Kasaysayan NG Maikling Kwento
Kasaysayan NG Maikling Kwento
Kasaysayan NG Maikling Kwento
2. REPORTERS Shalen Bonsato Princess Oliveros Marianne Samillano Yesa Mel Morales Sheralyn Mojillo
Noemie Esmaya Rutchelle Talaban Via Mae Tapayan Zyshen Amor Obias Stephanie Bucayan Reyshel
Jacinto Stephen Xander Duno Maryvic Dellava Melvin Villarez
3. PANAHON NG KATUTUBO
4. Kuwentong bitbit – dito nag- ugat ang maikling kwento, maiikling salaysay na pumapaksa sa mga
anito, lamanlupa, malikmata, multo at iba pang mga bunga ng guniguning di kapanipaniwala..
5. • Karamihan sa mga Panitikan nila’y pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang bayan, bugtong,epiko,
salawikain, at awiting bayan na anyong patula; mga kwentong bayan, alamat, at mito na anyong tuluyan
at mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
6. May mga panitikan ding nakasulat sa pirasong kawayan matitibay na kahoy at makikinis na baro
ngunit ilan na lamang ang mga natagpuan ng mga arkeologo sapagkat batay sa kasaysayan pinasunog at
pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwala na ang mga ito ay gawa ng
demonyo.
7. PANAHON NG KASTILA
9. “Makamisa” ni Dr. Jose Rizal. Lalo’t lalong sumigla ang mga kilusang pampanitikan sa partikular ay sa
kwento. Nang lumabas ang Taliba at Liwayway. “Bunga ng Kasalanan”ni Cirio Panganiban. napiling
pinakamahusay na kwento sa timpalak-panitik ng Taliba. Ito’y itinuturing na nagsanhi ng unang hakbang
sa pagsulat ng mga kwentong may banghay.
10. Sa gitna ng kasiglahan ng panulat sa loob ng panahon ng “ Ilaw at Panitik” lumitaw ang mga
pampanitikang kritiko na kinabibilangan nina Clodualdo del Mundo at Alejandro Abadilla na naglathala
ng mga 25 piling maikling kwento mula 1929- 1935 na pinamagatang Kwentong Ginto.
12. Sa larangan ng panitikan, isang malaking ambag ng mga Amerikano ang pagkakaroon ngayon ng
Maikling Kwento bilang bahagi ng ating panitikan. Kapansin-pansin ang pagkahilig ng mga mambabasa
sa mga akdang madaling basahin ay naimpluwensyahan ng mabilis na galaw ng buhay- kosmopolitan.
Ang mga kathang ito ay hindi lamang naisulat sa wikang Pilipino kundi pati narin sa wikang Ingles.
13. Ang pagdating ng mga Thomasites ang nagbigay-daan sa pagkakaroon ng pampublikong Edukasyon
na kung saan ipinasok ang kurikulum ng pagtuturo sa Ingles. Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas noong
1908 at simula noon ay kinilala ito sa mahusay na pagtuturo ng Ingles. Sa pamantasang ito nahasa ang
mga manunulat upang linangan ang kanilang kakayahan na sumulat ng mga sanaysay,dula, tula, kwento,
at ng lumaon pati na rin ang mga nobela gamit ang wikang ingles.
14. • Ang maikling kuwentong Tagalog ay naisulat noong mga unang sampung taon ng mga Amerikano.
Mga unang anyo nito ay ang dagli at pasingaw. dagli -maikling- maikling salaysay na gayong
nangangaral nang lantaran ay namumuna, nagpapasaring at nanunuligsa. Hal:“ Sumpain Nawa Ang
Mga Ngiping Ginto” ni Cue Malay
15. Nagsisulat ng dagli sina Valeriano Hernandez Pena, Inigo Ed Regalado, Patricio Mariano, Pascual
Poblete atbp. na inilathala sa pahina ng pahayagang “Muling Pagsilang” noong 1903. Yumabong ang
uring ito ng salaysay sa tulong pa rin ng pahayagang Democracia, Ang Mithi, Taliba hanggang 1921.a
16. Halimbawa ng dagli ni Salvador R. Barros: "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang
lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba. "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay
lumalabas sa kabila. "Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig. "At ang
pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre
1932)
17. pasingaw-patungkol sa mga paralumang hinahangaan, sinusuyo, nililugawan at kung anu-ano pa.
