FIL4M5 (Unang Markahan)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

4

Filipino
Unang Markahan – Modyul 5
Hanapin Mo!
Filipino – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Hanapin Mo!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jon-Jon A. Oyales


Editor: Ana V. Baleña, Laila C. Namoro
Tagasuri: Rechie O. Salcedo, Dinnah A. Bañares
Tagaguhit: Emma N. Malapo, Jerome R. Guadalupe, Mark Anthony O. Taduran
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate, Gladys Judd D. Perez
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad
Francisco B. Bulalacao, Jr.
Grace U. Rabelas
Ma. Leilani R. Lorico
Nora J. Laguda
Jerson V. Toralde
Rechie O. Salcedo
Belen B. Pili

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region V


Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500
Mobile Phone: 0917 178 1288
E-mail Address: [email protected]
4

Filipino
Unang Markahan – Modyul 5:
Hanapin Mo!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 4 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Bahagi
ng Diksiyonaryo!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at
sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 4 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Bahagi ng Diksiyonaryo!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para
sa malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan
o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng


Sanggunian pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Kumusta?
Naalala mo ba ang aklat na tumulong
sa iyo upang ibigay ang pormal na
depinisyon ng mga salita?
Tama! Diksiyonaryo nga ang tawag
sa aklat na iyon.
. Naibibigay ng diksiyonaryo ang
kahulugan ng mga salitang mahirap
maunawaan. Subalit, mabilis mo bang
nahahanap ang mga salita dito?
Kung nahirapan ka mang humanap
ng mga salita sa diksyonaryo noon, hindi
na ngayon! Totoo! Madali na lang.
Iyan ang ating tutuklasin sa araling ito:
kung paano ngang mapabibilis mo ang
paghahanap ng mga bagong talasalitaan.

Simulan mo na.

Sa modyul na ito,
inaaasahang makakamit mo
ang sumusunod na kasanayan:
Nagagamit nang wasto
ang diksiyonaryo; at

Naibibigay ang kahu-


lugan ng salita ayon sa
diksiyonaryong kahulugan.

1
Subukin

Subukin mo ito.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Gusto mong alamin ang tamang kahulugan ng salitang
kalayaan, saan bahagi ng pahina mo ito makikita?
A. baybay na salita
B. pamatnubay na salita
C. katuturan
D. bahagi ng pananalita

2. Anong salita naman ang maaari mong makita sa loob ng


gabay na salitang talos-tanod?
A. talampas
B. takbo
C. trak
D. tamad

3. Sa paghahanap ng salita, anong bahagi ng diksyunaryo ang


makatutulong sa iyo?
A. pamatnubay na salita
B. kahulugan
C. pabalat
D. wastong baybay

4. Sa diksiyonaryo, ang mga salita ay nakaayos na __________.


A. pamalat
B. padiksiyonaryo
C. paalpabeto
D. pakahulugan

2
5. Ang mga salita sa diksiyonaryo ay may _____________na
kahulugan.
A. pormal na kahulugan
B. payak na kahulugan
C. di-pormal
D. sunod-sunod

6. Alin ang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita


ayon sa tamang gamit ng diksiyonaryo?
A. abot, alam, ayos
B. lamog, lampas, lamig
C. gapang, gamot, gapos
D. dusa, dagat, daloy

7. Alin ang nagpapakita ng wastong bigkas ng salitang


kalayaan?
A. kala yaan
B. ka•la•ya•an
C. ka-layaan
D. kalaya-an

8. Anong salita ang maaari mong makita sa pagitan ng


pamatnubay na pagyaya - pahilis?
A. pahalagahan
B. pihikan
C. palakpak
D. palahaw

9. Ang bukid ay ngalan ng isang lugar. Saan mo hahanapin ang


pananalitang kinabibilangan ng palamuti?
A. salitang-ugat
B. kasigkahulugan
C. bahagi ng pananalita
D. gabay na salita

3
10. Alin sa mga salita ang hindi kabilang sa katangiang taglay
ng diksiyonaryo?
A. kahulugan
B. balita
C. wastong bigkas
D. tamang baybay

Binabati kita! Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina ng susing sagot ang
wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
8-10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY!
5-7 tamang Sagot – MAGALING!
1-4 tamang sagot – PAGBUTIHAN PA.
0 tamang sagot – KAYA MO YAN!

4
Aralin
Paggamit ng Diksiyonaryo
1
Malaking tulong ang diksiyonaryo sa pagbibigay ng
kahulugan ng mga salita, subalit mas lalo mo pang mapahuhusay
ito kung alam mo ang iba’t ibang bahagi nito.

Balikan

Naalala mo pa ba ang itsura ng isang diksiyonaryo?

Ito ay isang pahina ng kuhang- larawan ng Diksiyonarong


Filipino.

Ano-ano ang bahaging


nakikita mo sa larawang ito?
Mahalaga bang matuto
kang gumamit ng
diksiyonaryo?

