9 AP Q3 Weeks 1 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

Pangalan: _______________________________________________________________

Pangkat: ______________ Guro: ___________________________________________

Aralin
PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA
1 ( Para sa una at ikalawang Linggo)
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay magpapamalas ng pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman
tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Kasanayan
Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya. (MELC Code)

Inaasahan

Ang modyul na ito ay ginawa upang iyong matuklasan ang bumubuo sa pambansang
ekonomiya. Ano ang tungkuling ginagampanan ng bawat sektor pang-ekonomiya ng bansa?
Handa ka na bang alamin ang kasagutan sa tanong na ito? Kung handa ka na, halina at saglit
tayong maglakbay sa pambansang ekonomiya ng bansa, siyasatin natin kung papaano
kumikilos ang mga sektor na bunubuo dito.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya.
2. Nasusuri ang ugnayan sa isa’t-isa ng bahaging bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
3. Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya.

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

Paunang pagsusulit

Isulat ang akmang salita sa bawat patlang upang mabuo ang pangungusap at mabuo
ang konsepto ng buong talata. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa bahaging
ibaba.
Ang mga manggagawang Pilipino at negosyo sa Pilipinas ay nagbabayad ng buwis sa
____(1)___ upang ito ay magamit sa pagpapagawa ng imprastrakturang panlipunan. Ang
mga salik ng produksyon na ginagamit sa paggawa ng mga produkto ay nagmumula sa
sektor ng ___(2)_____. Ang ___(3)_____ naman ang sektor pang-ekonomiya ang
bumubuo ng mga produkto upang ito ay ilagay sa pamilihan. Upang makapagpatuloy ang
isang negosyante sa pagpapalago ng negosyo nito, ito ay maaring mangutang sa sektor ng
_____(4)_____ upang magdagdag ng puhunan at madagdagan ang produksyon ng
kanyang produkto. Ang produktong gawa sa Pilipinas ay maaring ipagbili sa iba’t-ibang
panig ng mundo, ito ay posible sa tulong ng ____(5)______ na sektor.

PAMAHALAAN GLOBAL BAHAY-KALAKAL


PINANSYAL PANLABAS SAMBAHAYAN

Balik Tanaw

Tukuyin kung fact o bluff ang konseptong inilahad sa bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.
1. Bagama’t ang pamilihan ay isang organisadong sistemang pang-ekonomiya may
pagkakataong ito ay nahaharap sa kabiguan o market failures. ____________
2. Kung ang pamilihan ay nakararanas ng market failures, ito ang pagkakataon na
makikialam o manghihimasok ang pamahalaan upang matulungan na mapanatili ang
organisadong sistema sa pamamahala ng pamilihan. ____________
3. Ang pagkakaroon ng monopolyo sa ilang produkto ay hindi tinuturing na suliraning
pampamilihan. _____________
4. Ang price ceiling ay patakaran ng pamahalaan upang mapataas ang presyo ng mga
pangunahing bilihin sa pamilihan. _______________
5. Sa panahong nakararanas ng kalamidad ang bansa, ang pamahalaan ay mahigpit na
nagpapatupad ng price freeze o pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan.
______________

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

Maikling Pagkilala
sa Aralin

MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA


Unang Modelo. Ang unang modelo ng pambansang e konomiya ay naglalarawan ng
simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing aktor sa
modelong ito. Ang sambahayan ay ang kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Ang
bahay-kalakal naman ay ang tagalikha ng produkto.

Sa unang modelo, ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay


siya ring konsyumer. Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa
sambahayan. Halimbawang ikaw ay napunta sa isang pulo na walang tao at sakaling walang
pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, ano ang nararapat mong gawin upang
mabuhay? Maaaring gumawa ka ng paraan upang matugunan ang sarili mong
pangangailangan dahil wala namang gagawa nito para sa iyo. Ikaw ang maghahanap ng
pagkain, gagawa ng sariling bahay, at bubuo ng sariling damit. Sa madaling salita, ang
sambahayan at bahay-kalakal ay ikaw lamang. Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang
halaga ng produksiyon sa isang takdang panahon. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay
siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto. Upang lumago ang ekonomiya, kinakailangang
maitaas ng kaukulang aktor ang kanyang produksiyon at pagkonsumo.

