Task 3-Week 1
Task 3-Week 1
Task 3-Week 1
Gawain 1:
Panuto: Pumili ng tatlo sa mga uri ng teksto. Ipakita ang kaibahan ng bawat isa sa pamamagitan ng
pagbibigay ng sariling pakahulugan sa mga uri nito. Magbigay ng isang halimbawa na maaaring nabasa
o napakinggan. Huwag kalimutang itala ang mga pinagkunan ng impormasyon.
A. Uri ng Teksto
Kahulugan
Halimbawa
Sanggunian
B. Uri ng Teksto
Kahulugan
Halimbawa
Sanggunian
C. Uri ng Teksto
Kahulugan
Halimbawa
Sanggunian
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain. Suriing mabuti ang nilalaman ng balita. Tukuyin kung anong uri ng teksto
ang makikita sa iyong binasa. Isulat ang bahagi ng tekstong nagpapatunay sa uri nito. Ipaliwanag kung
bakit ito naging bahagi ng gayong uri ng teksto. Isulat sa sagutang kuwaderno ang sagot.
MARAMI ang nangamba sa sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III noong Miyerkules na
nananalasa na raw ang second wave ng COVID-19 sa bansa. Noong Marso pa raw ito nag-umpisa kung
saan biglang dumami ang mga nagpositibo sa virus. Ayon kay Duque, ang first wave umano ay nangyari
noong Enero kung saan isang turistang Chinese mula sa Wuhan ang nagpositibo at sunod-sunod na ang
pagdami ng kaso. Sa kasalukuyan, 13,597 na ang positibo sa COVID-19 sa bansa at 857 na ang
namamatay.
Ang pahayag ng Health secretary ay sinansala naman ng Malacañang at sinabing first wave pa lang ang
nararanasan ng bansa sa kasalukuyan. Wala raw katotohanan ang ipinahayag ng DOH na second wave.
Kaniyakaniya raw kasi ng interpretasyon ang mga tao. Sabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque,
para ring abogado ang mga doktor na may kaniya-kaniyang opinyon o interpretasyon.
Ang pahayag ni Duque na nasa second wave na ang bansa ay eksaktong isang linggo makaraang isailalim
sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at Laguna. Sa ilalim ng MECQ,
maaari nang magbukas ang ilang malls, establisimento at pabrika pero mahigpit pa ring ipatutupad ang
social distancing at pagsusuot ng face mask. Sa pagluwag, biglang nagdagsaan sa mall ang mga tao na
sabik na sabik dahil sa dalawang buwan na lockdown. Nagkaroon din ng trapik sa EDSA at iba pang
malalaking kalsada nang dumagsa ang mga motorista.
Nagpaumanhin si Roque sa mamamayan sa idinulot na pangamba bunga ng sinabing second wave. Wala
raw intensiyon ang pamahalaan na maghatid ng takot sa sambayanan.
Wala namang dapat ipangamba sa sinabi ng DOH. First wave o second wave man ang nararanasan
ngayon, ang mahalaga ay ipagpatuloy ng mamamayan ang pag-iingat at pagiging alerto. Mahigpit na
ipatupad ang social distancing. Huwag papasukin sa mall, groceries at iba pang establisimento ang
walang face mask. Ipagbawal ang pagkumpol-kumpol ng mga tao. Malalabanan ang virus na ito kung
susunod sa mga ipinag-uutos at makababalik na sa normal ang pamumuhay at gugulong ang negosyo.
Huwag mangamba.
Pangamba sa second wave (2020, May 23) Pilipino Star Ngayon https://www.philstar.com/pilipino-
star-ngayon/opinyon /2020/05/23/2015861/editoryal-pangamba-sa-second-wave
Gawain 3
Panuto: Pumili ng napapanahong balita. Sumulat ng isang sanaysay na maiuugnay mo ang balita sa iyong
sarili, iyong pamilya, iyong pamayanan, iyong bansa o sa daigdig. Pumili ng tekstong nais gamitin sa
paglalahad. (Impormatib, Persuweysib, Argumentatib, Deskriptib, Naratib, Prosidyural). Isulat ito sa
isang buong papel.
Tayahin
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang kuwaderno.
Para sa bilang 1-5 tukuyin kung anong uri ng teksto ang iyong binabasa.
1. “Baka makipag-away ka na naman, Impen,” tinig iyon ng kaniyang ina. Nangangaral na naman.
Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng mumo sa
kamay. ( simula ng “Impeng Negro” ni Rogelio Sikat)
(Baisa, AileneG. At Dayag, Alma M. (2004) Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan.
Quezon City: Phoenix Publishing House.)
A. Impormatib C. Persuweysib
B. Naratib D. Prosidyural
2. “Maliwanag na sinusubukan na naman sa halalang ito ang luma nang taktikang divide and rule
na pamana ng diktadurang US sa kaniyang mga puppet regimes. Nakasalalay din sa Batasang
election ang pang-militar at pang-ekonomiyang katatagan sa atin ng Amerika… na ang pananatili
dito’y higit namang naglulublob sa kahirapan sa mga mamamayang Pilipino. Pero hindi na tayo
palilinlang. Hindi natin isusuko ang pakikipaglaban natin para sa ating mga karapatan! Boykotin
natin ang election “84!”
( Bautista, Lualhati. (1983) Bata,bata… Pa’no Ka Ginawa?.Mandaluyong: Carmelo & Bauermann Printing
Corp., 1988 at ng Cacho Publishing House, 1991.)
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib
3. Nagising ako kanina, humihingal at pawis na pawis. Nakataas ang kaliwa kong kamay, naninigas,
hindi ko maibaba. Sa panaginip ko, may malaking babae, nakasuot ng itim pero hindi ko kita ang
mukha, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mailingon ang ulo ko. Madiin at masakit ang
pagkakahawak nya sa ‘kin. Napansin ko na itim ang mga kuko nya, graya ang kulay ng balat.
Nakakatakot. Parang ganito rin ang panaginip ko nung isang linggo.
(Ong, Bob. (2010) Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan. Pasay City: Visprint, Inc.)
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib
4. Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya sa pagtuturo ay
binibigyan din niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang mapagtagumpayan ko ang hamon sa
aking buhay. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pahayag?
B. Obhektibo D. Subhektibo
7. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga bagong
impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at
kaisahan.
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatib?
D. Lahat ng nabanggit.
9. Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar, at bagay.
Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib
10. Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o paglalahad
ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng teksto ang photo essay?
A. Deskriptib C. Persuweysib
B. Impormatib D. Prosidyural
11. Gumagamit ang may-akda ng argumento. Ang argumento ay binubuo ng batayan at ng kongklusyon.
Ang batayan ay resulta ng obserbasyon. Ang kongklusyon naman ay nagmumula sa obserbasyon.
12. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring nakita,
hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o dipiksyon, maaari ding likhang-isip lamang ng
manunulat o piksyon.
A. Argumentatib C. Naratib
B. Deskriptib D. Persuweysib
13. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay impormasyon at instruksiyon kung paano
isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. Deskriptib C. Persweysib
B. Impormatib D. Prosidyural
14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi katangian at nilalaman ng mahusay na tekstong
argumentatib?
15. Ito ay matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi direkta o tahasang
ipinaliwanag sa teksto.
Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili ng limang akda o teksto. Maaaring kumuha sa aklat o internet. Pumili ng bahagi ng akda
at suriin kung sa anong uri ng teksto ito nabibilang. Tukuyin ang tekstong kinabibilangan nito. Itala ang
sangguniang pinagkuhaan ng impormasyon.
1. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________