company. Dito’y nagpakita siya ng kasipagan, karapatan, at
dedikasyon sa gawain hanggang sa siya’y ma-promote bilang ahente ng kompanya. Ang
mahirap na buhay na pinagdaanan niya ang pumanday sa kanya upang maging masikap,
matatg, at matapang. Mga katangiang nakatulong nakatulong sa pagtatag niya sa KKK..
Paliwanag:_______________________________________________
Mga Uri ng
Pagsulat
MALIKHAING PAGSULAT
(CREATIVE WRITING)
– Pangunahing layunin ay maghatid ng aliw, makapukaw ng
damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa.
– Karaniwang bunga ng imahinasyon o kathang-isip o kaya’y batay
sa tunay na pangyayari
– Hal. Maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks,
iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula atbp.
TEKNIKAL NA PAGSULAT
(TECHNICAL WRITING)
–Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-
aaral na kailangan para lutasin ang isang problema
o suliranin.
–Hal. Feasibility Study, Malakihang Proyekto
PROPESYONAL NA PAGSULAT
(PROFESSIONAL WRITING)
Akademiko Di-Akademiko
Layunin: Layunin:
Magbigay ng ideya at Magbigay ng sariling
impormasyon opinyon
Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko Di-Akademiko
Akademiko Di-Akademiko
Audience: Audience:
Iskolar, mag-aaral, Iba’t ibang publiko
guro (akademikong
komunidad)
Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko Di-Akademiko
Organisasyon ng ideya: Organisasyon ng ideya:
• Planado ang ideya • Hindi malinaw ang
• May pagkakasunod- sunod estruktura
ang estruktura ng mga • Hindi kailangang
pahayag
magkakaugnay ang mga
• Magkakaugnay-ugnay ang ideya
mga ideya
Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko Di-Akademiko
Pananaw: Pananaw:
• Obhetibo • Subhetibo
• Hindi direktang tumutukoy sa tao at • Sariling opinyon, pamilya,
damdamin kundi sa mga bagay, komunidad ang pagtukoy
ideya, facts
• Tao at damdamin ang
• Hindi direktang tumutukoy sa tao at
damdamin, at hindi gumagamit ng tinutukoy
pangalawang panauhan • Nasa una at pangalawang panauhan
ang pagkakasulat
Akademiko Di-Akademiko
Halimbawang gawain: Halimbawang gawain:
• Panonood ng pelikula o video upang
• Pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase maaliw o magpalipas-oras
• Pakikinig ng lektyur • Pakikipag-usap sa sinuman ukol sa
• Panonood ng video o paksang di-akademiko
dokumentaryo • Pagsulat sa isang kaibigan
• Pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob • Pakikinig sa radio
ng klase o isang simposyum
• Pagbasa ng komiks, magasin o
• Pagsulat ng sulatin o pananaliksik
diyaryo
Cummins (1979)
Akademiko Di-Akademiko