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
Ikalawang Modelo. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya
ang tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing
aktor dito. Sila ay binubuo ng iba’t ibang sektor. Sa puntong ito masasabing magkaiba ang
sambahayan at bahay-kalakal.
May dalawang uri ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Ang unang uri ay ang
pamilihan ng mga salik ng produksiyon o factor markets. Kabilang dito ang pamilihan para
sa kapital ng produkto, lupa, at paggawa. Ang ikalawang uri ay pamilihan ng mga tapos na
produkto o commodity. Kilala ito bilang goods market o commodity markets.
Sa ikalawang modelo, ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang
sambahayan at bahay-kalakal.
Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha
ng produkto. Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha nito. subalit bago
makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na bumili o umupa ng mga salik ng
produksiyon (lupa, paggawa, kapital at intreprenyur). At dahil tanging ang sambahayan ang
may supply ng mga salik ng produksiyon, makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa
sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng mga salik ng produksiyon.

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
Ikatlong Modelo. Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing
sector, ang sambahayan at bahay-kalakal. Isinasaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal
ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap.
Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimili. Hindi lang
pangkasalukuyang produksiyon ang iniisip ng bahay-kalakal. Bukod sa pamimili at paglikha
ng produkto, ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagiging mahahalagang gawaing pang-
ekonomiya. Nagaganap ang mga nasabing gawain sa mga pamilihang pinansiyal (financial
market).
Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan ay para sa salik ng
produksiyon, commodity o tapos na produkto, at para sa mga pinansiyal na kapital. Nag-
iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang
bahagi ng natanggap na kita. Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na impok
(savings). Ito ang inilalagak sa pamilihang pinansiyal. Kabilang sa naturang pamilihan ang
mga bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop, at stock market.
Samantala sa pagtagal ng panahon, hindi lamang pagtubo ang iniisip ng bahay-
kalakal. Ninanais din nitong mapalawak ang negosyo sa iba’t ibang panig ng bansa o daigdig.
Maaaring hindi sapat ang puhunan nito sa pagpapalawak ng negosyo. Ngunit maaaring
patuloy namang gaganda ang negosyo nito kung lalawak ang sakop ng produksiyon.
Dahil dito, maaaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang pinansiyal na
kapital. Ito ang gagamitin na puhunan sa nasabing plano ng produksiyon. Hihiram ang bahay-
4
kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. Ang paghiram ng bahay-
kalakal ay may kapalit na kabayaran. Babayaran nito ng interes ang hiniram na puhunan.
Sinisingil ang bahay-kalakal dahil may kapakinabangan itong matatamo sa paghiram ng
puhunan. Ito ay ang pagtaas ng kita kapag lumawak na ang negosyo nito.
Ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging kabayaran
sa sambahayan. Kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag-iimpok. Ito ay dahil
nagagamit ang inilagak nitong ipon bilang puhunan ng mga bahay-kalakal. Para sa
sambahayan, ang interes ay kita. Para sa bahay-kalakal, ito ay mahalagang gastusin.
Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi orihinal na mga gawaing pang-
ekonomiya. Ang mga ito ay nagaganap dahil nagkakaroon ng pagpaplano para sa hinaharap
ang mga naturang aktor. Ito ang nagpapaliwanag sa broken lines na ginamit sa dayagram.
Kung walang pagpaplano sa hinaharap ang mga aktor, walang pag-iimpok at pamumuhunan.
Sa ikatlong modelo, ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang
gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal. Kasama na rito ang gastusin sa pamumuhunan ng

