NegOr Q2 PL Akademik12 Module5 v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

12 SENIOR HIGH SCHOOL

Filipino sa Piling Larang


(Akademik )
Ikalawang Markahan – Modyul 5 :
REPLEKSIBONG SANAYSAY

NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: REPLEKSIBONG SANAYSAY
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Maria Chona S. Mongcopa


Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo, Clifford Jay G. Ansok
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Magandang araw!

Naniniwala ka ba sa pahayag na mabisa ang karanasan


tungo sa pagkatuto? Hindi mo maiiwasan ang pagkakamali dahil bahagi
na ito ng iyong buhay. Walang taong perpekto o hindi nagkakamali.
Naging matatag ka dahil naranasan mong magkamali. Namulatan mo
lahat ang totoong pangyayari.

Isang uri ng akademikong papel ang iyong susuungin. Ito


ang repleksibong sanaysay. Isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay. Sa
pamamagitan ng papel na ito, matutuklasan ang sariling pag-iisip,
damdamin o opinyon tungkol sa isang paksa, pangyayari, tao, at kung
paano naaapektuhan ang mga ito. Ito ay gawaing humahamon sa
mapanuring pagiisip.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang sulatin.
CS_FA11/12 PU-Op-r-94

MGA INAASAHANG LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakakikilala ng mga katangian ng repleksibong sanaysay;


2. Nakasusulat ng organisado, malikhain at kapani-paniwalang
repleksibong sanaysay; at
3. Nakapagsasaalang-alang sa mga etika sa binubuong repleksibong
sanaysay.

1 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
SUBUKIN

A. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Ang kasingkahulugan ng repleksibong sanaysay ay ____.


A. balik-tanaw sanaysay
B. mapanuring sanaysay
C. mapagmuning sanaysay
D. di-mapaglarawang sanaysay
_____2. Ang repleksibong papel ay kakaiba sa ibang akademikong papel
dahil sa ____.
A. ito’y nasa anyong personal na sanaysay
B. hindi na ito kailangan sumangguni sa ibang akda
C. ito’y kailangang isaliksik pa ng manunulat
D. A at B
_____3. Isa sa mga katangian ng repleksibong sanaysay ay ___.
A. personal at subhetibo
B. limitado sa paglalarawan
C. hindi katapatan ang paglalarawan
D. hindi ito nakabatay sa sariling karanasan

_____4. Bago sumulat ng repleksibong papel, ang mga tanong na dapat mong sagutin
ay ____.
A. Ano ang pakiramdam ko sa paksa?
B. Ano kaya ang magiging epekto sa akin?
C. Itanong ang mga personal na tanong
D. Lahat ng nabanggit
_____5. Lahat ng pagsusulat ay proseso ng pagkatuto. Sa pagsusulat ng repleksibong
sanaysay, kayo ay nagpapahayag ng damdamin at dito may natutuklasang
bago tungkol sa ____.
A. sarili
B. buhay ng iba
C. pananaw sa buhay
D. pangyayari sa kasalukuyan

2 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
B. Panuto: Pumili ng angkop na salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang
pangungusap. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ang repleksibong papel ay isang pagsasanay sa (A. pagbubulay-bulay


B. paglalarawan.)
_____2. Ito ay isang gawaing humahamon sa (A. malikhain B. mapanuri) pag-iisip.
_____3. (A. Hindi B. Bagkus) na kailangang sumangguni sa ibang akda at manghiram
ng kaisipan ang repleksibong sanaysay.
_____4. Lahat ng pagsusulat ay proseso ng (A. kasanayan B.pagkatuto).
_____5. Ang pagsusulat ng repleksibong sanaysay ay proseso ng (A. pagtuklas B.
pagkatuto)
_____6. Hinahasa ng pagsualt ng repleksibong sanaysay ang kakayahang suriin at
unawain ang (A. sarili B. kanya) pag-iisip.
_____7. Bago simulan ang pagsulat ng repleksibong sanaysay, tanungin muna ang
(A. sarili B. kapwa).
_____8. (A. Huwag B.Talaga) limitahan ang pagtatanong sa sarili kung nais mong
sumulat ng repleksibong sanaysay.
_____9. Sa pagsusulat ng akademikong repleksibong papel, mahalagang gumamit ng
(A. pormal B. deskriptibo) wika.
_____10. Ang pagsusulat ng repleksibong sanaysay ay hindi lamang limitado sa
(A.paglalahad B.pagtatalo) ng mga kuwento.

Magaling! Nasubukan mong gawin


ang Panimulang Pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na tayo sa ating paggalugad
ng bagong kaalaman.

