AP 6 Q1 Week 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

1

ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN

Pangalan: _____________________________ Pangkat: _______Guro: __________________

Most Essential Learning Competency (MELC): Natatalakay ang partisipasyon ng mga


kababaihan sa rebolusyong Pilipino. (AP6PMK-Ie-8)

Magandang araw! Kumusta ka? Kumusta ang iyong pamilya? Inaasahan


ko na ikaw at ang iyong pamilya ay nasa mabuting kalagayan sa oras na ito.
Maaari ba kitang tanungin? Ilan ang babae sa iyong pamilya? Maaari mo
ba silang pangalanan?
Alam mo ba na may mga babaeng nagtanggol sa atin noong panahon ng
rebolusyon? Gusto mo bang makilala kung sino-sino sila?
Kaya halika na at ating kilalanin sila!

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang:


 Maiisa-isa ang ang mga kababaihan sa panahon ng rebolusyon at ang
kanilang mga ambag;
 Makagagawa ng liham pasasalamat sa ating magiting na ina;
 Mapahahalagahan ang kanilang kabayanihang ipinamalas upang
ipagtanggol ang ating kalayaan laban sa mga dayuhan.

PaunangPagsusulit

Bago tayo dumako sa ating aralin, meron akong limang katanungan para
sa iyo. Nakita mo na ang ilang lawaran ng mga kababaihan.Tignan natin kung
makikilala mo ang kanilang ambag sa ating kalayaan.
Handa ka na ba? Halika’t sagutan na!

AP6-Qrt.1-Week 4
2
ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN
Panuto:Piliin ang letra ng tamang sagot at ilagay sa sagutang papel.

1. Ipinamalas niya ang kaniyang kakayahan sa taktikang military laban sa mga


Espanyol.
a. Gregoria de Jesus c. Teresa Magbanua

b. Marina Dizon-Santiago d. Trinidad Perez-Tecson

2. Tinawag na “Lakambini ng Katipunan” sapagkat siya ang asawa ni Andres


Bonifacio na Supremo ng Katipunan.
a. Gregoria de Jesus c. Teresa Magbanua

b. Marina Dizon-Santiago d. Trinidad Perez-Tecson

3. Siya ang kauna-unahang babaeng naging kasapi ng Katipunan.

a. Marina Dizon-Santiago c. Teresa Magbanua

b. Melchora Aquino d. Trinidad Perez-Tecson


4. Isa sa mga naisagawa ni Melchora Aquino sa panahon ng Rebolusyon ay
___________________.
a. Lumaban sa mga Espanyol gamit ang sandata
b. Maging espiya sa bawat galaw ng mga sundalong Espanyol
c. Nangalaga sa mga sugatang katipunero.
d. Naging tagapagtago ng mga armas ng mga katipunero
5. Paano ipinamalas ni Teresa Magbanua ang kaniyang katapangan sa
pagtatanggol sa ating bansa?
a. Pakikipaglaban gamit ang husay sa taktikang militar
b. Nanggamot ng mga sugatang katipunero
c. Naging katuwang ni Gregoria de Jesus sa Katipunan
d. Pang-aliw sa mga katipunero sa pamamagitan ng pag-awit at
pagbigkas ng tula.

IV. Balik-Tanaw:

Naalala mo pa ba ang inyong nakaraang aralin? Subukan natin ang talas


ng iyong isipan. Meron akong hinandang katanungan, siguraduhin mong wasto
ang iyong mga kasagutan. Isulat ang ngalan ng tinutukoy ng bawat
pangungusap.

1. Siya ang Ama ng Rebolusyong Pilipino. _____________________________

2. Utak ng Katipunan _________________________________________________

AP6-Qrt.1-Week 4
3
ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN
3. Ito ay kilusang itinatag dahil sa pagkabigo na mabago ang pamahalaan sa
pamamagitan ng mapayapang paraan.______________________________________
4. Ito ay naging hudyat ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol. ___________________________________________________________________
5. Ang palimbagan kung saan nailathala ang mga babasahin tungkol sa
isinusulongna layunin ng Katipunan. _________________________________

Ngayong nakita mo na ang mga nasa larawan, sa aralin na ito makikilala


mo ang ilan sa mga kababaihang Pilipino na naglaan ng kanilang panahon
upang lumahok sa rebolusyong Pilipino laban sa mga mananakop sa ating
bansa. Malalaman mo rin sa aralin na ito ang kanilang mga naging paraan
upang masuportahan ang mga rebolusyunaryo noon.

Ang Partisipasyon ng mga Kababaihan sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino.


