Ap5 Q3 Modyul-1
Ap5 Q3 Modyul-1
Ap5 Q3 Modyul-1
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan-Modyul 1
Paraan ng Pagtugon ng mga Filipino sa
Kolonyalismong Espanyol
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paraan ng Pagtugon ng mga Filipino sa
Kolonyalismong Espanyol
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Ma. Luisa R. Felipe
Mary Abigail R. Bautista
Virgilio L. Laggui
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Tanggapang Sangay ng Bulacan
Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: [email protected]
5
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan-Modyul 1
Paraan ng Pagtugon ng mga Filipino sa
Kolonyalismong Espanyol
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-
aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
• Leksyon 2 - Pag-aalsa
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
______2. Ito ang dahilan ng malawakang pag-aalsa ni Juan dela Cruz Palaris.
A. kawalan ng repormang pangkabuhayan.
B. pagbabayad ng tributo
C. pang-aabuso ng mga Espanyol
D. pagkamatay ng kapatid
______9. Ito ang ginawa kay Apolinario dela Cruz nang ito ay madakip.
A. binaril
B. binitay
C. kinulong
D. pinagputol-putol ang kaniyang katawan at binandera sa bayan
Panuto: Punan ang mga patlang ng wastong salita upang mabuo ang
graphic organizer. Piliin ang sagot sa malaking bituin at isulat ito sa sagutang papel.
1.Hari ng _____
Pamahalaang Kolonyal
Pamahalaang Pambansa
Pamahalaang
Bayan Cabeza de Pamahalaang Pambaryo
Barangay Cabeza de Barangay
5.Pamahalaang
bayan
o Pambayan (pueblo)
__________, mga
mababang kawani at
tinyente ng pulisya. gobenadorcillo
Espanya
lungsod
Lalawigan
panghukuman
Tuklasin
Ang ating inang bayan ay sinakop ng mga Espanyol ng mahigit tatlong daang
taon. Sa mahabang panahong ito ay maraming pagbabago ang naganap sa ating
bansa.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng tamang
letra ang bawat bakanteng linya upang mabuo ang tinutukoy na kasagutan na may
kaugnayan sa ating aralin. Isulat ang mabubuong salita sa sagutang papel.
Si Juan Dela Cruz Palaris ay tubong Pangasinan. Nakilala siya bilang pinuno
ng malawakang pag-aalsa Nagpasya si Palaris na maglunsad ng pag-aalsa dahil sa
labis na pagbubuwis at kawalan ng repormang pangkabuhayan. Kumalat sa buong
lalawigan ang kanyang adhikain at sumapi ang maraming mamamayan mula sa
Pangasinan.Natalo niya ang pwersang Espanyol sa lugar dahil abala ito sa
pakikipaglaban sa mga taga-Britanya na nagawang sakupin ang Maynila panahon
iyon.
Nang umalis ang mga Briton sa Maynila noong 1764 ay sinalakay naman ng
mga pwersa ng mga Espanyol ang Pangasinan upang muling mabawi ang probinsya.
Noon 1766 ay nahuli nila si Palris at binitay. Isa sa dahilan ng pagkatalo ni Palaris ay
ang pagtataksil sa kanya ng kapatid niyang babae.