Sa mga dahon ng pahayagang Kaliwanagan at Ang Kapatid ng Bayan ito kumita ng liwanag. Madalas na
ang mga may-akda nito ay gumagamit o nagtatago sa kanilang mga sagisag panulat.
18. Napatanyag at namalasak ang pagsulat ng dagli at naging katha at sa bandang huli ay tinawag na
maikling katha hanggang 1921. Noong 1910, nagtagumpay ang “Elias” ni Rosauro Almario sa
pahayagang Ang Mithi sa bisa ng 14,478 na boto ng mga mambabasa.
19. Mga Samahang Pampanitikan 1. Ang “Aklatang Bayan” nagsimula ang maikling katha nang hindi pa
ganap ang banghay at nakakahon pa ang karakterisasyon. 2. Ang “ Ilaw at Panitikan” (popularisasyon)
Isinilang ang Liwayway na naging tahanan ng mga akdang Filipino.
20. 3. Parolang Ginto ni Del Mundo- katipunan ng mga pinakamahusay na kuwento sa bawat gawain at
sa bawat taon. Pumagitna rin sa larangan ng pamumunang pampanitikan si Alejandro Abadilla sa
kanyang Talaang Bughaw. 4. Panitikan- sa panahong ito sinunog ng mga kabataang manunulat ang mga
akdang pinalagay na hindi panitikan.
21. 5. “Ilaw ng Bayan” Sa panahong ito ay nangibabaw ang bisa ng mga kabataang manunulat sa
panitikan sa Wikang Ingles.
23. Aklat- Katipunan o Antolohiya ng Maikling Kuwento 1.Ang “Kuwentong Ginto” (1925-1935) 20 “
kuwentong ginto.”nina Abadilla at Del Mundo 2. Ang “50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista
(1939) ni Pedro Reyes. Katipunan ng mga pinakamahusay na katha ni Hernando R. Ocampo at ang mga
manunulat sa Ingles na sina NVM Gonzales, Narciso Reyes, Cornelio Reyes at Mariano C. Pascual.
24. Deogracias A. Rosario Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, Amang Maiikling
Kwentong Tagalog
27. Sa pagpasok ng mga Hapones ay unti-unting nanlamig ang pagsulat ng kahit anong uri ng akda.
Ngkaroon ng kalayaan sa pagsulat ngunit ang lahat na akda any dadaan muna sa “Manila Shimbun- sha”.
28. Gintong Panahon ng Maikling Kuwento Pansamantalang napinid ang mga palimbagan sa panahon ng
mga Hapones ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay muli itong nabuksan. Pinahintulutang makapaglathala
ang Liwayway kaya’t biglang nakapasok dito ang mga akda na dati ay hindi tinatanggap ng naturang
babasahin.
29. Dahil dito ang mga manunulat na dating nagsusulat sa Ingles ay nangagtangkang magsulat sa
Tagalog. Nagdaos ng timpalak ang Liwayway at pinili ang mga pangunahing kuwento noon na tinipon sa
isang aklat. “Ang 25 Pinakamabubuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943.
30. Nanguna sa timpalak ang sumusunod na apat na kuwento.: Pangunahin- “Lupang Tinubuan” Narciso
Reyes Pangalawa –“ Uhaw Ang Tigang na Lupa” Liwayway A. Arceo Pangatlo- “Nayon at Dagat-dagatan”
NVM Gonzales Pang-apat- “Suyuan sa Tubigan” Macario Pineda
33. Ang Gantimpalang Carlos Palanca, isang timpalak pantikan ay nagdulot ng bagong hamon sa mga
manunulat sa Ingles at Pilipino. Nagsimula ang patimpalak sa maikling katha noong 1950.
34. Naitatag ang Kapisanang KADIPAN (aklat, diwa at panitikan) na itinatag sa pamamahala nina
Ponciano B. Pineda at Tomas Ongoco ng MLQU. Ang Diwa at Panitik (1965) ay nagpalabas ng magasing
Sibol na ang nilalaman ay tuntunin sa panitikan, wika at pagtuturo.
