SDO - Navotas - AP6 - Q2 - M1 - Uri NG Pamahalaan at Patakarang - FV

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

DIVISION OF NAVOTAS CITY

6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Uri ng Pamahalaan at Patakarang
Ipinatupad sa Panahon ng mga
Amerikano

S.Y. 2020-2021
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Araling Panlipunan – Ika – anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Uri ng Pamahalaan at Patakarang Ipinatupad sa
Panahon ng mga Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ralph Laurens C. Paras
Editor: Josephine D. Prudenciado
Tagasuri: Ruth R. Reyes
Tagaguhit:
Tagalapat: Ralph Laurens C. Paras
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC- Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC- Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Chief, Curriculum Implementation Division
Ruth R. Reyes, EPS in Araling Panlipunan
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMDS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Shirley Eva Marie V. Mangaluz, Librarian II LRMS
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Navotas City
Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
[email protected]
6

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Uri ng Pamahalaan at Patakarang
Ipinatupad sa Panahon ng mga
Amerikano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Uri ng Pamahalaan at Patakarang
Ipinatupad sa Panahon ng mga Amerikano.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamonsapag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Uri ng Pamahalaan at Patakarang Ipinatupad noong Panahon ng
mga Amerikano.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay ng mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Sa pagpasok natin sa ikalawang markahan, makatutulong ang modyul na ito
para higit na mapayabong ang ating kaalaman sa mga pangyayaring naganap
sa ating bansa sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano.
Ang aralin na ito ay naglalaman ng mga sumusunod:
1. Uri ng Pamahalaan sa Panahon ng mga Amerikano
a. Pamahalaang Militar
b. Pamahalaang Sibil
2. Mga Patakarang Ipinatupad sa Panahon ng mga Amerikano
a. Patakarang Pasipikasyon
b. Patakarang Kooptasyon
c. Batas Bandila
d. Batas Brigandiya
e. Batas Sedisyon
f. Batas ng Rekonsentrasyon
Kaugnay nito, inaasahan na maisagawa at maunawaan ng mga mag-aaral
ang mga sumusunod:
• Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad sa panahon
ng mga Amerikano.
• Natutukoy ang mga patakarang sumupil ng damdaming nasyonalismo
ng mga Pilipino;
• Nakapagbibigay ng sariling pananaw sa mga patakarang ipinatupad sa
panahon ng mga Amerikano.

1
Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.
Hanapin ang sagot sa kahon.

Batas Brigandiya Pamahalaang Militar

Batas Bandila Pamahalaang Sibil

Batas Sedisyon Wesley Meritt


Batas ng Rekonsentrasyon William Taft
Patakarang Pasipikasyon Patakarang Kooptasyon

_____________________ 1. Ayon dito, ang sinumang mahuling nagsasagawa ng


anumang uri ng pagkilos ng paglaban sa pamahalaang Amerikano ay papatawan
ng parusa.

_____________________ 2. Ito ay batas na nagpapahinto sa mga Pilipino sa paggamit


ng mga bagay na sumisimbolo sa pakikibaka para sa kalayaan tulad ng watawat at
banner.

_____________________ 3. Isinasaad ng batas na ito ang sapilitang paglipat ng mga


mamamayan mula sa mga pook rural patungo sa mga reconcentration village.
_____________________ 4. Ang pagdakip sa mga gerilya na tinawag na landrones at
itinuturing mga tulisan at, magnanakaw at pirata ay nasa ilalim ng batas na ito.
_____________________ 5. Ito ay uri ng pamahaalan na pinamumunuan ng
gobernador militar na nagsilbing kinatawan ng Amerika sa Pilipinas.

_____________________ 6. Layunin ng pamahalaang ito na sanayin at makilahok ang


mga Pilipino sa pamamahala ng bansa.
_____________________ 7. Layunin nitong supilin ang nasyonalismong Pilipino sa
higit na nakararaming Pilipino na patuloy na nakikipaglaban para sa ganap na
kalayaan ng bansa.
_____________________ 8. Siya ang kauna-unahang gobernador-militar ng Amerika
sa Pilipinas.

_____________________ 9. Ang patakarang ito ay ginamit sa mga Pilipinong agad na


pumayag na manumpa ng katapatan sa pamahalaang Amerikano na karaniwang
kinabibilangan ng mga nasa pamunuan.

_____________________ 10. Siya ang kauna-unahang gobernador-sibil ng Amerika sa


Pilipinas.

