Panitikan Kabanata 5
Panitikan Kabanata 5
Panitikan Kabanata 5
PANAHON NG AMERICANO
1900 - 1941
PANIMUL A
Nagkaroon ng isang di-mapasusubaliang wakas ang
mahigit na tatlong daang taong pananakop ng mga
Kastila at masasabing "nakatikim" ang sambayanang
Pilipino ng kalayaang sibil. Lumaya ang isipan at
damdamin ng mga Pilipino mula sa makipot at malupit
na mga dogma at doktrina ng mga Kastila lalo na ng
mga pare.
Tunay na ang mga Pilipino'y may "bagong panginoon"
ngunit kung ihahambing sa "dating malupit na
panginoon," ang mga Americano'y nagdulot ng mga
kaluwagang sa mga nasanay maalipin sa loob ng
daan-daang taon ay hindi na sukat mapaniwalaan.
Katulad ng isang batang babaing kay tagal-tagal
umasam magkaroon ng kahit isang laruang manyika,
nang sa wakas ay pagkalooban siya ng isang manyika,
kahit na ito'y manyikang walang bibig ay hindi kayang
ilarawan ang kanyang kasiyahan at kaligayahan.
L ARAWAN NG
PANAHON
Nang panahong iyon ay hindi gaanong naging
mahalaga sa mga manunulat na Pilipino kung hindi pa
rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais
nilang isulat. Katulad ng isang maliit na ibong matagal
na nakulong nang bigyan ng layang lumipad ay
nasiyahan na muna sa paglipad-lipad sa labas ng hawla
at hindi makapangahas lumipad sa malayo.
Para sa mga manunulat na Pilipino, ang
pinakamahalagang naganap ay nakakawala sila sa
galamay ng kaisa-isang paksang maaari nilang
talakayin sa panahon ng Kastila at ito ay pagpuri't
pagbibigay-karangalan sa relihiyong Kristiyanismo.
Kahit na nga sila'y ginapusan pa rin ng bagong
panginoon ng mahigpit na tanikala ng batas ng
sedisyon. Makasusulat sila ng tungkol sa kahit na ano,
lalo na ang tungkol sa mga pag-aabuso't
pananampalasan ng kanilang mga dating panginoon,
ang mga Kastila.
Sa ilalim ng batas ng sedisyon ay hindi sila maaaring
magsulat ng lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit
na anong makapagpapaalab sa damdaming
makabayan laban sa mga Americano. Hindi sila
maaaring magsulat ng laban sa pamahalaang
Americano, laban sa kanilang mga pagmamalabis o
laban sa kanilang mga layunin na hindi naman
pawang sa kapakanang Pilipino.
Mula sa kanyang sariling talambuhay na isinulat
noong taong 1959 ay ganito ang iniulat ni Lope K.
Santos tungkol sa panahong iyon:
Palibhasa'y panahon pa ng digmaan kayat wala
silang inaalagata kundi mapalawak ang kanilang
kapangyarihan dito sa Pilipinas at mapasuko ang
mga Pilipino. Unti-unti namang nangyayari ang
kanilang layon dahil sa kahinaan nating makibaka.
Samantala, dagdag ng dagdag ng mga tauhan ang
mga Americano sa Pilipinas.
Kumukuha ako ng mga balitang mahalaga sa
bayan at nilalakipan ko ito ng aking pagkukuro.
Ngunit ang totoong naiibigan ng mga mambabasa,
bukod sa nobelang ang itinutuloy ay mga bagay na
tumutukoy sa mga pangyayari sa loob ng bayan tulad
ng paglusob ng mga Americano sa mga lalawigan; sa
pagpatay na ginawa sa Mindanao atn Sa maraming
nagpapatigas sa kapangyarihan ng pamahalaang
Americano....
Dahil sa aking mga sinusulat sa Sari-sari di miminsang
ipinatawag si G. Poblete at inusisa kung sino ang
sumusulat noon at kung bakit niya pinapayagang isulat
ang ganoon.
Ipinagbawal nga sa akin ang pagsusulat pa na nauukol
sa mga Americano, sa pamahalaan at sa militar.
Isa pang matunog at malubhang usapin ang hinarap ng
Renacimiento at ng Muling Pagsilang. Ito'y ang
pagkakalathala ng articulo de fondo o pangulong tudling
ng isang editoryal na pinama gatang Aves de Rapiña.
Sa dalawang usaping ito na ang isa ay aming
pinanalunan at ang isa ay aming kinatalunan at
pinagtagumpayan ng nagsakdal na si Komisyon nado
Worcester, ipinakilala kung gaano kahirap ng
panahong iyon na magpalabas ng pahayagan na
gumagamit ng kaunting laya sa kanyang pagsasaysay
ng mga nangyari, sa ilalim ng pamahalaang
Americano
Sa pahayag na ito ni Lope K. Santos mahahati natin
ang panahong 19011942 sa tatlo: (a) Panahon ng
Paghahangad ng Kalayaan, (b) Panahon ng
Romantisismo sa Panitikan at (c) Panahon ng
Malasariling Pamahalaan.
A . PANAHON NG
PAGHAHANGAD
NG K AL AYA AN
Sa tanglaw ng kasaysayan ay higit ngayong
maliwanag ang pagsusuri sa mga naganap nang
panahong iyon. Nabigyan ng kalayaan ang mga
Pilipino subalit kataka takang may malaking balakid
na humadlang sa pagsupling ng panitikang
makabayan. Unang-una, ang dapat na sumibol na uri
ng panitikan ng panahong iyon ay naku kulayan ng
nasyonalismo: pagmamahal sa bayan, sariling
kalinangan, panitikan at wika.
Totoong ang dula ay ginamit ng mga manunulat
upang ipahayag ang kanilang mga "paghihimagsik"
tulad ng masasaksihan sa Tanikalang Ginto ni Juan K.
Abad at Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio
Tolentino.
Subalit dahil nga sa batas ng sedisyon at dahil sa
pangangalaga ng mga Americano sa sarili nilang
kapakanan at sa katuparan ng kanilang mga
makasariling layunin, naiba ang takbo ng panitikan.
PAGTUTURO NG
INGLES
Idagdag pa rito ang mabilis na pagsulpot ng isang
malahiganteng hadlang sa malayang pagsibol ng mga
kaangkinang katutubo sa halos lahat ng larangan ng
buhay-Pilipino ngunit lalung-lalo na sa panitikan. Ito ay
ang mabilisan at malawakang pagtuturo at
pagpapagamit ng mga Americano ng wikang Ingles sa
pamamagitan ng mga malalaganap nilang paaralang
publiko.
Dagling naisilid sa isipan at kamalayan ng mga Pilipino,
lalung-lalo na sa mga kabataan ang mga kaisipan,
kakintalan at karanasang isinisingaw ng mga
manunulat ng Amerika at Europe.
Ang mga musmos na isip ay nagkaroon ng mga
bagong idolo kina Jack and Jill, Little Miss Muffet,
Humpty Dumpty, Little Bo-Peep, Muffin Man at
Mother Goose. Natutuhan ng mga batang ito na A is
for Apple, D is for Daffodil, E is for Elephant at S is for
Snow kahit na sa Pilipinas ay wala namang apple,
daffodil, elephant at snow.
Ipinakabisa at ipinabigkas ang mga kuwentong patula
nina Jack and Jill at Georgie Porgie.
1. Maikling Katha: