Ang tulang 'Ang Awit ni Maria Clara' ay tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tula ay nagpapahayag na mas masarap mamatay sa sariling bayan kaysa sa ibang lugar dahil doon nararamdaman ang pagmamahal ng ina at ng bayan. Ang reaksyon naman ay nagpapahayag na mas malaya at masaya ang tao kapag nasa sariling bayan dahil doon nakaugat ang kanyang pagkatao at kultura.
Ang tulang 'Ang Awit ni Maria Clara' ay tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tula ay nagpapahayag na mas masarap mamatay sa sariling bayan kaysa sa ibang lugar dahil doon nararamdaman ang pagmamahal ng ina at ng bayan. Ang reaksyon naman ay nagpapahayag na mas malaya at masaya ang tao kapag nasa sariling bayan dahil doon nakaugat ang kanyang pagkatao at kultura.
Ang tulang 'Ang Awit ni Maria Clara' ay tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tula ay nagpapahayag na mas masarap mamatay sa sariling bayan kaysa sa ibang lugar dahil doon nararamdaman ang pagmamahal ng ina at ng bayan. Ang reaksyon naman ay nagpapahayag na mas malaya at masaya ang tao kapag nasa sariling bayan dahil doon nakaugat ang kanyang pagkatao at kultura.
Ang tulang 'Ang Awit ni Maria Clara' ay tungkol sa pagmamahal sa sariling bayan. Ang tula ay nagpapahayag na mas masarap mamatay sa sariling bayan kaysa sa ibang lugar dahil doon nararamdaman ang pagmamahal ng ina at ng bayan. Ang reaksyon naman ay nagpapahayag na mas malaya at masaya ang tao kapag nasa sariling bayan dahil doon nakaugat ang kanyang pagkatao at kultura.
Kaibigan lahat ang abot ng araw, At sampu ng simoy sa parang ay buhay, Aliw ng panimdim pati kamatayan.
Maalab na halik ang nagsaliw-saliw Sa labi ng inang mahal, pagkagising; Ang pita ng bisig as siyay yapusin, Pati mga matay ngumgiti mandin.
Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay, Doon sa kasuyo ang abot ng araw; Kamatayan pati ng simoy sa parang Sa walang pag-ibig, ni ina, ng Bayan
REACTION
Kung ako ang tatanungin, oo at maganda ang mag punta sa ibat ibang lugar at maka kita ng mga bagay na hindi karaniwan sa ating mga mata. Pero, para sa akin ay wala pa ring hihigit sa sariling bayan, kung saan ka nagsimula. Naisip ko ito marahil nararamdaman ko ang pagiging isang tunay na malaya . Paano ko ito nasabi?
Sa isang lugar kung saan ka lumaki, nagka isip at natuto ng maraming bagay, sa isang lugar na naging parte ng buhay mo mas nagiging malaya ka dahil naka ukit sa isip at puso ng isang tao ang bawat mahahalagang bagay na naging pundasyon sa kung sino at ano ito ngayon. Dahil sa kabisado ng iyong isip at damdamin ang mga bagay na naka palibot sa iyo ay nawawala ang takot sa mga bagong bagay, mas malayang nakakapag bahagi ng ideya at mga kaalaman ang isang tao dahil alam niyang matatanggap ito ng mga tao sa lipunan kung saan siya ay parte rin. Isa pa, nang dahil sa pagmamahal na meron ka para sa bansang iyong sinilangan ay hindi ka makakagawa ng mga bagay na maaring ikapahamak nito at ng sino man sa paligid mo.
Kagaya ng pag tulong, napaka sarap sa pakiramdam ang mag trabaho na kahit pagod ay alam mong may magandang patutunguhan lalo na kung ang pag tatrabaho o pag tulong na ito ay makaka dagdag sa unti unting pag ganda at pag unlad ng bansang iyong kinagisnan.
Sinasabi sa tulang ito na mas masarap pa rin ang manatili sa sariling bayan, na sana ay hindi natin ito iwanan kagaya ng pagiging parte nito sa ating buhay. Kaunti lamang ang kinakailangan ng ating bansa kumpara sa napakaraming naibigay nito para sa atin kaya marapat lamang na bigyan natin ito ng halaga, at ibigay natin ang makakaya ng buong puso dahil ang mga ginagawa nating ito, ay para rin sa atin sa huli. Wala nang iba pang kukupkop sa atin kundi ang sarili ding atin.
IMNO SA PAG GAWA
Dahilan sa Bayan sa pagdirigmaan, Dahil sa Bayan din sa kapayapaan, Itong Pilipino ay maasahang Marunong mabuhay o kayay mamatay.
