AP9 Q1 Module 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Modyul 6 at 7: Pagkonsumo
Modyul

6 PAGKONSUMO

Ika-Anim at Pitong Linggo

Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.

Paksa : Mga Salik na nakakaapekto ng Pagkonsumo.


Kasanayan : Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa Pagkonsumo.

MELC code : . ( AP9MKE-lh-16)

Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga
tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Panuto : Basahin at sagutin ang mga katanungan na may kaugnayan sa iyong


kaalaman ukol sa Pagkonsumo. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sulatang papel.
1. Ito ay ang paggamit o pagbili ng produkto at serbisyo upang matugunan ang
pangangailanag at kagustuhan ng tao.
A. Paggasta C. Produksiyon
B. Pagkonsumo D. Pagmamanupaktura
2. Ito ay tumutukoy sa impluwensiya ng mga radyo at telebisyon na magdulot
ng pagtaas ng pagkonsumo.
A. Demonstration Effect C. Mga Inaasahan
B. Komersyal D. Trend Setting
3. Ito ay tumutukoy sa kabayaran na matatanggap mo mula sa mga serbisyo o
produktong nalikha, ang pagtaas nito ay nagpapataas din ng kakayahan sa
pagkonsumo.
A. Interes B. Upa C. Kita D. Diskwento
4. Ang pangunahing layunin nito ay upang matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan o ang pagkonsumo ng tao.
A. Paggasta C. Produksiyon
B. Pagkonsumo D. Pagmamanupaktura
5. Ito ay pagtago ng mga produkto at serbisyo ng mga negosyante na magdudulot
ng artipisyal na kakulangan.
A. Hoarding C. Scarcity
B. Panic -buying D. Safe keeping
6. Ito ay tumutukoy sa pagbili ng produkto o serbisyo na wala sa plano at badyet
bunga ng takot dala nga artipisyal na kakulangan .
A. Hoarding C. Scarcity
B. Panic -buying D. Safe keeping
7. Anong salik ang nakakaapekto ng pagkonsumo kung saan ang pagtaas nito
ay magdulot ng pagbaba ng iyong kakayahan sa pagonsumo, at ang pagbaba
nito ay magpataas naman ng inyong kakayahan sa pagkonsumo?
A. Demostration effect C. Pagbabago ng Presyo
B. Kita D. Pagkakautang
8. Anong aklat ni Adam Smith na nagsasabing ang pangunahing layunin ng
produksiyon ay upang matugunan ang pagkonsumo ng tao?
A. An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations
B. Economics and the Society
C. Production Possibilities Frontier
D. The General Theory of Employment, Interest and Money
9. Sino ang ekonomistang nagsasabi na ang paglaki ng kita ng tao ay nagpapalaki
din sa kanyang kakayahan sa pagkonsumo.
A. Adam Smith C. John Maynard Keynes
B. Gregory Mankiw D. McConnel
10. Napabalitang magkaroon ng granular lockdown sa inyong barangay kaya hindi
ka muna bumili ng bagong cellphone upang mapaghandaan ang nasabing
panahon. Anong salik ang nakakaapekto sa iyong pagkonsumo?
A. Mga Inaasahan C. Pagsunod sa badyet
B. Pagbabago ng Presyo D. Pagkakautang
11. Katangian ng matalinong mamimili kung saan tinitingnan ang sangkap,
presyo, pagkakagawa at iba pa upang makapili ng produktong sulit sa
ibabayad.
A. Alisto C. Mapanuri
B. Makatwiran D. Mausisa
12. Anong pamantayan ang taglay ng mamimili kung saan marunong siyang
maghanap ng pamalit na produkto sa panahon ng kagipitan o kakulangan
ng supply ?
A. Hindi nagpapadala sa Anunsiyo C. May Alternatibo
B. Hindi nagpapadaya D. Sumusunod sa badyet
13. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang implwensiya ng radio at
telebisyo. Anong pamantayan ang ipinakita ng nasabing sitwasyon?
A. Hindi nagpapadala sa Anunsiyo C. Makatwiran
B. Hindi nagpapadaya D. Mapanuri
14. Maraming pangangailangan at kagustuhan ang mga anak ni Aling Carling,
kaya tinitimbang niya alin ang mas mahalaga at dapat unahin upang
mapagkasya ang kanyang pera. Anong pamantayan ang sinusunod ni Aling
Carling?
A. Alisto C. Mapanuri
B. Makatwiran D. Mausisa
15. Naging uso ngayon ang online shopping kaya kabi-kabila ang anunsiyo sa
ganda, tibay, pagiging praktikal , mababang presyo ng mga produkto sa social
media kaya ikaw ay nakikiuso na rin sa hassle free shopping. Anong salik ang
nakakaapekto sa iyong pagkonsumo?
A. Anunsiyo C. Marketing Strategy
B. Demonstration effect D. Pagbabago ng Presyo