Hindi matatawaran ang mga ginawang
sakripisyo at pag-aalay ng sarili ng ilang
magigiting na kababaihan sa pagkamit ng
kalayaan ng mga Pilipino. Ilan sa mga katangi-
tanging kababaihan ng Katipunan ay sina:
1. Melchora Aquino – Kilala sa tawag na
“Tandang Sora” at “Ina ng Katipunan”. Ang
kaniyang maliit na tahanan sa
Balintawak ay nagsilbing pansamantalang
panuluyan ng mga katipunero. Nilapatan
Source:
niya ng pangunang lunas ang mga sugatang https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Tandang-
Sora.jpg
katipunero at nagkaloob ng mga pagkain sa kanila. Naging tagapag-ingat din
siya ng ilang mahahalagang dokumento ng kilusan katuwang si Gregoria de
Jesus.

Natuklasan ng mga Espanyol ang ginawa niyang pagtulong sa mga


Katipunero kung kaya’t siya ay agad na dinakip at ipinatapon sa Guam.
Makalipas ng pitong taon ay
nakabalik siya sa Pilipinas. Namatay si Tandang Sora sa gulang na 107.

2. Trinidad Perez-Tecson– Nakilala siya


bilang “Ina ng Biak-na-Bato”. Sa edad na 47
ay sumapi siya sa Katipunan. Isa siya sa
mga iilang kababaihang nakipaglaban

Source: https://alchetron.com/Trinidad-Tecson

AP6-Qrt.1-Week 4
4
ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN
kasama ang mga kalalakihang Pilipino sa rebolusyon. Buong tapang siyang
nakipaglaban kasama ng mga katipunero sa mga sundalong Espanyol.
Napabilang siya sa isa sa may pinakamataas na katungkulan ng Katipunan.
Binansagan din siyang “Ina ng Red Cross” sa Pilipinas. Nagtayo siya ng isang
bahay para sa mga may sakit at sugatang Pilipino na siya ring nangasiwa sa
pagpapalakad nito.

3. Gregoria de Jesus – Siya ay


ipinanganak sa Caloocan at nakilala
bilang“Lakambini ng Katipunan”. Siya
ang ikalawang asawa ni Andres
Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan.
Kasama ni Tandang Sora, si
“Oriang” ang naging tagapag-ingat ng
ilang mahahalagang dokumento ng
katipunan. Siya din ay magiting na
Source:
nakipaglaban sa mga mananakop na https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Gregoria_de_Jes
us_1978_stamp_of_the_Philippines.jpg

Espanyol kasama ng kaniyang asawa. Kahit sa panahon ng pagdadalang-tao ay


buong tapang niyang ginampanan ang kaniyang tungkulin sa samahan. Siya ay
nahalal bilang pangalawang pangulo ng sektor ng kababaihan ng Katipunan.
Binawian siya ng buhay sa edad na 67 noong 1943.

4. Teresa Magbanua – Siya ang


kauna-unahang babae na namuno sa
rebolusyon sa Panay at tinaguriang
“Joan of Arc” ng Kabisayaan.
Nakilala siya sa kaniyang katapangan,
pagkamakabayan at husay sa taktikang
militar. Ang kahusayan niya sa
taktikang militar ang naging daan ng
kaniyang tagumpay sa mga pakikipaglaban
hindi lamang sa mga Espanyol kundi sa
Source:https://philippineculturaleducation.com.ph/magbanua-
mga Amerikano man. teresa/

Si “Nay Isa” kung tawagin, matapos ang maraming labanan ay napilitang


sumuko sa panahon ng mga Amerikano. Sa panahon ng mga Hapon ay ibinenta
niya ang kaniyang ari-arian upang makatulong sa mga gerilya sa Iloilo. Binawian
siya ng buhay sa edad na 78 noong 1947.

AP6-Qrt.1-Week 4
5
ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN

5. Marina Dizon-Santiago – Isinilang sa


Tondo, Maynila. Maagang naulila si
Marina kaya’t inalagaan siya ng kaniyang
tiyahin at ina ni Emilio Jacinto na si
Josefa Dizon-Jacinto. Nakilala siya sa
kaniyang husay sa pagbigkas, pag-awit
at pagtugtog ng gitara at biyulin. Dahil
dito, napabilang siya sa Banda Trozo
Comparsa. Siya ang naging
kauna-unahang babae na naging kaanib ng Source: https://philippineculturaleducation.com.ph/dizon-marina/

Katipunan. Siya ay nagsilbing tagapangasiwa ng mga proyektong pinansiyal na


tumustos sa mga lihim na gawain ng Katipunan. Siya rin ay nagsilbing
tagapagturo sa mga bagong kasapi ng samahan. Lagi niyang itinuturo sa mga
Katipunera na kailangan ang lakas ng loob, husay sa pag-awit, pag-sayaw at
pagiging makatotohanan sa paghalakhak upang maging kapani-paniwala ang
isinagawang panlilinlang sa kalaban.

Pagkatapos mong basahin ang ilang impormasyon tungkol sa mga


kababaihan na aking ipinakita sa mga nasa larawan,iyong nakilala at natutunan
din ang mga kabayanihan na kanilang ipinamalas sa panahon ng ating
rebolusyon. Kung gayon, ating subukin ang iyong natutunan.

