Panulaan PPT With Audio

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 46

PANAHONG PRE-KOLONYAL

A. Panugmaang-Bayan
Tugmaang Pambata - Maiiksing tula na walang diwa,
kung mayroon man ito ay mababaw lamang.
Tugmaang Matalinghaga - Maikling tulang may sukat at
tugma, may malalim na paksa at humahasa ng
kaisipan.
Tugmaang ganap na tula - Nabibilang dito ang tinatawag
na tanaga ng katagalugan at ambahan ng mga taga-
Mindoro.
PANAHONG PRE-KOLONYAL

B. Awiting Bayan – May mayamang kultura ng ating mga ninuno.


Uyayi o hele – Awit sa pagpapatulog ng bata.
Soliranin – Awit sa paggaod o pamamangka
Kalusan – Awit sa sama-samang paggawa
Diona – Awit sa kasal
Kundiman – Awit sa pag-ibig
PANAHONG PRE-KOLONYAL
B. Awiting Bayan
Kumintang o Tikam Hiliraw o Tagumpay – Awit sa
pakikidigma.
Dalit – Awit para sa mga anito, pagsamba at paggalang
ang himig nito
Dung-aw – Awit para sa patay bilang pagdadalamhati
Umbay – Awit ng nangungulila
Ditso – Awit na mula sa batang naglalaro sa lansangan
PANAHONG PRE-KOLONYAL

C. Epiko – Tinatawag na tulang pasalaysay. Nagsasalayay


ito ng kabayanihan ng pangunahing tauhan.
PANAHON NG KASTILA
Dumating ang isang makapangyarihang mananakop.
Ito ang mga kastila (1565-1898) na may layuning
palaganapin ang katolisismo at ang kanilang
imperyalismo sa ngalan ng krus at espada.
Nanatili pa rin ang mga uri ng tula na nakilala sa
matandang panahon. Lumaganap ang mga berso sa
tula. Dito nakilala si Tomas Pinpin, ang Ama ng
Palimbagang Pilipino. Silang dalawa ni Fernando
Bagonbata ay nakilalang mga Ladino.
PANAHON NG KASTILA
Si Francisco Balagtas ay ang Ama ng Panulaang
Pilipino. Siya rin ay manunulat ng mga awit at kurido.
Pinag-aral si Kiko ng nagngangalang Balagtas, isang
malayong kamag-anak ng kanyang ina. Pinag-aral siya
sa Colegio de San Juan de Letran. Bilang pagtanaw ng
utang na loob ginamit niya ang apelyidong Balagtas.
Ang kinikilalang obra-maestra niya ay ang Florante at
Laura.
FLORANTE AT LAURA
Ito ay isang awit. Ang awit na ito ang naging bunga ng
kasawian ni Kiko sa pag-ibig kay Maria Asuncion
Rivera na tinatawag niyang Selya at pinaghandugan
ng kanyang obra maestro. Nakulong si Kiko dahil sa
maling paratang ni Mariano Capule, kaagaw niya sa
puso ni Selya.
FLORANTE AT LAURA
Ang Florante at Laura ay binubuo ng tatlong bahagi.
Ang una ay ang paghahandog kay Selya. Ang
pangalawa ay ang paghingi ng paumanhin sa mga
mambabasa at ang pangatlo ay ang tulang
pasalaysay.
DR. JOSE RIZAL