A. Aralin 1 - Mga Salik na Nakakaapekto ng


Pagkonsumo

Alamin

Magandang araw sa iyo, masigasig naming mag-aaral! Magiliw na pagbati sa bagong


kaalamang matututunan mo tungkol sa Mga Salik na Nakakaapekto ng
Pagkonsumo. Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto, kayo ay
inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:
A. naipapaliwanag ang pangunahing konsepto ng pagkonsumo;
B. nasusuri sa mga salik na nakakaapekto ng pagkonsumo; at
C. napapahalagahan ang pagiging matalinong mamimili.

Panimulang Gawain
Picto-suri
Panuto : Suriin ang larawan at alamin ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
sa bawat antas ng buhay. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Antas Pangangailangan Kagustuhan


Baby 1. 1.
2. 2.
Toddler 1. 1
2. 2.
Teen 1. 1.
2. 2.
Adult 1. 1.
2. 2
Old 1. 1.
2. 2.
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/197818#readmore
Pamprosesong tanong
1. Mula sa talaang iyong ginawa , ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at
kagustuhan?
2. Ano ang napapansin mo sa pangangailangan at kagustuhan ng tao bawat
antas ng kanyang buhay?
3. May katapusan ba ang pangangailangan at kagustuhan ng tao?
4. Ano ang tawag sa patuloy na pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo ng
tao upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan nito

Tuklasin at Suriin

Ang mga gawain sa araling ito ay magpapaunlad sa iyong kaalaman ukol sa pagiging
matalinong mamimili. Dapat mong tandaan ang ibat-ibang salik na makakaapekto sa iyong
pagkonsumo. Paano ito makakaapekto sa iyong kakayahan na matugunan ang iyong
pangangailangan at kagustuhan ?

Ang patuloy na pagbili o paggamit ng mga produkto at serbisyo upang


Ano nga ba matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay tinatawag na
ang Pagkonsumo. Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao mula
Pagkonsumo? pagkasilang sa mundo. Magkaiba ang pangangailangan at kagustuhan
ng tao bawat antas ng kanyang buhay. Upang matugunan ang patuloy
na pagkonsumo ng tao, kinakailangan ang Produksiyon. Ayon kay Adam
Smith sa kanyang aklat na “An Inquiry into the Nature and causes of the
wealth of Nations” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang
tugunan ang pangangailangan sa pagkonsumo. At, dahil walang
katapusan ang pagkonsumo at limitado ang pinagkukunang-yaman
dapat maging matalinong sa pamimili upang mapamahalaan ang
kakapusan, at kahirapan na karaniwang daing ng karamihan .