5
Mga Tala para sa Guro
Mainam na may sariling maliit na diksiyonaryo ang
mga bata. Alamin kung sino-sino ang may diksiyonaryo sa
kanilang tahanan.
Ipakilala rin ang elektronikong diksiyonaryo bilang
alternatibong gamit kung walang nakalimbag na
diksiyonaryo.

Tuklasin

Magsimula ka rito.

Basahin mo ang tula sa ibaba at kilalanin mo ang mga bahagi at


mahahalagang gamit ng diksiyonaryo.

Kaibigang Diksiyonaryo
Ni: Jon-Jon A. Oyales

Ako’y may kaibigang puno ng talino,


Kahulugan ng mga salita’y taglay nito;
Madaling mahanap ‘pagkat naka alpabeto,
Pamatnubay na mga salita ay magagamit mo.

Pormal na kahulugan ng salita’y matatagpuan,


Kasalungat man o katumbas ito;
Bahagi ng mga pananalita’t wastong baybay ay naririto,
Tamang bigkas ng salita’y ituturo sa’yo.

Itanong mo lahat ng kaalaman dito,


Kaniyang sagot ay tiyak at sigurado;
Hatid niya’y dunong at talino,
‘ ‘Yan ang kaibigan kong diksiyonaryo.

6
Ayon sa tula, ano-ano ang bahagi ng
diksiyonaryo?
Sagot: Salita, Kahulugan, Pamatnubay na
Salita, Tamang Bigkas, Wastong Baybay,
at Bahagi ng Pananalita.

Suriin

Balikan mo ang binasang tula at basahing isa-isa ang mga


mahahalagang bahagi ng diksiyonaryo.
Pansinin ang ilustrasyon sa ibaba.

Pamatnubay na salita
-dalawang salita na
nasa kaliwa at kanang
bahagi ng pahina

Baybay ng salita Bahagi ng


kasama na ang Pananalita
Salitang-ugat
tamang bigkas
at panlaping Kasingkahulugan
na ipinakikita ng
mga tuldik at bumubuo sa at iba pang tawag
tamang salita sa salita
pagpapantig nito

7
Balikan mo ang ilustrasyon at sagutin ang sumusunod na
tanong:
1. Ano ang dalawang pamatnubay na salita?
Palakat – Palanggana
2. Anu-anong salita naman ang makikita mo sa loob ng
dalawang pamatnubay na salitang ito?
palakaw, palalos, palamuti,
3. Ano ang tamang bigkas at baybay ng salitang palakaw?
Pa •la •kaw
4. Ang salitang-ugat ng palalos ay _________.

5. Ibigay ang kahulugan at kasingkahulugan ng salitang


palamuti.

Ngayong kilala mo na ang iba’t


ibang bahagi ng diksiyonaryo,
maituturo mo ba ang mga bahagi
nito sa sarili mong diksyunaryo?
Sige nga hanapin mo.

Alin-alin ang mayroon ka?

kahulugan, baybay, bahagi ng pananalita, at


pamatnubay na salita

Ano naman ang wala sa iyong diksiyonaryo?

wastong baybay

8
Sa mga bahagi ng diksiyonaryo, alin kaya ang makatutulong
sa iyo para mahanap mo nang mabilis ang mga salita?

Pamatnubay na Salita

Bakit?

Dahil ito ang nagsisislbing gabay kung ang


salitang hinahanap mo ay matatagpuan sa
pahinang iyon sa pagtingin lamang sa mga
gabay na salita.

Lagi mong tatandaan…

Ang diksiyonaryo ay isang aklat na nagtataglay ng


mga kahulugan ng mga salitang isinaayos sa paraang
paalpabeto.

Bahagi ng Diksiyonaryo:
Pamatnubay na Salita - nagsisilbing gabay sa iyong
paghahanap ng mga salita.
Wastong Baybay - tamang ispeling o pagkasulat ng
mga pinagsama-samang letra ng isang salita
Wastong Bigkas - tamang tunog sa bawat pantig ng
salita
Katuturan - nagtataglay ng kasingkahulugan,
kasalungat at iba pang katawagan
Bahagi ng Pananalita- ito ay tumutukoy sa gamit ng
salita bilang pangngalan, pang-uri, pandiwa o pang-
abay

9
Pagyamanin

Panuto A: Hanapin at kopyahin ang tinutukoy na bahagi ng


diksiyonaryo sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot sa
mga pamimilian sa kahon.

(A) Pala-mi-gan (B) png


(C) (pa+lamig+an) (D) pook o kasangkapan para
sa pagkain at inumin na
kailangang malamigan, hal
(E) cooler, repriherador, ice box.

1. Bahagi ng pananalita –
2. Baybay at bigkas ng salita –
3. Kahulugan ng salita –
4. Salitang-ugat –
5. Kasingkahulugan –

10
Panuto B: Pagsunod-sunurin ang pangkat ng mga salita sa
paalpabetong paraan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. agimat almusal bagay bala baga


2. upuan korona blusa libro yero

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang


pagsasanay. Saang pagsasanay ka nahirapan?
___ pagsasanay A, o sa ___ pagsasanay B?
Gayunpaman, binabati kita sa iyong tagumpay!