Gawain 1
GAWAIN 1

Kilalanin ang mga sumusunod na kababaihan. Iayos ang mga letra sa


kahon upang mabuo ang pangalan ng mga kababaihang sumali sa rebolusyon
noon. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

1.

M L H R E C O A Q A N I U O

_______________________________________

AP6-Qrt.1-Week 4
6
ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN
2.

T D A D R I N I Z E E R P - E T C O S N

________________________________________

3.

G A I R E R O G E D S E J U S

________________________________________

4.

T S A E R E A M G A B U N A

________________________________________

5.

M R A I A N D Z I N O - I T A S N G A O

__________________________________________

AP6-Qrt.1-Week 4
7
ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN

GAWAIN 2

Punan ng wastong impormasyon ang graphic organizer sa ibaba.

Mga Kababaihang Lumahok Mga naisagawa sa panahon ng rebolusyong Pilipino


sa Rebolusyong Pilipino
Partisipasyon ng mga Kababaihan sa

_____________
Rebolusyong Pilipino

_____________

_____________

_____________

_____________

Ilan sa mga kababaihang Pilipino na nakiisa sa pakikipaglaban ng kalayaan ng


bansa ay sina Melchora Aquino, Trinidad Perez-Tecson, Gregoria de Jesus,
Teresa Magbanua at Marina Dizon-Santiago.

Tunay na malaki ang ginampanang papel ng mga kababaihan sa


pagkamit ng kalayaan at kasarinlan ng bansa. Kaya hanggang sa kasalukuyan
ay itinuturing na mabuting ehemplo ng kabayanihan ang mga kababaihang
nabanggit.

Ang galing ng iyong ipinamalas! Nasagutan mo nang maayos ang mga


gawain. Ngayon nais kong iyong isulat ang mga natutunan mo sa araling ito.
Buuin ang pangungusap na uumpisahan ko.

Ang mga natutunan ko sa araw na ito ay


______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

AP6-Qrt.1-Week 4
8
ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Sino sa mga kababaihang bayani ang ipinatapon sa Guam at nakabalik sa
Pilipinas pagkatapos ng pitong taon?
a. Gregoria de Jesus c. Marina Dizon-Santiago
b. Melchora Aquino d. Trinidad Perez-Tecson
2. Kung ikaw ay kasapi ng Red Cross sa Pilipinas, siya ay higit mong
pahahalagahan dahil siya ay kinilala bilang Ina ng Red Cross sa Pilipinas.
a. Marina Dizon-Santiago c. Teresa Magbanua
b. Melchora Aquino d. Trinidad Perez-Tecson
3. Kung si Melchora Aquino ang tinaguriang “Ina ng Katipunan”, Sino
naman ang kinilalang “Lakambini ng Katipunan”?
a. Gregoria de Jesus c. Teresa Magbanua
b. Melchora Aquino d. Trinidad Perez-Tecson
4. Paano ipinamalas ni Marina Dizon-Santiago ang kaniyang katapangan sa
pagtatanggol sa ating bansa?
a. Ang kaniyang husay sa pag-awit,pagtula at pag-arte ay ginamit upang
linlangin ang mga kalaban ng mga katipunero.
b. Naging katuwang ni Gregoria de Jesus sa Katipunan
c. Nanggamot ng mga sugatang katipunero
d. Pakikipaglaban gamit ang husay sa taktikang militar
5. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng pagkilala sa
kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan?
a. Ang mga kababaihan ay ilaw ng tahanan kung kaya’t sila ay nararapat na
maiwan sa bahay at mag-alaga ng mga anak.
b. Pasalamatan ang mga nanay sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.
c. Pagbibigay ng pagkakataong maghanapbuhay at katuwang ng asawa sa
pagtataguyod ng kanilang pamilya
d. Huwag bigyan ng mga gawaing bahay na mahihirap

Ang pinakamahalagang babae sa buhay ko ay ang aking ina. Ganoon din


ba ang sa iyo? Batid kong mahal mo rin ang iyong ina. Kaya kung ikaw ay
mabibigyan ng pagkakataon na magpasalamat sa pamamagitan ng isang liham,
ano ang sasabihin mo? Sumulat ng isang liham pasasalamat sa kabutihan ng
iyong ina sa buhay

AP6-Qrt.1-Week 4
9
ARALING PANLIPUNAN 6
UNANG MARKAHAN

SAGUTANG PAPEL
Pangalan: ______________________________________________________
Pangkat: _______Guro: _______________________________________________________

Paunang Pagsusulit
1. 2. 3. 4. 5.
Balik-tanaw
1. _______________________
2. _______________________
3. _______________________
4. _______________________
5. _______________________ Gawai
Gawain 1
1_______________________

2_______________________

3_______________________

4_______________________

5_______________________

Pag alam sa Natutuhan


Ang mga natutunan ko sa araw na ito ay
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Panghuling Pagsusulit
1. 2. 3. 4. 5.

AP6-Qrt.1-Week 4

You might also like