FPL Akad Q2 W4b Bionote Dawayen V4
FPL Akad Q2 W4b Bionote Dawayen V4
FPL Akad Q2 W4b Bionote Dawayen V4
HILDA C. DAWAYEN
Tagapaglinang
Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
2
ALAMINTIVes
Para sa tagapagdaloy:
Hello po. Bilang tagapagdaloy ng modyul, mangyaring pakigabayan ang mag-
aaral sa kaniyang pagbabasa at pagsasagot sa materyal na ito. Hanggat maaari,
pakiusapan ang mga magulang o mga tagagabay ng mga mag-aaral na sundin ang
mga lahat ng mga instruksyon sa paggamit ng modyul bilang pangunahing
tagasuporta sa akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral. Mahalagang
pakatatandaan na gamitin ng mga mag-aaral ang mga nakalakip na Sagutang
Papel sa pagsagot sa bawat gawaing matutunghayan sa materyal na ito.
Para sa mag-aaral:
Hello mga ginigiliw naming mag-aaral! Malugod na pagtanggap sa
asignaturang Filipino sa Piling Larang-Akademik , Quarter 2 -Modyul 4 para sa
araling Ang Bionote.
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat at ayon sa layunin ng paggamit nito.
Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na Sagutang Papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
3
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang SAGUTANG PAPEL ng modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
SUBUKIN
PANIMULANG PAGTATAYA
Alamin muna natin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Basahin mo at
unawain ang mga sumusunod na tanong at sagutin nang buong husay. Piliin ang
letra ng wastong sagot at itala sa iyong sagutang papel.
4
5. Sa aling panauhan dapat isulat ang isang Bionote?
A. Unang Panauhan C. Ikatlong Panauhan
B. Ikalawang Panauhan D. Lahat ng nabanggit
6. Ang Bionote ay karaniwang matutunghayan sa anong bahagi ng aklat?
A. Panloob na Pabalat C. Gitnang bahagi ng aklat
B. Pinakaharap na Pabalat D. Wala sa nabanggit
7. Kadalasan ang biodata, resume o bionote ay isinusulat dahil sa
layuning_______
A. Personal C. Pampropesyonal na layunin
B. Pampinansiyal D. Pangsiyentipikong layunin
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa karaniwang nilalaman ng isang
bionote?
A. Larawan at pangalan ng awtor C. Pinagtuturuang paaralan
B. Natapos na digri D. pisikal na katangian
9. Ito ang pinakalayunin ng Bionote
A. Maipagmalaki ang sarili C. Maipakilala ang sarili sa madla B.
Makabuo ng sariling talambuhay D. Maiisa-isa ang magagandang katangian
10. Alin sa mga sumusunod ang masasabing kahalagahan ng pagsulat ng Bionote?
A. Nasusuri ang kalidad ng isang manunulat
B. Nakikilala ang pagkatao ng isang manunulat
C. Naipakikilala ang sumulat ng aklat sa pamamagitan ng maikling profayl nito
D. Lahat ng nabanggit
11. Ang bionote ay madalas na nakikita at nababasa sa mga ____
A. Modyul C. magasin
B. Aklat D. pahayagan
12. Pinakaangkop na katangian ng Bionote
A. Maikli ang nilalaman C. kailangang malaman
B. Mahaba ang nilalaman D. wala sa nabanggit
13. Kung ang Pagsulat ng Bionote ay gagamitin sa Resume kailangang maisulat ito
gamit ang ilang bilang ng salita?.
A. 100 salita B. 150 na salita C. 200 na salita D. 250 na salita
14. Sa pagsulat ng kaligirang pang-edukasyon, alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang?
A. Buhay kabataan C. Digri
B. Paaralang pinag-aralan D. Karangalan
15. Gawing simple ang pagkakasulat ng isang bionote, ito ay nangangahulugang
___
A. Gawing maiksi lamang ang isinulat
B. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan
C. Pag-iwas sa paggamit ng kakaunting pagpapatawa
D. Umiwas sa pagsulat ng mga di-kanais-nais sa mga mambabasa
5
Aralin 4 – Filipino sa Piling Larang
(Akademiks) : Ang Bionote
BALIKAN
Napag-aralan mo sa mga nakaraang aralin na isa sa mga kasanayang dapat
mong matutuhan ay ang kakayahang bumuo ng isang paglalagom o buod. Ang
lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang akda. At natalakay natin na
ang pag-aaral sa iba’t ibang uri ng lagom ay makatutulong sa totoong buhay ng
propesyon at pagtatrabaho – tinalakay na natin ang ang naunang dalawang uri ng
lagom -ang Abstrak at Buod at Sintesis
Basahin ngayon ang mga pahayag sa ibaba . Ang mga Gawain sa bahaging
ito ay makatutulong upang malaman muna natin kung ano na ang mga taglay mong
kaalaman at karanasan sa pagsusulat.