Isaisip

Ang DIKSIYONARYO’Y mahalaga


Sa pagbibigay-__________,
Subukin mong
Mga salitang hinahanap
punan ng angkop na Madali lang,
salita upang mabuo Kapag Pamatnubay na salita
ang kaisipan ng tula.
Iyong tiningnan.
Kaya’t ito’y ingatan
Tunay mong ________.

Kaya mo ba itong gawin? Magaling!

11
Isagawa

Upang lubos na masanay, subukin mo pa ang gawaing ito.

Panuto: Isulat nang paalpabeto ang mga salita sa hanay A at


piliin ang katumbas na kahulugan nito sa hanay B. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. aklat A. tubig alat


2. kalangitan B. lasa ng suka
3. asim C. naglalaman ng sisiw
4. dagat D. himpapawid
5. itlog E. libro

Paalpabetong ayos ng mga salitang nasa hanay A:


_____________, _____________, _____________,
_____________, _____________,

Magaling! Matapos mong sagutin ang pagsasanay, tingnan


kung ito ay tama o mali sa pahina ng Susi sa Pagwawasto
sa pahina 18.

12
Tayahin

Hanggang saan na ba ang iyong natutunan sa ating aralin?

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng mga


pahayag.
1. Piliin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa
gamit ng diksiyonaryo.
A. tapat, talino, tikas
B. saya, suyo, sayaw
C. kaibigan, kalayaan, kapatid
D. abot, alam, ayos

2. Gusto mong alamin ang tamang kahulugan ng salitang


pagaspas. Saang bahagi ng diksiyonaryo ito matatagpuan?
A. Baybay na salita
B. Pamatnubay na salita
C. Katuturan
D. Bahagi ng pananalita
3. Sa anong bahagi ng diksiyonaryo matatagpuan ang
pananalitang kinabibilangan ng himpapawid?
A. salitang-ugat
B. kasingkahulugan
C. bahagi ng pananalita
D. gabay ng salita

4. Anong salita ang maaaring makita sa pagitan ng agad - aso?


A. bilog
B. ulap
C. ahas
D. paso

13
5. Ano ang makatutulong para madaling mahanap ang isang
salita?
A. wastong baybay
B. pamatnubay na salita
C. pabalat
D. kahulugan

6. Tamang baybay ng salitang tiwasay.


A. tiwa-say
B. ti-wa-sa-y
C. ti-wa-say
D. ti-wasay

7. Sa paanong paraan nakaayos ang mga salita sa diksyonaryo?


A. Pa-alpabeto
B. Pakahulugan
C. pamalat
D. padiksiyonaryo

8. Saang bahagi ng diksiyonaryo matatagpuan ang


kinabibilangang ng salita?
A. bahagi ng pananalita
B. salitang-ugat
C. kahulugan ng salita
D. kasingkahulugan

9. Anong uri ng kahulugan ng mga salita ang matatagpuan sa


diksiyonaryo?
A. sunod-sunod
B. pormal na kahulugan
C. di-pormal
D. payak na kahulugan

10. Anong salita ang makikita sa loob ng gabay na salitang


palahaw - palakpak?
A. palaman
B. Palamara
C. palaki
D. palangga

14
Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat
na pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan
sa pahina 18.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

Karagdagang Gawain

Para hindi mo makalimutan, magsanay pa sa paggamit ng


diksyunaryo.
A. Sa tulong ng pamatnubay na salitang antas at buhok, isulat
ang mga salita nang magkakasunod. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

antas agaw buhok bantay binti

1_________2_________3__________4__________5_________

15
B. Muling hanapin sa diksiyonaryo ang kahulugan ng mga salitang
nakasulat sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. kubo
2. lambat
3. tilamsik
4. tulay
5. lumot

Malugod na pagbati!
Napagtagumpayan mo ang mga
gawaing ito. Maaari ka nang
magpatuloy sa susunod na
modyul.

16
17
Subukin:
A. 1. C
2. D
3. A
4. C
5. A
6. A
7. B
8. A
9. C
10. B
Tuklasin:
Ang kasagutan ay nasa parehong pahina nito
Suriin:
4. lalos
5. Nakasulat sa diksiyonaryo sa pah.7
Pagyamanin:
A. 1. B
2. A
3. D
4. C
5. E
B. 1. Agimat,almusal, baga, bagay, bala
2. blusa, korona, libro, upuan, yero
Susi sa Pagwawasto
18
Isaisip:
kahulugan
kaibigan
Isagawa:
1.E
2. D
3. B
4. A
5. C
Aklat, asim, dagat, kalangitan, itlog
Tayahin:
1. D
2. B
3. C
4. C
5. C
6. C
7. A
8. A
9. B
10. C
Karagdagang Gawain
A. agaw, antas, bantay, binti, buhok
B. Guro ang magwawasto.
Sanggunian

Almario, Virgilio – UP Diksiyonaryong Filipino 2nd ed., ANVIL


Publishing Inc., 2010

Kontekstuwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino, Baitang 4,


Unang Kwarter, Linggo 1, Araw 1 pahina 3-7

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like