Pag- aalsa sa Loob ng Simbahang Katoliko sa Pangunguna ng
Cofradia de San Jose (1840-1843)
Pinamunuan niya ang isang pag- aaklas laban sa mga Espanyol na nakabatay
sa kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol at Indio sa
kaparian. Nagtiyaga na lamang siya na maging tagapaglinis at alila sa ospital ng San
Juan de Dios sa Maynila. Ngunit nang sumapi siya sa kapatid- samahan ng mga
mapagdasal ng Cofradia de San Juan de Dios, pinatalsik siya at napilitang bumalik sa
Lucban.Nagbalik siya sa Lucban noong 1832 at itinatag ang samahan na Cofradia de
San Jose, isang kapatirang binubuo lamang ng mga Indio. Hindi pinahintulutang
sumapi ang mga Espanyol at Mestizo nang walang pagsang- ayon ni Dela Cruz, na
siya namang tinawag ng kanyang mga tagasunod bilang “Hermano Pule” Ninais
niyang maging legal ang Cofradia dahil sa paglaki ng kasapian ngunit binabatikos ito
ng mga paring Espanyol sa pangunguna ni Arsobispo Jose Segul. Naghihinala ang
pamahalaan ni Gobernador-Heneral Marcelino Oraa na isang samahang
mapanghimagsik ang Cofradia. Sinalakay ng mga sundalo ang kampo ng Cofradia sa
Majayjay, Laguna noong Oktubre 19,1840. Nagkataong nasa Maynila noon si
Hermano Pule kaya nakaligtas. Nag-panata ang mga “kapatid”, pagkatapos, hinayag
ni Apolinario na ililigtas sila ng Diyos mula sa pag-aapi ng mga Espanyol. Naniwala
ang mga tao na hindi sila tatablan ng sandata ng mga kalaban at hinirang nila si
Apolinario bilang “Hari ng mga Tagalog”.
Gawain A
Aking hatol
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang kolum na kung ang iyong saloobin tungkol
sa pahayag ay katanggap-tanggap at sa naman kung hindi .
Pagtugon sa Kolonyalismong
Espanyol
Sentralisado
Gawain C
Tama o Mali
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M
kung mali. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
______1. Ang mga pag- aalsa noong panahon ng kolonyal ay may pagkakaisa.
______2. May mataas na pagpapahalaga sa sarili ang mga Filipino.
______3. Maraming naging pag-aalsa subalit madalas ay bigo.
______4. Mahalaga ang pagsunod lamang sa Espanyol noong panahon ng kolonyal.
______5. Ang pag-aalsa ay tanging paraan upang maipahayag ang damdamin.
______6. Tinanggap ng mga Filipino ang pananakop ng Espanyol ng walang pag-
aalinlangan.
______7. Nararapat lamang na parusahan ang mga katutubong Filipino na ayaw
magpasakop sa kolonya.
______8. Ang kawalan pagkakaisa ng mga katutubong pinuno ang dahilan ng
kanilang kabiguan.
______9. Ang mga pinuno ng Espanyol ay may malawak na pang- unawa sa mga
Filipino.
______10. Marahas at mapagmalabis na pamumuno ang naging dahilan ng
maraming pag-aalsa.
Isaisip
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang kaisipan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
May dalawang paraan ng pagtugon ng mga Filipino sa kolonyalismong
Espanyol. Una ay ang pagtanggap sa kapangyarihang kolonya / kooperasyon at
ikalawa ay ang pag- aalsang mga Filipino laban sa pamahalaan at pagsakop sa atin
ng Espanyol.
Panuto: Anong aral ang iyong dapat matutunan sa pag- aalsa ng ating mga ninuno
noon? Nagkaroon ba ng mabuting epekto at di mabuting epekto sa mga Filipino ang
ginawang pag-aalsa laban sa mga Espanyol? Isulat sa papel ang iyong sagot.
Bubble Map
Paraan ng Pagtugon
Pag aalsa ng mga unang
Filipino
__________________
__________________
__________________
__________________
Aral
ng mga
pag-aalsa
Mabuting Epekto Di mabuting Epekto
Pag-aalsa ng mga Pag-aalsa ng mga
Filipino Filipino
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
_________________
Rubrik sa Pagbuo ng sagot
Deskripsyon Puntos Nakuhang
Puntos
Wasto at makabuluhan ang nilalaman 2
Sapat ang mga naibigay na detalye 2
Maayos ang daloy at organisasyon ng 1
kasagutan.
KABUUANG PUNTOS 5
Tayahin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Gawain A.
Panuto: Pag-isipan ang natutuhan sa araling ito at tapusin ang pangungusap sa
ibaba.
Gawain B.
Panuto: Sa pamamagitan ng Paabanikong Pagsusuri ng Sarili (PPS), Bilang mag –
aaral paano mo maipapamalas ang pagmamahal sa bansa.? Isulat ang iyong sagot
sa mga kaukulang kahon.
Agoncillo, T. Ang Pillipinas Noon at Ngayon. Quezon City : RP. Garcia Publishing
Co., 1965