Fil 102 Module 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Module 4 Panahon ng Himagsikan

1
Module 4 Panahon ng Himagsikan
1

Modyul 4
Panahon ng Himagsikan

TIYAK NA KINALALABASAN NG PAGKATUTO

Sa Modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod:


• maipaliliwanag ang layunin at hangarin ng Kilusang Propaganda sa Panahon ng Himagsikan;
• makapagbibigay ng maikling reaksyon sa pahayag;
• masusuri ang kakayahan sa pagpapalawak ng ideya sa paksa;
• maihahambing ang “Kartilya ng Katipunan” na sinulat ni Andres Bonifacio at ang akda ni
Emilio Jacinto na “ Mga aral ng Katipunan ng mga A.N.B.” at
• makabubuo ng isang sanaysay batay sa damdaming maihahayag.

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahing at unawain ang mga sumusunod na katanungan; Piliin ang titik ng
iyong sagot.
1. Itinuturing na Utak ng Katipunan
a. Emilio Jacinto
b. Andress Bonifacio
c. Apolinario Mabini
2. Itinuturing na Utak ng Himagsikan
a. Jose P. Rizal
b. Apolinario Mabini
c. Graciano Lopez Jaena
3. Tinaguriang “Ang mandirigmang umaawit sa gitna ng labanan”.
a. Garciano Lopez Jaena
b. Jose Rizal
c. Jose Palma
4. Naging tanyag sa pagsulat niya ng Filipinas, na naging titik ng pambansang awit ng Pilipinas
a. Jose Palma
b. Antonio Luna
c. Marcelo H. del Pilar
5. Gumagamit ng sagisag na Dimas-ilaw at Pingkian.
a. Emilio Jacinto
b. Antonio Luna
c. Jose Ma. Panganiban
6. Supremo ng Katipunan
Module 4 Panahon ng Himagsikan
1

a. Pascual Poblete
b. Andres Bonifacio
c. Jose Ma. Panganiban
7. Tulang nagsasaad ng kanyang pag-aalala sa mga kababayan.
a. Sa Anak ng Bayan
b. Pahayag
c. A La Patria
8. Titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas
a. Himno National Pilipino
b. Himno Nacional Filipino
c. Himmo National Filipino
9. Naging kanang kamay ni Heneral Emilio Aguinaldo nang matatag ang Republika ng Pilipinas
a. Apolinario Mabini
b. Andres Bonifacio
c. Pedro Paterno
10. Tinaguriang Dakilang Maralita at Dakilang Plebeyo.
a. Andres Bonifacio
b. Emilio Jacinto
c. Jose Palma

MODULE MAP

PANAHON NG HIMAGSIKAN

SANLIGANG KASAYSAYAN

Ipinapakita ng mapa sa itaas ang daloy sa Panahon ng Himagsikan, at


Sanligang Kasaysayan
Module 4 Panahon ng Himagsikan
1

MGA PANGUNAHING NILALAMAN

ENGAGE: Alamin!

Panuto: Magbigay ng maikling reaksyon sa pahayag ni Emilio Jacinto

“ Walang lalaki maliban sa duwag ang makatatagal na


pagmasadan ang unti-unting pagkamatay ng kanyang lupang
sinilangan”

Reaksyon:

EXPLORE: GALUGARIN ANG PANG-UUNAWA


Module 4 Panahon ng Himagsikan
1

Sanligang Kasaysayan
Nabigo ang mga propagandista sa inaasahan nilang pagbabago sa mapayapang paraan. Ang
pamahalaan ay naging bingi sa kanilang mga kahilingan. Hindi naisasagawa ang mabubuting balak ng Inang
Espanya sapagkat nasasalungat agad ng mga prayle. Nagpatuloy ang pamahalaan at simbahan sa pang-
aapi, pagsasamantala, paghamak at labis na paghihigpit sa mga Pilipino. Ipinatapon sa Dapitan si Jose
Rizal, ang nagtatag ng "La Liga Filipina", isang samahang sibiko na pinaghinalaang mapanghimagsik.

Bunsod ng pangyayaring ito, itinatag ni Bonifacio at ng iba pa niyang kasama sa "La Liga Filipina"
ang Kataasan-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (K.K.K.). Ang ibang kabilang
sa gitnang uri na patuloy na umaasa sa pagbabago ay hindi sumapi sa K.K.K. Nawalan na ng pag-asa ang
mga sumanib sa pangkat na ito na makakamit nila sa mapayapang paraan ang kanilang hinihiling at sa
palagay nila ay wala nang natitirang lunas kundi ang paghihimagsik.

Pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan ang naging laman ng panitikan at mga payo sa mga
Pilipino na gumising, magkaisa at lumaban upang matamo ang hinahangad na pagbabago at kalayaan.

ANDRES BONIFACIO

Si Andres Bonifacio, Supremo ng


Katipunan ay isinilang sa Tondo, Maynila noong
Nobyembre 30, 1863. Siya'y kinilalang "Ama ng
Demokrasya sa Pilipinas". Tinagurian din siyang
“Dakilang Maralita" al “Dakilang Plebeyo".
Nanggaling si Bonifacio sa maralitang angkan.
Maaga silang naulila sa mga magulang kaya't
sa kanyang mga balikat napaatang ang
tungkuling itaguyod ang mga kapatid sapagkat
siya ang panganay. Ang kanyang pinag-aralan
ay galing sa karanasan. Hindi siya nakapag-aral sa mataas na paaralan. Sa batang
gulang ay naranasan na niya ang iba't ibang hanapbuhay. Gumawa siya ng mga tungkod na kahoy at
abanikong papel na kanyang ipinagbili upang maipang-agdong buhay nilang magkakapatid. Namasukan siya
bilang mensahero. Naranasan din niya ang maging kargador sa ilang bahay-kalakal.
Sa sariling pagsisikap ay napalawak niya ang kanyang kaalaman. Binasa niya ang talambuhay ng
mga naging pangulo ng Estados Unidos. Ang mga nobelang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ni Rizal
na binasa niya ay naging inspirasyon niya upang itaguyod ang K.K.K. Nagkubli siya sa mga sagisag na May
Pag-asa, Bagumbayan, at Agap-ito
Module 4 Panahon ng Himagsikan
1

Himagsikan Laban sa Kastila

Ang pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng pagtatagumpay ng mga
propagandista. Gayunman, hindi naman nanlupaypay ang mga ibang masigasig sa paghingi ng reporma.
Ang iba’t hindi naniniwalang reporma ang kailangan, naniniwala silang kailangan na ng marahas na
pagbabago.
Nagbago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong gabi mismo nang mabalitaang
ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina Velentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao
Diwa, Deodato Arellano at ilan pang may diwang makabayan ay lihim na nagpulong noong ika-7 ng Hulyo,
1892 sa isang bahay sa Azcarraga. Itinatag nila ang Kataastaasang Kagalang-galangan na Katipunan nang
manga Anak nang Bayan (K.K.K.) o Katipunan. Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng kani-
kaniyang mga dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng samahan.
Ang mga manunulat na natampok sa panahong ito’y sina Andres Bonifacio (Ama ng Katipunan) at
Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan). Kabilang dito Pio Valenzuela. Ang wikang natatampok nang panahong
ito’y ang Tagalog. Kung sa panulat man ni Bonifacio’y sinasabi niyang ang dapat mabatid ng mga Tagalog,
mababasa namang ang tinutukoy dito’y ang mamamayang Pilipino, hindi naman niya matatawag na mga
Pilipino sapagkat ang mga Pilipino noo’y ang mga Kastilang ipinanganak sa Pilipinas, hindi rin naman
maaaring gamitin ang Indio sapagkat ito’y panlilibak ng mga Kastila.
Nang naging aktibo ang mga Katipunero, gabi- gabi’y may pagpupulng sila at nadarama ng mga Kastila
na may nagaganap sa kapaligiran lalo na sa Kamaynilaan at sa Gitnang Luzon.
Noong ika-19 ng Agosto, 1896, nabunyag kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ni Teodoro Patiño
ang tungkol sa Katipunan. Dahil sa pangyayaring ito, wala nang iba pang magagawa kundi ang
makiaglabanan. Kaya noong ika-23 ng Agosto, ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa
pakikipaglaban. Kaya noong ika-23 ng Agosto, ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa
pakikipaglaban sa Pugad- lawin. Pinunit nila ang kanilang mga sedula at isinigaw ang “Mabuhay ang
Plipinas!”

Mga Pahayagan Noong Panahon ng Himagsikan

Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang mga katha. Ang mga sanaysay at pahayagan ang
naging behikulo sa pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay na nangyayari sa kapaligiran. Ito ang naging
mabisang tagaakay sa mga tao upang tahakin ang landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan
Ilang sa mga pahayagan noon ang:

1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni PioValenzuela.

2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya’t may
katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.

3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa
Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging
Module 4 Panahon ng Himagsikan
1

Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang
pahayagang ito mula ika- 28 ng Detyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin
ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.

4.) La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng Setyembre, 1898.
5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898.
8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.

