Leap Ap5 Q3 Week 5 6

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

W5-6

Learning Area Araling Panlipunan V Grade Level 5


Name of Pupil Quarter 3

I. LESSON TITLE Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Pag usbong ng Nasyonalismong Pilipino.


II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag usbong
COMPETENCIES (MELCs) ng nasyonalismong Pilipino.
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipapaliwanag ang mga konsepto ng nasyonalismo.

Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag usbong


ng nasyonalismong Pilipino.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Sa araling ito matutunan mo ang kahalagahan ng pakikipaglaban ng mga
Panimula Pilipino sa pag usbong ng nasyonalismong Pilipino.

Kaya bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang:

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng nasyonalismo;


2. Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-usbong
ng nasyonalismong Pilipino;
3. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa nasyonalismong Pilipino.

Ano ang Nasyonalismo?

Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa


bansang England noong noong ika-18 siglo kung saan ang
pagkakakilanlan ng isang tao ay kaniyang ibinabatay o ibinabahagi
sa bansang pinagmulan o sinilangan (Gabuat etal. 2016). Ito ay
ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng
kolonyalismong Espanyol na kung saan buong tapang nilang
nilabanan ang mga mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang
kakulangan sa armas at kasanayan. Ang mga pagbabagong
ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagtulak sa mga Pilipino
upang mag-alsa at magsagawa ng pakikipaglaban sa
kolonyalismong Espanyol. Tinutulan ng mga Pilipino ang mga maling
pamamalakad at pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga pinunong
Espanyol. Ang mga mapang-abusong patakaran at mga kaganapan
sa loob ng bansa ay nagpaigting sa kamalayan ng mga Pilipino na
kumawala sa kapangyarihan ng Espanya at magsagawa ng mga
pag-aalsa at pakikipaglaban. Ang ipinamalas na kagitingan sa
pakikipaglaban ng mga Pilipino ay nagpamalas ng matinding
pagmamahal sa bayan. Ang pagnanais na muling maibalik ang
nawalang kalayaan laban sa mga mananakop na Espanyol at muling
mamuhay ng payapa at may dangal maging kapalit man ito ng
kanilang sariling mga buhay ay sadyang hindi matatawaran.

Subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.


1. Ano ang nasyonalismo?
2. Ano ang naging bunga ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga
sinaunang Pilipino?
3. Ano ang ipinamamalas ng mga sinaunang Pilipino nang kanilang
kalabanin ang mga mananakop na Espanyol?

Panuto: Pagsusuri ng Pahayag. Basahin at unawaing mabuti ang


ipinahahayag ng bawat pangungusap. Isulat ang salitang NASYONALISMO
kung ang pahayag ay lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo at HINDI
NASYONALISMO kung hindi lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
1. Ito ay ideolohiyang politikal na lumaganap sa England noong ika-18
siglo.
2. Paggamit ng kapangyarihan sa marahas na paraan.
3. Pagtutol at paglaban sa kalabisan na nararanasan laban sa mga
makapangyarihang bansa.
4. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay iniuugnay sa lugar na
pinagmulan.
5. Pagpapatupad ng mga patakarang kokontrol sa mamamayan.
6. Pagsasamantala sa kahinaan ng maliliit na bansa.
7. Pagpapasailalim sa kagustuhan ng mas makapangyarihang bansa.
8. Pagpapamalas ng malalim na pagmamahal para sa bayang
sinilangan.
9. Pagtatanggol ng karapatang mamuhay nang malaya upang
mapaunlad ang pagkakakilanlan.
10. Pagpapanumbalik ng hangaring pamunuan ang sariling bayan sa
pamamagitan ng mga pag-aalsa.

