Filipino 1 - Prelim Term Module - Acts

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Module 1

I. PAGSASANAY

Gawaing Interaktib Bilang 1:

Indibidwal na Gawain

Panuto: Sumulat sa isang malinis na papel ng isang sanaysay


tungkol sa napapahong paksa gamit ang mga wastong salita.

Rubriks ng Pagmamarka sa
Sanaysay

Nilalaman at Kaisipan – 10
Gramatika / Tamang gamit ng salita- 5
Organisayon ng mga Ideya– 5
20 puntos

Gawaing Interaktibo Bilang 2:

Indibidwal na Gawain

Panuto: Magklipings ng mga balita (2) mula sa tabloid na tadtad ng


mga kamaliang panggramatikal at iwasto ang mga pagkakamali na nakita sa
tabloid

Rubriks ng Pagmamarka

Nilalaman- 10
Kaangkupan ng
konsepto- 5

Pagkamalikhain 5
20 puntos
Ebalwasyon

Handa ka na ba sukatin ang iyong natutunan sa natapos na aralin. Kaya


sagutan ang kasunod na maiksing pagsusulit.

Pangalan:
Kurso/ Seksyon

A. Panuto: Bilugan ang angkop na salita sa loob ng panaklong uoang


mabuo ang mga sumusunod na pahayag.

1. Maluwang ang ( bibig, bunganga) ng bulkang Mayon.


2. (Namayapa, Namatay) na ang mahal niyang asawa.

3. ( Dinaanan, Pinasadahan) niya ng mainit na plantsa ang gusot niyang damit.


3. Tigsampung piso ang bawat (salansan, tumpok) ng sibuyas.
3. Lakad (nang, ng) lakad ang guro sa loob ng silid aralan.
3. (May, Mayroon) daw tayong seminar sa Martes.
3. Ang tipo ( kong, kung) lalaki ay responsible at mapagmahal.
3. (Namatay, Napatay) sa sakit na tumor ang anak n gaming Mayor.
3. (Sundan, Sundin) mo ang humahagibis na taksing iyon.
3. (Pahirin , Pahiran) mo ang iyong luha sa pisngi.
3. Nabalitaan ko na aalis ka na (raw, daw) bukas ng umaga.

12. Dahan-dahan siyang bumaba sa kanilang (hagdanan, hagdan ) dahil sa


kanyang pilay.

13. (Sina, Sila) Marie at Mariz ay magkaibigan tunay.


13. Malakas (din, daw) ang tinig n gaming guro.
13. Siya ay ( ooperahin, ooperahan) sa bato mamaya.
13. (Walisan, Walisin) mo ang mga tuyong dahon.

17. Ang (dahilan , dahil) ng pag-iyak niya ay ang pagkakatanggal niya sa trabaho.

18. (Nakita, Kata) ko siya sa Baguio noong isang linggo.


18. Pinagbuksan niya ng ( pintuan, pinto) ang humahangos na ama.
18. (May, Mayroon) kuryente na sa Isla.
B. Panuto: Iwasto ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap.
Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____________________1. Ang mukha ng dalaga ay magara kaya takot

sa kanya ang mga kalalakihan.


_____________________2. Bagay sa batang babae ang maluwang

niyang bibig.

_____________________3. Malaswa ang damit ng dalaga.

_____________________4.  Malapad ang  sinasakang  bukid  ng mga


kamag-anak niya sa probinsiya.
_____________________5. Maarte sa pagkain si Aira kaya di tumaba.
_____________________6. Ang  matandang  babae  ay  walang  awing
ginahasa.
_____________________7. Malinis ang kubeta sa palengke.
_____________________8.  Matatangkad ang  mga punong-kahoy  sa
bundok ng Makiling.
_____________________9.  Saliwan mo ng gulay ang
niluluto mo
sinigang.
_____________________10. Hinigop ni Aira ang tubig sa baso.
Module 2

SAQ 1 /TANONG SA SARILI

Panuto: Suriin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang naging impluwensiya ng wikang Filipino sa Telebisyon?

