Pag-Unawa NG Tula
Pag-Unawa NG Tula
Pag-Unawa NG Tula
Humihirap ang pag-unawa sa tula dahil ang pakahulugan ng tula ay hindi na lamang
maikakahon sa tugma, sukat, kariktan, at talinghaga gaya ng unang winika ni Lope K. Santos,
at pinalawig pagkaraan nina Julian Cruz Balmaseda at Iigo Ed. Regalado. Pumasok ang kaso ng
malayang taludturan nang tawagin ni Amado V. Hernandez noong 1931 ang kaniyang akdang
pinamagatang Wala nang Lunas na maikling kuwento sa tuluyang tula. Samantala, gagamitin
ni Alejandro G. Abadilla noong 1932 ang tawag na kaunting tula at kaunting tuluyan sa
kaniyang kauna-unahang pagtatangka ng munting tulang tuluyan [petit poeme en prose].
Lalong hihirap ang pag-unawa sa tula kung ilalahok sa pakahulugan ang bersong itinatanghal
nang paawit kung hindi man pahimig, at inaangkupan pa minsan ng indak, iyak, at paglulupasay.
Ang dating Balagtasanna matalim na pagtatalo sa pamamagitan ng tulang may sukat, tugma,
siste, at talinghagaay napalitan ng rap contest at lyrical battle sa kasalukuyang panahon ng
jologs at jejemon. Itinuturing na ring tula ang mismong disenyo at ayos ng mga salita o larawan,
kaya ang disenyo ay pinapatawan ng higit na pagpapakahulugan kaysa sa kayang isaad ng
nilalaman. Sa ibang pagkakataon, ang tula ay naikakahon sa gaya ng pinauusong mababaw na
berso ng Makatawanan ng Talentadong Pinoy at waring panatikong representasyon ng himig ni
Marc Logan.
Kung ganito kalawak ang pagpapakahulugan sa tula, kinakailangang baguhin din natin ang
nakagawiang pagbasa ng tula. Hinihingi ng panahon ang masinop na paggamit ng mga lente ng
pagbasa, at ang bawat lente ay dapat iniaangkop din sa piyesang sinusuri. Hindi ko
ipagpapaunang higit na tama ang isang paraan ng pagbasa kaysa ibang paraan ng pagbasa.
Gayunman, masasabing mapadadali ang pagbasa sa isang tula kung hahanapin ang mga panloob
at panlabas na reperensiya ng pagbasa ng tula.
Ang panukala kong pagbasa ng tula ay may kaugnayan sa dalawang aspekto. Una, ang panloob
na reperensiya ng tula, at siyang may kaugnayan sa gaya ng pananaludtod, pananalinghaga, at
pagtukoy ng tauhan, himig, tinig, at iba pang sangkap na ginagamit ng makata. Sa yugtong ito,
ang tula ay sinisikap na basahin alinsunod sa pamamaraan, sining, at punto de bista ng awtor, at
ang mambabasa ay ipinapalagay na maly na mambabasa na bagaman malaya ang pag-unawa
ay kinakailangang pumasok sa itinuturing na kaayusan ng mga pahiwatig at pagpapakahulugan
ng makata.
Sa kabilang dako, ang panlabas na reperensiya ng tula ay may kaugnayan sa tao, bagay, at
pangyayari sa lipunan o kaligiran at siya namang ipinapataw sa pagbasa ng tula. Sa ganitong
yugto, ang mga nagaganap sa lipunan ay hinahanapan ng katumbas na pakahulugan o pahiwatig
sa tula; kaya ang tula ay mistulang alingawngaw o kabiyak, kung hindi man salamin ng lipunan.
Kabilang sa panlabas na reperensiya ang pagtanaw at pagpapakahulugan ng mambabasa sa
masasagap na pangyayari, talinghaga o disenyo mula sa realidad ng lipunan, at bagaman may
bukod na pagpapakahulugan ang awtor ay nadaragdagan, nababawasan, o nahahaluan ng
pagpapakahulugang nililikha ng mambabasa.
Higit na magiging dinamiko ang pagbasa ng tula kung susubuking gamitin ang dalawang
reperensiya, na matatawag na salimbayang pagbasa, bagaman hindi maipapalagay na balanse
ang pagtalakay. Maihahalimbawa ang tula ng batikang makatang Mike L. Bigornia.
SIYUDAD
Sinasamba kita, Siyudad,
Emperatris ng bangketa at bulebard,
Sultana ng estero at ilaw-dagitab.
Ikaw na parakaleng hiyas,
Kaluluwa at katauhang plastik,
Maha ng basura at imburnal,
Palengke ng busina at karburador,
Gusali, takong, pustiso at bundyclock.
Sinasamba kita, Siyudad,
Kurtesano real ng karimlan,
Ikaw na pulang bampira at mama-san,
Primera klaseng bakla,
Paraiso ng bugaw, torero at burirak,
Sagala ng pulubi, palaboy at patapon,
Kantaritas ng kasa at sauna,
Beerhouse, nightclub at motel.
Sinasamba kita, Siyudad,
Donya marijuana,
Unang Ginang ng baraha, nikotina at alkohol,
Matahari ng haragang tsapa, lumpeng tato,
Halang na gatilyo at taksil na balisong,
Ikaw na unat huling dulugan
Ng kontrabando, despalko at suhol,
Pugad ng salvage, dobol-kros at rape.
Sinasamba kita, Siyudad,
Ikaw at ikaw lamang ang aking amor brujo.
Itakwil man kitat layasan,
Tiyak na akoy magbabalik sa narkotikong katedral
Upang ulit-ulitin
Ang isang nakaririmarim na pag-ibig
At sambahin ang iyong ganggrenong kariktan
At kamatayang diyaboliko.
Maaaring sipatin ang tulang ito ni Bigornia alinsunod sa panloob na reperensiya, na may
kaugnayan sa lungsod na inilalarawan ng isang tiyak na personang nakababatid o nakakikilala
rito. Kung gagamiting punto ng reperensiya ang lungsod na ginamit ng makata, ang kasiningan
ng tula alinsunod sa pananaw ng awtor ay maibabatay sa husay ng pagkasangkapan sa personang