Kasanayan Sa Pagsulat
Kasanayan Sa Pagsulat
Kasanayan Sa Pagsulat
Ang bawat nilalang ay maaaring magkaroon ng kaalaman sa pagsusulat ngunit hindi lahat ng tao sa mundo ay may kakayahan at kasanayan sa epektibong pagsusulat. Ang pagsusulat ay naisasagawa sa pamamagitan ng aktibong pagiisip at masining na paraan ng pagpapahayang ng damdamin at kaisipan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng mga sagisag o simbulo. Ang isang epetibong pagsusulat ay nagtataglay ng katangiang may kaisahan, kakipilan, diin, at komprehensib. Wika ang pangunahing instrumento na ginagamit sa paglilimbag ng mga kaisipan at damdamin ng tao na nagiging tulay sa pakikipagkomunikasyon at pagkaunawaan. Ang wika ay simbulo ng letra o titik na karaniwang ginagamit ng tao sa paraang pasulat na pagpapahayag at maituturing isang paraan ng komunikasyong personal at interpersonal. Samakatwid, nilikha ng tao ang mga titik, binuo ang mga salita,pinagsama-sama at isinaayos ang mga salita na naging pangungusap,isinaayos ang mga ideya ng pangugusap na naging talata hanggang makabuo makalikha ng isang pahayag. Depinisyon ng Pagsulat Ayon kay Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang kontinwum ng mga gawain sa
pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsusulat sa isang banda at nang mas kompleks na gawain ng paglikha.
Ayon kay Hugney, et al (1983), nakatutulong ang pagsusulat sa paglinang ng
pagtamo ng kasanayan (skill getting) hanggang ang mga kasanayang ito ay aktwal na magagamit (skill-using).
Ayon kay Belvez (2004), ang pagsusulat ay ang pagsasatitik ng ating mga ideya
Pinal na Kopya
Bago Sumulat
Pag-edit
AKTWAL NA PAGSULAT BAGO SUMULAT (PRE-WRITING) Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa paghahanda sa sarili, sa paksa at mga impormasyon o ideya para sa paksang susulatin. Dito isinasagawa ang pagplano na binubuo ng paglikha, pagtuklas, pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang hakbang na maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang kanyang burador na susulatin. (WRITING STAGE) Ito ay ang pagbuo ng burador or draft. Sa hakbang na ito isinasalina ng manunulat ang kanyang mga ideya sa mga pangugusapat talata. Nag eeksperimento na ang manunulat sa pagbuo ng kanyang sulatin. Malaya siyang gumamit ng ibat ibang pamamaraan o istilo sa paglalahad ng kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito, malayaniyang inaalis, dinadagdagan o isinasaayos muli ang detalye. Gayun paman, hindi pa rin niya binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika, sa gamit ng wika at sa mekaniks.
MULING PAGSULAT (REWRITING) May dalawang bahagi ang muling pagsulat. 1: ang pangrevisa, ang pangunahing layunin ay ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang maiwasto ang mga inaakalang nagawang mali. Maingat na sinusuri ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuan, kalinawan at kayarian ng akda na madaling maunawaan ng babasa. Sa bawat pagbasa iniwawastoang kamalian sa pamamagitan ng pagbabago, pagpapalit,pagdaragdag o pagkakaltas ng mga salita, parirala o mga pangungusap muling isaayos ang buong sulatin. 2: ay ang pag-eedit ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, istraktura ng mga pangungusap, wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat. Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan.(Leyson, 2008)
PANGHULING PAGSULAT Pagkatapos ang ang pag-edit at pangrebisa ng teksto ay babasahin itong muli. Magaganao dito ang Profread na isinasagawa sa proseso habang binabasa ay nagaganap ang muling pagwawasto ng maling gramatika at gamit ng mga salita, pagmamalaking titik sa mga ngalan tanging tao, mga bantas at baybay upang mas maging epektibo ang kalidad ng nilalman ng akda. Ang resulta nito ang tatawaging final na kopya.
Mga katangian ng Pagsulat Ang pagsulat ay isang kompleks na kasanayan. Ang isang manunulat ay kailangang may sapat na kakayahan at kaalaman sa mga salik na mahalaga sa pagbuo ng isang sulatin. Ang pagsulat ay nakatatalas ng isipan at nalilinang ang kakayahang lumikha ng masining ng mga pahayag. Ang pagsulat ay pagsasatitik ng mga kaisipan. Inililipay niya sa papel ang kanyang mga ideya, itinatala ang mga makasaysayang pangyayari na nais ipabatid sa madla. Ang pagsulat ay isang sining.