2
Aralin Uri ng Pamahalaan at
1 Patakarang Ipinatupad sa
Panahon ng mga Amerikano
Sa pagpasok ng mga Amerikano sa ating bansa, kanilang nakita ang
pagnanasa ng mga Pilipino na makalaya mula sa mga mananakop. Dahil dito,
gumawa sila ng mga pamamaraan upang maihanda ang mga Pilipino sa pagsasarili
at pamumuno sa sariling bayan. Maraming mga Pilipino ang naniwala at magiliw na
tinanggap ang kaisipang ito at marami rin ang hindi at nagpatuloy sa
pakikipaglaban para sa minimithing kalayaan.

Isulat sa kahon ang pangalan ng mga bayaning tinutukoy sa bawat bilang.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

1. Pinangungahan niya ang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong


Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
2. Siya ay kilala bilang “Utak ng Katipunan” at “Dakilang Lumpo” at nagsilbing
tagapayo ni Aguinaldo.
3. Isa sa pinakamahusay na heneral na lumaban sa himagsikan laban sa
Espanya at naging Commander-in-Chief sa panahon ng pamumuno ni
Aguinaldo.
4. Isa sa pinakabatang heneral noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano
at kinikilalang “Bayani ng Pasong Tirad”.
5. Siya ay kilala bilang huling Pilipinong heneral na sumuko sa Amerikano.
6. Siya ay kinilala bilang “Ina ng Katipunan”.

3
Mga Tala para sa Guro
Sa pagsusulit na ito ay malalaman natin kung lubos mong
natutuhan ang nakaraang aralin. Kung sakali at mababa ang
nakuha mong marka ay maaari mong balikan at muling pag-aralan
ang nakaraang Modyul tungkol sa mga dahilan at pangyayaring
naganap sa Panahon ng Himagsikang Pilipino.

4
Narinig niyo na ba ang awiting, “Tayo’y mga Pinoy” ni Heber Bartolome?
Pakinggan at basahin mo ang liriko nito sa ibaba at pag-isipan kung ano ang nais
nitong iparating na mensahe sa mga nagbabasa at tagapakinig.

Tayo’y mga Pinoy


Heber Bartolome

Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano


'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Dito sa Silangan ako isinilang


Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Ako ay may sariling kulay kayumanggi
Ngunit hindi ko maipakita tunay na sarili

Kung ating hahanapin ay matatagpuan


Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran

Koro 1
Bakit kaya tayo ay ganito?
Bakit nanggagaya, mayro'n naman tayo
Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano
'Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango

Dito sa Silangan, tayo'y isinilang


Kung saan nagmumula ang sikat ng araw
Subalit nasaan ang sikat ng araw
Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran

[Ulitin – Koro 1]

Koro 2
Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol
Siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol
Katulad ng iba, painglis-inglis pa
Na kung pakikinggan, mali-mali naman
'Wag na lang

[Ulitin ang Koro 2, maliban sa huling linya]

'Wag na, oy oy
Oy, ika'y Pinoy
Oy, oy, ika'y Pinoy

5
Muling naharap ang mga Pilipino sa panibagong hamon para sa minimithing
kalayaan nang dumating ang mga Amerikano sa ating bansa. Sa kabila ng pagiging
makapangyarihan at maimpluwensiya ng Amerika, nagsumikap pa rin ang mga
Pilipino na ipaglaban ang ating kalayaan. Gamit ang iba’t ibang pamamaraan,
naipahayag ng mga Pilipino ang masidhing pagmamahal nito sa ating bansa. Ngunit
sa kabila mga kaparaanan na ipinakita ng mga Pilipino, tayo pa rin ay napasailalim
sa kapangyarihan at pamamahala ng Amerika.

PAMAHALAANG MILITAR

Noong Agosto 14, 1898, itinatag ng mga Amerikano ang


Pamahalaang Militar sa ilalim ng pamamahala ni Heneral
Wesley Merritt, unang gobernador-militar sa ating bansa
pagkatapos nitong makubkob ang Maynila sa kamay ng mga
Espanyol. Ito ay itinatag upang mapigilan ang mga labanan
na maaring sumiklab sa ating bansa at lubos na makamit ang
kapayapaan sa buong kapuluan. Kaakibat ng pagkakatatag
nito ay ang paggiit ng mga Amerikano na maihanda ang ating
bansa sa sariling pamamahala. Wesley Merritt

Sa ilalim ng pamahalaang militar ng mga Amerikano sa ating bansa, bumuo


si Pangulong William Mckinley ng mga komisyon na siyang magmamasid,
magsisiyasat at mag-uulat sa kalagayan ng ating bansa. Ito ay tinawag na Komisyon
ng Pilipinas.

