Filipino
Filipino
Filipino
Filipino 9
2
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ikaw ay:
Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa
sarili at sa nakararami.
ARALIN
2
Bayanihan, pagkakaisa, pag-asa at kagandahan, bagama’t hindi
mga pang-uri ay ilan lamang sa mga salita maaaring gamitin sa
paglalarawan. Gaya ng bulaklak na maaaring maglarawan sa
kagandahan, ngunit maaari ring gamitin sa pagpapahayag ang salitang
mayumi, mabango at isang babae. Tunghayan natin at basahin ang
pagpapalawak sa ating aralin ngayon….
2
Masangsang ang amoy ng bulaklak
Napaso ako sa mainit na kaldero
2
Ang Noli Me Tangere ay isang akdang pinakamakasaysayan at
pinakamaimpluwensiya para sa Pilipinas. Ito ay nagtataglay ng
makatotohanang pangyayaring gumising sa kamalayan ng mga Pilipino sa
kawalang katarungan, pagmamalupit at pang-aalipin ng mga kastilang
sumakop sa ating bansa. Nakatutulong ang nobelang ito para sa pagharap
ng bansa sa mga suliraning panlipunan sa panahong ito.
Naging inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng nobela ang mga
pilipinong pinagmalupitan ng mga Español. Ang Noli Me Tangere ay
tumatalakay sa layunin ni Dr. Jose Rizal bilang may-akda, kalagayang
panlipunan ng Pilipinas nang panahong isinulat ang akda at epekto ng
pagkakasulat ng nobela mula sa panahon ng Kastila hanggang kasalukuyan.
https://www.academia.edu/36077953/filipino_9_tg_draft_4_1_2014_pdf
2
• “The Wondering Jew” ni Eugenio Sue – tungkol ito sa
lalaking kumutya kay Jesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang
lalaking ito ay pinarusahang maglakad sa buong mundo ng walang
tigil.
• “Uncle Tom’s Cabin” – tungkol ito sa pagmamalupit ng
mga puting Amerikano sa mga Negro, Dahil dito tumindi ang
pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa
pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga
Pilipino.
Ang Noli Me Tangere ay pahayag na Latin na ang ibig sabihin ay
“Huwag Mo Akong Salingin”. Hango rin ito sa Ebanghelyo ni San Juan
Kabanata 20, Talata 17 mula sa pahayag ni Hesus na “Huwag mo akong
salingin pagkat di pa ako nakakaakyat sa aking Ama. Ang pahayag ay bahagi
lamang ang kinuha.
Ipinalimbag ito sa Imprenta Lette sa Berlin at 2,000 na sipi ang
naipagawa sa halagang ipinahiram ni Dr. Maximo Viola na P300 na
kinailangan sa pagpapalimbag dahil nahuli ang pagpapadala sa kaniya ng
kapatid na si Ponciano.
Ang Noli Me Tangere na isang panlipunang nobela ay inihandog ng
pambansang bayani sa Inang-bayan.
Ruth Hernandez et. al. Kayumanggi sa Noli Me Tangere. Cavite: Leo-Ross Publications.
2
Aileen G. Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc.2017