Ang kakayahan sa pagkonsumo ay naaapektuhan ng mga


Ano ang mga sumusunod na salik ;
salik na 1.Pagbabago ng Presyo 2. Kita 3. Mga Inaasahan
nakakaapekto 4. Pagkakautang 5.Demonstration Effect.
sa
Pagkonsumo?
1.Pagbabago ng Presyo – ito ang nagiging motibasyon ng tao sa
kanyang pagkonsumo. Kalimitan mas mataas ang pagkonsumo
kung mababa ang presyo dahil marami silang mabibili,
Paano
samantalang mababa naman ang pagkonsumo kapag mataas ang
nakakaapekto
presyo dahil kakaunti lang ang kanilang mabibili.
ang mga
nasabing 2.Kita -ito ang nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang
salik sa aking tao. Ayon kay John Maynard Keynes sa kanyang aklat na “ The
pagkonsumo ? General Theory of Employment, Interest and Money”, habang
lumalaki ang kita ng tao lumalaki din ang kanyang kakayahan sa
pagkonsumo. Sa kabilang banda, ang pagbaba nito ay
magpababa din ng kanyang kakayahang kumonsumo.

3.Mga Inaasahan – ang mga pangyayari sa hinaharap tulad ng


kakulangan sa supply ng produkto dahil sa inaasahang kalamidad
ay magdulot ng pagtaas ng pagkonsumo sa kasalukuyan bilang
Paano naman paghahanda sa hinaharap. Kapag may inaasahan namang
kaya pagkakagastusan sa hinaharap ay pilit na hindi muna gagastos ang
makakaapekto tao upang mapaghandaan ang inaasahang pangyayari. Kung
ang positibo naman ang inaasahan sa hinaharap tulad ng pagtanggap
pagkakautang, ng bonus at iba pang insentibo , ito ay magdulot ng pagtaas ng
anunsiyo at ang pagkonsumo.
mga inaasahan sa
aking kakayahan 4.Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang
sa pagkonumo? tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kanyang kita upang
pambayad dito. Ito ay magdulot ng pagbaba sa kaniyang
pagkonsumo dahil nabawasan ang kanyang kakayahan na
makabili ng produkto at serbisyo. Tataas naman ang kanyang
pagkonsumo kapag kakaunti nalang ang babayaran niyang
pagkaka-utang.
5.Demonstration Effect – madaling maimpluwensiyahan ang tao
ng mga anunsiyo sa radio, telebisyon, pahayagan at iba pang social
media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig at
napapanood kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa
nasabing salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan
ng nabanggit ay may mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay
na uso at napapanahon lamang.
Isaisip

1. Ang pagkonsumo ay ang paggamit o pagbili ng mga produkto o serbisyo


upang makamit ang kapakinabangan o matugunan ang pangangailangan at
kagustuhan.
2. Ang pangunahing layunin ng produksiyon ay matugunan ang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
3. Ang walang katapusang pagkonsumo ng tao ay maaring magresulta sa
kakapusan at kahirapan kapag hindi napamahalaan ng maayos.
4. Upang maiwasan ang kakapusan,kakulangan at kahirapan dapat isaalang-
alang ng tao ang mga salik na nakakaapekto ng kanyang kakayahan sa
pagkonsumo.

Isagawa at Pagyamanin

Panuto : Basahin at punan ang mga patlang ng tamang salita upang mabuo ang
pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

value for money Pangangailangan kagustuhan Pagkonsumo


Kita , Pagbabago ng Presyo Mga Inaasahan , Pagkakautang,
Demonstration Effect

Ako ay matalinong mamimili , alam ko na ang _____________ ay ang


pagbili o paggamit ng produkto o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan
at kagustuhan na tao, kaya sa aking pamimili isinaalang-alang ko ang
_______________upang maging sulit ang halaga ng perang aking binabayad. Magkaiba
ang ______________ at. ___________ ng tao bawat antas ng kanyang buhay. Ang
______________ ay nagsimula pagkabata hanggang sa pagtanda , ito ay walang
katapusan samantalang ang pinag-kukunang yaman o resources ay limitado kaya
dapat nating tandaan na may mga salik na nakakaapekto sa ating kakayahan sa
pagkonsumo tulad ng
1_________________2._____________3.____________4.___________5.___________. Malaki
ang naitutulong nito upang mapangasiwaan ang kakapusan , kakulangan at
kahirapan bunga nang maling pagdedesisyon.
Modyul