KOMISYONG SCHURMAN

Ito ang unang komisyon na itinatag noong


Enero 20, 1899 sa pamumuno ni Jacob G.
Schurman kasama sila George Dewey, Elwell
Otis, Dean Worcester and Charles Denby na ang
layunin ay makipagbutihan sa mga Pilipino;
siyasatin ang kalagayan ng bansa; at
magkarekomenda ng pamahalaang angkop sa
bansa. Kasama ni Dahil sa patuloy na
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga
Schurman Commission: Jacob Schurman, Amerikano nang itatag ang komisyon sa bansa,
Admiral George Dewey, Charles Denby & hindi nito lubusang natupad ang kanilang
Dean C. Worcester layunin.

KOMISYONG TAFT

Sa utos ni Pangulong Mckinley, naitatag ang Ikalawang


Komisyong Pilipino noong Hulyo 4, 1901, ang Komisyong Taft na
pinamunuan ni William Howard Taft kasama ang mga kasapi na
sina Dr. Dean Worcester, Henry Ide, Bernard Moses at Luke

William Howard Taft


6
Wright. Naatasan ang komisyong ito na paunlarin ang kabuhayan ng mga Pilipino
at ituro ang wikang Ingles sa mga paaralan. Nakagawa rin ito ng mga batas hinggil
sa pagkakaroon ng serbisyo sibil, pagtatadhana ng patakarang sibil, pagtatag ng
pamahlaang panlalawigan at pambayan, at ang pagtatayo ng mga paaralang
pampubliko.

Sa ilalim din ng komisyong ito, naisabatas ang pagtatakda ng pananalapi para


sa Sandatahang Hukbo ng Amerika noong Marso 2, 1901 bunga ng Susog Spooner
(Spooner Amendment), dapat palitan ang pamahalaang militar ng Pilipinas sa isang
pamahalaang sibil.

PAMAHALAANG SIBIL

Sa ilalim ng pamumuno ni William H. Taft, pinasayaan sa Maynila ang


pamahalaang sibil noong Hulyo 4, 1901. Ito ang naging hudyat ng pagtatapos ng
pamahalaang militar sa ating bansa. Sa ilalim din nito, sinanay ng mga Amerikano
ang mga Pilipino sa pamamahala sa sariling bansa.

• Batas Cooper – Ito ay mas kilala sa tawag na “Philippine Bill ng 1902”. Sa


ilalim ng batas na ito, nagkaroon ng dalawang kinatawang Pilipino sa
Kongreso ng Amerika bilang paghahanda ng Pilipinas sa pagsasarili. Sa
pamamagitan din ng batas na ito, nabigyang pagkakataon ang mga Pilipinong
mamahala sa bayan at lalawigan.

MGA PATAKARANG IPINATUPAD SA PANAHON NG MGA AMERIKANO


Sa pagsisimula ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas, sila ay
nagpatupad ng iba’t ibang patakaran at batas para sa mga Pilipinong hindi tanggap
ang kanilang pananaw at kaisipan na pagtulong sa ating bansa. Ito ay nagbadya sa
pagsupil nila sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
• PATAKARANG PASIPIKASYON
Layunin ng patakarang ito na tuwirang masupil ang nasyonalismong
Pilipino dahil sa maraming Pilipino ang nakikipaglaban para makuha ang
minimithing kalayaan ng bansa.
• PATAKARANG KOOPTASYON
Ito ay isang patakarang ginamit ng mga Amerikano sa mga Pilipinong
agad na pumayag na manumpa ng katapatan sa pamahalaang Amerikano na
karaniwang kinabibilangan ng mga nasa pamunuan.

• BATAS SEDISYON NG 1901


Ito ay naglalayong patawan ng kaparusahan ang mga Pilipinong
magsasagawa ng anomang uri ng pagkilos na lumalaban sa kapangyarihan
ng Amerika.
• BATAS BRIGANDIYA NG 1902
Ipinagbabawal nito ang pagbuo o pagsapi sa mga kilusang naglalayong
lumaban sa mga Amerikano. Tinawag na landrones ang mga gerilya na
itinuring na mga tulisan, magnanakaw at pirata.

