Catherine Joy Lanorio - Gawain 2 Panahon NG Kastila

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mission

Vision MABINI COLLEGES provides quality


instruction, research and extension service programs at
all educational levels as its monumental contribution to
MABINI COLLEGES shall national and global growth and development.
Specifically, it transforms students into:
cultivate a CULTURE OF God-fearing
EXCELLENCE in education. MABINI COLLEGES, INC.
Nation-loving
Earth-caring
Daet, Camarines Norte Law-abiding
Productive, and
______________________________________________________________________________ persons
Locally and globally competitive

GAWAIN 2

1. Ilahad kung ano-anu ang katungkulan ng mga babae ayon kay Rizal. Buhat sa kanyang liham,
buuin ang matatawag na ulirang Pilipina. Kung nabasa na ang nobelang Noli at El Fili, may
maituturing bang ulirang Filipina sa kanyang tauhan sa nobela batay sa tinutukoy sa kanyang
liham sa Kababaihan ng Malolos?

Ang babaing tagalog ay di na payuko at luhod; buhay na ang pag-asa sa panahong


sasapit; wala na ang inang katulong sa pagbulag sa anak; na palalakihin sa alipusta at
pag-ayop. Di na unang karunungan ang pagtungo ng ulo sa balang maling utos; dakilang
kabaitang ngisi sa pagmura, masayang pangaliw ang mababang luha”
Dito, ipinakita si Rizal na laban sa ideya ng patriarchy. Ang kanyang mga pananaw sa kababaihan
ay hindi dapat sumailalim sa maling awtoridad, sa kabila ng kanyang "sweet, polite, ladylike
appearance at modest demeanor". Ang ay hindi nangangahulugan na ang mga babaeng may
ganitong katangian ay "loloko" o sila ay susuko sa mga pagkakamali. Idinagdag ni Rizal na ang
kahalagahan ng o ang kagandahan ng kababaihan ay hindi maaaring ideklara ang mga pinuno ng
mga relihiyon na sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa. Ngunit ang mahalaga ay alam nito
kung ano ang tama mula sa tunay na. Binigyang-diin din ni Rizal ang papel ng kababaihan bilang
dalaga at asawa - sa pagpapanatili ng kanilang dignidad at kahalagahan sa lipunan. Kaugnay nito,
inilalarawan niya ang katangian ng European na kababaihan at inihalimbawa ng Spartan na
kababaihan bilang mga huwaran para sa mabuting ina.
Ayon kay Rizal, ang papel ng isang babae ay hindi lamang sa pagiging ina o emosyonal na
aspeto, kundi pati na rin sa pagpapalawak ng kanyang pagtingin sa "babae" bilang isang
kasangkapan sa paghubog at isang kasangkapan para sa empowerment" Kaya, para buod nitong
liham mula kay Rizal, ang tunay na "pagkababae" ay:

1. Posibleng mabait, magalang, magalang sa hitsura, mapagpakumbaba moral ngunit hindi insulto
o alipin sa maling awtoridad.
2. May hindi maikakaila ng tapang na may kabanalan , kung saan ang kabanalan ay hindi
sunud-sunuran ngunit: "Ang unang birtud ay ang pagsunod sa matuwid anuman ang mangyari"
3. matamis na loob, magandang ugali, binibining anyo, mahinhing asal na hindi nakabatay sa
pagiging relihiyoso .
4. May malaya’t sariling isip at sariling loob upang malaman ang liko at tapat
5. Hindi lamang nagtatapos sa pagiging ina kundi siya’y “instrument for empowerment”
6. Ina: may mataas at mahalagang tungkulin
Kung pagkukumparahin ang dalawang akdang ito, mas maraming nabanggit na babaeng karakter at mga
isyung pangkasarian sa Noli Me Tangere. Sa akdang ito naipakilala nang mabuti ang mga karakter na
lumitaw din sa El Filibusterismo.

Isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere sa panahon ng kasagsagan ng makabayang kamalayan
ng mga mamamayan sa lipunang kolonyal. Ang lipunang kinalalagyan noon ni Rizal ay isang patriyarkal
na lipunan, kung saan mas kinikilingan ang mga kalalakihan pagdating sa karapatan at mga gampanin.
Makikita ito sa paraan ng pagpresenta ni Rizal sa mga babaeng karakter ng nobela na tila mas maraming
nagawa ang mga lalaking karakter kung ikukumpara sa mga babae. Mas madaming aktibidad na
ginagawa ang mga lalaking karakter: mas nakakapag-aral, nakakapaglakbay, nakakapagpalitan ng kuru-
kuro at nakikihalubilo sa mga tao. Mapapansin na karamihan sa mga babaeng karakter ay may "hindi
magandang" katangian: si Donya Victorina na ipinipilit ang sarili na magmukhang Espanyola sa
pamamagitan ng pagkukubli sa makapal na kolorete, si Donya Consolacion na isang larawan ng
pagkamartir dahil sa nambubugbog niyang asawa, si Sisa na isang ring martir dahil sa mga pasakit na
dinaranas sa asawang mahilig manakit kasabay pa ng napakahirap na pamumuhay, at si Maria Clara na
halos walang ibang ipinakita sa nobela kundi kahinaan.

Iilan lamang sa mga babaeng karakter sa nobela ang maikokonsiderang "positibo" ang karakter. Isa
sa mga ito ay si Salome, na isang hindi pangkaraniwang kasintahan ng rebeldeng si Elias. Si Salome ay
itinampok sa ika-25 kabanata ng Noli. Si Salome ang maituturing na tinitingnan ni Rizal na isang
huwarang babae. Kaya marahil hindi dinamihan ni Rizal ang mga karakter na gaya ni Salome, upang mas
maitampok siya at maging mas malinaw ang komentaryo ng manunulat ukol sa kababaihan at kasarian
noong panahon ng lipunang kolonyal. Sa loob ng kabanata isiniksik ang mga impormasyon ukol sa
natatanging karakter. Isa siyang matatag na babae at hindi nangangailangan ng pagdepende sa isang
lalaki, na makikita sa kanyang pamumuhay nang mag-isa. Sa kanyang bahay ay pinahihintulutan niyang
bisitahin siya ng kanyang kasintahang si Elias. Isa siyang malayang babae na hindi iniisip ang sasabihin
ng ibang tao ukol sa kanya. Sa pagdedesisyon, hindi siya kumukunsulta sa kung sino man bagkus
nakakagawa siya ng desisyon sa kanyang sariling diskresyon. Higit sa lahat, isa siyang babae na nasasabi
lahat ng nais sabihin nang malaya, na makikita sa tuwiran niyang pakikipag-usap kay Elias ukol sa
kanyang nararamdaman at mga saloobin.

2. Ipaliwanag kung bakit matalas ang panunuligsa ni del Pilar.

dahil kailangan nyang mailigtas ang bayan, itinatag niya ang “ diaryong tagalog” noong
1882 kung saan tinuligsa nya ang pang aabuso ng mga pari at paniniil ng pamahalaan. isa
siya sa mga pilipinong lumaban para sa kalayaan.Humingi sya ng pagbabago kaya
natagpuan sya ng mga kastila at pinag usig.noong 1888 tumakas siya sa Espanya kung
saan ipinagpatuloy nya ang kanyang pagsusulat.Binili niya ang “La Solidaridad” mula kay
Lopez Jaena at naging editor nito mula 1886 hanggang 1895. Dito niya sinulat ang kanyang
pinakadakilang likha ang La Soberani Monacal at "La Frailocracia Filipina." Dahil sa
pagmamahal sa sariling bayan ay isinaisantabi niya ang kanyang kapakanan. Sa simula ay
maalwan ang kanyang kalagayan sa buhay, subalit tiniis niyang maghirap bandang huli,
mapaglingkuran lamang ang kanyang inang sinilangan. Hanggang sa siya ay nagkasakit ng
tuberkulosis at noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 46, siya ay namatay.

3. Magbigay ng konkretong halimbawa ng mga ipinahahayag ni Emilio Jacinto sa kanyang Liwanag


at Dilim.

