Pagbasa at Pagsulat - Q2 - Modyul 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikalawang Markahan- Modyul 3
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik

Layunin

1
Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning activity Sheet-LAS) na ito ay
magsisilbing gabay mo sa iyong pagtuklas sa ilang panimulang kaalaman na kakailanganin
mo sa pagkatuto tungkol sa mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik. Nakapaloob dito ang
mga gawain, mga pagsasanay na sasagutan nang sa gayon ay masukat ang iyong
kaalamang malinang sa gawaing pampagkatuto na ito

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:


Aralin: Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik
(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.) F11PT –
IVcd – 89

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik
(Halimbawa: balangkas konseptwal, balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.)
F11PT – IVcd – 89

2. Natutukoy ang mahahalagang nilalaman ng bawat bahagi ng pananaliksik

Pag-aralan
2
Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik
1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
Sinisimulan ang anomang pananaliksik sa pagpili at paglimita ng paksa. Ang nalimitahang
paksa ay isinasalin sa tanong na magsisilbing gabay ng buong pananaliksik. Makabubuti
kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik ay may malawak nang pagkaunawa sa
paksa ang mananaliksik, upang maging madali sa kaniya ang mga susunod na bahagi.
Gayundin, makapagbibigay ng ideya sa mananaliksik ang pagbabasa ng mga kaugnay na
literature kung ang pinaplanong paksa ay may kahalintulad na o kaya naman ay wala pang
sapat na batayan o sanggunian. Makatutulong sa bahaging ito ang pagbabasa ng mga
artikulo mula sa online journals sa Internet o kaya ay pananaliksik sa mga silid-aklatan.
Mahalagang rin ang masinop na pagtatala ng makabuluhang impormayon, konsepto, at
teorya na maaaring gumabay sa pananaliksik at kalaunan ay sa pagsusuri at interpretasyon
ng datos.

Sa antas na ito, may sapat nang kahandaan ang mananaliksik sa isulat ang mga
sumusunod na mga preliminaryong bahagi ng pananaliksik : Rasyonal at Kaligiran ng Pag-
aaral, Paglalahad ng Suliranin, Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral, at Rebyu ng Kaugnay
na Literatura.

2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik

Ang bahaging ito ay mas nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa antas


na ito, kinakailangang natukoy na ng mananaliksik ang tiyak na suliranin ng pananaliksik
upang malapatan ng tiyak na disenyo. Sa bahaging ito, inaakda na ng mananaliksik ang
teoretikal na gabay ng pananaliksik na resulta ng naunang pagbabasa, Pagkatapos ay
bubuuin ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng kabuuang lawak ng pananaliksik
at paraan ng magiging pagsusuri.

Sa antas na ito maaari na ring iakda ang iba pang bahagi ng pananaliksik: Teoretikal na
Gabay at Konseptuwal na Balangkas, Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral, at Daloy ng Pag-
aaral.

3. Pangangalap ng Datos

Sa bahaging ito nangyayari ang produksiyon ng bagong datos na pagbabatayan ng


kalalabasan ng pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop, matiyaga, at
matapat ang mananaliksik. Ihanda ang instrumento o kasangkapang gagamitin upang
mangalap ng datos.

3
Sa bahaging ito, isasagawa ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng
dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral. Pagkatapos,isaayos at
ihanda ng mananaliksik ang datos para sa presentasyon at pagsusuri.

Sa antas na ito, handa na ang mananaliksik na iakda ang Metodolohiya at Pamamaraan sa


Pananaliksik.

4. Pagsusuri ng Datos

Sa bahagi namang ito ginagawa ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mananaliksik,


ang lumikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at interpretasyon ng mga
datos na nakalap. Tandaan na ang sistematikong presentasyon ng datos ang magtatakda
sa husay ng panunuri at interpretasyon kung kaya’t kailangang pag-isipang mabuti ng isang
mananaliksik ang pinakamabisa at angkop na presentasyon.

Pagkatapos ng paglalatag ng resulta, lagumin ang pangkalahatan at mahahalagang


natuklasan at bumuo ng mga kongklusyon mula rito. Ang rekomendasyon ng pananaliksik
ay binubuo batay sa mga natukoy na kongklusyon ng pag-aaral.

Handa na ang mananaliksik na isulat ang Resulta at Diskusyon sa bahaging ito kasunod ang
Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon ng Pananaliksik.

