Ap9 q1 m6 Mgakarapatanattungkulinbilangisangmamimili v2
Ap9 q1 m6 Mgakarapatanattungkulinbilangisangmamimili v2
Ap9 q1 m6 Mgakarapatanattungkulinbilangisangmamimili v2
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mga Karapatan at Tungkulin
bilang Isang Mamimili
CO_Q1_AP9_ Module6
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Mga Karapatan at Tungkulin bilang Isang Mamimili
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
ii
Alamin
Ang mga mag- aaral ay may pag - unawa Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay
sa mga pangunahing konsepto ng ang pag-unawa sa mga pangunahing
ekonomiks bilang batayan ng matalino konsepto ng ekonomiks bilang batayan
at maunlad na pang-araw-araw na ng matalino at maunlad na pang- araw-
pamumuhay. araw na pamumuhay.
1
Subukin
3. Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging
sanhi ito ng pamamaga ng kanyang labi. Anong karapatan ang dapat
ipaglaban dito?
A. Karapatang Dinggin
B. Karapatan sa Kaligtasan
C. Karapatang Pumili
D. Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan
2
5. Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?
A. Republic Act 10368
B. Republic Act 7160
C. Republic Act 7394
D. Republic Act 9003
10. Nagtitipid ka sa paggamit ng tubig at kuryente dahil batid mong ang pag-
aaksaya nito ay magdulot ng kakulangan sa suplay at pagtaas sa presyo kung
saan maraming mga konsyumer ang lalong mahihirapan sa buhay. Anong
pananagutan ang iyong nagampanan?
A. Pagkilos
B. Kamalayan sa Kapaligiran
C. Mapanuring Kamalayan
D. Pagmamalasakit Panlipunan
3
11. Ito ay tumutugon sa reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o
timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng Liquified Petroleum
Gas.
A. Energy Regulatory Commission
B. Department of Environment and Natural Resources
C. Fertilizer and Pesticide Authority
D. Securities and Exchange Commission
4
Aralin
Mga Karapatan at Tungkulin
6 bilang Isang Mamimili
Balikan Natin
Tuklasin
5
Suriin
6
2. Karapatan sa Kaligtasan
May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan
ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib
sa iyong kalusugan.
3. Karapatan sa Patalastasan
May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at
mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi
matapat na gawain. Ito ay kailangang malaman ng mga mamimili upang
maiwasan ang pagsasamantala ng iba.
4. Karapatang Pumili
May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa
halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man,
dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-siyang uri at halaga ng
produkto nila.
5. Karapatang Dinggin
May karapatang makatiyak na ang kapakanan na mamimili ay
lubusang isinaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang
patakaran ng pamahalaan.
6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na
nagbuhat sa produkto na binili mo. May karapatan kang mabayaran sa ano
mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na
ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o
masamang hangarin. Dapat na magkaroon ng walang bayad na tulong sa
pagtatanggol sa hukuman o nang pag- aayos sa paghahabol.
7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol
sa iyong karapatan. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at
kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging
makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.
8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay- pantay at sapat na
mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at
maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan
at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng
ating saling lahi.
7
1. Mapanuring Kamalayan – ang tungkuling maging listo at mausisa
tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at
paglilingkod na ating ginagamit.
2. Pagkilos- ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang
makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa
pagwawalang-bahala, patuloy tayong pagsasamantalahan ng mga
mandarayang mangangalakal.
3. Pagmamalasakit na Panlipunan- ang tungkulin na alamin kung ano
ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang
mamamayan, lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan,
maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdig na komunidad.
4. Kamalayan sa Kapaligiran- ang tungkulin na mabatid ang
kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo.
Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na kayamanan para sa
ating kinabukasan.
5. Pagkakaisa- ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang
magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitataguyod at mapangalagaan
ang ating kapakanan.
8
Securities & Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong
Securities Act tulad ng pyramiding na gawain
Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga karapatan ng mga mamimili ang madalas na hindi
napahahalagahan? Magbigay ng sitwasyon.
2. Paano nakakatulong ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa mga
mamimili?
3. Bakit ang mamimili ay mahalagang maging responsable sa pamimili at
pagdedesisyon?
4. Paano maipagtatanggol ng mamimili ang kanyang mga karapatan at
magagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang mamimili?