7 PAGKONSUMO

B.Aralin 2 – Mga Pamantayan sa Pamimili

Alamin

Sa bahaging ito, lalo nating palawakin ang iyong kaalaman ukol sa pagiging
matalinong mamimili. Sa araling ito dapat mong tandaan ang mga Pamantayan sa
pamimili na makakatulong upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto,
ikaw ay inaasahan na
A. Naipaliliwanag ang mga pamantayan sa pamimi;
B. nakapagpapamalas ng talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng
paggamit ng pamantayan sa pamimili;
C. napapahalagahan ang pagsasabuhay sa mga pamantayan sa pamimili.

Panimulang Gawain

Halo-halo
Panuto : Ayusin ang pinaghalong mga titik upang mabuo ang salitang
inilarawan sa bawat pahayag.

1. ROPUDKYONIS - pangunahing layunin nito ang matugunan ang


pangangailangan sa pagkonsumo ng tao.
2. NAKUGAPAKTAG - salik sa pagkonsumo kung saan ang pagtaas nito ay
magdulot ng pagbaba ng iyong kakayahan sa
pagkonsumo.
3. ATIK - ito ang nagdidikta ng paraan ng iyong pagonsumo,
ang paglaki nito ay nagpapalaki din ng iyong
kakayahan sa pagkonsumo at ang pagbaba nito ay
magpapababa din ng iyong pagkonsumo.
4. SREPOY - ang salik na ito ay may kasalungat na relasyon ng
iyong kakayahan sa pagkonsumo. Ibig sabihin ang
pagtaas nito ay magdulot ng pagbaba ng iyong
pagkonsumo at ang pagbaba naman nito ay
magpapataas ng iyong kakayahan sa pagkonsumo.
5. ANIHANASAN - ito ay mga pangyayari na maaring makaapekto sa
iyong pagkonsumo kapag may kailangang
pagkakagsatusan sa hinaharap ito ay magpapababa
ng pagkonsumo sa kasalukuyan, kapag positibo
naman ang inaasahan ito ay magpataas ng
pagkonsumo sa kasalukuyan.

Tuklasin at Suriin

Ang Matalinong Mamimili


Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng
mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng mga
produkto o serbisyo, ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Anuman ang iyong
dahilan sa pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong isaalang-alang
ang value for money. Basahin mo ang teksto upang magkaroon ka ng gabay at
Mga sapat na kaalaman
Pamantayan upang maging matalino sa pamimili.
sa Pamimili
Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit
natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang
sumusunod ay ilan sa mga pamatayan sa pamimili.

1.Mapanuri – sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap,


presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon,
inihahambing ang produkto sa isa’t-isa upang makapagdesisyon nang mas
mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad.

2.May Alternatibo o Pamalit -may mga panahon na walang sapat na pera


ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili. Maari ding
nagbago na ang kalidad ng nakagawiang produkto. Ang matalinong
mamimili ay marunong maghanap ng pamalit o panghalili na makatugon
din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili.

3.Hindi Nagpapadaya – may mga pagkakataon na ang mamimili ay


mapapatapat sa isang tindero o tinderang may hindi magandang hangarin.
Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga
maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan.

4.Makatwiran – lahat ng konsyumer ay nakakaranas ng kakulangan sa


salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay
isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang kasiyahan
na matatamo sa
5.Sumusunod sa pagbili
Badyetat–paggamit ng produkto
ito ay kaugnay pati na makatwiran
ng pagiging rin kung gaano
ng
katindi angkonsyumer.
matalinong pangangailangan dito. niya
Tinitimbang Makatwiran
nga mgaang konsyumerayon
bagay-bagay kapag
sa
inuuna ang
kanyang mgaHindi
badyet. bagaysiya
na nagpapadala
mahalaga o kinakailangan
sa popularidadkompara sa mga
ng produkto na luho
may
o kagustuhan
mataas lamang.
na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa
kanyang pangangailangan.
6.Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo - ang pag- endorso ng mga produkto ng
mga artista ay hindi nakapagbabago sa pagkonsumo ng isang matalinong
konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan
ng pag-anunsiyo na ginamit.