3 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
TUKLASIN

Panuto: Kantahin at unawaing mabuti ang liriko ng kanta ni Freddie Aguilar na


pinamagatang “Anak”. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

Anak
Freddie Aguilar

Nang isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na


Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo

At ang payo nila'y sinuway mo


Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw


At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mata'y biglang lumuha ng di mo
pinapansin
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali

4 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali

(Ang kabuuan ng kanta ay maaari mong makita sa link na https://bit.ly/30cwOvH).

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang pangunahing mensahe ng awit?


2. Ano-ano ang sakripisyo ng magulang sa anak?
3. Ano ang nangyari sa anak batay sa awitin?
4. Sino ang unang nilapitan ng anak? Bakit?
5. Anong damdaming umiiral sa iyo habang nakikinig ka rito?

SURIIN

1. Ano ang napapansin mo sa Gawain 1?


2. Sa iyong palagay, may kakayahan bang suriin ang pag-iisip at damdamin
ng isang tao?
3. May kaugnayan ba ito sa bago nating talakayan?

PAGYAMANIN

REPLEKSIBONG SANAYSAY

Ang Repleksibong Papel o mapagmuning sanaysay ay isang pagsasanay sa


pagbubuhay-buhay. Sa pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-iisip,
damdamin o opinyon tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao, at kung paano
naaapektuhan ng mga ito. Bukod dito, ang pagsulat ng repleksibong sanaysay ay
isang gawaing humahamon sa mapanuring pag-iisip. Ang sulating ito ay maaaring
nasa anyo ng personal na sanaysay, lahok sa journal, at diary reaksiyong papel o
learning log. Hindi katulad ng ibang uri ng sanaysay, hindi gaanong limitado ng

5 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
kumbensiyon ang repleksibong sanaysay kaya naman marami ang nasisiyahan sa
pagsulat nito.
Kakaiba ang repleksibong sanaysay sa iba pang akademikong sulatin dahil
karaniwan ay hindi kailangan sumangguni sa ibang akda at manghiram ng kaisipan.
Nakabatay ito sa pagpapahayag ng manunulat sa sarili niyang pananaw batay sa
kaniyang karanasan. Bagaman personal at subhetibo, kailangan panatilihin ng
manunulat ang akademikong tono ng sanaysay.
Sa pagsusulat ng akademikong ito, tayp ay nagpapahayag ng damdamin at dito
ay may natutuklasang bago tungkol sa sarili, sa kapwa at kapaligiran. Ang mga
katangian ng repleksibong sanaysay ay personal at subhetibo ngunit hindi ibig
sabihing maaari ng isulat ang lahat ng pumapasok sa isipan. Hindi limitado sa
paglalarawan o paglalahad ng kuwento. Nangangailangan din ito ng mas mataas na
kasanayan sa pag-iisp. Mahalagang gumamit ng deskriptibong wika

(Ang kabuuan ng talakayang ito ay maaari mong basahin sa aklat na Ang kabuuan ng
talakayang ito ay maaari mong Makita sa aklat na “Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan: Akademik” (Makati City: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016),
pp. 35-37).

Gawain 2
Panuto: Basahing mabuti ang awit ni Freddie Aguilar na pinamagatang Bayan Ko at
sagutin ang mga sumusunod na mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.

Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

CHORUS
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

6 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita

Aking adhika
Makita kang sakdal laya

(Ang liriko ng kanta ay maari mong bisitahin sa link na https://bit.ly/335XPCU)

Sagutin ang mga gabay na tanong:


1. Kung bibigyan ka ng pagkakataong sumulat ng repleksibong sanaysay, paano
mo sisimulan batay sa awiting “Bayan Ko”?
2. Nauunawaan mo ba ang saloobin ni Freddie Aguilar batay sa kanyang awit na
binuo at nilikha? Pangatuwiranan ang sagot.
3. Paano mo wawakasan ang iyong repleksibong sanaysay batay sa awin
“Bayan Ko”?

ISAISIP

Personal at subhetibo ang sanaysay ngunit


hindi ibig sabihing maaari nang isulat ang lahat ng
pumasok sa isipan. Kinakailangang sumunod pa
rin ito sa mga kumbensiyon ng akademikong
pagsulat.

7 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng repleksibong sanaysay tungkol sa paksang “Ang Pag-ibig Ko sa


Edukasyon”. Ang iyong magiging marka ay nakabase sa rubrics na nasa ibaba.

_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_________.

8 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
RUBRIK SA PAGBUO NA REPLEKSIBONG SANAYSAY

Mamarkahan ang repleksibong sanaysay batay sa rubrik na nasa ibaba.


Mainam ito para sa iyo bilang gabay sa pagmamarka ng iyong ginawang pagsulat.

