Antas NG Pagbasa
Antas NG Pagbasa
Antas NG Pagbasa
1)
Nathan Bobier 11 – Hawking (ABM)
Primarya
1. Karaniwan ko itong nagagawa kapag may pinapabasang maikling kwento sa
eskwelahan bilang aktibidad. Karaniwang itinatanong ang mga bagay tulad ng
oras, setting, mga karakter at iba pa kaya naman maaring primaryang
pagbabasa lang ang aking isagawa.
Mapagsiyasat
1. Karaniwan ko itong ginagawa sa silid-aklatan, mga bookstore o sa mga online na
e-book upang malaman lang ang introduksyon ng kwento o ang genre nito upang
malaman kung ako ba ay interesado dito o kung magugustuhan ko ba itong
basahin.
Analitikal
1. Karaniwan ko itong naisasagawa kapag nagbabasa o nirereview ang mga pinal
na gawain sa eskwelahan tulad ng mga sanaysay at iba pang teksto. Sapagkat
dapat tama o tumpak ang mga impormasyon na nakalagay sa teksto at dapat din
ay wala itong mali sa gramatika. Maliban dito dapat din ay nauunawaan ko ng
maayos ang aking isunulat upang maipahayag ang aking mensahe at opinion ng
maayos.
Sintopikal
1. Karaniwan ko itong isinasagawa kapag may nababasa akong mga artikulo at iba
pang teksto sa internet. Sa pamamagitan ng mga impormasyon na aking nakalap
nakakabuo ako ng koneksyon sa mga naaral ko sa paaralan. At nagagamit ko ito
upang lumawak ang aking kaalaman sa iba’t ibang ideya.