Sumulat Si Dr. Jose Rizal sa wikang kastila. Ang kanyang


ginamit sa pagbubuo ng mga nobela ay kanyang mga
karanasan, pag-aaral at pagiging palabasa. Ang
kanyang mga nobela ay naghayag ng kamangmangan,
pagmamalupit at kasakiman ng mga kastilang
naninirahan sa Pilipinas at kahinaan at kahangalan
ng kanyang mga kababayan.
DR. JOSE RIZAL
Maraming naisulat na tula si Rizal ngunit ang
pinakatanyag ay ang “Mi Ulitimo Adios”. Isang tula na
kauna-unahang isinalin sa tagalog ni Andres Bonifacio
at may pamagat na Pahimakas ni Dr. Jose Rizal.
Sinulat ito ni Rizal habang nakakulong siya sa Fort
Santiago.
MARCELO H. DEL PILAR
Siya ay isa sa mga masugid na propagandista. Kinilala
siya sa mga sagisag na: Plaridel, Pupdoh, Dolores
Manapat at Piping Dilat. Nakatapos siya sa Kolehiyo
bilang manananggol noong 1880. Itinatag niya ang
“Diariong tagalog” na naging tahanan ng mga akdang
nanunuligsa sa pamahalaang kastila at prayle.
MARCELO H. DEL PILAR
Isa sa maipagkakapuring tula ni Del Pilar ang “Sagot ng
Pilipinas Sa Hibik ng Espanya”. Tula ito tugon sa tula
ni Herminigildo Flores. Ang hangad sa tulang ito ay
paghingi ng mga reporma ngunit ang Espanya ay
napakatanda at napakahina na upang magbigay ng
anumang tulong sa Pilipinas.
ANDRES BONIFACIO
Hindi man gaanong mataas ang inabot sa pagaaral ni
Andres Bonifacio marami siyang naisulat na akdang
pampanitikan dahil sa pagiging palabasa ng mga
aklat. May Pag-asa ang ginamit niyang sagisag sa
panunulat. Isa sa mga Akda niyang naisulat ay ang
“Pag-ibig sa tinubuang Bayan”, “Katapusang Hibik ng
Pilipinas”, at “ Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”.
PANAHON NG AMERIKANO
A. Nakatatanda – kauna-unahang nagpapahalaga sa
panitikang pandaigdig.
Lope K. Santos; Pedro Gatmaitan; Inigo Ed. Regalado

B. Nakababata – bagaman nagsisulat sa Ingles ay lalong


nagkagiliw kay Balagtas.
Jose Corazon de Jesus; Teodoro Gener; Ildenfonso
Santos; Cirio H. Panganiban; Aniceto F. Silvestro; Amado V.
Hernandez
LOPE K. SANTOS (1879-1963)

Kinikilalang makata, nobelista, manunulat at


peryodista. Siya ay kilala bilang Ama ng Balarilang
Pilipino. Naghihimagsik at mapanuligsa ang kanyang
mga akda na nilagdaan niya ng mga sagisag sa
“Sekretang Gala at Verdugo”.
JOSE CORAZON DE JESUS

Kinikilala siyang kauna-unahang “hari ng Balagtasan”.


Isinilang noong Nobyembre 22 taong 1896 sa Sta.
Cruz, Maynila. Ang mga magulang niya’y sina Dr.
Vicente de Jesus at Susana Pangilinan. Nagtapos sa
Liceo de Manila ng karunungang Bachelor of Arts.
Hindi nakaeksamen sa Korte Suprema sa dahilang
pumasok na siya sa Taliba at nahilig na sa pagsusulat.
FLORENTINO COLLANTES
Ipinanganak noong Oktubre 16, 1896 sa nayon ng
Dampol, Pulilan, Bulacan. Ang mga magulang niya’y
sina Toribio Collantes at Manuela Tancioco. Likas sa
kanya ang pagkamakata. Mahusay na siyang duplero
sa panahon ng kanyang pagbibinata, Nakamit din niya
ang karangalang “Hari ng Balagtasan”. Ilan sa
kanyang mga naisulat na tula ay: “Parangal sa Bagong
Kasal”, “Ang Magsasaka”, “Ang Patumpik-tumpik”,
“Ang Lumang Simbahan”, “Ang Tulisan”, “Bulugbugan,
Aguinaldo vs. Quezon”.
AMADO V. HERNANDEZ
Isinilang noong Setyembre 13, 1903 sa Tundo,
Maynila. Siya ay batikang makata kwentista,
mamamahayag , mandudula, nobelista, lider
manggagawa at pulitiko. Dalawampu’t limang ulit na
naging Makatang Laureado. Ang aklat niyang
“Pilipinas” ay ginantimpalaan nang pinasinayan ang
Pamahalaang Komonwelt noong 1935. Kilala rin
siyang mambabalagtas at mambibigkas sa mga
tulang nagbigay sa kanya ng pangalan at karangalan,
Ang “Bonifacio”at “Guro ng Lahi”.
Tinagurian din siyang “Makata ng Manggagawa”. Bilang
isang mamahayag, naging patnugot siya ng magasing
Sampaguita at pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay,
naging kolumnista rin siya sa Taliba sa pitak na Sari-sari.
Siya’y isang realista. Ayon sa kanya, “Ang pasangkot ko sa
Kilusan ng paggawa at pulitika’y tuwirang
pagsasakatuparan ng aking simulain at pananalig sa
buhay. Ayokong basta sumulat sa “Ivory Tower”. Ang isang
tunay na manunulat ay di tagapanood lamang”. Kahit
siya’y naghimagsik sa tradisyon ng romantisismo at
eskapismo, ito’y sa paksa at pananalita lamang dahil, ang
kanyang mga tula’y nakikiisa pa rin sa paggamit ng sukat
at tugma.
ILDELFONSO SANTOS
Isinilang noong Enero 23, 1897 sa nayong ng Baritan,
Malabon, Rizal. Isang pagkakataon lamang ang
pagkakatuklas sa kahusayan niya sa pagsusulat ng tula.
Ang tulang inialay niya sa babaing lihim niyang iniibig ay
nabasa ng kanyang pinsang si Leonardo Diangson. Ito’y
naglalathala ng pang-araw-araw na babasahing “Ang Mithi”.
Sa pagkakalathala ng naturang tula, hinangaan naman ng
patnugot na si Inigo Ed Regalado. Doon nagsimula ang
pagsulat niya ng maraming tula sa sagisag na “Ilaw
Silangan”. Bago sumiklab ang digmaan, superbisor siya ng
Wikang Pambansa.
PANAHON NG HAPON
Bagamat maikling panahon lamang tayo napailalim sa
pamamahala ng mga Hapones, nagdulot naman ito ng
magandang bunga sa larangan ng panulaan.