7.Hindi Nagpapanic-buying – ang artipisyal na kakulangan na bunga ng


pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas
ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil
alam niyang ang pagpapanic-buying ay lalo lamang magpapalala ng
sitwasyon.

Isaisip

Ang pagsasabuhay sa mga pamantayan sa pamimili ay makakatulong upang


maiwasan mo ang pag-aaksaya sa limitadong resources tulad ng pera at makamit
ang true value of money or maging sulit ang halagang ibinabayad. Ang mga
pamantayang ito ay dapat taglayin ng isang matalinong mamimili.

Isagawa at Pagyamanin

Panata ko, Para sa Pamilya, Para sa Bayan !


Panuto : Sumulat ng isang panata para sa sarili , sa pamilya at lipunan kung saan
mula ngayon ay isasabuhay mo ang pagiging matalinong mamimili, gamit ang mga
pamantayan sa pamimili .

Ang nasabing panata ay dapat binubuo ng tatlong talata, una para sa


sarili, pangalawa sa pamilya at pangatlong talata para sa lipunan. Bawat talata ay
dapat may di bababa sa limang (5) pangungusap.
Tayahin

Panuto : Basahin at unawain ang mga katanungan at sagutin. Isulat ang titik ng
inyong sagot sa sagotang papel.

1. Ayon sa kanyang aklat na An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth
of Nations ang pangunahing layunin ng produksiyon ay upang matugunan
ang pagkonsumo ng tao?
A. Adam Smith C. John Maynard Keynes
B. Gregory Mankiw D. McConnel

2. Anong aklat ni John Maynard Keynes ang nagsasabing ang paglaki ng kita ng
tao ay nagpapalaki din sa kanyang kakayahan sa pagkonsumo?
A. An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations
B. Economics and the Society
C. Production Possibilities Frontier
D. The General Theory of Employment, Interest and Money

3. Ito ay ang paggamit o pagbili ng produkto at serbisyo upang matugunan ang


pangangailangan at kagustuhan ng tao.
A. Paggasta C. Produksiyon
B. Pagkonsumo D. Pagmamanupaktura

4. Ang Demonstration effect ay tumutukoy sa _________________


A. husay at galing ng negosyante sa pagtitinda.
B. impluwensiya ng radio at telebisyon.
C. kalidad ng produkto.
D. pagiging kilala ng brand ng produkto.

5. Ito ay tumutukoy sa kabayaran na matatanggap mo mula sa mga serbisyo o


produktong nalikha, ang pagtaas nito ay nagpapataas din ng kakayahan sa
pagkonsumo.
A. Interes B. Upa C. Kita D. Diskwento

6. Maraming naglalabasang komersyal ngayon at iba’t-ibang lasa ng milk tea


bilang pampalamig lalo na sa mga estudyante kaya ito na rin ang binibili
ni Rachel kasama ang mga kaklase. Anong salik ang nakakaapekto sa
pagkonsumo sa nasabing sitwasyon?
A. Demonstration effect C. Presyo
B. Kita D. Social media

7. Hindi muna bumili ng mga kagamitan sa paaralan ang iyong nanay dahil sa
pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod ng Cebu
na dapat paghandaan. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo sa
nasabing sitwasyon?
A. Demostration effect C. Presyo
B. Kita D. Mga inaasahan
8. Nakatanggap ng bonus ang nanay ni Glenn kaya lumaki ang kanilang badyet
sa pamamalengke. Anong salik ang nakakaapekto ng pagtaas ng kanilang
pagkonsumo?
A. Bunos C. Kita
B. Incentives D. Presyo