5. Pagbabahagi ng Pananaliksik

Ang huling bahagi ng proseso ng pananaliksik ay labas na sa mismong pagsulat ng papel-


pananaliksik kaya’t madalas na nakaliligtaan o napagwawalang-bahala ito. Sa pinakahuling
antas ng pananaliksik na ito, titiyakin na maibabahagi ng mananaliksik ang mahahalagang
naging kongklusyon ng pananaliksik. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng paglalathala sa
iba’t ibang publikasyon.

Ang mga bahagi ng papel-pananaliksik na natukoy mula sa bawat antas ng proseso ay ang
mga sumusunod:

Kabanata I. Ang Suliranin at Sanligan Nito

A. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

B. Paglalahad ng Suliranin

C. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

D. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

E. Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na Balangkas

F. Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

G. Daloy ng Pag-aaral

4
Kabanata II. Metodolohiya at Pamamaraan

A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

D. Paraan sa Paglikom ng Datos

E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Kabanata III. Resulta at Diskusyon

Kabanata IV. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1: PAGTUKLAS
Panuto:Ibigay ang kahulugan o konsepto ng sumusunod na mga bahagi ng pananaliksik
may kaugnayan sa pananaliksik. Isulat sa malinis na papel.

Bahagi Kahulugan

1. balangkas konseptwal

2. balangkas teoretikal

3. datos empirikal

4. Metodolohiya

5. Rasyonal at Katigiral
ng Paksa

6. Saklaw at
Delimitasyon

5
Gawain 2: SURIIN NATIN!

Panuto: Sa bahaging ito, kailangan mong magbasa ng isang halimbawa ng papel-


pananaliksik na nakasulat sa Filipino sa kahit na anong paksa. Maaari kang humanap ng
halimbawang pananaliksik sa silid-aklatan o kaya ay sa Internet. Bigyang-pansin ang mga
bahagi nito at tukuyin kung ano sa tingin mo ang dapat na lamanin at talakayin ng bawat
bahagi batay sa naunawaan sa halimbawang pananaliksik. Isulat mo sa sumusunod na
talahanayan ang natuklasan. Isulat sa malinis na papel.

Bahagi ng Pananaliksik Nilalaman ng mga Bahagi

1. Rasyonal at Kaligiran ng
Paksa

2. Paglalahad ng Suliranin

3. Layunin at Kahalagahan ng
Pag-aaral

4. Rebyu ng Kaugnay na
Literatura

5. Teoritikal na Gabay at
Konseptuwal na Balangkas

6. Saklaw at Delimitasyon

7. Daloy ng Pag-aaral

6
Gawain 3: ALAMIN ANG KAALAMAN !

Panuto: Sa paggawa ng pananaliksik mahalaga ang sapat na kaalaman sa paksa upang


maayos ang madaling maisakatuparan ang mga layunin ng pananaliksik. Punan sa
pinakamatapat na paraan ang hinihingi sa bawat patlang. Isulat sa malinis na papel ang
sagot.

Sa mga tinalakay ng Proseso at bahagi ng pananaliksik, sa tingin ko ay malaki ang


maitutulong kung sapat ang kaalaman ko sa paggawa sa bahaging
_________________________________________________________________________

_______________________________ dahil _____________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Maaari naming mahirapan ako sa bahaging_______________________________________

____________________________________________ dahil may kahinaan ako sa _______

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

7
Gawain 4: 3-2-1 Tsart!
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa Mga Bahagi at Proseso
ng Pananaliksik. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang natutunan ko…

1. ___________________________________
bagay
3 na natutunan
2. ___________________________________
3. ___________________________________

Mga bagay na nakapukaw sa aking interes…


bagay na
1. ___________________________________
2 naka pukaw
ng interes 2. ___________________________________

Kailangan ko pang matutunan ang…

bagay 1. ___________________________________
1 na nakapag-
papalito

8
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Ang sagot ay
maaring magkaiba

Gawain 2
Ang sagot ay
maaring magkaiba

Gawain 3
Ang sagot ay
maaring magkaiba

9
Sanggunian
Aklat:

Crizel Sicat-De Laza, (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.

Published by the Department of Education, Caraga Region


Schools Division Office of Surigao City
Schools Division Superintendent: Karen L. Galanida
Assistant Schools Division Superintendent: Florence E. Almaden

Bumuo ng Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ( Learning Activity Sheet-LAS)


Manunulat : Mirasol D. Caberte

Editor : Klaim G. Dumaicos

Tagasuri : Filipina F. Meehleib


:Fe M. Clerigo
:Alexander M. Dubduban
:Daisy M. Solante
Tagaguhit : Alexander M. Dubduban
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Filipina F. Meehleib

Printed in the Philippines by the Schools Division Office of Surigao City


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : [email protected]

10

You might also like