1. Lumabas ang malayang –taludturan o free verse.


2. Maiikli ngunit malaman ang kaisipan
3. Kasabay na lumabas ang “haiku” ng Hapon sa
pagbuhay na muli sa tanaga na tulain na ng lumipas
na panahon.
PANAHON NG HAPON
Ang mga sumusunod ay mga tanaga ni Ildefonso Santos
na lumabas sa Liwayway. Abril 10, 1943 na
nagpapagunita noong unang panahon.
1. Kabibi
Kabibi, ano ka ba?
may perlas , maganda ka,
Kung idiit sa tainga
Nagbubuntung-hininga.
PANAHON NG HAPON
2. Tag-init
Alipatong lumapag
Sa lupa-nagkabitak
Sa kahoy’naglugayak
Sa puso- naglalagablab
Ang mga ganitong may paghihimagsik sa anyo ay maluwag na
napagbibigyan sa dahon ng Liwayway nang bago magkadigma.
Naging panahon ito ng eksperimentasyon sa dula at
naghuhudyat ng mga pagpasok ng mga tulang malaya.
PANAHON NG KALAYAAN
Ang pagbabagong pampanitikan sa panahong ito (1945-
1950) matapos ng mga Amerikano ay naging
kapansin-pansin. Noong 1946, ang aklat-katipunan ay
isang naging sangkap na nagpasigla sa Panitikang
Pilipino. Si Alejandro Abadilla ay nakilala sa
pagkakasulat ng aklat na nagtataglay ng antolohiya
ng tula mula pa noong ni Balagtas, ilan sa mga gawa
niya ay ang Parnasong Tagalog at ang Ako ang Daigdig
ang naging dahilan upang siya ay pagkalooban mg
karangalang “Pangunahing Makata” noong 1957.
PANAHON NG KALAYAAN
Higit ding napatanyag at hinangaan sa Panitikang
Pilipino si Amado V. Hernandez sa kanyang
makasaysayan at makabuluhan aklat na katipunan ng
tula, Ang isang Dipang Langit. Nakilala sa Panitiakang
Pilipino ang pagtatag ng samahang pampanitikan at
isa na rito ang “Kadipan” na kasapi ang iba’t ibang
kolehiyo at pamantasan ditto nagkakilala ang mga
makatang Bienvenido Ramos, Benjamin Condeno,
Marietta Dischoso, Rafael Dante at iba pa.
PANAHON NG KALAYAAN
Noong 1961-1967 ang mga Piling Tula ni Rogelio G.
Mangahas (1967) ay nakasamasa katipunan ng mga
tula nina RioAlma, Lamberto Antonio, Federico Licsi
Espina, C.C. Marquez, Bienvenido Ramos, Pedro
Ricarte, Orlando Rodriguez, Epifanio San Juan at Mar
Al Tiburcio. Sa panahong 1967, nagtamo ng
karangalan si Virgilio Almarionng pangalawang
gantimpala sa tulang “Mga huling Tala sa Pagdalaw sa
isang Museo” At si Lamberto Antonio ay nagtamo ng
karangalan sa “Gunitang Sa Puso’y Nagliliyab.”
PANAHON NG KALAYAAN
Anupat ang mga tula natin ay nagkaroon ng laman.
Patuloy ang pagsibol at pamumulaklak ng mga tulang
Pilipino. Mula noong 1960-1967-1970 maraming
kasaysayang panlipunan ang sa kabataang makata
upang sumulat para sakmakabuluhang daloy ng mga
katutubong panulaan batay sa kanilang malikhaing
kaiisipan, maningning na pananaw at mga karanasan
sa buhay.
TULA
Ito ay pinagsama-sama ng mga piling salita na may
tugma, sukat, talinhaga at kaisipan. Isang makata ang
may malawak na imahinasyon, matayog na damdamin
at kaisipan ang sumusulat o humahabi ng tula.
May dalawang anyo ng tula. Ang tradisyunal at malayang
taludturan.
TULA
Tradisyunal – ito ang makalumang paraan na may taglay
na apat na sangkap.

