Ang Kahalagahan NG Pagbasa at Pagsulat

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Ang Kahalagahan

ng Pagbasa at
Pagsulat
Interdisiplinaryo ng Pagbasa at Pagsulat
(IPP)

Bachelor of Science in Nursing 2-1


Group 1

Miyembro:
Bordamonte, Mark C.
Dumagat, Ruffy C.
Punzalan, Stella Maris M.
PAGSULAT
● Cecilia Austera et al. (2009), K.A. Filipino
○ Ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang pinaka-epektibong midyum ng paghahatid ng mensahe,
ang wika.

● Edwin Mabilin et al. (2012), Transpormatibong K.A. Filipino


○ Ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng
kaalaman sa papel or anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa pamamagitan
ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at
layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos na pangungusap sa mga
talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.

● Royo (2001) mula sa aklat ni Dr. Eriberto Astroga Jr.


○ Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao. Sa
pamamagitan nito, naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap,
agam-agam, bungang-isip at mga pagdaramdam.

● Proseso ng Pagsulat
○ Paghahanda sa Pagsulat (Prewriting) - ang unang yugto na tungkol sa masusing
pagpaplano ng pangangalap ng datos, pag-iisip ng ideya, at pag-oorganisa ng mga
paksa bago makapagsimula ng pagsulat ng burador.

○ Aktuwal na Pagsulat (Writing) - ang pangalawang yugto kung saan nagsisimula


na ang tuloy-tuloy na pagpapaliwanag ng ideya sa loob ng mga pangungusap.
Mahalagang hindi mawala ang isang momentum ng manunulat sa yugto na ito,
kaya ang mga pagkakamali sa isang pangungusap ay hindi muna binibigyan ng
gaanong attensyon.

○ Pagrerebisa (Revising) - ang pangatlong yugto na isinasagawa ang parerebisa ng


mga malabong ideya para matiyak na ang mga mambabasa nito ay mauunawaan
kaagad ang ipinaparating ng manunulat. Ito ay proseso ng pagbabasa ng unang
burador para mailinaw at mahubog ang mga sinulat ideya.

○ Pag-eedit (Editing) - ang huling yugto para makagawa ng pinal na dokumento. Ito
ang pagwawasto ng mga istruktural at teknikal na pagkakamali sa pagbuo ng mga
pangungusap. Binibigyang pansin ang gramatika, wastong gamit ng salita,
estruktura ng pangungusap, ispeling, at and tamang tuntunin ng pagsulat.

● Kahalagahan ng Pagsulat
○ Mahuhubog at masasanay ang isang manunulat sa:
■ Pag-oorganisa ng mga ideya at pagsulat nito sa obhebtibong paraan.

■ Pagsusuri ng mga nakalap na datos na ginagamit sa pananaliksik.

■ Pagbabasa ng mapanuri sa paraan ng pagiging obhebtibo sa paglalatag ng


mga kaisipan na isusulat.

■ Paghahanap ng mga sanggunian na kukuhanan ng mahahalagang datos na


gagamitin sa pagsulat.

■ Pagpapahalaga sa mga akdang pinag-aralan at mga akademikong


pagsisikap

■ Pagtuklas ng mga bagong kaalaman para mai-ambag nito sa lipunan.

■ Pangangalap ng impormasyon mula sa sari-saring sanga ng kaalaman.

● Uri ng Sulatin
○ Personal - isang uri ng sulatin na hindi pormal at karaniwang ginagamit para
malayang maipahayag ang mga saloobin, ideya, at damdamin.
■ Hal. Liham, Dyornal, Tala, o Talambuhay

○ Transaksyonal - ito naman ay pormal na paraan ng pagsulat at may sariling


mensahe na nais iparating.
■ Hal. Proposal, Patakaran, Memo, o Plano

○ Malikhain - ginagamit ito sa paggawa ng sulating karaniwang propesyonal at


teknikal.
■ Hal. Nobela, Bugtong, Editoryal, o Maikling Kwento

● Pangunahing Pamamaraan sa Pagsulat


1. Impormatibo - ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay ng datos o
impormasyon sa mga mambabasa.

2. Ekspresibo - ang manunulat ay naglalayong makapagbahagi ng sariling ideya,


obserbasyon, opinyon, kaalaman, at paniniwala tungkol sa isang paksa batay sa
sariling pag-aaral or karanasan.