9. Nawalan ng trabaho ang tatay ni Ana dulot ng COVID pandemic kaya


kailangan nilang manghiram sa kamag-anak at saka nalang nila babayaran
kapag makapagtrabaho na muli ang kanyang tatay. Ano ang epekto nito sa
kakayahan ng pagkosumo ng nasabing pamilya sa hinaharap?
A.Hindi magbabago B. Bababa C. Tataas D. Wala sa lahat

10. Nagkaroon ng Skeletal Work Arrangement o No Work, No Pay Scheme ang


kompanyang pinagtatrabahuan ng inyong nanay dahil sa patuloy na
pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cebu City. Ano ang magiging epekto nito
sa kakayahan sa pagkonsumo ng iyong pamilya?
A.Hindi magbabago B. Bababa C. Tataas D. Wala sa lahat

11. Bago bumibili ng gatas si Mila ay tinitingnan muna niya ang expiration date
ng mga sangkap at nutrition facts nito, at ikinokompara sa ibang brand ng
gatas. Anong pamantayan ang taglay ni Mila?
A. Hindi nagpapadala sa anunsiyo C. Mapanuri
B. Makatwiran D. Sumusunod sa badyet

12. Kinagawain na ni Carmela na magdala ng listahan ng kanyang mga dapat


bilhin at kung ano man ang nakalista ay iyon lang ang kanyang binibili
kahit na may mga sale o promo ng mga produktong wala sa kanyang
listahan upang hindi magkulang ang kanyang pera. Anong pamantayan ang
ipinakita sa sitawsyon?
A. May alternatibo C. Mapanuri
B. Makatwiran D. Sumusunod sa badyet

13. Dahil sa daming gustong ipabili ng mga anak ni Aling Lita palaging
nagkukulang ang kanyang badyet kaya tinitimbang muna niya alin ang
talagang kailangan at dapat unahing bilhin at alin naman ang pwedeng
ipagpaliban at mga luho lamang. Anong pamantayan ang ipinakita ni Aling
Lita?
A. Hindi nagpapanic-buying C. Makatwiran
B. May Alternatibo D. Mapanuri

14. Ibinalita sa Balitang Bisdak na mapasailalim ang lungsod ng Cebu sa


Extended Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng 15 araw na
magsisimula pagkatapos ng dalawampu’t -apat na oras (24) na
paghahanda, kaya ikaw ay naglista ng mga dapat bilhin na sasapat sa
pangangailangan para sa 15 araw na pananatili sa loob ng bahay. Anong
pamantayan sa pamimili ang iyong taglay?
A. Hindi nagpapanic-buying C. May Alternatibo
B. Hindi nagpapadaya D. Mapanuri
15. Sikat na sikat ngayon sa social media ang Black Pink kaya
maraming kabataan ngayon ay bumibili ng mga pananamit para sundan
ang kanilang istilo ngunit batid ni Anna na ito ay luho lamang kaya hindi
siya nagpapadala tulad ng iba. Anong pamantayan ng pamimili ang ipinakita
sa sitwasyon?
A.Hindi nagpapadala sa anunsiyo C. Hindi nagpapadaya
B.Hindi nagpapanic-buying D. May alternatibo.

Karagdagang Gawain

Ipinapalagay na ikaw ay napag-utosang mamalengke o bumili sa tindahan ng mga


sangkap sa paggawa ng tinapay ,binigyan ka ng P500.00 ng iyong nanay. Gamit
ang “flow chart” na may sampung kahon o tsart isulat ang mga bagay na dapat
mong tandaan o gawin upang maging sulit ang halaga ng iyong ibinayad at
mapatunayan mo na ikaw ay matalinong mamimili.

Sanggunian:
Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/197818#readmore
Department of Education- Instructional Materials Council Secretariat(DepEd- IMCS),
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015.

You might also like