7
• BATAS BANDILA NG 1907
Ito ay kinikilala ring Batas 1696. Sa ilalim ng batas na ito, pinahinto
ang paggamit ng mga simbolikong bagay na sumasagisag sa kanilang
pakikipaglaban at pakikibaka para sa kalayaan tulad ng watawat o banner.
Kaugnay nito, ipinagbabawal din ang paggamit ng anumang bandila o
simbolong nauugnay sa Katipunan.
• PAGBABAWAL SA MAKABAGONG ORGANISASYON
Ang mga Pilipinong hindi sumuporta sa kaisipan at adhikain ng mga
Amerikano ay bumuo ng mga partido na ang layunin ay makamit ang inaasam
na kalayaan sa mapayapang pamamaraan. Masidhi ang kampanya nila sa
pagsulong ng kanilang naisin ngunit sa kabila nito ay higit na
maimpluwensiya ang mga Amerikano kung kaya hindi ng nabigyang pagkilala
ang kanilang layunin dahil ito ay taliwas sa interes ng mga Amerikano sa
Pilipinas.
Taong 1905, sa panunungkulan ni Gobernador Heneral Henry Clay Ide
inalis niya ang pagbabawal sa pagbuo ng mga partidong makakalayaan at
makabayan. Ito ay nagbigay-daan upang magkaroon ng pagkakataon ang mga
partido na magkaisa para labanan ang partido na maka-Amerikano.
• BATAS NG REKONSENTRASYON
Taong 1902, opisyal na nagwakas ang pakikidigma ng mga Pilipino sa
mga Amerikano. Ngunit ang pakikipaglaban para sa kalayaan ay nagtagal pa
ng isang dekada lalo na sa mga pook-rural. Dahil dito, ipinatupad ng mga
Amerikano ang Reconcentartion Act ng 1903. Ayon sa batas, ang mga taong
nakatira sa pook-rural ay ililipat tungo sa reconcentration village o mga lugar
na binabantayan ng mga Amerikano. Ang sinumang mahuhuli o nasa labas
ng reconcentration village ay tinuturing na tulisan at kalaban ng estado.

8
GAWAIN 1
Panuto: Sa pamamagitan ng pagbuo ng Factstorming Web isa-isahin ang
mga patakarang ipinatupad ng mga Amerikano para supilin ang damdaming
nasyonalismo ng mga pilipino.

MGA PATAKARANG
MAPANUPIL NG
NASYONALISMO

9
GAWAIN 2
PANUTO: Buuin ang analohiya sa pamamagitan ng pagpunan ng tamang
salita sa linya.
1. Pamahalaang Sibil: Gobernador-Sibil;
Pamahalaang Militar: ________________________
2. Komisyong Taft: ____________________________;
Komisyong Schurman: Jacob G. Schurman
3. Pamahalaang Militar: _______________________;
Pamahalaang Sibil: William Howard Taft
4. Enero 20, 1899: Unang Kumisyon;
____________________: Pangalawang Komisyon
5. Patarakarang Kooptasyon: Panunumpa ng katapatan sa Pamahalaang
Amerikano;
__________________________ : Pagsupil sa nasyonalismong Pilipino

Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang


pangungusap.
Sa unang bahagi ng pagpasok ng mga _________________ sa ating bansa,
ipinatupad ng mga Amerikano ang pamahalaang ________________ sa
pamumuno ni Gobernador Militar Wesley Meritt. Ito ay naglalayong mapigilan
ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino para sa ganap na ________________.
Sinundan ito ng isang pamahalaang __________________ na naglalayong
sanayin ang mga Pilipino sa sariling pamamahala.

Nagpatupad ang mga Amerikano ng iba’t ibang patakaraan upang


masupil ang damdaming ___________________ ng mga Pilipino. Ipinairal nila
ang Batas _________________ na nagbabawal sa anomang uri ng pagkilos para
sa kalayaan, mapayama o marahas man. Sa bisa ng Batas _________________
taong 1902, tinawag na landrones ang mga gerilya na lumalaban sa mga

10
Amerikano. Ang sinomang mahuli ay kinukulong at ang ilan ay pinapatawan
ng kamatayan. Ipinatupad din nila ang Batas Bandila ng 1907 na naglalayong
pahinto ang paggamit ng mga watawat o banner na simbolo ng kalayaan. Ang
anomang watawat na nauugnay sa _________________ ay ipinagbabawal din.
Ang Batas ng ________________________ naman ay ipinatupad upang mawalan
ng tagasuporta ang mga gerilya na nasa pook-rural. Dahil dito, sapilitang
pinalipat ang mga Pilipino mula sa pook-rural patungo sa isang
_____________________________ na binabantayan ng mga Amerikano.