2.Bakit mahalagang suriin ang kolokyal na wikang pambansa kaugnay ng media?

3. Ang Wikang Filipino ba ay masasabing wika ng mass media sa Pilipinas?

SAQ 2/ TANONG SA SARILI

Panuto A: Basahin at unawain ang Balitang ito.

Ibalik ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo

February 28, 2018 Filed under IMBESTIGADaVe Posted by Balita Online RSS
Feed

Ni Dave M. Veridiano, E.E.

SA tuwing madaraan ako sa may gusali ng Commission on Higher Education


(CHEd) sa Diliman, Quezon City, ‘di ko mapigil na mapasimangot dahil sa wari ko’y
may “umaalingasaw” na amoy ng nabubulok na malansang isda sa naturang lugar.

Huwag masamain ito ng mga taga-CHEd, dahil hangga’t patuloy sila sa


pagmamatigas na hindi ipatupad nang lubusang ang utos ng Korte Suprema (SC), na
ibalik ang core courses na FILIPINO at PANITIKAN sa kolehiyo, bilang pagpapatupad
sa bagong curriculum simula sa Academic Year 2018-2019 – patuloy silang
mangangamoy na animo’y bulok na isda, para sa akin at sa mas nakararaming
mamamayan sa bansa.
Hindi nila matatakasan ang hagupit ng mga katagang ito ni Gat Jose P. Rizal,
na nagbibigay kahalagahan sa Inang Wika sa buhay nating mga Pilipino: “Ang hindi
marunong magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; Kaya ating
pagyamaning kusa, gaya nang inang sa atin ay nagpala.”

Binabasa ko pa lang ang mga katagang ito, nagtatayuan na ang aking


balahibo. Marahil dahil sa alam kong ang tanggapan – walang iba kundi ang CHED
mismo — na dapat manguna sa pagpapalaganap sa ating Inang Wika, ay siya pang
pasimuno sa pagpatay sa FILIPINO at PANITIKAN sa mga paaralan.

Matatandaang sa ipinalabas ng CHEd na kautusan, ang CMO No. 20, series


of 2013, o ang “General Education Curriculum (GEC): Holistic Understandings,
Intellectual and Civic Competencies” na nagtatanggal sa FILIPINO at PANITIKAN
bilang “core courses” sa mga kolehiyo at universidad noong 2015. Ang bagong GEC ay
para sa pagpapatupad ng K to 12 Education Program — lalo na sa mga nakakumpleto
na ng Senior High School (SHS) sa Department of Education (DepEd).

Agad itong kinuwestiyon at nilabanan ng mga grupong nagmamahal sa ating


Inang Wika, sa pangunguna ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o
Tanggol Wika — isang alyansa ng mga eskuwelahan, kolehiyo, unibersidad, linguistic at
cultural organizations, at concerned citizens – na agad nakakuha ng Temporary
Restraining Order (TRO) laban sa pagtatanggal ng FILIPINO at PANITIKAN bilang mga
mandatory “core courses” sa bagong GEC ng CHEd.

Ito naman ngayon ang dahilan nang pagalingasaw ng lansa ng mga taga-CHEd
— sa kabila ng nasabing desisyon ng SC ay patuloy na “never actually implemented” ito
ng CHEd. Nguni’t hindi basta-basta magpapatalo ang ating mga taga-Tanggol Wika –
simula nang paalalahanan ang CHEd sa nasabing court order, inumpisahan nilang
idokumento ang sinasabing “history of continuing violation” ng komisyon sa nasabing
TRO.

Ang wika ay nagbibigay buhay sa isang bansa. Pinagkakaisa nito ang mga
mamamayan na naninirahan sa iba’t ibang lugar sa buong kapuluan. Katulong ito sa
paghubog ng pagkatao, disiplina, at mga natatanging kultura sa bansa. Kaya’t lubhang
nakababahala ang katotohanan na ang karamihan sa kabataang Pinoy sa
kasalukuyang henerasyon, ay mas marami pang alam na mga kuntil-butil hinggil sa
ibang bansa kaysa sa sariling bayan.

Nakikipagsabayan sila sa mga banyaga sa paglilibot sa mga kapitbansa bilang


mga turista, gayung ang sariling bansang Pilipinas, na ‘di magpapatalo sa dami ng ating
magagandang lugar at tanawin, ay ‘di pa nila nakikita! Maraming alam sa lahat ng
bagay, lalo pa’t may kaugnayan sa bagong sistema, gadget at iba pa. Subalit kung
pilipit ang dila nila sa wikang banyaga ay ganoon na rin halos sa sarili nilang Inang
Wika.

mga

Kung ang henerasyong ito ay ganito, paano na kaya at saan patutungo ang
susunod pang henerasyong Pilipino?

SAQ 3/ TANONG SA SARILI

Panuto : Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang ibinabalita? _________________________________________


2. Sino ang sangkot sa balita?____________________________________
3. Saan naganap ang balita?______________________________________
4. Kailan naganap ang balita?_____________________________________
5. Paano naganap ang balita?______________________________________
6. Bakit naganap ang balita?______________________________________
Pagtalakay - Sa iyong palagay mahalaga ba ang diskurso sa iyong buhay at

sa iyong pag-aaral? Ipaliwanag ang iyong sagot sa pamamagitan ng poster o islogan.


SAQ 4/TANONG SA SARILI

Panuto : Punuin ang mga linya na naglalaman ng diskurso tungkol sa pagkakaiba at


pagkakapareho ng Diskursong pasalita at pasulat.

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Panuto : Sumulat ng Sanaysay na may kinalaman sa Kasalukuyang Pandemikong


Nagaganap sa ating bansa sa pamamagitan ng Diskursong Nagbibigay Paalaala,
babala sa kaligtasan ng sangkatauhan.

PAMANTAYAN SA PAGPUPUNTOS NG SANAYSAY


SAQ 5/ TANONG SA SARILI

Panuto : Magsagawa ng isang panayam o interbyu sa isang tindero/tindera at sa isang


mamimili hinggil sa kanilang reaksyon tungkol sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin.
Magtala ng 10 katanungan at –irecord ang napag-usapan sa pakikipanayam at ihanda
ang presentasyon sa klase.

RUBRICS SA PAGPUPUNTOS NG ISANG PANAYAN


SAQ 6/ TANONG SA SARILI

Panuto: Isaayos ang mga nagulong letra sa Hanay B upang makabuo ng salita na
angkop sa kahulugan mula sa Hanay A.
TAKDANG-ARALIN

Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay may nakatalagang isang
klase ng modelo ng diskurso ng isang proponent na kung saan magsasagawa ng dula-
dulaan kung paano inilarawan ng proponent ang diskurso (google meet)

Pangkat isa: modelo ni Aristotle ng pag-eenkowd ng mensahe

Pangkat dalawa: Modelo ni Schramm

Pangkat tatlo: Harold Lasswell

Pangkat apat: Modelo ni Berlo (Modelong SMR)


V. Pagsasanay

1. Isulat sa loob ng lobo ang mga salitang may kinalaman sa salitang diskurso.Ilahad sa
ibaba ang dahilan kung bakit ito ang mga salitang iyong napili.

2. Ibigay ang kahulugan ng SPEAKING


Gumawa ng minute paper batay sa mga natutunan sa paksang tinalakay maaaring
maging gabay ang mga sumusunod na pahayag. Nalaman ko na, Mahalaga pala ang…
Natutunan ko na…

Dahil dito gusto ko pang malaman ang tungkol sa …

Pamantayan sa pagpupuntos ng Minute Paper

5 - Napakahusay

4- Mahusay

3- Katamtamang husay

2- Hindi gaanong mahusay

1-Nangangailangan ng Gabay

You might also like