(Mga Lalaki)
Nakukulayan na ang dakong Silangan, Tayo na sa bukid, paggaway simulan, Pagkat ang paggaway siyang sumusuhay Sa bayan, sa angkan, sa ating tahanan.
Lupay maaring magmamatigas naman, At magwalang-awa ang sikat ng araw Kung dahil sa anak, asawa at Bayan, Ang lahat sa ating pagsintay gagaan.
KORO (mga babaeng may asawa)
Magmasigla kayong yao sa gawain, Pagkat ang babay nasa-bahay natin, At itinuturo sa batang mahalin Ang Bayan, ang dunong at gawang magaling
Pagdatal ng gabi ng pagpapahinga, Kayoy inaantay ng tuwat ligaya At kung magkataong saama ang manguna, Ang magpapatuloy ang gaway ang sinta.
KORO (Mga Dalaga)
Mabuhay! Mabuhay! Paggaway purihin Na siyang sa Bayay nagbibigay-ningning! At dahil sa kanyay taas ng paningin, Yamang siyay dugo at buhay na angkin.
At kung may binatang nais na lumigaw, Ang paggaway siyang ipaninindigan; Sapagkat ang taong may sipag na taglay, Sa iaanak nyay magbibigay-buhay.
KORO (Mga Bata) Kami ay turuan ninyo ng gawain; At ang bukas ninyoy aming tutuntunin Bukas, kung tumawag ang bayan sa amin, Ang inyong ginaway aming tatapusin.
Kasabihan niyong mga matatanda: Kung ano ang amay gayon din ang bata, sapagkat sa patay ang papuriy wala. Maliban sa isang anak na dakila.
REACTION
Ang tulang ito ay nagawa kasabay ng pagdiriwang ng lahat sa pagiging lungsod ng lipa. Mapapnsin sa tula na ito na mula sa mga asawa hanggang sa mga anak ay may kanyang kanyang parte na bumubuo ng isang koro sa pamamagitan ng tulang ito.
Sa pagiging isang lungsod ng isang lugar, sapat na ba na matawag itong lungsod o naka depende pa rin ito sa lahat ng tao sa isang pamayanan? para sa akin ay kailangan parin ng kooperasyon ng bawat myembro ng lipunan para sa isang magandang takbo ng pamumuhay sa isang lungsod. Lahat ng tao mula sa mga ina, ama, mga dalagat binata hanggang sa pinaka batang myembro ng isang pamilya ay may kanya kanyang responsibilidad na dapat gampanan. Kung may isa man sa myembrong ito ang hindi gagawa o hindi maayos na gagawin ang mga naka atang sa kanya ay mag reresulta ng isang masamang epekto sa lipunan.
Ang tulang ito ay nagpapahiwatig ng kooperasyon at pag alam sa tungkuling dapat gampanan ng bawat isa. Ang lahat ay may tulong na maibibigay sa isat isa kung maayos itong maisasagawa. Kagaya ng isang ina na makakapag alaga sa pamilya at ang ama na magtatrabaho para sa pamumuhay ng buo niyang pamilya ang mga ate at kuya na tutulong sa mga magulang at ang mga nakababatang anak na tutulad sa magagandang gawain ng magulang at mga kapatid para ipagpatuloy ang naka gawian.
Magiging maganda at maayos ang isang lugar kung ang lahat ay maayos ring kumikilos para mapanatili ang kaayusan nito. Naka depende sa tao ang pag bagsak o pag asenso ng isang lugar dahil sila, bilang mga naninirahan at bumubuo sa lugar na iyon ang may pinaka malaking epekto sa sistema na umiiral sa kanilang pamayanan. Kung walang disiplina, pag alam sa tungkulin at pag tanggap sa responsibilidad ay walang halaga na tawagin ng isang lugar na lungsod kung sa simula pa lamang ay hindi na ito asensyado dahil sa kakulangan sa disiplina at kooperasyon ng bawat myembro na naka paloob dito.
SA AKING MGA KABATA
Kapagka ang bayay sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi
Katulad ng ibong nasa himpapawid Pagkat ang salitay isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian
At ang isang taoy katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. Ang salita natiy tulad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawalay dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.
REACTION
Para sa akin, ang tulang ito ay nagpapa hiwatig ng pagpapa halaga sa sariling wika. Magandang ideya ang ipa basa ito sa mga magulang at mga kabataan sa modernong panahon kung saan maagang tinuturuan ang mga bata ng ibang wika tulad ng ingles at nakakasanayan naman ng mga bata na gamitin ito bilang unang wika nila, imbis na gamitin ang sariling wika.