B. Panuto: Pag-aanalisa ng mga Pangyayari. Basahin at unawaing mabuti


ang ipinahahayag ng bawat pangungusap. Isulat ang mga titik na PNP
kung lumilinang sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino at HPNP kung
hindi lumilinang sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Pagsuway sa mga patakarang ipinatutupad ng kolonyalismong
Espanyol.
2. Pagbabayad sa mga ipinapataw na buwis ng mga Espanyol
3. Pagkilala sa taglay na kapangyarihan at pagsunod sa mga
namumunong Espanyol.
4. Hindi paglimot sa kinagisnang pagkakakilanlang pangkultura at
panlipunan
5. Paglunsad ng iba’t ibang pag-aalsa upang makawala sa
kapangyarihan ng mga mananakop.
B. Development Ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag usbong ng nasyonalismong
Pagpapaunlad Pilipino. Basahin ang teksto sa ibaba.

Ang Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

Ang mga Espanyol ay naging masigasig sa pagpapalaganap ng


kolonyalismo sa Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo at iba’t-ibang
mga patakaran tulad ng reduccion, polo y servicio, tributo, at ang
sistemang encomienda upang mapasunod ang mga sinaunang Pilipino
at mapasailalim sa kapangyarihan nito.

Dahil sa kahirapang naranasan sa mga patakarang ipinatupad ng


kolonyalismong Espanyol ay maraming mga Pilipino ang nagnais
makawala sa kapangyarihan ng Espanya. Nagbigay daan ang
kolonyalismong Espanyol upang matuklasan ng mga Pilipino ang kaya
nilang gawin. Hinamon nito ang kanilang katatagan at nagbigay daan
upang mapaunlad ang pagkakakilanlang Pilipino.

Iyong balikan ang mga isinagawang sinaunang pakikipaglaban at


ang mga dahilan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa kolonyalismong
Espanyol na nagpakita ng kanilang pagmamahal sa bayan at simula ng
pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino bilang paghahanda sa pag-
aaral ng modyul na ito. Tunghayan at suriing mabuti ang nilalaman ng
bawat teksto at subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa
iyong sagutang papel.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

PAKIKIPAGLABAN NG MGA
SINAUNANG PILIPINO

Mga Pakikipaglabang
Dahilan ng Pakikipaglaban Naganap

1. Pagtutol sa monopolyo A. Pag-aalsang Politikal


ng tabako. 1. Pag-aalsa ni Lakandula
2. Pagtutol sa sapilitang at mga Datu ng Tondo
pagbibinyag at B. Pag-aalsang Panrelihiyon
Kristiyanismo 1. Pag-aalsa ng Igorot
3. Pagtutol sa labis na 2. Pag-aalsa ni Tamblot
pagbubuwis, polo y 3. Pag-aalsa ng mga Itneg
servicio at paghihigpit sa C. Pag-aalsang Ekonomiko
produksiyon ng 1. Pag-aalsa ni Magalat
produkto. 2. Pag-aalsa ni Sumuroy
4. Pagbawi ng kalayaang 3. Pagtutol ni Maniago
mamuno at karangalan 4. Pag-aalsa ni Malong
5. Okupasyon ng British sa 5. Pag-aalsa ni Diego at
Maynila Gabriela Silang 6. Pag-
aalsang Basi

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?
2. Bakit tinutulan ng mga ilang katutubo ang Kristiyanismo?
3. Paano nakaapekto ang mga patakarang ekonomiko na
ipinatupad ng mga Espanyol sa pamumuhay ng mga Pilipino?
4. Bakit mahalaga sa mga Pilipino na mabawi ang kanilang
karangalan at kalayaang muling mamuno?
5. Paano pinaalab ng Okupasyon ng British sa Maynila ang
hangaring makipaglaban ng mga Pilipino?
6. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga isinagawang pag-
aalsa ng mga sinaunang Pilipino? Bakit?

Gawain
Tunghayan at suriin mo ang Pambansang Awit na nasa ibaba at subuking
sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.

Lupang Hinirang
ni Julian Felipe

Bayang magiliw,
Perlas ng silanganan,
Alab ng puso,
Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.

Ang kislap ng watawat mo’y


Tagumpay na nagniningning;
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim.

Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,


Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.

Pamprosesong tanong:
1. Sino ang tinutukoy na Perlas ng Silanganan sa pambansang awit?
2. Ano ang nilalaman ng ikalawang saknong?
3. Ano ang ipinamamalas ng huling linya ng awit?

