EsP6Q3M6W6-v 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

6

ESP
Quarter 3-Module 6: Week 6
(Pagkamalikhain, Tulong Ko sa
Pag-unlad ng Bansa)

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpakatao - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 3 - Module 6: (Pagkamalikhain, Tulong Ko sa Pag-unlad ng
Bansa)
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at
ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte Tagapamanihala
ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplinaria, CESO V
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa EsP 6
Manunulat: Myrna R. Erispe
Illustrator and Layout Artist:
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Mary Grace B. Yap,
Romelyn Ventures, Nive Villaflores
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Rosemarie T. Macesar Ph.D.


Asst. Schools Division Superintendent
Members: Maria Eva S. Edon, Ph.D. CID Chief
Erl C. Villagonzalo, PhD., EPS-EsP
Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. PSDS
Norhatta Daud, PhD., PSDS
Amelita Bagol, Ed. D. Coordinating Principal
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Romelyn D. Ventures, ESP I
Mary Grace B. Yap, ESP II
Nive M. Villaflores, ESP I

Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________


Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: [email protected]
6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 3-Module 6: Week 6
(Pagkamalikhain, Tulong Ko sa
Pag-unlad ng Bansa)

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan ng Departamento ng Edukasyon.
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon, mga
magulang na mag email ng inyong mga puna at sa Kagawaran ng mungkahi
Edukasyon sa [email protected].
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina

COVER PAGE i
COPYRIGHT PAGE ii
TITLE PAGE iii
TABLE OF CONTENTS iv

Aralin 1 – Mga Katangian ng Isang Malikhain 1

Alamin 1
Subukin 6
Balikan 6
Tuklasin 7
Suriin 8
Pagyamanin 9
Isaisip 10
Isagawa 10
Tayahin 11
Karagdagang Gawain 12
Susi sa pagwawasto 12

Sanggunian 13
Aralin
Mga Katangian ng Isang
1 Taong Malikhain

Alamin

Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa ikaanim na baitang nang pag-aaral sa


Edukasyon sa Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Ikatlong
Kwarter, Ikapitong Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong
kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa
Pagpakatao 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang
linggo. Sa modyul na ito ay tatalakayin ang mga katangian ng isang taong malikhain
at kung paano ito makatutulong at magsilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-
unlad ng bansa. Nawa’y sa pamamagitan ng modyul na ito matutunan mo ang
kahalagahan ng pagkamalikhain at ito ay iyong maisasabuhay upang makamit mo ang
iyong tagumpay!

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bansa at
pandaigdigang pagkakaisa tungo sa isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang
pamayanan.

Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ang mga gawaing nagbibigay inspirasyon sa kapwa upang makamit ang
kaunlaran ng bansa.

Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, kayo ay inaasahan na


naipakikita ang pagiging malikhain sa paggawa ng anumang proyekto na
makatutulong at magsisilbing inspirasyon tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa
(EsP6PPP-IIIh-39).
1.1. Natutukoy ang mga katangiang taglay ng isang taong malikhain.
1.2. Nailalarawan ang pagiging malikhain sa pamamagitan ng pagguhit.
1.3. Naisasabuhay ang pagiging malikhain sa anumang bagay.
2.
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat ang Oo kung ito ay
makatutulong na malinang ang pagkamalikhain ng isang tao at Hindi kung ito ay hindi
makatutulong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Makilahok sa iba’t ibang paligsahan sa paaralan at pamayanan.


2. Panonood ng palabas sa telebisyon tungkol sa paglinang ng talento.
3. Paggawa ng mga proyektong mula sa lumang bagay na nasa paligid.
4. Hindi nakikinig sa mga utos at payo ng mga nakatatanda.
5. Gawing libangan ang pagbabasa ng mga makabuluhang aklat.
6. Palaging puyat dahil sa paglalaro ng computer games.
7. Pagkakaroon ng malawak na interes sa mga bagay - bagay.
8. Tamang pagtatapon ng basura upang mapanatiling ligtas at malinis ang
kapaligiran
9. Matatag ang loob na harapin ang anumang pagsubok, makapagtatapos
lang sa pag-aaral.
10. May tiwala sa sarili na magawa ang anumang bagay ng may pananalig
sa Diyos.

Balikan

Sa nakaraang leksyon, napag-aralan mo ang tungkol sa malikhaing paggawa


ng proyekto mula sa patapong bagay.

Panuto: Sagutin ng Tama o Mali. Isulat ang iyong sagot sa patlang.


_______ 1. Pagtapon ng basura kahit saan.
_______ 2. Paggamit ng eco bag sa pamimili.
_______ 3. Paghihiwa - hiwalay ng plastik, bote, at papel.
_______ 4. Paggawa ng flower pot mula sa lumang gulong.
_______ 5. Paggawa ng flower vase mula sa lumang dyaryo.
Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula. Ipaliwanag kung paano nakatulong kay Ben ang kaniyang
pagiging malikhain.

Si Ben Kutingting
Constancia Paloma

Limang taon gulang pa lang itong si Ben,


Kita na agad, kaniyang pagkamalikhain,
Ano mang bagay, sa kaniya makarating
Ilang saglit lang, iba na sa paningin.

Ubos lakas at isipan, kaniyang lilikhain


Anumang hugis, na kaniyang naisin.
Kaya’t kapag siya’y tahimik, di ka pinapansin,
Kakayanan sa paglikha, ibig niyang pagyamanin.

Dumaan ang panahon, si Ben Kutingting,


Lumaki na, pero, nasa dating gawi pa rin,
Sa pag-aaral naging honor man din,
Kaniyang pagkamalikhain, puhunan din.

Nagtapos, nagtrabaho, sunog kilay pa rin.


Sa pagiging manggagawa tunay na malikhain
Sa sipag at tiyaga, negosyo’y nagkabiyaya,
Yumaman na, di na isang kahig, isang tuka.

Kaya pagyamanin, iyong pagkamalikhain,


Tiyak makakamtan, magandang hangarin
Magsikap, mag-aral, magtapos at maghanapbuhay.
Pagkamalikhain, dala’y magandang buhay.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa buong pangungusap. Isulat sa


kwaderno ang iyong sagot.

1. Bakit nabansagan si Ben na “kutingting”


2. Anong aral ang natutuhan mo sa tula?
3. Nagbunga ba ang inspirasyon sa iyo ang tula?
4. Ibigay ang kahulugan ng pagkamalikhain.
5. Ilarawan ang mga katangian ng isang taong malikhain.
6. Sa iyong palagay, paano makatutulong sa pag-unlad ng bansa ang pagiging
malikhain ng isang manggagawa.
7. Paano natin maipakita at mapaunlad ang ating pagkamalikhain?

Suriin

Basahin ang sanaysay sa ibaba at pag-aralan ang ipinapahayag nito.

Ang Pagiging Malikhain at Epekto Nito sa Paggawa ng Anumang Proyekto


Constancia Paloma

Ang pagkamalikhain ay ang kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa


naisip ng iba o paunlarin ang mga bagay na naimbento na. Upang paunlarin ang ating
puspusang paggawa at pagkamalikhain, dapat na bigyang-diin ito ng pamilya,
paaralan, at pamahalaan. Dapat na sa simula pa lang, ang pamilya at paaralan ay
kapuwa linangin na ang mga pagpapahalagang ito sa bawat miyembro at mag aaral.
Ang pamahalaan ay dapat magbigay pagkakataon sa mga may kakayahan na gamitin
ito ng Malaya upang makatulong sa kalagayang pangkabuhayan ng bansa. Ito ay
magagawa ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga batas, programa, at sistema na
dapat itayo para sa malayang pagkilos ng lahat.
Ang bawat tao na nagnanais iangat ang kaniyang kalagayan sa
pamamagitan ng paggawa ay kailangang maging mapag-imbento, may kakayahang
sumubok ng mga bagong bagay at may mayamang imahinasyon. Ang praktikal niyang
kabatiran ang daan upang magkaroon siya ng mga bagong kaisipan at imbensiyon na
magagamit niya sa paglilingkod sa iba.
Ang pagiging malikhain ay makatutulong sa pagtuklas ng bagong solusyon
sa mga suliranin, pansarili o panlipunan man ito. Kung hindi dahil sa mga malikhaing
paggawa ng mga tao, hindi matatamo ng lipunan ang kaginhawaan at kaunlaran.
Upang makilala ang taong malikhain, narito ang kaniyang mga katangian.

1. Orihinal. Ang taong malikhain ay totoo sa kaniyang nililikha. Hindi ito bunga ng
panggagaya. Nakapag-iisip at nakalilikha siya ng mga bagong idea at bagay
na hindi naiisip kaagad ng ibang tao. Ang orihinal na likha ay makikita sa
pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan.
2. Mayaman sa idea. Ang Pilipino ay mapangarapin sa bu hay. Ginagamit niya
ang kaniyang mga pangarap upang mapayaman ang kaniyang idea sa bias ng
pananaliksik, pagsubok, at matagalang pagsisikap. Dahil ditto, napagaganda
niya ang anumang proyektong nililikha mula sa kaniyang imahinasyon. Marami
ang nasisiyahan o nakikinabang sa yaman ng idea ng isang malikhain.
3. Madaling makibagay at iangkop ang sarili sa iba’t ibang pagkakataon. Ito
ang kodigo ng malikhaing Pilipino. Kayang-kaya niyang iangat ang kaniyang
sarili sa anumang mukha ng buhay na siyang nagpapayaman ng kaniyang
pagiging malikhain. May kakayahan siyang iangkop ang kanyang sarili sa
anuman kalagayan o kondisyon ng buhay. Dahil sa kanyang malikhaing
paraan, nagiging kapaki-pakinabang ang kaniyang partisipasyon sa grupo na
kaniyang kinabibilangan. Ang Pilipino ay madaling makibagay at ito ay makikita
sa kakayahan natin na makipamuhay saan mang bansa kahit ang kultura at
pamamaraan nila ay lubhang iba kaysa sa atin.
4. Sensitibo sa mga kakulangan sa kapaligiran. Madali para isang taong
mailkhain na bigyan ng solusyon ang mga kakulangan. Nakagagawa siya ng
paraan sa pamamagitan ng paggamit ng mga lumang bagay na nasa paligid.
Nabago niya ang isang panimulang idea sa pamamagitan ng pamamagitan ng
pagbibigay nito ng mga kakaibang anyo at dagdag na kaalaman. Nagagawa
niyang bago sa paningin ang luma at ang basura ay nagagawa niyang kapaki-
pakinabang.
5. Nakatayo sa sariling desisyon. Ang taong malikhain ay may kalayaang
magpamalas ng kaniyang paninindigan. Ito ay nakikita sa kaniyang kawilihang
pumili ng mga desisyong naiiba sa karaniwang opinion at tumuklas ng mga
bagay na hindi pa nararating ng isip ng ibang tao.
6. Malakas na motibasyon upang magtagumpay. Ang taong malikhain ay
masigasig sa paggawa ng kaniyang proyekto kahit na dumaranas siya ng hirap.
Matatag siya at malakas ang loob na harapin ang kinalalabasan ng kaniyang
malikhaing proyekto kahit ito pa ay kakaiba sa karamihan o hindi katanggap-
tanggap sa iba.
Kapag ang mga katangiang ito ay naisama sa paggawa, higit na magiging
biyaya para sa iba ang anumang produkto ng ating gawain. Ang pagiging malikhain
ang nagbibigay sa atin ng sigla upang bumuo ng isang bagay na mahirap gawin sa
simula. Malaki ang magagawa ng karaniwang tao kung malilinang ang kanilang
pagiging malikhain. Kaya ang mga kabataan, sa murang gulang pa lamang, ay
kailangan nang hikayatin upang magiging malikhain.
Pagyamanin

Ayon sa sanaysay na iyong binasa, anu-ano ang mga katangian ng isang


taong malikhain. Ipaliwanag ang bawat sagot.

1.______________________________
2.______________________________
3.______________________________
4.______________________________
5.______________________________
6.______________________________

Isaisip

Isiping mabuti!
Ang anumang gawain na ginagamitan ng pagkamalikhain ay
nagpapayaman ng sariling kakayahan at ang pagiging malikhain ay
makatutulong sa pagtuklas ng bagong solusyon sa mga suliranin,
pansarili o panlipunan man ito. Kung hindi dahil sa mga malikhaing
paggawa ng mga tao, hindi matatamo ng lipunan ang kaginhawaan at
kaunlaran.

Isagawa

Panuto: Pumili ng isa sa mga katangian ng taong malikhain. Ilarawan sa


pamamagitan ng pagguhit kung paano ito makatutulong at magsilbing inspirasyon
tungo sa pagsulong at pag-unlad ng bansa. Gamitin ang iyong pagkamalikhain at
iguhit sa isang bond paper.
Mga katangian ng taong malikhain.

1. Orihinal
2. Mayaman sa idea
3. Madaling makibagay at iangkop ang sarili sa iba’t ibang pagkatao
4. Sensitibo sa mga kakulangan sa kapaligiran
5. Nakatayo sa sariling desisyon
6. Malakas na motibasyon upang magtagumpay

Tayahin

A. Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng pagkamalikhain ang ipinahayag sa


bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang titik ng tamang
sagot patlang.
a. Orihinal
b. Mayaman sa idea
c. Nakatayo sa sariling desisyon
d. Sensitibo sa mga kakulangan sa kapaligiran
e. Madaling makibagay at iangkop ang sarili sa iba’t ibang pagkakataon
f. Malakas na motibasyon upang magtagumpay.

1. Si Karen ay nakalilikha ng proyekto na hindi nanggagaya.


______ 2. Siya ay may kalayaang magpamalas ng sariling panindigan at desisyon
na naiiba sa karaniwang opinion ng tao.
______ 3. Ginagamit niya ang kanyang pangarap upang mapayaman ang kanyang
Idea sa bisa ng pananaliksik, pagsubok at pagsisikap.
______ 4.Nakakagawa siya ng paraan upang mabigyan ng solusyon ang
Kakulangan sa pamagitan ng paggamit ang mga lumang bagay sa paligid.
5. May kakayahan siyang iangkop ang kanyang sarili sa anumang
kalagayan at kondisyon ng buhay.
______ 6. Dahil sa kanyang malikhaing paraan, nagiging kapaki-pakinabang ang
kanyang partisipasyon sa grupo na kaniyang kinabibilangan.
______ 7. Handa siyang magbigay ng idea upang mapabuti ang ginawang proyekto.
______ 8. Nakapag-iisip at nakalilikha siya ng mga bagong idea at bagay na hindi
naiisip kaagad ng ibang tao.
______ 9. Masigasig siya sa paggawa ng kanyang proyekto kahit na dumaranas
siya ng hirap.
______ 10. Kaya niyang harapin ang kinalabasan ng kaniyang proyekto kahit hindi
ito katangap-tanggap sa iba.
Karagdagang Gawain

Panuto: Bilang isang malikhain na mag-aaral sa ikaanim na baitang, ipaliwanag sa


loob ng 5 pangungusap kung paano mo maisasabuhay ang pagkamalikhain upang
iyong makamit ang tagumpay. Isulat ito sa iyong kwaderno.

Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Tayahin


1. Oo 1. Mali 1. a
2. Oo 2. Tama 2. c
3. Oo 3. Tama 3. b
4. Hindi 4. Tama 4. d
5. Oo 5. Tama 5. e
6. Hindi 6. e
7.Oo 7. b
8. Oo 8. a
9. Oo 9. f
10. Oo 10. f
Sanggunian

Zenaida R. Ylarde & Gloria A. Peralta, Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6,


pahina 108-113, Vibal Group
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : [email protected]

You might also like