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
bahay-kalakal. Ang isa naman ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-
kalakal. Kabilang dito ang kita ng sambahayan sa pag-iimpok.
Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon.
Mahalagang punto rin sa ikatlong modelo ang mga nabanggit sa ikalawang modelo. Ngunit
may mga karagdagang dala ang pagsulpot ng mga gawain na pag-iimpok at pamumuhunan.
Ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay rin sa paglaki ng pamumuhunan. Upang maging
matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon ang sambahayan. Kailangan din na
may sapat na dami ng bahay-kalakal na handang mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan
ng bahay-kalakal, tataas ang produksiyon ng mga kapital na produkto. Inaasahan na darami
rin ang mabubuksang trabaho para sa paggawa. Sa ganitong modelo ng ekonomiya,
mahalagang balanse ang pag-iimpok at ang pamumuhunan.

PAMILIHANG PINANSIYAL:
PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS)

KITA PAGGASTA

PAMILIHAN NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD
Pagbebenta ng Pagbili ng
kalakal at kalakal at
paglilingkod paglilingkod

BAHAY-KALAKAL SAMBAHAYAN
Lupa,
Input para sa paggawa at
produksiyon kapital
PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON

SAHOD, UPA AT TUBO KITA

PAMUMUHUNAN PAMILIHANG PINANSIYAL PAG-IIMPOK

https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-dntwp/download
https://webstockreview.net/images/banker-clipart-clip-art-4.jpg

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

Gawain
Gawain A
FILL IT RIGHT
Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya.

Pamprosesong Tanong:
Ano ang ugnayang namamagitan sa Sambahayan at Bahay-Kalakal? Ipaliwanag. 6
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain B
FILL IT RIGHT TOO!
Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga pamilihan sa paikot na daloy ng ekonomiya.

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

Tandaan
Ang modelong paikot na daloy ng ekonomiya ay binubuo ng sambahayan at bahay-
kalakal, ang mga pangunahing aktor sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya. Ang
sambahayan ang kalipunan ng mga mamimili at ang bahay-kalakal ay ang taga-likha ng
mga produkto. Ang bahay-kalakal ang gumawa ng supply ng mga produkto na demand ng
sambahayan. Factor market o pamilihan kung saan nilalagak at ipinagbibili ang mga salik ng
produksiyon (kapital, lupa, paggawa at entreprenyur). Goods/Commodity Market o pamilihan
ng mga tapos na produkto.
Ang sambahayan at bahay-kalakal ay may ugnayan na tinatawag na interdependence,
kung saan kailangan nila ang isa’t-isa upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan
at kagustuhan. Ang dalawang pagsukat sa kita ng pambansang ekonomiya ay; (a) sa
pamamagitan ng halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal at (b) sa pamamagitan
ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal. Ito ay naglalarawan din ng produksiyon
ng pambansang ekonomiya.
Ang pagbabago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon, dahil dito
napapataas nito ang demand sa paggamit ng mga salik ng produksiyon at naitataas ang antas
7
ng produktibidad ng mga ito.
Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay mahalagang gawaing pang-ekonomiya. Ito ang
gawaing ginagampanan ng pamilihang pinansyal (financial market).

Pag- alam sa mga


Natutuhan

Binabati kita at natapos mo ang araling ito, Bilang pagwawakas, maari mong isulat
ang iyong nalaman sa araling ito sa pagkumpleto ng graphic organizer. Isulat ang ugnayan
ng sambahayan at bahay-kalakal sa pamamagitan ng kita at paggasta sa pamilihan.