- Patungkol sa bawat Pilipino at sa Bayan. Maaaring mamahala ang mga hangal at lilong
Pinuno, na mag-akala ng sa sarili bago ng sa iyo, at salawin ka sa ningning ng kanilang kataasan
at mga piling pangungusap na nakalalamuyot. Kinakailangan ngang matalastas mo’t mabuksang
tuluyan ang iyong pag-iisip, nang makilala mo ang masama at mabuting Pinuno, at nang huwag
masayang ang di-masukat mong mga pinuhunan. Sa madaling salita, di dapat nating kilalanin ang
pagkatao ng mga Pinuno na mataas kaysa madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay dahil sa
kapangyarihang ipinagkaloob ng Bayan, sumakatwid, ang kabuuan ng mga kapangyarihan ng
bawat isa. Ang kapangyarihan ng mga Pinuno ay dapat na isaalang- alang lamang sa pag-ibig at
pagmamahal ng Bayan, upang magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pag-angat ng
Bayan. Lahat ay may kalayaang makamtan ang liwanag na nagmumula sa itaas at hindi dilim na
nagmula sa kasamaan na nag uungat sa pag-aaway ng dalawang panig. Dinggin ang hinaing ng
bawat.

4. Bakit mahalaga sa kasaysayan ang sining nina Julian Felipe at Jose Palma?

Dahil si Julian Felipe siya ang sumulat ng pambansang awit ng pilipinas at si Jose Palma
siya ang sumulat ng tulang "Filipinas" batayan ng titik ng pambansang awit ng pilipinas. At
bilang isang Pilipino, ipinagmamalaki natin ito sa bayan at humihiling ng pagkakaisa at
pagtutulungan . Ipinapaalala rin dito sa atin ang ating magigiting na mga bayani na
nagbuwis ng kanilang buhay maipagtanggol lang ang ating bayan.

5. Basahin ang talambuhay ni Andres Bonifacio at patunayang kahit hindi gaanong katas ang
kanyang pinag – aralan, daig pa niya ang may pinag – aralan.

Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay isang Pilipinong makabayan
at rebolusyonaryo na makikita sa sampumpisong barya na isyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ang
kaniyang mga magulang ay mga taong dukha kaya’t siya nama’y isang taong mahirap. Siya’y nagaral sa
paaralan ng gurong si G. Guillermo Osmeña, sa pook ng Meisik, Binundok, Maynila. Datapwa nang
siya’y tumutuntong na sa ika 14 na taon, ay namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito’y naputol
ang kanyang pagaaral. Siya noo’y maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (tagalog) at kastila.
Dito napatunayan ni Bonifacio na siya ay may kakaibang galing at talino. Sa murang edad ay nagawa
niyang tumayo ng mag isa at makapag bigay ng sariling karangalan sakanya. Sumulat siya ng aklat at
mga desisyon sa paglalaban ng kastila sa ating bansa. Hindi naging madali ang kanyang napag daanan
kaya't siya ay tunay na nahirapan. Nahirapan man ay nataguyod at napaglaban niya ang kanyang
kagustuhan hanggang siya ay namatay. Dito napatunayan na higit pa ang kanyang galing at talino sa mga
dating pilipino na nakapag tapos ng pagaaral

6. Sa iyong palagay, alin ang pikatampok na mga pangyayari na siyang nagpabago ng takbo ng
panitikan noong panahong iyon?

Ang nagsimula ng rebolusyon ay maaaring nag-ugat sa panlabas at panloob na mga sanhi. Noong
panahon ng rebolusyon, maraming makasaysayang pangyayari ang nangyari sa ating bansa.
Maraming Pilipino ang nakapansin at nagkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ang ating bansa.
Sa pagkamulat ng mga Pilipino, ang ating panitikan ay isa sa mga pagbabago sa panahong ito.
Ang pagkamatay ng tatlong paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora
(Gomburza) ang isa sa pinaka tampok na mga pangyayari na siyang nagpabago sa takbo ng
panitikan noong panahon ng himagsikan. Nakikita sa mga panitikan ang maalab na damdaming
Makabayan ng mga Pilipino at tumutukoy sa pag asam ng isang Kalayaan.Ipinapakita rin ng mga
panitikan noon ang diwang Makabayan at higit sa lahat humihingi ng pagbabago o reporma sa
pamamalakad ng simbahan at pamahalaan

You might also like