Pagyamanin
__________
__________ __________
_ _
Walong
__________ Karapatan ng __________
Mamimili
__________ 9 __________
__________
Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga karapatang ito ang madalas na nakakaligtaan ng mga
mamimili?
2. Bakit kailangang mabatid mo ang iyong mga karapatan bilang
mamimili?
9
Gawain 4. Idea Web
Panuto: Ibigay ang hinihiling sa kahon. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
Consumer
Protection
Agencies
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong proteksiyon ang inilalaan ng mga ahensiyang ito
para sa mga mamimili? Magbigay ng tatlong (3) halimbawa.
2. Bakit mahalaga ang mga Consumer Protection Agencies?
Limang Pananagutan ng
mga Mamimili
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit kailangang maging listo at mausisa tungkol sa gamit,
halaga o kalidad ng panindang binili? Magbigay ng sitwasyon.
2. Paano mo maisasakatuparan ang iyong pananagutan bilang
isang mamimili?
10
Isaisip
Tanong:
Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nahaharap sa sitwasyong kailangan
mong ipagtanggol ang iyong karapatan bilang mamimili?
Sagot:
______________________________________________________________________________.
12
Tayahin
Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?
A. Republic Act 7394
B. Republic Act 9003
C. Republic Act 10368
D. Republic Act 7160
13
5. Sumali si Nena sa isang organisasyon ng mga mamimili sa kanilang barangay
upang magkaroon ng boses ang kanyang pangkat ukol sa mga usapin sa
karapatan ng mamimili. Anong tungkulin ang ipinakita sa sitwasyong ito?
A. Pagkakaisa
B. Pagkilos
C. Pagmamalasakit Panlipunan
D. Pagmamalasakit Pangkapaligiran
7. Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging
sanhi ito ng pamamaga ng kanyang labi. Anong karapatan ang dapat
ipaglaban dito?
A. Karapatang Dinggin
B. Karapatang Pumili
C. Karapatan sa Kaligtasan
D. Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan
12. Nagtitipid ka sa paggamit ng tubig at kuryente dahil batid mong ang pag-
aaksaya nito ay magdulot ng kakulangan sa supply at pagtaas sa presyo
kung saan maraming mga konsyumer ang lalong mahihirapan sa buhay.
Anong pananagutan ang iyong nagampanan?
A. Pagkilos
B. Mapanuring Kamalayan
C. Pagmamalasakit Panlipunan
D. Kamalayan sa Kapaligiran
14. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagiging listo at mausisa tungkol
sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na
ating ginagamit?
A. Mapanuring Kamalayan
B. Kamalayan sa Kapaligiran
C. May Alternatibo o Pamalit
D. Pagmamalasakit na Panlipunan
15
Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Mamili lang ng isang
sitwasyon. Sagutin at isulat ito sa sagutang papel.
1. Depektibong cellphone
2. Lip balm na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi
3. Double dead na karne ng manok
4. Maling timbang ng asukal
5. Serbisyong hair rebonding na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong
buhok
16
Rubriks para sa Islogan
Kriterya 5 pts 4 pts 3 2
Nilalaman Ang Di-gaanong Medyo Walang
mensahe ay naipakita magulo ang mensaheng
mabisang ang mensahe naipakita
naipakita mensahe
Pagkamalikhai Napakagand Maganda at Maganda Di maganda
n a at malinaw ang ngunit di- at Malabo
napakalinaw pagkakasula gaanong ang
ng t ng titik malinaw ang pagkakasula
pagkakasula pagkakasula t ng titik
t ng titik t ng titik
Kaugnayan sa May Di-gaanong Kaunti lang Walang
paksa malaking may ang kaugnayan
kaugnayan kaugnayan kaugnayan sa paksa
sa paksa ang sa paksa ng islogan ang islogan
islogan ang islogan sa paksa
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di-gaanong Marumi ang
malinis ang pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo pagkakabuo
17
18
Panghuling
Pagtataya
1. A
2. D
3. B
4. A
5. B
6. B
7. C
8. B
9. C
10. D
11. B
12. C
13. D
14. A
15. D
Paunang
Pagtataya
1. B
2. A
3. B
4. A
5. C
6. A
7. A
8. C
9. B
10. D
11. A
12. D
13. D
14. C
15. A
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian:
19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: