PptFilipino Kabanata 3. Full Episode
PptFilipino Kabanata 3. Full Episode
PptFilipino Kabanata 3. Full Episode
Tagum City
Sa daigdig ng edukasyon,
kailangang sumulat tayo ng liham ng
aplikasyon, paggawa ng balangkas
pangkaunlaran, gumawa ng
anunsyo, umapila sa paglilikom ng
pondo, sumagot sa pakiusap ng mga
kliyente at marami pang iba.
Sosyo-Kognitibong pananaw sa
pagsulat
Ayon kay Lalunio (1990) sa pahayag
nina Villafuerte et al (2005) , isinasaad
sa teoryang sosyo-kognitibo na ang
pagkatuto ay may batayang panlipunan
at ito ay isang prosesong interaktibo.
Sosyo-Kognitibong pananaw sa
pagsulat
Ayon kay Aroyo (2001) , malaki ang
naitutulong ng pagsulat sa paghubog ng
damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipapahayag niya
ang kanyang damdamin, mithiin,
pangarap, agam-agam, bungang-isip at
mga pagdaramdam.
Sosyo-Kognitibong pananaw sa pagsulat
PAGSULAT
Manunulat Mensahe Mambabasa
Kaalaman kasanayan karanasan
Mga layunin estilo pagpapalathala
sa epektibong sa mga tekstong
pagsulat naisulat
Mga katangian panimula paglahok sa mga
ng epektibong katawan timpalak sa pagsulat
pagsulat wakas
Mga simulain
sa epektibong pagsulat
• Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa
pamamagitan ng pagsasanay, ng
maraming pagtatangka at pag-uulit ng
manuskrito.
Pagtipon (Gathering)
Anumang paksang napili , kailangan
pa ring magdaan sa masusing
pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang
makapangalap ng sapat na materyales at
ebidensyang magpapatunay.
Pamaraan ng Pagsulat
Paghugis (Shaping)
Habang nangangalap tayo ng mga
materyales, binibigyan na natin ng
hugis ang ating paksang susulatin.
Maaari nating sulatin ang burador
na maaari ring maging batayan sa
pangangalap ng mga kagamitan.
Pamaraan ng Pagsulat
Pagrebisa ( Revising)
Ang isang sulatin ay hindi nakukuha
sa isang upuan lamang. Ang isang
mabuting papel ay nagdadaan ng ilang
yugto ng pag-unlad mula sa mga di
pormal na tala tungo sa unang
burador, hanggang sa paynal na papel.
Organisasyon ng Teksto
Pamagat o Titulo
Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng
papel,pangalan ng sumulat, petsa ng
pagkakasulat o pagpasa, at iba pang
impormasyon na maaaring tukuyin ng
guro.
Mga bahagi ng Pagsulat
Panimula o Introduksyon
Karaniwang isinasaad dito ang
paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan
ng pagsulat ng paksa at pambungad na
tatalakay sa daloy ng papel.
Mga bahagi ng Pagsulat
Katawan
Dito matatagpuan ang pagtatalakay
sa paksa. Ang pangangatwiran,
pagpapaliwanag, paglalarawan at
paglalahad ay matatagpuan sa
bahaging ito.
Mga bahagi ng Pagsulat
Kongklusyon
Dito nilalagom ang mga
mahahalagang puntos ng papel.
Isinasaad din sa bahaging ito ang
napatunayan o napag-alaman batay sa
paglalahad at pagsusuri ng mga
impormasyong ginagamit sa papel o sa
pananaliksik.
Mga uri ng gawaing pagsulat
Dalawa ang pangkalahatang uri ng
pagsusulat- ang sulating pormal at ang
sulating di-pormal. Ang sulating pormal
ay galing o bunga ng leksyon na pina-
aralan at tinalakay sa klase, forum,
seminar. Maaaring magkaroon o
magsasagawa ng pagsasanay sa pagbuo
ng kathang pasalita.
Uri at anyo ayon sa Layunin
1.Paglalahad.
– Tinatawag itong pagpapaliwanagna
nakasentro sa pagbibigay ng mga
pangyayari, sanhi at bunga, at
magkaugnay na ideya at pagbibigay ng
mga halimbawa.
• Halimbawa:
• Pagluluto ng Bola-Bola
2. Pagsasalaysay (narration)
• Nakapukos ito sa kronolohikal o
pagkasunod-sunod na daloy ng
pangyayaring aktwal na naganap. Isa
pa ring pokus ang lohika na ayos ang
pangyayari sa naratibong malikhaing
pagsulat.