Hindi naman masama ang matuto ng iba pang mga wika dahil dito ay nagiging mas produktibo ang kaisipan ng isang tao at mas nagiging handa sa pag harap sa mga bagay sa mundo, ngunit nakakalimutan na ng karamihan ang alalahanin ang mga nakagisnan, na syang nagigng resulta sa unti unting pagbabago na hindi lamang sa mga tao nakaka apekto pati na rin sa ating bansa dahil sa pag dami ng mga taong gumagawa nito.
Wag kakalimutan ang sarili sa proseso ng pagdidiskubre ng ibang bagay dahil magka iba ang salitang pag aaral sa pag babago. Sa panahon ngayon, ay unti unti na tayong binabago ng maka mundong bagay hatid ng bagong henerasyon. Ang mga naka gisnan ay sinasabing maka luma at makaka sira sa imahe ng isang bata, binata o dalaga kahit na mga magulang na namumuhay sa panahon ngayon. Mali ang isiping ito. Kabilang na sa kultura nating mga pilipino ang matindi nating pagmamahal sa ating bansa at kabilang sa pagmamahal na iyon ay ang pag tangkilik pa rin natin sa ating sariling wika.
Ang ating wika ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nakikilala ng ibang lahi, kung bakit naiiba ang pagiging isang filipino sa iba pang mga lahi. Hindi sinasabi na palagi lamang anga ting wika ang gamitin ang puntng ibinibigay ng tula ay huwag pa rin itong kakalimutan at gamitin pa rin kahit na natututo tayo ng iba pang mga bagay hatid sa atin ng iba pang lahi. Ipamahagi natin at ipag malaki sa iba pang mga lahi ang ating wika sa pamamagitan ng patuloy na pag gamit natin dito. Ito kasi ang isa sa mabisang paraan para malaman rin ng ibang lahi ang tungkol sa kulturang pilipino at sa napakarami pang bagay na ipinagmamalaki nito na naging parte na ng kasaysayan mula sa mga magagandang sulatin hanggang sa pagiging maka bansa ng bawat pilipinong mamamayan, kahit na sa modernong panahon.
SA KABATAANG PILIPINO
Itaas ang iyong Malinis na noo Sa araw na ito, Kabataang Pilipino! Igilas mo na rin ang kumikinang mong Mayamang sanghaya Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!
Makapangyarihang waniy lumilipad, At binibigyang ka ng muning mataas, Na maitutulad ng ganap na lakas, Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad, Malinis na diwa, sa likmuang hangad.
Ikaw ay bumaba Na taglay ang ilaw Ng sining at agham Sa paglalabanan, Bunying kabataan, At iyong kalagiun ang gapos mong iyang Tanikalang bakal na kinatalian Ng matulain mong waning kinagisnan.
Ikaw na lagi nang pataas nag lipad, Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap, Na iyong Makita sa Ilimpong ulap Ang lalong matamis Na mag tulaing pinakananais, Ng higit ang sarap Kaysa ambrosia at nectar na awagas Ng mga bulaklak.
Ikaw na may tinig Na buhat sa langit, Kaagaw sa tamis Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Sa gabing tahimik Ay pinaparam mo ang sa taong sakit, Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas Sa lakas ng iyong diway nagagawad Ng buhay at gilas, At ang alaalang makislap Ay nabibigayan ng kamay mong masikap Ng buhay na walang masasabing wakes.
At ikaw, na siyang Sa may ibat ibang Balani ni Febong kay Apelas mahal, Gayundin sa lambong ng katalagahan, Na siayng sa guhit ng pinsel mong tangay Nakapaglilipat sa kayong alinman;
Hayo nay tumakbo! Sapagkat ang banal Na ningas ng waniy nais maputungan Kayong naglalamay, At maipamansag ng tambuling tangan, Saan man humanggan, Ang ngalan ng tao, sa di matulusang Lawak ng palibot na nakasasaklaw.
Malwalhating araw, Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan! Ang Lumikhay dapat na pasalamatan, Dahilan sa kanyang mapagmahal, Na ikawy pahatdan
REACTION
Ang tulang ito ay nagpapakita ng matinding pagmamalaki ng mga pilipino sa bansang pilipinas. Sinasabi ng tula na ang lahat ng mga katangiang tinataglay natin ay parte ng ating pagiging isang pilipino at dapat natin itong ipagmalaki sa pamamagitan ng pag tangkilik dito at sa pagiging isang magandang halimbawa ng isang mamamayang pilipino.
Ang ibang mga tao ay nahihiya na sila ay pilipino; kayumanggi ang balat kung kayat nagpapa puti, pango ang ilong kung kayat ang iba ay nag papa retoke, at ang iba ay nag aaral at gumagamit pa ng ibang wika para lamang mag mukang state-side o tubong ibang bansa. Hindi dapat ganoon. Ipagmalaki natin ang kung ano mang meron tayo dahil iyon ang sumisimbolo sa ating pagiging pilipino, sa ating tunay na pinagmulan.
Walang dahilan para ikahiya natin ang ating pinagmulan, bagkus taas noo pa natin itong ipagmamalaki dahil napakaraming mga bagay ang nagpapa kita ng ating magandang naging kaibahan sa iba pang mga lahi, kung bakit tayo nakikilala at tinatawag na pilipino at kung bakit ang ating bansa ay tinawag at nakilalang pilipinas.
Isuot natin ng may dangal ang bawat aspeto na nagsasabing isa tayong pilipino na ang wika ay tagalog na kayumanggi man ang balat at pango man ang ilong ay pinag yayaman pa rin at iniingatan ang kulturang handa nang ipasa sa ibang henerasyon upang ipagmalaki.
Ang mga pilipino, kahit saan man mag punta ay mananatiling pilipino sa isip, salita at sa gawa na siyang hahangaan at kakikitaan ng kakaiba ngunit magandang kultura na maaring tularan ng iba pang mga lahi. Ang lahat ng mga bagay na nag uugnay sa pagiging pilipino natin ay may dahilan, isang dahilan na kung saan ay hinahayaan tayong makilala at hangaan bilang parte ng isang magandang kasaysayan na hindi dapat ipagmakahiya.
Dapat ay palaging taas noo, at ipag malaki kung ano tayo. Na tayo ay isang pilipino.
HULING PAALAM
Paalam na, sintang lupang tinubuan, Bayang masagana sa init ng araw, Edeng maligaya sa amiy pumanaw At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
Inihahandog ko ng ganap na tuwa Sa iyo yaring buhay na lanta nat aba; Naging dakila may iaalay rin nga Kung dahil sa iyong ikatitimawa.
Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban Handog din sa iyo ang kanilang buhay, Hirap ay di pansin at di gunamgunam Ang pagkaparool o pagtagumpay.
Bibitayat madlang mabangis na sakit O pakikibakang lubhang mapanganib, Pawang titiisin kung ito ang nais Ng bayat tahanang pinakaiibig.
Akoy mamamatay ngayong minamalas Ang kulay ng langit na nanganganinag Ibinababalang araw ay sisikat Sa kabila niyang mapanglaw na ulap.
Kung dugo ang iyong kinakailangan Sa ikadidilag ng iyong pagsilang, Dugo koy ibubot sa isa man lamang Nang gumigiti mong sinag ay kuminang.
Ang mga nasa ko, mulang magkaisip, Magpahanggang ngayon maganap ang bait, Ang ikawy makitnag hiyas na marikit Ng dagat Silangan na nakaliligid.
Noo moy maningning at sa mga mata Mapait na luha bakas may wala na, Wala ka ng poot, wala ng balisa,
Walang kadunguat munti mang pangamba,
Sa sandaling buhay maalab kong nais Ang kagalingan mot ang paiwang sulit Ng kaluluwa king gayak ng aalis: Ginhaway kamtan mo! Anong pagkarikit!
Nang maabat ikawy mapataas lamang, Mamatay at upang mabigyan kang buihay, Malibing sa lupang puspos ng karikat Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.
Kung sa ibang araw ikawy may mapansin Nipot na bulaklak sa aba kong libing, Sa gitna ng mga damong masisinsin, Hagkat ang halik moy itaos sa akin.
Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis, Mataos na taghoy ng may sintang sibsib, Bayang tumaggap noo ko ng init, Na natatabunan ng lupang malamig.
Bayan mong akoy malasin ng buwan Sa liwang niyang hilanot malamlam; Bayan ihatid sa aking liwayway Ang banaang niyang dagling napaparam.
Bayaang humalik ang simoy ng hangin; Bayaang sa huning masayay awitin Ng darapong ibon sa kurus ng libing Ang buhay payapang ikinaaaliw.
Bayaang ang araw na lubhang maningas Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap, Maging panganuring sa langit umakyat, At ang aking daing ay mapakilangkap.
