Esp6 Adm Q4 M5 Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Pananampalataya sa Diyos
Edukasyong Pagpapakatao – Ikaanim Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pananampalataya sa Diyos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Rona S. Sarmiento at Ginelet B. Santillan
Editor: Teresita Z. Olasiman
Tagasuri: Teresita Z. Olasiman
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Rona S. Sarmiento
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Donre B. Mira, Ed. D. Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]
6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 5
Pananampalataya sa Diyos
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pananampalataya sa Diyos
.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakato 6 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Pananampalataya sa Diyos.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang maibahagi sa iyo ang mga kaalaman na
nararapat ninyong matutuhan sa nasabing baitang.

MELC: Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.

Hal. Pagpapaliwanag na ang ispiritwalidad ang pagkakaroon ng

mabuting pagkatao anuman ang paniniwala; pagkakaroon

ng positibong pananaw, pag-asa, at pagmamahal sa kapwa at

Diyos.

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, magagawa mo ang sumusunod:

Mga Layunin:

Kalaman: Natutukoy ang mga paraan ng pagpapalalim ng

pananampalataya sa Diyos.

Saykomotor: Nakagagawa ng mabuti sa kapwa anuman ang paniniwala.

Apektiv : Napahahalagahan ang pagpapaunlad ng pagkatao ang

ispiritwalidad.

1
Subukin

Basahin ang mga nakatalang katangian sa unang hanay. Lagyan ng tsek


(/) ang angkop na hanay kung ito ay iyong isasabuhay o hindi. Maging
matapat sa iyong pagsagot. Ilagay ang iyong mga sagot sa iyong
kuwaderno.

Mga Katangian Ako Ito Hindi Ako


Ito

1. Hindi pumupunta sa lugar ng pagsamba

2. Sinisikap na makatulong sa iba sa abot ng


makakaya

3. Iginagalang ang mga panrelihiyong


paniniwala ng iba.

4. Umiiwas sa kamag-aral na mahirap lamang.

5. Nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang


dumarating.

2
Tuklasin

Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong sa Suriin. Isulat sa


kuwaderno ang sagot.
(Hango sa Mga Tula ng Makata By Herbert Fajarda)

Sa Diyos mo hanapin ang


Kaligayahan
Sa kanya’y mayroong
kapayapan
Mga kabiguang iyong
naranasan
Papalitan niya ng mga
Tagumpay at kaligayahan

3
Suriin

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa

kuwaderno.

1. Ano ang mensahe ng tula?

2. Ano ang nagtuturo sa atin na magtiwala sa Diyos para sa lahat ng


hindi natin nakikita at nalalaman?

3. Naranasan mo bang mabigo? Ano ang ginawa mo?

4. Bakit mahalaga na magkaroon ng pananampalataya sa Diyos?

5. Paano maipapakita ang pananampalataya sa Diyos?

6. Sa paanong paraan mo isabuhay ang iyong pananampalataya sa


Diyos?

7. Bakit kinakailangan ng Diyos sa taong pananampalataya?

8. Paano mo malalaman na dinirinig ng Diyos ang iyong mga


panalangin?

4
PAGYAMANIN

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos?


Lagyan ng tsek (/) kung nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos at
ekis (X) kung wala. Isulat ang agot sa kuwaderno.

1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay.


2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.
3. Hindi pagpansin sa mga taong humihingi ng tulong.
4. Pagkakaroon ng oras para magdasal.
5. Hindi naniniwala sa Panginoon na ating tagapagligtas.
6. Pagsasalita ng masasama.
7. Sisigawan ang mga nakakatanda.
8. Humingi ng paumanhin sa taong nagawan ng kasalanan.
9. Pagtulong sa iba na may hinihintay na kapalit.
10. Masiglang pagbati sa mga miyembro ng pamilya.

5
ISAISIP

Basahin ang bawat sitwasyon. Ano ang gagawin mo upang maiwasto


ang maling ugali at maipakita ang isang tunay na pananampalataya?
Isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Dahil sa kahirapang iyong nararanasan, nakalimutan mo nang


manalangin at magpasalamat sa Diyos. Ayaw mo na rin tumulong sa
iba dahil katwiran mo, hindi ka naman tinutulungan ng Diyos.

2. Palagi kang sumisigaw at nagmamadali kapag nag-uutos sa inyong


kasambahay.

3. Nakagawian mo na ang pagpapalaganap ng maling kuwento tungkol


sa iyong mga kamag-aral.

4. Sunod-sunod ang trahedya na dumating sa iyong buhay. Nasunog ang


Inyong bahay at namatay ang iyong mga magulang. Nag-iisa ka nalang
sa buhay.

6
ISAGAWA

Gumawa ng isang pangakong maisasabuhay ang mabubuting asal na


makatutulong sa iyo upang mapalalim ang iyong pananampalataya sa
Diyos. Maaari kang sumulat ng isang tula, awit o liham. Isulat ito sa
kuwaderno.

7
TAYAHIN

A. Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Iguhit ang puso

kung ito ay nagpapakita ng pagpapasalamat sa Diyos at araw

kung nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos. Isulat ang sagot

sa kuwaderno.

1. Tuwing gabi, sabay-sabay na nananalangin ang pamilya Cruz

bago matulog.

2. Maagang nagsisimba ang pamilya tuwing Linggo

3. Nagtitiwala ang pamilya Gordon na makakaahon din sila sa

hirap.

4. Pagpapasalamat sa lahat ng bagay na natatanggap araw-araw.

5. Naniniwala sina Ginoo at Ginang Santos mapagtatapos nila sa

pag-aaral ang kanilang mga anak.

B. Sumulamat ng isang panalangin na nagpapasalamat sa Diyos.

Isulat sa kuwaderno.

_________________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

___________________________________________________________________

8
KARAGDAGANG GAWAIN

Sumulat ng isang panalangin. Isulat ito sa kuwaderno.

9
PAGNINILAY

Ang natutuhan ko ay _____________________________________

Napag-isipan ko_____________________________________

Gagamitin ko ____________________________________________
Subukin:
Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata
Suriin: Maaaring iba-iba ang sagot ng mga
bata
Pagyamanin:
1. / 2. / 3. X 4. / 5. X 6. X 7. X 8. / 9. X 10. /
Isaisip: Maaaring iba-iba ang sagot ng mga
bata
Isagawa: Maaaring iba-iba ang sagot ng mga
bata
Tayahin:
A. 1. 2. 3. 4. 5.
B. Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
https://www.google.com/search?q=tula+para+sa+diyos+na+lumikha&tbm=isch&rl
z=1C1CHBF_enPH812PH812&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiqxP7PitfuAhUIHqYKHf
mXCMYQrNwCKAJ6BQgBENsB&biw=1349&bih=657#imgrc=zHVTmsIIkkjOrM
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: [email protected]
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like