35. Noong Enero 1962, ang magasing Akda ang naging kaakit-akit na babasahing naglalathala ng mga
orihinal na akda at salin saTagalog ng mga manunulat sa Ingles Ang magasing Panitikan ay muling
pinalabas ni Alejandro G. Abadilla noong Oktubre, 1964 at tumagal hanggang 1968
37. Ang huling taon sa dekada 60 ang panahon ng protesta. Ang mga manunulat ay pumaksa sa kaawa-
awang kalagayan ng iskuwater, sa mga suliranin ng magbubukid at manggagawa.
39. Sa kadahilanang halos lahat ng kuwentista sa Pilipinas sa panahong Batas Militar ay kasangkot sa
kilusang makabayan, tampok sa kanilang mga akda ang mga suliraning tulad ng paghihikahos ng marami
sa pagpapasasa ng iilan, kabulukan sa pagpapatakbo ng pamahalaan, kawalan ng katarungan sa mga
limot na mamamamayan at pang-aalipin ng negosyanteng dayuhan at ng sabwatan ng mga burgis.
Lantad ang poot sa mga akdang ito.
40. • Sagisag- isang magasing inilathala ng Kagawaran ng Pabatirang Madla upang magkaroon ng
mapaglalathalaan ng mga akdang hindi tinatangkilik ng mga popular na babasahin.Nagtaguyod din ito ng
Gawad Sagisag at nakatuklas ng mga bagong manunulat.
41. Ang iba;t ibang kuwentong lumabas at naisulat sa panahong ito ay pawing sumasaling sa ugat ng
lipunan. Nakilala sa panahong ito ang mga kuwentistang sina Alfredo Lobo, Mario Libuan, Augosto
Sumilang, Lualhati Bautista, Reynaldo Duque, Benigno Juan, Benjamin Pascual, Domingo Landicho,
Edgardo Maranan, Wilfredo Ma. Virtusio at Pedro S. Dandan.
42. Sa panahong ito, naging palasak ang pagpunta ng mga Pilipino sa bang bansa lalo na sa Estados
Unidos, ito ang naging batayan ni Domingo Landicho upang isulat ang kuwentong ”Huwag mong
Tangisan Ang Kamatayan ng Isang Pilipino sa Dibdib ng Niyebe” na siyang pinagkalooban ng
gantimpalang Palanca noong 1975.
43. Samantala, noong 1979-1980, isang simple subalit pinakamakahulugang kuwento ang napili ng
Palanca upang gawaran ng gantimpalang pinakamahusay para sa taong iyon ang kuwentong “Kandong “
ni Reynaldo Duque.
45. ANG MAIKLING KWENTO Ito ang dahilan kung bakit noon pa mang unang panahon ay mayroon na
tayong maikling kathang nagsasalaysay tulad ng alamat, kuwentong bayan at kuwentong akda, kaya
hanggang ngayon , buhay na buhay ang maikling kwento bilang mahalagang bahagi ng panitikang
Filipino.
46. Nakilala bilang mahuhusay na manunulat ng maikling kwento sina Genoveva Edroza Matute, Efren
Abueg, Rogelio Sikat, Pelagio Cruz, Benjamin Pascual, Edgardo Reyes, Benigno Juan at iba pa. Patuloy pa
rin sa kasigasigan sa pagsusulat ang ating mga manunulat sa hangaring higit pang mapaunlad at maitaas
ang uri ng maikling kwentong Filipino.
47. Kabilang din sa mahuhusay nating kwentista sina Domingo G. Landicho, Dominador Mirasol, Ricardo
Lee, Wilfredo P. Virtusio, Gloria Villaroza Guzman at iba pa. Masipag ang panitik at mayaman ang diwa
ng ating mga kwentista kaya’t hindi sila nauubusan ng paksang susulatin. Isa lamang ito sa pagpapatunay
ng pagkamalikhain ng mga Pilipino na unti-unti ng nakilala sa buong mundo.
48. Ang Madilim ang Langit sa Akin ay isa sa kwentong isinulat ni Consolacion P. Sauco na gumamit ng
sagisag na Consolacion F. Castro. Ang kwento ay tumatalakay sa kasamaang idinudulot ng bawal na
gamot.