3. Naratibo - ang layunin nito at makapagsalaysay ng mga pangyayari sa paraan ng


tiyak at magkaugnay na pagkasunod-sunod.
4. Diskriptibo - ang manunulat ay makakapaglarawan ng mga katangian, hugis, at
anyo ng mga pangyayari batay sa kanilang naransan, natuklasan, nasaksihan,
narinig, o nakita.

5. Argumentatibo - ang layunin nito ay makapanghikayat ng mga mambabasa. Ito ay


mga proposisyon at isyu na pinagtatalunan.

PAGBASA
● Ang pagkilala sa mga simbolo o sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat na ilipat sa kaisipan ng
mambabasa.
● Nangangailangan ito ng kakayahang pangkaisipan dahil kinakailangan na alam ng
mambabasa ang tunog o ponema ng naisulat na letra.
● Isa ito sa mga makrong kasanayang pangwika at isa sa mga pinakagamitin sa lahat.

KAHALAGAHAN
1. Dagdag kaalaman 5. Nalulunasan ang pagkabagot
2. Pagyaman ng talasalitaan 6. Nakararating sa mga lugar na hindi
3. Paghubog ng kaisipan at pamilyar
Paninindigan 7. Paglutas ng mga suliranin
4. Pagkuha ng mga importanteng 8. Nakatutulong sa pagtaas ng kalidad
impormasyon ng buhay ng tao

LAYUNIN
● Magkaroon ng Kalinawan ang pag-iisp tungkol sa mga bagay na di malinaw sa kaalaman
● Magkaroon ng kapayapaan sa buhay dahil sa kaalaman sa iba’t ibang larangan
● Magkaroon ng pagbabago sa paniniwala o kaugalian
● Magkaroon ng bukas na isipan

URI
Ang pagbabasa ay maaaring mauri batay sa layunin nito at paraan ng pagbabasa.

Batay sa Layunin
● ISKIMING - Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang
teksto kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano
ang pananaw at layunin ng manunulat. Mas kompleks ang ito kaysa iskanning dahil
nangangailangan ito ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng
mambabasa upang maunawaan ang kabuuang tekso at hindi lamang upang matagpuan
ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito. Nangangailangan ng oras ang Iskiming
dahil kailangan mong malaman ang pangkalahatang kaisipan sa tekstong binabasa.
Ginagamit ang iskiming kapag may pangakalahatang tanong tungkol sa isang akda.

● ISKANING - Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang


ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa. Kinapapalooban ito ng bilis at talas
nga mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kailangang
impormasyon. Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo o tiyak na
sipi na makakatulong sa iyo, iskaning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin.

● KASWAL - layunin dito ng mambababsa ang magpalipas ng oras habang naghihintay


upang hindi mainip.

● KRITIKAL - Tinitiyak dito na naiintindihan ng mambababsa ang kahulugan ng kanyang


binabasa dahil layunin dito ang makatuklas ng bagong konsepto. Nagiging mapanuri ang
mambabasa sa teknik na ito dahil tinitingnan niya ang katunayan at kawastuhan ng teksto.

● KOMPREHENSIBO - ito ang uri ng pagbasa na pinakamatrabaho dahil inuunawa dito


ang bawat detalye dahil mahalaga rito ang lubusang pagkatuto kaya maingat at
masinsinan ang ginagawang pagbasa. Makikita rito na halos ang lahat ng uri ng
paghihmay tulad ng pagsusuri, pagtataya, pagbubuod, pamumuna, pagbibigay-opinyonm,
pagtatanong, pagbabalangkas, at iba pa. Dahil dito ito ang kinokonsidera bilang
pinaka-epektibong teknik sa akademikong pagbasa.

● PRIBYUWING - tanging kinukuha lamang ang lahat ng mahahalagangn impormasyon


ng isang babasahin.

● REPLEKTIB - pagbasa kung maisasabuhay ng isang mambababsa ang kanyang


binabasa at nauunawaan niya ito nang lubos.

● MULING-BASA - tinatawag ito sa Ingles na ‘re-reading’; ito ang pagbibigay


interpretasyon dito ay hindi agad nakukuha sa unang pagbasa bagkus mas malinaw itong
nakukuha sa pagbabasang muli sa teksto.
● PAGTATALA - tinatawag na ‘note-taking’ sa Ingles. Tinatayang may malaking ambag
ito sa mambababasa dahil nagagawa nitong magbigay ng empasis o haylayt ang iyong
binabasa. Kadalasan itong isinasagawa sa pamamagitan ng pagsalungguhit sa teksto,
paglalagay ng asterisk, paggamit ng haylayter, at iba pa.

● SURING -BASA - layunin nito na suriin at punahin ang isang akda upang ipakita sa
mambabasa ang kalidad nito. Hindi ito simpleng pagbubuod, isa itong pagtataya sa
katangian ng isang akda. Buong ignat at masinsinang pagbubusisi ang kinakailangan sa
teknik na ito.

Batay sa Paraan
● TAHIMIK - sa paraang ito, mata lamang ang ginagamit sa pagbabasa.
● PASALITA - sa paraang ito, ginagamitan ito ng bibig, bukod sa mga mata kaya
nagkakaroon ng tunog ang pagbabasa.

HAKBANG
1. Persepsyon o Pagkilala: dito kinikilala ang mga salita
2. Komprehensyon: dito nagaganap ang lubos na pag-unawa sa kaisipang nakapaloob sa
mga nakalimbag na simbolo
3. Reaksyon: ito ang kakayahang humatol o magpasya sa kawastuhan, kahusayan, at
pagpapahalaga sa mga isinulat ng may akda
4. Asimilasyon: tinatawag ding integrasyon; ito ang pagsasama-sama at pag-uugnay-ugnay
ng mga nakaraan at ng mga bagong karanasan. Hakbang ito ng pagkuha sa mga
impormasyon o kaalaman na iuugnay at isasantabi muna pansamantala sa isipan upang
muling balikan sa oras ng pangagnailangan.

ESTRATEHIYA
● Pagtatanong - Bumuo ng mga tanong tungkol sa (kasalukuyang) binabasa
● Paghuhula - Hulaan ang mga sagot sa mga tanong na nabuo sa iyong isipan
● Paglilinaw - Linawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa
iyong gma tanong
● Pag-uugnay - Iugnay ang teksto sa iyong karanasan o kaalaman.
● Paghuhusga - Husgahan/suriin ang mga elemento ng teksto.
TEORYA NG PAGBABASA
1. TEORYANG BOTTOM-UP

Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang behaviorist na higit na


nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa pagbasa. Ayon sa
teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa
pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago
malaman ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga
salita, at ang teksto ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na
partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang
lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa
ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up),
kaya tinawag itong bottom up.

2. TEORYANG TOP-DOWN

Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming
dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa
teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestaltna naniniwalang ang pagbasa ay isang
prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso
ng pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay
may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa
may-akda sa pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na inside out o
cenceptually-driven dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa
patungo sa teksto. Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang
mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga
karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay
at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.

3. TEORYANG INTERAKTIB

Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang teorya. Ayon sa mga
proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang bumasa at
hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at
bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at
ibaba-pataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito
nagaganap ang interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor kung gayon, ang
interaksyon ay may dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay
isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang
produkto.

4. TEORYANG ISKEMA

Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng mambabasa.


Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong nakukuha
sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin ng
isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula
sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang
mapatunayan kung ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat
baguhin. Dahil dito, maaaring sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng
komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong
nabubuo sa isipan ng mambabasa.

PAGBASA AT PAGSULAT

● Ang pagbasa at pagsulat ay naka konekta sa isa’t isa. Ang kakayahang makapagsulat ay
kasunod na matutunan mo ang iyong abilidad na magbasa. At meron ding ibang tao na
unang natutong magbasa at matapus ay nakapagsusulat na sila. Kaya sa isang tao ay
konektado ang dalawang kakayahang ito.

Ugnayan ng Pagbasa at Pagsulat

● Itinuturing ni Pearson (1985) ang ugnayang pagbasa at pagsulat bilang nag-iisang


pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika.
● Dati ay pinaniniwalaang magkahiwalay na kasanayan ang pagbasa at pagsulat at dahil
dito, itinuturo sila ng magkahiwalay.
● Ang pagbasa at pagsulat ay kompartamentalays bilang magkaibang disiplina.
● Ang ponetikang itinuturo na bahagi ng pagbasa ay inilalarawan bilang tulong sa
pagbaybay.
● Sa kasalukuyan, may ugnayan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. (Noyce at Christie:
1989).