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
Gawain C: GRAPHIC ORGANIZER

PAMILIHAN NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD

KITA NG BAHAY-KALAKAL GASTUSIN NG SAMBAHAYAN

____________________________ __________________________
____________________________ __________________________

BAHAY-KALAKAL SAMBAHAYAN

GASTUSIN NG BAHAY-KALAKAL KITA NG SAMBAHAYAN

___________________________ _________________________
___________________________ _________________________

PAMILIHAN NG SALIK NG
PRODUKSIYON

8
Panghuling Pagsusulit

Tukuyin ang salitang inilalarawan ng bawat pahayag. Pillin ang sagot sa mga salitang nasa
loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang.
________1. Isa sa pangunahing aktor sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya na taga-
likha ng produkto.
________2. Paglagay o paglagak ng kapital para sa isang proyekto o negosyo na inaasahang
lalago at kikita sa hinaharap.
________3. Tubo o kita mula sa puhunan na ginamit sa isang negosyo o perang hiniram.
________4. Kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Dito nagmumula ang mga
salik ng produksyon.

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER
________5. Kabuuang sahod ng isang manggagawa o ganansya sa pinagbentahang produkto
o serbisyo.
________6. Institusyon na pinaglalagakan ng sobrang kita at puntahan ng mga gustong
umutang pandadagdag puhunan o kapital.
________7. Pagtutulungan ng isa’t-isa upang matugunan ang kanilang pangangailangan at
kagustuhan.
________8. Pamilihan para sa kapital na produkto, lupa at paggawa.
________9. Pamilihan ng mga tapos nang produkto.
________10. Bahagi ng kita o sahod na hindi ginastos.

IPON Gawain
PAMUMUHUNAN COMMODITY MARKET FINANCIAL MARKET
FACTOR MARKET BAHAY-KALAKAL BUWIS SAMBAHAYAN
INTERES KITA INTERDEPENDENCE

Pagninilay

Sa kasalukuyan tayo ay nakararanas ng bagong normal sa ating pamumuhay. Dahil sa


9
pandemiya naapektuhan ang iba’t-ibang sektor pangekonomiya ng ating bansa. Sa ating
tinalakay napaka-halaga ng tungkuling ginagampanan ng sambahayan. bahay-kalakal at
pamilihan sa daloy ng ekonomiya.
Produksiyon, Negosyo at Pamilihan ilan sa sektor na naapektuhan ng pandemiya.
Bilang isang mamamayan na nakararanas ng mga pagbabago na malayo sa nakagawian,
Paano kaya makababawi ang mga nabanggit na sektor pang-ekonomiya sa pagkalugi? Ano
ang maaring maitulong ng bawat sektor sa isa’t-isa na naipakita sa daloy ng ekonomiya na
ating tinalakay.

GAWAIN D:
Bumuo ng isang comic strip na maaring ilagay sa long bond paper na
nagpapakita ng sitwasyon ng isang sektor pang-ekonomiya na apektado ng pandemiya
sa kasalukuyang panahon.

AP 9- Qrt.3- Week 1-2


ARALING PANLIPUNAN 9- IKATLONG KWARTER

PALASAGUTANG PAPEL- QRT.3- WEEK 1-2


PANGALAN: ___________________________________________________________
Pangkat: __________ Guro: ______________________________________________
PAUNANG PAGSUSULIT BALIK-TANAW
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
GAWAIN: Gawing gabay ang nasa modyul pahina ng Gawain.
Gawain A
FILL IT RIGHT
Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Pamprosesong Tanong:
Ano ang ugnayang namamagitan sa Sambahayan at Bahay-Kalakal? Ipaliwanag.
Gawain B
FILL IT RIGHT TOO!
Ibigay ang bahaging ginagampanan ng mga pamilihan sa paikot na daloy ng ekonomiya.
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Isulat ang iyong nalaman sa araling ito sa pagkumpleto ng graphic organizer. Isulat ang
ugnayan ng sambahayan at bahay-kalakal sa pamamagitan ng kita at paggasta sa pamilihan.
PANGHULING PAGSUSULIT
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

PAGNINILAY:
Bumuo ng isang comic strip na maaring ilagay sa long bond paper na nagpapakita ng
sitwasyon ng isang sektor pang-ekonomiya na apektado ng pandemiya sa kasalukuyang
panahon. ( Ibibigay ng guro ang pamantayan sa pagmamarka)

AP 9- Qrt.3- Week 1-2

You might also like