C. Engagement A. Panuto: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang


Pakikipagpalihan bubuo sa paksang napag-aralan. Itala ang mga pangyayari na
nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino sa
panahon ng kolonyalismong Espanyol. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Mga
pagbabagong
ipinatupad ng
mga Espanyol

Maling
Pagbibigay ng
pamamalakad
labis na gawaing
pampamahalaa ng mga pinunong
n sa mga Pilipino Espanyol

DAHILAN NG PAG-
USBONG NG
NASYONALISMON
G PILIPINO

Pagnanais ng mga
Pagmamalabis sa Pilipino na muling
kapangyarihan maibalik ang
ng mga Espanyol kalayaan ng
bansa

Mapang-abusong
patakaran na
pinairal sa Pilipino
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
B. Panuto: Ipaliwanag mo kung paano naipamalas ng mga sinaunang
bayaning Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Diego at Gabriela Silang (1762-1763) Pag-aalsa ni Diego Silang nang


dahil sa mabibigat na pagpapataw ng buwis, pagsikil sa kalayaan at
pag-aabuso ng alcalde-mayor. Nag-alsa si Diego Silang kasama ang
kanyang pangkat sa pamahalaang Espanyol noong 1762
ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si Gabriela ang pag-aalsa ng
siya ay masawi.

2. Francisco Maniago (1660-1661) Pinangunahan ni Francisco Maniago


mula Mexico, Pampanga ang pag-aalsa sa Lingayen at Pampanga.
Sumiklab ang pag-aalsang ito dahil sa mga pagpapahirap ng mga
Espanyol sa mga Pilipino, tulad ng pagpapatupad ng polo y servicio,
bandala at sapilitang paggawa.

3. Juan Sumuroy (1649-1650) Taong 1649 nang ipag-utos ng mga


Espanyol na magpadala ng mga polista na taga-Samar sa Cavite
upang gumawa ng mga barko ngunit ito ay tinutulan ng mga taga-
Samar. Sa pamumuno ni Juan Ponce Sumuroy, lumaban sila sa mga
Espanyol. Sinunog nila ang mga simbahan at namundok bilang mga
rebelde.

D. Assimilation Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang na lilinang sa


Paglalapat paksang nakalahad. Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

A. Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang ____________ na


lumaganap sa bansang England noong noong ika-18 siglo. Kung saan
ang____________ng isang tao ay kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa
bansang pinagmulan o ____________ .Ito ay ipinamalas ng mga
sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng kolonyalismong
Espanyol. Kung saan buong tapang nilang ______________ang mga
mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa armas
at _____________.

pagkakakilanlan politikal kasanayan


sinilangan nilabanan

B. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang pagmamahal sa


bayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ________________
sa mga Espanyol upang _________________ sa malupit na pamamahala
ng mga ito. Handa nilang ______________ ang kanilang mga buhay
maibalik lamang ang pamumuhay na ______________ at ___________ ng
bansa.

makawala pakikipaglaban kalayaan


ibuwis mapayapa

V. ASSESSMENT Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung
(Learning Activity Sheets for kahalagahan ng pagtatanggol ng mga Pilipino ang isinasaad at Mali
Enrichment, Remediation or
Assessment to be given on kung hindi.
Weeks 3 and 6) 1. Nakipagkasundo ang mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
2. Sinuway ng mga katutubo ang patakarang ipinatupad ng mga
Espanyol sa bansa.
3. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang
kabayanihan ng mga katutubong Pilipino.
4. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga
Pilipino,
5. Ipinamalas ang kagitingan ng mga Pilipino laban sa
kolonyalismong Espanyol.
VI. REFLECTION Panuto: Bilang mamamayan na iyong bansang kinabibilangan, Paano
mo maipapamalas ang nasyonalismo o pagmamahal sa iyong bansa?
Kumpletuhin mo ang pahayag na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Bilang mamamayang Pilipino ay maipakikita ko ang nasyonalismo o


pagmamahal sa bansang Pilipinas sa pamamagitan ng
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Prepared by: Ma. Lourdes C. Cabudol Checked by: Jean L. Danga

You might also like