Araling Panlipunan: Quarter 1 - Module 4 Produksiyon

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

9

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1 – MODULE 4
PRODUKSIYON

1
ALAMIN
Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang mauunawaan mo ang mga salik ng
produksiyon sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo na kinakailangan sa pangaraw-araw nating
pamumuhay. Mula sa iba’t ibang pinagkukunang yaman, nakagagawa o nakabubuo tayo ng
mga produkto o serbisyo.

MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)


Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang araw-araw na
pamumuhay.

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang sumusunod:


a. nauunawaan ang kahulugan at konsepto ng produksiyon;
b. nasusuri ang iba’t ibang salik ng produksiyon;
c. napahahalagahan ang mga salik ng produksiyon at implikasyon nito sa pangaraw-
araw na pamumuhay.

Tuklasin at Suriin
Kahulugan ng Produksiyon
Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikonsumo agad ng tao. Minsan
kailangan pang idaan sa proseso ang isang bagay upang maging higit na mapakinabangan.
Halimbawa, ang kahoy o troso ay maaaring gamiting panggatong upang mapakinabangan.
Ngunit maaari din itong gamitin upang makabuo ng mesa o silya. Ang produksiyon ay proseso
ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang
makabuo ng output.
Ang mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Sa ating
halimbawa, ang output ay ang mesa at silya. Ang mga input ay ang mga bagay na kinakailangan
upang mabuo ang produkto. Ang mga input na kahoy, makinarya, kagamitan, at manggagawa
na ginamit sa pagbubuo ng produktong mesa o silya ay mga salik ng produksiyon.

Mga Salik ng Produksiyon


Nagiging posible ang produksiyon sa pagsasama-sama ng mga salik (factors of production)
tulad ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship. Suriin ang kahalagahan ng sumusunod na
salik at ang implikasyon nito sa pangaraw-araw na pamumuhay.

1. Lupa
Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito,
pati ang mga yamang-tubig, yamang-mineral at yamang-gubat. Ang lupa ay may naiibang
katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng
lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng
produktibong paggamit. (Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral p 76)

2
2. Paggawa
Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapakipakinabang
kung hindi gagamitin at gagawing produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ang mga
manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o
serbisyo. Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o
serbisyo.

Uri ng Manggagawa

a. White Collar Job

Mga manggagawang may kakayahang mental. Mas ginagamit ng manggagawang may


kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa. Halimbawa ng
mga ito ay doktor, abogado, inhinyero at iba pa.

b. Blue Collar Job

Mga manggagawang may kakayahang pisikal. Mas ginagamit naman nila ang lakas ng
katawan kaysa sa isip sa paggawa. Halimbawa nito ang mga karpintero, drayber, magsasaka at
iba pa.

Sahod o sweldo

Ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.

Ang mga manggagawa ay may malaking ginagampanan sa ating pang araw-araw na


pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang tumutustos sa ating
iba pang pangangailangan at kagustuhan.

3. Kapital
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging
mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga
manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng panibagong
kalakal ay isang halimbawa ng kapital. Ang kapital ay maaari ding iugnay sa salapi at
imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.

Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa at


lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “The Contribution of
Capital to Economic Growth”(1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng pagsulong ng
isang bansa. Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng
malaking kapital upang makamtan ang pagsulong. Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa
proseso ng produksiyon ay tinatawag na interes.

4. Entrepreneurship
Itinuturing na pang-apat na salik ng produksiyon ang entrepreneurship. Ito ay tumutukoy
sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur
ang tagapag-ugnay ng naunang salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo.
Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay
na makaaapekto sa produksiyon. (Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral pp 77-78)

3
Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng
inobasyon at handa sa pagbabago. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista,
napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang
inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto at serbisyo ay
susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.

Mga katangian na dapat taglayin ng isang entrepreneur:

1. Pagiging magaling na innovator


2. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo
3. Matalas ang pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
4. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo

Tubo o Profit

Tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur. Ito ay kita ng entrepreneur matapos


magtagumpay sa pakikipagsapalaran sa negosyo. Sinasabing hindi nakatitiyak ang entrepreneur
sa kaniyang tubo dahil hindi pa niya alam ang kahihinatnan ng kaniyang pagnenegosyo.

Ang produksiyon ang tumutugon sa ating pangangailangan. Kung walang produksiyon ay


wala rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ito rin ay isang irreversible na proseso.
Ang mga salik na lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship ay may malaking bahaging
ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang mga salik na ito ay nag-uugnay-ugnay, ito ay
magdudulot ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating pangaraw-araw na
pangangailangan. (Ekonomiks, Araling Panlipunan, Modyul para sa Mag-aaral pp 77-78)

Mga Gabay na Tanong:

Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng produksiyon?


__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
2. Ibigay ang apat na salik ng produksiyon. Bakit mahalaga ang bawat isa sa proseso ng
produksiyon?
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng produksiyon sa ating pang araw-araw na pamumuhay?
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, alin sa mga salik ang pinakamahalaga sa proseso ng produksiyon?
Pangatwiranan.
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa lupa bilang salik
ng produksiyon?
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

4
PAGYAMANIN
Gawain 1: Concept Mapping
Panuto: Punan ang diagram ng mga konsepto na may kaugnayan sa produksiyon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

2
5

PRODUKSIYON

3
4

Batay sa iyong sagot sumulat ng talata na nagpapaliwanag sa konsepto ng produksiyon.


________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

Gawain 2: Saan Nagmula?


Panuto: Isulat ang mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga produkto na nasa talaan.
Tukuyin kung anong mga salik (lupa, lakas-paggawa, kapital o entrepreneurship) ang
sagot at isulat sa sagutang papel.

Produkto Mga ginamit sa pagbuo ng Salik ng produksiyon


produkto
Tinapay/Pandesal 1halimbawa: arina 1 lupa
2 2
3 3
4 4
5 5

Face mask 1 1
2 2
3 3
4 4
5 5

Cellphone 1 1
2 2
3 3
4 4
5 5

5
Gawain 3: Larawan, Hulaan Mo!
Panuto: Tukuyin kung anong salik ng produksiyon (Lupa, Manggagawa, Kapital at
Entrepreneur) ang ipinapakita sa bawat larawan. Isulat ang kahalagahan ng mga ito sa
pangaraw-araw na pamumuhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1._____________

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

https://clipartstation.com/verkaufsstand-clipart-6/

2._____________

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________________

https://medium.com/@mariadaisyredoble/sektor-agrikultura-8560e7dd6182

3._____________

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

https://www.behance.net/gallery/78315927/Chinese-factory-workers

4._____________

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________________

https://tl.hoiantown.org/publication/1243946/

6
TAYAHIN
I.A Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Alin ang naglalarawan sa produksiyon?
a. Pag-angkat ng iba’t ibang produkto mula sa labas ng bansa.
b. Paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan
ng tao.
c. Nagaganap kung may pansamantalang pagkukulang sa supply ng isang produto.
d. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
2. Naiibang salik ng produksiyon dahil ito ay fixed o takda ang bilang.
a. Entrepreneurship c. Lupa
b. Kapital d. Paggawa
3. Pakinabang ng mga manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.
a. Interes c. Sahod
b. Kapital d. Upa
4. Tagapag-ugnay ng mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto o serbisyo.
a. Entrepreneur c. Drayber
b. Doktor d. Inhinyero
5. Ginagamit upang mas mapabilis ang paglikha ng panibagong kalakal o produkto.
a. Entrepreneurship c. Lupa
b. Kapital d. Paggawa

I.B Panuto: Suriin ang sumusunod na manggagawa, isulat ang letrang WCJ (white collar job)
kung ang manggagawa ay gumagamit ng kakayahang mental at BCJ (blue collar
job) kung ang manggagawa ay gumagamit ng lakas ng katawan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Doktor 6. Mangingisda
2. Abogado 7. Inhinyero
3. Karpintero 8. Tubero
4. Drayber 9. Nurse
5. Guro 10. Magsasaka

II. Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag, isulat ang letrang P kung ang pahayag ay
nagpapakita ng pagiging produktibo at H naman kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Habang pandemya naisipan ni Maria na magparami ng kanilang mga halaman upang


kaniyang maibenta.
2. Si Bon ay matiyagang nagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran tuwing hapon.
3. Tumigil sa pag-aaral si Paolo dahil ayaw niya ang pagsasagot sa kanyang mga modyul.
4. Matapos na masagutan ang kanyang mga modyul si Ashley ay tumutulong sa mga
gawaing bahay.
5. Laging cellphone ang inaatupag ni Isha, kaya naman lagi siyang pinagsasabihan ng
kaniyang ina.

III. Panuto: Bumuo ng isang bagay o produkto gamit ang mga resiklong materyales upang mas
mapakinabangan ito. Itala ang mga materyales na ginamit sa pagbuo ng napili
mong produkto at ipaliwanag ang proseso sa paggawa nito. Gawing gabay ang
rubriks sa ibaba.

7
RUBRIKS SA PAGMAMARKA
Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Malikhaing pagbuo 10
Presentasyon 5
Kabuuang Puntos 25

SANGGUNIAN
A. Aklat
EKONOMIKS Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral pp. 72-80
B. Websites
Slideshare, “Produksyon” Accessed August 30, 2021
https://www.slideshare.net/thelmangge/ekonomiks-grade-9-aralin-5-produksyon
https://bilyonaryo.com/2019/01/22/henry-sy-only-had-p8b-of-sm-group-shares-under-his-name/
https://www.behance.net/gallery/78315927/Chinese-factory-workers
https://clipartstation.com/verkaufsstand-clipart-6/
https://medium.com/@mariadaisyredoble/sektor-agrikultura-8560e7dd6182
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Talaksan:NE_rice_paddy.jpg
https://tl.hoiantown.org/publication/1243946/

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jumar Jay Q. Parras

Tagasuri: Dr. Marilex A. Tercias Jessibel O. Taganas

Maria Jocelyn J. Sotong Maria Elena C. Villanueva

Aloha P. Molina Jennifer L. Lacbayan

Josie N. Alcantara

Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison Dr. Jerome S. Paras

Dr. Arlene B. Casipit Dr. Maybelene C. Bautista

Dr. Cornelio R. Aquino

You might also like