Himagsikan Laban sa Amerikano

Patuloy ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga


Kastila. Ang Gobernador – Heneral noo’y si Primo de
Rivera. Kinsi niya makumbinsi ang mga Pilipino upang
magsalong ng sandata. Nagkaroon ng tinatawag na
Republika ng Biak-na-Bato. Si Aguinadlo ang pangulo. Si
Mariano Trias ang pangalawang pangulo. Ang Saligang-
Batas nito’y nilagdaan noong unang araw ng Nobyembre,
1897.
Sa tulong ni Pedro Paterno, nalagdaan ang panig ng
Plipino at Kastila na kinatawan nina Paterno at Rivera. Napagkasunduang si Aguinaldo’y kusang
magpapatapon sa ibang bansa at si Primo de Rivera’y magkakaloob ng malaking halaga sa mga rebelde’t
mga pamilya ng mga nasalanta sa himagsikan.
Natatag ang unang Republika noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Narinig sa unang pagkakatao ang Marcha
Nacional Filipino ni Juan Felipe. Itinaas ang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong nina Marcela
Agoncillo.
May mga diplomatikong nagsisiskap upang ganap na makamit ang kalayaan ngunit ang Kasinduan sa
Paris ang siyang isinakatuparan ng mga Amerikano. Na ang Pilipinas ay sasakupin ng mga Amerikano.
Naganap ito noong Disyembre, 1898.

Hindi tumutugot ang mga Pilipino sa pakikipaglaban. Ang panulat ay mabisa pa ring sandata sa
pagpapahayag ng mga niloloob ng sambayanan at sa panahong ito, ang pangalan naman ni Mabini ang
natampok.

Apolinari Mabini (1864-1903)


Si Mabini ang “Utak ng Himagsikan” Ang ginamit
niyang wika’y Kastila. Tinagurian din siyang “Dakilang
Lumpo” sapagkat sa kabila ng kanyang kapansanan ay
kinatatakutan pa ang kaniyang panulat at kailangan
siyang ipatapon.
Module 4 Panahon ng Himagsikan
1

Sinulat niya ang El Desarollo y Caida de la Republica Filipina at ang “El Verdadero Decalogo”
Humigit- kumulang, ganito ang nilalaman ng kaniyang dekalogo:
1. Ibigin mo ang Diyos at ang iyong karangalan nang higit sa lahat. Ang Diyos ang batis ng lahat ng
katotohanan, karunungan at lahat ng gawain. Ang karangalan ang nag-uutos upang maging matapat,
mabait at masipag sang isang tao.
2. Sambahin ang Diyos sa paraang minamarapat ng iyong budhi.
3. Linangin mo ang mga katangiang kaloob sa iyo ng Diyos.
4. Ibigin mo ang iyong bayan sunod sa Diyos at sa iyong karangalan.
5. Pagsumikapan mong lumigaya ang iyong bayan nang una sa iyong sarili sapagkat kung maligaya
ang bayan ang lahat ng naninirahan ay maligaya rin.
6. Pagsumikapan mong makamit ang kasarinlan ng iyong bayan. Ang kaniyang kasarinlan ay kalayaan
mo.
7. Kilalanin lamang ang kapangyarihan ng inihalal mo sapagkat ang kapangyarihan ay galing sa Diyos
at dahil sa ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng budhi ng bawat tao.
8. Pagsumikapang makapagtatag ng isang Republika sa iyong bayan.
9. Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.
10. Itangi mo ang iyong kababayan higit sa kapwa mo.

Jose Palma

Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ni Jose Palma


sa kasaysayan at sa panitikan ng bayan. Siya ang sumulat ng
“Himno Nacional Filipino “(Pambansang Awit ng Pilipinas).
Bagama’t sa Kastila niya ito isisnulat at marami nang salin ang
nagawa, hindi maitatatwang siya ang naghandog sa bayan ng
Pambansang Awit.

Emilio Jacinto (15 Disyembre 1875–16 Abril 1899)


Tinagurian si Emilio Jacinto (E·míl·yo Ha·sín·to) na “Utak ng
Katipunan” dahil sa mga sinulat niya para sa Katipunan, kabílang na ang
“Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.” at higit na kilalang Kartilya ng
Katipunan. May ganito ring akda si Andres Bonifacio, ang “Katungkulang
Gagawin ng mga Z.LL.B., ” ngunit ipinasiya ng Supremo na ang hinahangaan
niyang sinulat ni Jacinto ang opisyal na ikabit sa dokumento ng panunumpa
ng sinumang sasapi sa lihimna kilusan. Gayunman, higit na popular at
hinahangaan ang estilo ng pagsulat at matalinghagang nilalaman ng Liwanag at Dilim, isang koleksiyon ng
mga sanaysay na tumatalakay sa mga diwaing demokratiko’t kontra-kolonyalista at nag tatanghal sa
pilosopiko’t moral na sandigan ng isang rebolusyonaryong kapisanan.
Module 4 Panahon ng Himagsikan
1