Pangunahung Layunin ng Pagsulat Ang layunun ng pagsulat ay makikita sa daloy ng paghahanay ng mga ideya o kaisipan sa isang teksto. May tatlong pangunahing na uri ng layunin ang teksto, ito ay ang mga sumusunod: Uri ng Layunin a.) Pagsulat na impormatibo (expository writing) Kahulugan Ang layunin ng pagsulat ay maglahad,magbigay impormasyon at magbigay linaw o paliwanag sa paksa sa isang teksto. Halimbawa Pang-akademikong aklat, teksbuk, ulat pangnegosyo pamphlet, dyaryo, polyeto, diksunaryo,ensayklopidya, magazine at iba pa.
b.) Pagsulat na Mapanghikaya t (persuasive writing) c.) Pagsulat na Malikhain (creative writing)
Ang layunin ng pagsulat ay makaakit, mapaniwala at mapasang-ayon ang mambabasa batay sa ideya na ipinahayag sa teksto. Ang layunin ng pagsulat ay magpahayag ng maguni-guni, makulay, matayutay, matalinghaga masimbulo na mga pangyayari na batay sa mayamang imahinasyon ng may-akda.
Sulating pampananaliksik, editorial, kolum, lathalain, sanaysay, proposal na sulatin at iba pa. Maikling kwento, nobela, tula, awit, pabula, parabula, dula, epiko, kwentong bayan, mitolohiya at iba pa.
Uri ng Pagsulat Ayon sa Anyo Pormal na Pagusulat Ito ay ang pagsusulat na pinaghahandaan. Ito ay nababatay o sumusunod sa mga tamang hakbangin sa pagsulat. Naglalayong makapaglahad ng mga ideya sa maayos at malinaw na kaparaanan. Ang paksa nitoy hindi karaniwan at kailangan ang matiyagang pag-aaral at pananaliksik ng susulat. Di- Pormal na Pagusulat Ito ay bigla-biglang pagsusulat, walang paghahanda. Hindi pinapatnubayan pagkat ginagawa nang madalian ngunit may mga ideya ring inilalahad. Kadalasan ang mga paksa ay hugot sa karanasan ng sumulat o di kaya bunga ng kanyang obserbasyon o pananaw. Mga uri ng Sulatin 1. Personal na Sulatin: ito ay may katangiang impormal, walang tiyak na balangkas, at pansarili. Ito ay pinakagamiting uri ng sulatin ng mga bawat indibidwal dahil nagagawa nila na iugnay ang anumang paniniwala, damdamin, pag-iisip o di kayay tungkuling taglay nila sa kanilang sarili. 2. Transaksyunal na Sulatin: Ito ay mga katangiang pormal, maayos ang pagkakabuo, may tiyak na balangkas at binibigyang pokus ang impormasyon o
mensaheng nais ihatid dahil sa komunikasyon ito ang pangunahing layunin ng ganitong sulatin.
Ang Apat na Uri ng Pagpapahayag sa Pagbuo ng Sulatin Ang apat na paraan ng pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng ibat ibang uri ng sulatin. Sa bawat pagsulat hindi lamang isang pagpapahayag ang ginagamit bagkus sabay na nagagamit ito upang mas maging epektibo ang paraan ng pagpapahayag sa larangan ng pagsulat\: 1. Pagsasalaysay (Narativ) Pagsalaysay na naglalayong magpahayag nang sunod-sunod na pangyayari, may tauhan tagpuan at isang kakintalan. (maikling kwento, jornal, talambuhay, atbp.)
2. Paglalahad (Expositori) Pagpaphayag ng paglalahad may layuning magpaliwanag ng pangyayari, maglahad ng opinyon, kabatiran at mga kaisipan. 3. Paglalarawan (Descriptive) Pagpapahayag ng paglalarawan ay may layuning maglarawan ng kabuuan ng isang bagay, pangyayari o magbigay ng isang biswal na konsepto ng mga bagaybagay, pook, tao, o pangyayari. 4. Pangangatwiran ( Argumentativ) Pagpapahayag ng isang kaisipan, paniniwala o kuro-kuro na naglalayong mapaniwala ang kausap sa opinyon, palagay at paniniwala ng nagsasalita o ng sumulat.
1. Paksa/ Tapik (Topic) Ang paksa ang pokus ng pagsulat. Kailangan sa paksa ay may sapat na kaalaman o impormasyon upang maging epektibo ang gagawing sulatin. Maaaring ang mga makakuha ng mga paksa, kaalaman o impormasyon sa mga sangguniang aklat, newspaper, dyornal, o mga impormasyong nakalap buhat sa mga pagmamasid o personal na mga karanasan. 2. Layunin (Objective) Ang layunin ang dahilan kung bakit naisagawa ang isang pagsulat. Nakabatay sa layunin kung ani ang maaring nilalaman at patutunguhang kaisipan o siwa ng pagsulat. Masasalamin dito ang ang nais ipahayag ng manunulat sa kanyang agsulat.
3. Wika (Language) Ang wika ang instrumento sa pagpapahayag. Kailangan may sapat na kaalaman at kasanayan sa wikang gagamitin upang maging epektibo ang pagsulat. 4. Kaisahan (Unity) Dapat may isang paksang tatalakayin sa kabuuan ng pagsulatat may isang diwa na sinasaad upang maging malinaw at mabisa ang isang sulatin. 5. Kakipilan (Coherence) Ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap at mahusay na pagkakahanay ng mga ideya o pangyayari sa isang sulatin. Mahalaga ang kakipilan sa isang pagsulat ng sulatin upang maging malinaw ang diwa ng isang sulatin. 6. Diin (Emphasis) Ang diin ay ang pagbibigay ng higit na pokus sa pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang sulatin.