SCIENTIFIC INQUIRY
● Kinapapalooban ng pag popormula ng tanong, paggawa ng prediksyon o haypotesis,
pagdidisenyo ng pag-aaral, pagsasagawa ng pag-aaral, pangongolekta ng datos, pagsusuri
ng resulta, paghahabi ng konklusyon at pagbabahagi ng kinalabasan ng pag-aaral.
● Ang pagsulat, pagbasa, prediksyon, at malikhain/kritikal na pag-iisip ay mga integral na
proseso sa scientific inquiry.
● Masasabing ang proseso ng scientific inquiry at ang proseso ng literasi ay may paralel na
ugnayan. Ang dalawang metod ng pagtuklas sa pagtatangka ng matugunan ang isang
katanungan, na nagsisimula sa ideya o katanungan at nagtatapos sa pagrereport ng
resulta. (Alkerson at Flanagan: 2000)

INTEGRAL NA PROSESO NG SCIENTIFIC INQUIRY

1. Pagsulat
2. Pagbasa
3. Prediksyon
4. Malikhain/Kritikal na Pag-iisip

Abdel Salam A. El-Koumy

● Isang dalubguro ng Edukasyon sa Suez Canal University, na Exploring the


reading-writing relationship in NES and EFL students.
● Ibinahagi niya ang kanyang kaalaman sa impluwensya ng mga neuropsychologist na
naniniwalang ang komprehensyon ay matatagpuan sa isang parte ng utak, at ang
produksyon naman ay isang bahagi ilan sa mga edukador ay sumasang-ayon sa pagbasa
at pagsulat ay hindi magkapantay.
● Nangangahulugan na ang dalawang kasanayan ay napakalayo sa isa’t-isa kung
pag-uusapan ang linggwistika at pedagohikal na aspeto.

● Ang sumusunod na halimbawa ay sumusuporta sa nasabing pananaw:


○ Sa wika ng isang bata, kapwa tinutumbok ng obserbasyon at ebidensya ng
pananaliksik ang “superiority” ng komprehesyon laban sa produksyon
○ Mas higit na nakauunawa sa isang bata kaysa sa kanilang nilikha. Halimbawa,
maaaring maunawaan ng isang bata ang isang pangungusap ngunit hindi
magagawang makalikha ng naturang pangungusap (Brown: 1987)
● Ang pangunahing kaibahan ng dalawang gawain (pagbasa at pagsulat) ay
pagkakadepende ng pagsulat sa isang mas detalyado at sinuring kaalaman tungkol sa
ugnayang tunong-pagsulat (sound-spelling relationship) ay mas mataas kapag binabaybay
ang mga salita kumpara sa reseptib na pagkilala sa mga ito. (Bialystock at Ryan 1985)
● Ang kasanayang reseptib sa pagbasa ay mas madaling matutunan at mas madaling
mapanatili kumpara sa kasanayang produktib ng pagsulat.
● Ang langue ay tinitignan bilang isang abstrak na sistema na ginagamit ng isang speech
community, taliwas sa aktwal na linggwistik na pag-uugali ng mga indibidwal.

KAHALAGAHAN NG PAGBASA AT PAGSULAT SA PAG-AARAL

● Kinakailangang matutunan ng isang mag-aaral kung paano tumugon bilang mambabasa


sa mga nakasulat sa iba’t-ibang uri na may iba’t-ibang antas ng kahirapan sa pag-unawa,
na dinala sa iba’t-ibang panahon at sa iba’t-ibang lugar.
● Sa kabilang dako, ang pagsulat, tulad ng pagsasalita ay isang napaka personal na gawain
kung saan ang mag-aaral ay kailangang isaalang-alang ang lahat ng mga mandatory na
pangangailangan at kahandaan para sa target na koda ng wika sa kung paano ito
lumalabas kapag isinusulat, na sa parehong paraan naman ay nabibigyan ng pagkakataon
at panghihikayat upang galugarin ang bolisyonal at malikhaing aspeto ng bagong wika sa
lawing ng kanyang kakayahan kung hanggang saan ito ay pinahihintulutan ng kanyang
karanasan (Brooks 1964)