Si Jacinto ang editor ng Kalayaan, ang diyaryo ng Katipunan, at sa pamamagitan lámang ng unang
labas ay umakit ng libo-libong kasapi. Ginamit niyang alyas sa kilusanang “Pingkian.” Sa Kalayaan, ginamit
din niyang sagisag-panulat ang “Dimasilaw.” Sa mga sagisag lámang ay mahihiwatigan ang pambihirang
hilig ni Jacinto sa liwanag, kung bagá, sa pagdudulot ng totoong liwanag sa kapuwa, at sa pagsalungat sa
huwad at mag-darayang “liwanag.”
Napakataas ng paggálang ni Bonifacio at ng ibang punda- dor ng Katipunan kay Jacinto, kayâ kahit
napakabatà, 20 anyos lámang siya nang sumapi, ay nahalal siyang kalihim ng kataas-taasang sanggunian.
Hinirang din siyang tagapayo ni Bonifacio at itinuring na bunsong kapatid.
Isinilang siya noong 15 Disyembre 1875 sa Tondo, Maynila at anak nina Mariano Jacinto at Josefa
Dizon. Namatay ang kaniyang ama noong sanggol pa siya kayâ ipinampon siya ng ina sa nakaririwasang
kapatid na si Don Jose Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran at lumipat sa Unibersidad de
Santo Tomas upang kumuha ng abogasya. Hindi niya natapos ang kurso dahil sa tawag ng pag-ibig sa
bayan. Nang pataksil na patayin si Bonifacio sa Cavite, ipinag-patuloy ni Jacinto ang pakikibáka laban sa
mga Español ngunit hindi siya sumama sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Nasugatan siya sa isang
labanan sa Laguna at nabihag. Ginamit niya ang talino upang makaligtas. Nag-kataóng hawak niya ang
sedula ng isang espiya ng mga Español at nagpanggap na siya ang espiya. Nang makalaya, bumalik siya sa
Maynila at doon nagpagalíng. Ngunit hindi niya matanggihan ang anyaya ng mga Katipunero sa Laguna,
kayâ muli siyang lumabas sa larangan. Dinapuan siya ng malarya at namatay sa Majayjay, Laguna noong 16
Abril 1899 sa gulang na 24—isang huwaran ng mandirigmang intelektuwal para sa pambansang kalayaan.

EXPLAIN: Pagpapalalim ng Pag-iisip

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba.

1. Ayon sa binasa mong teksto, anu-ano ang mga hangarin ng mga namumuno ng panghihimagsik laban sa
mga Kastila? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________ .
2. Bakit tinatawag na ”Dakilang Maralita” si Andres Bonifacio? Pangatwiran.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
___________________________________________________
Module 4 Panahon ng Himagsikan
1

3. Bakit tinaguriang “Ang mandirigmang umaawit sa gitna ng labanan” si Jose Palma? Pangatwiran.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

4. Paano nagiging “Utak ng Katipunan” si Emilio Jacinto? Ipaliwanag.


______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
_________________________________________________________ .

TOPIC SUMMARY

➢ Panahon ng Himagsikan- Ang Himagsikang Pilipino o Himagsikan ng 1896 (1896—1898) ay


isang labanan sa pagitan ng Imperyong Kastila at ng Katipunan. Ipagpapalayas ng mga
Pamahalaang Kolonyal ng mga Kastila. Pasimula ng mga Digmaang Kastila-Amerikano at
pagkakatatag sa Unang Republika ng Pilipinas.
➢ PANAHON NG HIMAGSIKAN – kilala ang mga akda nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto,
Apolinario Mabini at Jose Palma na pawing pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan ang
nagging laman ng panitkan ng mga payo sa mga ilipino na gumising, magkaisa at lumaban
upang matamo ang hinahangad na pagbabago at kalayaan.

REFERENCES

Rubin, Ligaya Tiamson et.al. (2006).“Panitikan sa Pilipinas”. Rex Bookstore.Lungsod ng Quezon.

Sauco, Consolacion P. et. Al. (2004). Panitikan ng Pilipinas, Panrelihiyon. Quezon City: Katha
Publishing Co. Inc.

https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-himagsikan.html

You might also like