Panuto: Suriin ang mga salitang nakikita sa graffiti. Ipagpalagay na ikaw ay


nabuhay sa panahon ng mga Amerikano. Pumili ng limang salita at gamitin
ito sa pagbuo ng isang slogan bilang kampanya sa ganap na Kalayaan ng
bansa.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

Kaangkupan sa Tema 10
Kalidad ng Konseptong Inilahad 10
Orihinalidad at Pagkamalikhain 10
Mapanghikayat at Napapanahon 10
KABUUAN 40

11
Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinisaad ng pangungusap at M naman
kung mali. Isulat ang sagot sa patlang.

__________ 1. Itinatag ang pamahalaang militar ng mga Amerikano upang


mapigilan ang mga pag-aalsang maaring sumiklab sa bansa.

__________ 2. Sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Sibil William H. Taft,


sinanay ang mga Pilipino sa pamamahala sa bansa.

__________ 3. Inatasan ni Pangulong Mckinley na ituro ang wikang Ingles sa


mga paaralan sa ilalim ng Komisyong Schurman.

__________ 4. Ang Komisyon ng Pilipinas ay itinatag upang magmasid at


magsiyasat ng mga ulat tungkol sa mga nagyayari sa Pilipinas.

__________ 5. Ang Komisyong Taft ay nagtaguyod ng higit na karapatan sa


mga Pilipino.

__________ 6. Sa ilalim ng Spooner Act, nagtalaga ng dalawang komisyoner


na magiging kinatawan ng Pilipinas sa kongreso ng Amerika.

__________ 7. Naglunsad ang mga Amerikano ng mga patakaran at programa


laban sa mga Pilipinong lumalaban sa kanila.

__________ 8. Ipinatupad ang Batas ng Rekonsentrasyon upang hindi


masuportahan ng mga taga-pook-rural ang mga gerilya na lumalaban sa
pamahalaang Amerikano.

__________ 9. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga bandila o


simbolong nag-uugnay sa mga Katipunan ayon sa Batas Bandila ng 1907.

__________ 10. Ang mga nahuhuling landrones o gerilya ay ikinukulong sa


reconcentration camp.

12
Panuto: Pagsama-samahin ang mga salita sa loob ng bilog upang mabuo pahayag.
Isulat ang sagot sa ibaba at sagutin ang katanungan.

Nabuong pahayag: ___________________________________________________

Ano ang nais nitong ipakahulugan?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

13
Subukin Balikan Pagyamanin
1. Batas Sedisyon 1. Emilio Aguinaldo GAWAIN 2
2. Batas Bandila 2. Apolinario Mabini
3. Batas ng 1. Gobernador-
3. Antonio Luna
Rekonsentrasyon Militar
4. Gregorio del Pilar
4. Batas Brigandiya 2. William H. Taft
5. Miguel Malvar
5. Pamahalaang Militar 3. Wesley Meritt
6. Melchora Aquino
6. Pamahalaang Sibil 4. Hulyo 4, 1901
7. Patakarang Kooptasyon 5. Patakarang
8. Patakarang Pasipikasyon Pasipikasyon
9. Wesley Meritt
10. William H. Taft

Tayahin

1. T
2. T
3. M
4. T
5. T
6. M
7. T
8. T
9. T
10. M

14
Sanggunian
Print Materials

Jay Son C. Batang, Mga Hamon at Tugon sa Pagkabansa, Batayang Aklat sa


Araling Panlipunan 6, JO-ES Publishing House Inc.

Aileen Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc , Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6,


Phoenix Publishing House

Online Resources
WIKIPEDIA The Free Encyclopedia, Wesley Merritt. Retrieved from
https://en.wikipedia.org/wiki/Wesley_Merritt , October 15, 2020

The Kahimyang Project, Schurman Commission. Retrieved from


https://kahimyang.com/kauswagan/articles/892/today-in-philippine-history-
january-20-1899-the-schurman-commission-was-created , October 16, 2020
Historyang Phil, Komisyong Taft. Retrieved from
https://historyangphil.wordpress.com/2012/11/30/komisyong-taft-2/ , October
16, 2020

Scribd, Patakarang Pasipikasyon. Retrieved from


https://www.scribd.com/document/423109648/PATAKARANG-PASIPIKASYON
October 16, 2020

15
Para samgakatanungan o puna, sumulat o tumawagsa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: [email protected]

You might also like