a. tugma
b. sukat
c. talinhaga
d. kaisipan
TULA

Malayang taludturan - kung walang sukat at tugma


ngunit kinapapalooban ng kaisipan at talinghaga.
MGA URI NG TULA AYON SA PAGKAKABUO

A. Tulang Liriko – pumapaksa sa damdamin tulad ng


kalungkutan at kasiyahan.

1. Dalit – nagpaparangal sa Maykapal


2. Soneto – mga pamalagiang kaanyuan, binubuo ng
labin-apat na taludtod at nagsaad ng aral sa buhay.
MGA URI NG TULA AYON SA PAGKAKABUO

3. Elehiya – nagpapahayag ng pagninilay sanhi ng


pangyayari o guni-guni hinggil sa kamatayan. Isang
tulang nagpaparangal sa alaala ng namatay.
4. Oda – nagpaparangal o pumupuri sa isang dakilang
gawain ng tao.
5. Awit – Inaawit sa pagpapahayag ng damdamin,
kugalian, karanasan, pananampalataya at iba pa.
MGA URI NG TULA AYON SA PAGKAKABUO
B. Tulang Pasalaysay – nagsasaad ng mga
mahahalagang pangyayari na may tauhan, tagpuan at
banghay.
1. Epiko – Inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng
pangunahing tauhan na kinapalooban na may
paniniwala, kaugalian, huwaran at sukatan sa buhay
na hindi kapani-paniwala sapagkat may
kababalaghan.
2. Awit at Korido – Ang awit ay may sukat na 12 pantig
sa isang taludtod. Ang korido naman ay may 8 pantig
sa bawat taludtod.
MGA URI NG TULA AYON SA PAGKAKABUO

III. Tulang Patnigan – karaniwan ng nangangatwiran,


nanghihikayat at nagbibigay- linaw tungkol sa isang
paksa.

Halimbawa: karagatan, duplo, balagtasan at batutian.


MGA SANGKAP NG TULA
• Tugma – ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig
ng taludtod. Sukat ay bilang ng saknong, taludtod at
pantig ng tula. Maaaring ito ay walo sampu, labindalawa
at labingapat.
• Sukat – ay bilang ng pantig sa bawat taludtod.
• Paksa o kaisipang taglay ng tula – mga nabubuong
kaalaman, mensahe, pananaw at saloobin nito.
• Talinhaga – kung mapapagalaw ng husto ang guni-guni
ng bumabasa bunga ng pagtataka at pagtatanong,
masasabing ang tula ay nagtataglay nito.
MGA SANGKAP NG TULA
• Imahen o larawang diwa – mayroon nito ang tula kung
may nabubuo sa guniguni ng mambabasa na isang
tao, pook ay sitwasyon o pangyayari.
• Aliw-iw – taglay ito ng tula kung maindayong ang
pagbigkas lalo pa’t ito’y nasa tradisyunal na
pagkakasulat. Bunga ito ng pagkakasintunugan ng
huling pantig ng tula.
• Tono – Damdaming nakapaloob sa tula
• Persona – siya ang nagsasalita sa tula.

You might also like