SIYENTIPIKONG PANANALIKSIK

● Ito ay isang maayos at sistematikong proseso ng pagtatanong kung saan, sa pamamagitan


ng mahigpit na aplikasyon ng isang hanay ng mga pamamaraan at pamantayan, ang
pag-aaral, pagsusuri o pagtatanong tungkol sa isang paksa o paksa ay hinabol, kasama
ang kasunod na layunin ng pagtaas, pagpapalawak o pagbuo ng kaalaman tungkol dito.
● Ang pangunahing layunin ng siyentipikong pagsasaliksik ay maghanap ng mga solusyon
sa mga tiyak na problema: ipaliwanag ang mga phenomena, bumuo ng mga teorya,
palawakin ang kaalaman, magtaguyod ng mga prinsipyo, repormahin ang mga diskarte,
tanggihan ang mga resulta, atbp.
● Upang magawa ito, ang pananaliksik ay gumagamit ng pamamaraang pang-agham, na
isang tool upang magpatuloy, sa isang nakabalangkas at sistematikong paraan, sa
pagsusuri at pagsisiyasat sa problemang inilagay.

● Ang siyentipikong pananaliksik ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagiging


sistematiko, pamamaraan, maayos, makatuwiran, sumasalamin at kritikal, at binubuo ng
tatlong mahahalagang elemento:
○ Bagay sa pananaliksik, na kung ano ang mag-iimbestiga.
○ Ibig sabihin, daluyan, na kung saan ay ang hanay ng mga pamamaraan at
diskarte na naaayon sa uri ng pananaliksik na bibigyan ng pansin.
○ Layunin ng pagsisiyasat, na kung saan ay ang mga dahilan na nag-uudyok sa
pagsisiyasat.

MGA URI NG SIYENTIPIKONG PANANALIKSIK

Ayon sa layunin nito:

● Purong siyentipikong pagsasaliksik


○ ay isa sa mga tumutugon sa mga problema ng isang teoretikal na kalikasan.
● Inilapat ang siyentipikong pagsasaliksik
○ ay ang isa na nagtatanong tungkol sa praktikal na aplikasyon ng ilang mga
kaalamang pang-agham.
● Ayon sa antas ng kaalaman:
● Exploratory na siyentipikong pagsasaliksik
○ ay isang naglalayong tukuyin o maghanap ng mga bagong paksa ng pag-aaral.
● Naglalawang pagsasaliksik sa agham
○ ay ang isang naghahangad na makahanap ng istraktura at pag-uugali ng ilang mga
hindi pangkaraniwang bagay o isyu.
● Paliwanag na siyentipikong pagsasaliksik
○ ay isang sumusubok na bumuo ng mga batas na tumutukoy sa nasabing
pag-uugali.
● Ayon sa iyong diskarte:
● Pananaliksik sa larangan ng agham
○ ito ay kung saan kinokolekta ng mananaliksik ang kanyang mga sample o datos sa
parehong lugar ng pagsisiyasat.
● Pang-eksperimentong siyentipikong pagsasaliksik
○ ito ay isa kung saan ang mananaliksik mismo ay lumilikha ng mga kundisyon
upang siyasatin ang ugnayan ng sanhi-epekto ng isang hindi pangkaraniwang
bagay.
● Dokumentaryong siyentipikong pagsasaliksik
○ ay isa na batay sa datos na nakuha ng iba pang mga gawa sa pagsasaliksik.

KONEKSYON SA KURSONG NARSING


● Ang pagbasa at pagsulat sa konseptong anatomikal at pisyolohikal
○ Ang kakayahan ng isang tao na magbasa at magsulat ay nanggagaling sa isang
parte ng utak.
○ Sa pagitan ng temporal at parietal lobe, matatagpuan ang Wernicke's area na
responsable sa pag-unawa sa wikang nakasulat o binigkas. Kaya bago
makapagsulat ang isang tao, dapat marunong muna ito makaintindi ng mga salita.

○ Ang primary cortex, motor association cortex, basal ganglia, at cerebellum sa


utak ay ginagamit para pisikal na makapagsulat ang isang tao.

○ Habang ang posterior parietal cortex naman ay para magkaroon ng kamalayan sa


kapaligiran na ginagalawan upang malaman kung saan gagalawin ang kamay para
makapagsulat.

● Isa sa mga gawain ng mga nars ang dokumentasyon, dito nilalagay ang mga gawain at
prosesong inilapat sa pasyente. Mahalaga ito sapagkat ito ang nagsisilbing ebidensiya o
pruweba na nagawa ang isang gawain para sa karampatang pasyente natin. Sa gawaing
ito, nagagamit ang pagsulat dahil dito natin naitatala ang mga operasyon o di kaya’y
gamot na natanggap ng ating pasyente. Sa kabilang dako naman, nagagamit ang
pagbabasa rito sa paraang nababasa natin kung ano man ang gustong ‘iorder’ ng mga
doktor para sa kanyang pasyente.