3.pangatwiran/paghikayat.
Ipinapahayag ditto ang katwiran, opinion o
argumentong pumapanig o sumasalungat
sa isang isyung nakahain sa manunulat.
• Hal. May mga sitwasyong pangyayari na
kailangan idepensa bago magkaroon ng
kaganapan. Payag ka ba o hindi?
4. Paglalarawan.
Isinasaad sa panulat na ito ang
obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,
damdamin ng isang manunulat hinggil
sa isang bagay, tao, lugar at
kapaligiran.
Pagkakaiba ng pagsasalita at pagsulat
• Imaginatib
– Pagsulat upang mabigyang-
ekspresyon ang mapanlikhang
imahinayon ng manunulat.
– Halimbawa:
Pagsulat ng dula, awit , tula,iskrip at iba pa
Mga Layunin ng Pagsulat
• Impormatib
– Magbigay ng mahahalagang
impormasyon datos at ebidensya.
– Halimbawa:
State Of The Nation Adress (SONA)
Ulat pamanahon , adbertisment
Mga Layunin ng Pagsulat
• Persweysib
– Pagsulat upang makapanghikayat,
mapaniwala ang mga mambabasa
dahil sa mga ebidesya o katibayang
inihayag.
– Halimbawa:
Talumpati ng kandidato, talumpati sa
debate.
Mga Uri ng Pagsulat
• Teknikal na Pagsulat
– Ang teknikal na maunulat ay isang tao na
lumikha ng dokumentasyon para sa teknolohiya.
Kailangang ito ay tama, nababasa ,nauunawaan
at nakatulong sa target na mambabasa.
– Ang teknikal na pagsulat ay isang uri ng
ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para
sa teknikal o komersyal na layunin.
Mga Uri ng Pagsulat
– Referensyal na pagsulat ang referensyal na
pagsulat ay may kaugnayan sa malinaw at
wastong presentasyon ng paksa. Ito ay isang uri
ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng
impormasyon o nagsusuri.
– Ang layunin ng referensayal na pagsulat ay
maiharap ang impormasyon batay sa
katotohanang ito
Mga Uri ng Pagsulat
• Jornalistik na pagsulat naiiba ang pagsulat
na jornalisytik sa iba pang uri ng pagsulat.
Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at hindi
paligoy-ligoy. Ang pangunahing punto ay
inilalagay sa unahan at ang ibang
impormasyon ay isinisiwalat mula sa
pinakamahalaga patungo sa di- gaanong
mahahalaga.
Mga katangian ng akademikong pagsulat
Hakbang 2
Isiping mabuti ang paksang pag-aaralan.
Bumuo ng konseptong papel na
nagbibigay ng buod sa gagawaing
proyekto. Upang makabuo nito,
kompletuhin na ang sumusunod na mga
pangungusap.
Isang paghahanda sa pagbibigay ng pormal
na panukalang pananaliksik
Hakbang 3
Magtipon ng ilang sangguniang tumatalakay
sa pinaghanguan ng batayang konseptwal/
teoritikal na nagpapakita ng pinakabalangkas ng
pag-aaral na iyong gagawin.
Isang paghahanda sa pagbibigay ng pormal
na panukalang pananaliksik
Hakbang 4
Alamin ang proseso na pinaiiral sa
inyong unibersidad o kolihiyo para sa
pagpapahintulot o pagsang-ayon sa
iyong konseptong papel.
Katangian at simulain
2. Direktang sipi
Ginagamit ang direktang sipi kapag nais
bigyang diin sa sulating pananaliksik ang
ideya at pakakapahayag ng manunulat
nais din ng mananaliksik na mapanatili
sang kaisipang kailangan niya sa
isasagawang pag-aaral.
May tatlong layunin ang paggamit ng mga
direktang sipi.
1. Makapaghatid ng impomasyon
2. Mapatunayan ang puntong inilalahad sa
pamamagitan ng paggamit ng mga salitang
nagmula sa may awtoridad, at
3. Mapasimulan ang diskusyon sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga
kaisipang nakatulad o naiiba sa
impormasyon.
Dalawang paraan ng paggawa ng
direktang sipi
8. Sintesis
Ang sintesis ay isang ebalwayson o
pagsusuri sa ebidensya ng isang
pananaliksik at sa opinion ng isang
eksperto ng isang pananaliksik
particular na paksa na ginamit upang
makatulong sa pagpapasya sa pagbuo
ng mga patakaran.
Pagkuha ng Datos