Pamantayan 5 4 3 2

A. Organisasyon Mahusay sa Maayos ang May lohikal na Hindi


pagkakasunodsunod pagkasunod- organisasyon maaayos ang
ng ideya sa kabuuan sunod ng ngunit hindi organisyon at
ng talata, mabisa ideya sa masyadong walang
ang panimula at talata, may mabisa ang panimula at
malakas ang angkop na panimula at konklusyon.
kongklusyon simula at kongklusyon.
batay sa ebidensya. kongklusyon.
B. Lalim ng Napakalalim na Malalim na Mababaw at Napakababaw
Repleksyon makikita ang makikita ang hindi gaanong at walang
paguugnay ng dati at makikita ang pag-ugnay
dating kaalaman at bagong pag-uugnayan ang dati at
karanasan sa kaalaman. ng dating bagong
bagong kaalaman. kaalaman at kaalaman
bagong
kaalaman
C. Paggamit ng Napakahusay ang Mahusay Maraming mali Kailangang
Wika at paggamit ng wika, dahil sa grammar at baguhin dahin
Mekaniks walang mali sa kakaunti baybay halos ng
grammar, baybay, lamang ang gayundin sa pangungusap
at gamit ng bantas, mali sa gamit ng bantas ay may mali
may mayamang grammar, sa grammar,
bokabularyo. baybay at baybay at
gamit ng gamit ng
bantas bantas
D. Presentasyon Malinis at maayos Malinis May kahirapang Mahirap
ang pagkakasulat ngunit hindi unawain ang basahin, hindi
ng maayos ang pagkakasulat maayos at
talata pagkakasulat ng mga malinis ang
ng talata paangungusap pagkakasulat
ng talata

Ang pamantayan ay makikita sa link na ito:https://bit.ly/3kSBvm9

9 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
KARAGDAGANG
GAWAIN

A. Ang pinakamalaking hamon ko sa pagsulat ng isang repleksibong sanaysay


ay____________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________________

B. Nakatutulong sa akin ang pagsusulat ng repleksibong sanaysay dahil


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________

TAYAHIN

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod at isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Ang repleksibong papel ay isang pagsasanay sa ___


A. pagbubuhay-buhay C. pagkikilatis ng buhay
B. pagbabalik-tanaw D. paglalarawan sa buhay
2. Repleksibong papel ay isang gawaing humahamon sa ____
A. sariling kakayahan C. mapanlikha na kaisipan
B. mapanuring pag-iisip D. kakayahan ng iba

10 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
3. Kakaiba ang repleksibong sanaysay sa ibang akademikong sulatin dahil sa
A. Karaniwan ay kailangang sumangguni saibang akda.
B. Nanghihiram ng kaisipan sa ibang manunulat.
C. Nakabatay ito sa pagpapahayag ng manunulat ng sariling karanasan.
D. Dumadaan ito ng proseso at pananaliksik
4. Bago sumulat ng repleksibong sanaysay, tanungin muna ang sarili tulad
ng ____
A. Ano ang pakiramdam ko sa paksa?
B. Ano ang karanasan niya?
C. Bakit naaapektuhan siya?
D. Ano kaya ang magiging epekto nito sa kanya?
5. Sa pagsulat ng repleksibong sanaysay, dapat gumamit ng ebidensiya o
makatotohanang pahayag sa mga talata upang ____.
A. Mapatatag ang mga inilahad na opinyon
B. Mapatanto ang kanilang mga ideya
C. Mapakiling ang ibang mambabasa sa kanilang panig
D. Wala sa nabanggit
B. Panuto: Isulat ang titik A kung wasto ang pahayag at B kung hindi sa patlang bago
ang bilang.
____1. Ang pagsulat ay isang pangangailangan.
____2. Ang sintesis ay buod.
____3. Kailangang mataas ang pag-iisip ng akademikong pagsulat.
____4. Hindi nabibilang sa akdemikong sulatin ang repleksibong sanaysay.
____5. Ang mahusay na akademikong manunulat ay may mababang pag-iisip at
hindi mapanuri.
____6. Nagsusulat ang tao upang magpahayag ng damdamin.
____7. Gumamit ng deskriptibong wika sa pagsusulat ng repleksibong sanaysay.
____8. Kailangang isulat ang anumang pumasok sa isipan.
____9. Ang pagsulat ng sanaysay na ito ay hindi limitado sa paglalarawan o
paglalahad ng kuwento.
____10. Nakabatay sa sariling karanasan o karanasan ng ibang tao ang
nilalaman ng repleksibong sanaysay.

11 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

12 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
MGA SANGGUNIAN

Dela Cruz, Mar Anthony.Simon. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik


(Makati City: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016), pp. 35-39.

Awiting “Anak”, ni Freddie Aguilar https://bit.ly/30cwOvH

“Bayan Ko”, ni Freddie Aguilar https://bit.ly/335XPCU

13 NegOr_Q2_PL_Akademik12_Modyul5_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: [email protected] Website:
lrmds.depednodis.net

You might also like