● Isa sa mga gawain bilang isang nars ay ang pagbibigay ng medikasyon o gamot sa mga
pasyente, Nagagamit ang pagbasa sa pagtukoy ng pag kumpirma sa pangalan ng
pasyente at ang pangalan na gamot na ibibigay sa pasyente, mahalaga ito dahil ang
pagbibigay ng tamang gamot sa tamang pasyente ay makakaiwas sa isang aksidente.
Nagagamit din ang ang pagsulat sa pag dodokumento tulad ng pagsulat kung anong oras,
petsa, gamot, at kung anong paraan ibinigay ang gamot sa pasyente, sa pagsulat at
pagbasa ay ma-iuupdate mo rin ang patient chart na naglalaman ng mga importante
dokumento ng isang pasyente, kasama na rito ang mga ibinigay o ibibigay na gamot at
ang mga pamamaraan kung paano binigyang pag-aalaga ang isang pasyente.
Talasanggunian

Agpuldo, C. V. (n.d.). Pagbasa at Pagsulatpowerpoint. Scribd. Nakuha noong October 21, 2022,
mula sa https://www.scribd.com/doc/42437784/Pagbasa-at-Pagsulatpowerpoint
Aldeia, F. A. (n.d.). PAGBASA ang pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong
nakalimbag sa pahina na nangangailangan ng masusing pag-iisip sa ipinahayag na
mensahe. Nakuha noong Oktubre 22, 2022 mula sa
https://slideplayer.com/slide/15279837/
Ang Proseso ng Pagsulat. (2014, June). Study Everything. Nakuha noong October 21, 2022,
mula sa https://study-everything.blogspot.com/2014/06/ang-proseso-ng-pagsulat.html
Ano ang mga kahalagahan ng pagsulat?​- Brainly.ph. (n.d.). Nakuha noong October 21, 2022,
mula sa https://brainly.ph/question/3525519
Basto, J. (n.d.). Pagsulat. Nakuha noong October 21, 2022, mula sa
https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-15995547
Canlas, L. M. (n.d.). Aralin 1 Ang Kahalagahan Ng Pagsulat. Scribd. Nakuha noong October 21,
2022, mula sa
https://www.scribd.com/presentation/425772510/Aralin-1-Ang-Kahalagahan-Ng-Pagsula
t
Chua, P. M. (2011, Nobyembre 22). Ang pagbasa. Nakuha noong Oktubre 22, 2022 mula sa
https://www.slideshare.net/PaulMitchellChua/ang-pagbasa
Dancel, R. (n.d.). 4 na makrong kasanayan. Nakuha noong October 21, 2022, mula sa
https://www.slideshare.net/RoelDancel/4-na-makrong-kasanayan-65959478
EXAM REVIEWER. (2021, April 24). Pag sulat [Video]. YouTube. Nakuha noong October 21,
2022, mula sa https://www.youtube.com/watch?v=hTEWKFI_5Zs
Makrong Kasanayang Pangwika. (2020, Abril 28). Ano ang Pagbasa?. Nakuha noong Oktubre
22, 2022 mula sa
https://www.facebook.com/112206113749931/posts/ano-ang-pagbasaang-pagbasa-ay-pag
kilala-at-pagkuha-ng-mga-ideya-at-kaisipan-sa-m/132944965009379/
Piloton, R. (2015, Disyembre 16). Mga teorya sa pagbasa. Nakuha noong Oktubre 22, 2022 mula
sa https://www.slideshare.net/rowelpiloton/mga-teorya-sa-pagbasa
Strife, R. (2022, October 21). kahalagahan ng pagsusulat. Nakuha noong October 21, 2022,
mula sa http://ray23cloudstrife.blogspot.com/2011/08/kahalagahan-ng-pagsusulat.html
Tinidad, J. (2015, Agosto 25). Pagbasa 2013 (1). Nakuha noong Oktubre 22, 2022 mula sa
https://www.slideshare.net/jok04/pagbasa-2013-1
What part of the brain controls our writing and the words we write? (n.d.). Quora. Nakuha noong
October 21, 2022, mula sa
https://www.quora.com/What-part-of-the-brain-controls-our-writing-and-the-words-we-w
rite-What-part-of-the-brain-guides-us-when-we-want-to-write-or-write-while-we-think

You might also like