Bayaang ang aking maagang pagpanw, Itangis ng isnag lubos na nagmamahal; Kung may umalala sa akin ng dasal, Akoy iyo sanang idalangin naman.
Idalangin mo rin ang di nagkapalad, Na nangamatay nat yaong nanganhirap sa daming pasakit, at ang lumalangap naming mga ina luhang masaklap.
Idalangin sampo ng bawat ulila at nangapipiit na tigib ng dusa; idalangin mo ring ikawy matubos na sa pagkaaping laong binata.
Kung nababalot na ang mga libingan Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw, at wala ng tanod kundi pawing patay, huwang gambalain ang katahimikan.
Pagpitagan mo ang hiwagang lihim, at mapapakinggan ang tinig marahil, ng isang saltero: Ito ngay ako ring inaawitanka ng aking paggiliw.
Kung ang libingan kong limot na ang madla ay wala nang kurus at bato mang tanda sa nangangabubukid ay ipaubayang bungkalit isabog ang natipong lupa.
Ang mga abo koy bago pailanglang mauwi sa wala na pinaggalingan, ay makalt munag parang kapupunanng iyong alabok sa lupang tuntungan.
Sa gayoy walaa ng anoman sa akin, na limutin mo mat aking lilibutin ang himpapawid mo kaparangat hangin at ako sa iyoy magiging taginting.
Bango, tinig, higing, awit na masaya liwanag aat kulay na lugod ng matat uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.
Akoy yayao na sa bayang payapa, na walang alipit punoing mapang-aba,
dooy di nanatay ang paniniwala at ang naghahari Diyos na dakila.
Paalam anak, magulang, kapatid, bahagi ng pusot unang nakaniig, ipagpasalamat ang aking pag-alis sa buhay na itong lagi ng ligalig.
Paalam na liyag, tanging kaulayaw, taga ibang lupang aking katuwaan, paaalam sa inyo, mga minamahal; mamatay ay ganap na katahimikan.
REACTION
Ang tulang ito ay sinulat ni rizal bago siya hatulan ng kamatayan. Ito ay bunga ng lungkot na kanyang nadarama sa pag iwan sa kanyang mga kababayan at minamahal. Punong puno ng kahilingan ang tulang ito, mga kahilingan na hindi para sa kanyang sarili o sa kanyang pamilya ngunit kahilingan na para sa bayan. Sa bansang kanyang ipinag laban.
Sana ang ahat ay maging kagaya ni rizal, na hanggang sa huli ay ipinaglaban ang kaniyang pinaniniwalaan ng may paninindigan. Nang dahil sa pagmamahal niya sa ating bansa ay hinarap niya ng walang takot ang kamatayan at tinanggap ito kaysa itakwil ang isang bagay na kanyang minahal at pinilit na alagaan alang-alang sa kanyang mga mamamayan.
Ang isang taong may ipinaglalaban ay walang pinagsisisihan at iyon ang ipinakita ni rizal sa pamamagitan ng kanyang tula. Bilang mga pilipino, dapat ay wala rin tayong pagsisihan sa kung ano man ang ating ipinaglalaban dahil ito ay repleksyon ng ating paninindigan bilang isang tao na nagpapakita ng pagiging isa nating pilipino; matapang at mapagmahal sa sariling bayan
Ibinibilin niya sa kanyang mga kababayan ang pagpapatuloy ng kanyang nasimulan nang laban, isang laban na hanggang sa huli ay hindi gumamit ng dahas. Dapat ay gumaya tayo roon. Hindi lahat ng laban ay naipapanalo ng may nagkaka sakitan, minsan ay talino lamang, tiwala sa sarili at paninindigan ang mabisang sandata upang manalo sa isang laban. Ang katapangang ipinakita ni rizal sa pagharap sa kanyang kamatayan ay magsilbi sanang aral at inspirasyon sa mga pilipino sa modernong panahon na maging mapagmahal sa bayan at tangkilikin parin ang sariling atin.
Ang pilipinas ay hindi lamang isang lugar kundi ang ating bansang sinilangan, na humubog sa ating pagka tao bilang mga pilipino. Isang bansa na ipinaglaban hanggang kamatayan ng napakaraming pilipinong bayani para makamit ang kalayaang inaasam. huwag nating sayangin ang kalayaang kanilang ipnaglaban. Maging pilipino sana ang lahat sa isip, salita at sa gawa.
Ang Relasyon Ko Aking Pamilya Ay Masaya Kaming Nagsasama Kasi Lagi Kaming Nagbobonding at Kapag Meron Kaming Problema Ay Hindi Lang Naming Iniisip Na May Problema