..
GAWAIN 1: Mga Uri ng Lagom
Ngayon ang iyong gampanin ay pagtukoy sa uri ng lagom sa mga sumusunod
katangian sa bawat bilang. Isulat ang letrang A kung ito ay Abstrak at letrang S
naman kapag ito ay Sinopsis .
1. AKA___DE___KONG ___LA___N
2. PAG ____ LA ____ M
3. ABS_____K
4. SI _____P____ S
5. BI ____OT ___
6
TUKLASIN
Kakailanganin mo ngayong ituon ang atensyon sa ating bagong aralin. Punan
ang Graphic Organizer upang matukoy ang bagong uri ng Lagom na ating
pagaaralan.
SURIIN
Alam mo ba….
Pinag-usapan na natin sa mga mga naunang aralin ang mga naunang uri ng
Paglalagom – Ang Abstrak at ang Sinopsis o Buod .
Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for
Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod
ng kaniyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal,
aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya
ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin
ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” makikita sa mga
social network o digital communication sites. Halimbawa nito ay ang bionote o
pagpapakilala sa sarili ng mga gumagawan ng blog. Ito ang nagpapakilala ng ilang
mahahalagang detalye sa buhay ng kung sino ang nasa likod n blog. Ito rin ay
maaaring magamit ng taong naglalathala ng isang aklat o artikulo. Sa madaling
salita, layunin ng bionot na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng
pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga
nagawa o ginagawa sa buhay.
8
• 4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita
upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong
maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan. May ibang
gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-wili ito sa
mga mambabasa, gayunman, iwasang maging labis sa paggamit nito.
Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
• 5. basahing Mabuti at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.
Maaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak
ang katumpakan at kaayusan nito.
• Sanggunian: http://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-you-self.html.
9
Gumagamit ng baligtad na tatsulok mula sa pinakamahalaga hanggang sa
hindi gaanong pinakamahalaga
Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
Binabanggit ang degree kung kailangan
Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
https://philnews.ph/2019/07/25/bionote-ang-kahulugan-at-mga-halimbawa/
PAGYAMANIN
Gawain 1: Pagsasaayos ng Bionote
Isaayos ang Bionote ni Pat Villafuerte gamit ang letrang A-J batay sa
wastong pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang impormasyon mula sa
kaniyang talambuhay. Gamiting gabay ang mga impormasyong nasa ibaba.
Isulat ang sagot sa Sagutang Papel
Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay
kabataan hanggang sa kasalukuyan
Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan
Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at
adbokasiya
11
Basahin ang isang halimbawa ng bionote ng isang manunulat mula sa aklat ,
pagkatapos ay tukuyin ang bahagi ng ng bionote sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungan sa ibaba.
1. Ano ang unang mababasang personal na impormasyon ang nakalagay sa
bionote? x
2. Sa kaniyang kaligirang pang-edukasyon, saan siya huling nagsagawa ng pag-
aaral?
3. Ibigay ang mga naiambag niya sa larangang kaniyang kinabibilangan. Magbigay
ng tatlo lamang na uri ng akda na kaniyang isinulat.
ISAISIP
Gawain: Pagpapaliwanag
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________
ISAGAWA
Gawain: Pagsulat ng Sariling Bionote
Ipagpalagay nating natapos mo na ang nais mong kurso sa kolehiyo at
kasalukuyang nagtatrabaho ka na sa larangan na iyong napili. Gumawa ng sariling
BIONOTE sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga angkop na impormasyon sa
gawaing ibibigay . Isaalang-alang mga mga bagay na dapat ilagay .
BIONOTE
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
12
____
Rubrik ng Pagmamarka (10 ang pinakamataas at 7 ang pinakamababa)
Katangian 10 8 7
1. Nakasusulat nang maayos na sulatin
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin.
3.Nailalahad ang mahahalagang impormasyon
sa personal na katangian, kaligirang
pangedukasyon at ambag sa larangang
kinabibilangan.
Kabuuan:
TAYAHIN
PANAPOS NA PAGTATAYA
Masusukat naman sa bahaging ito ang lawak ng iyong natutunan gamit ang modyul
na ito. Sagutin ang panapos na pagtataya.gamit pa rin ang iyong Sagutang
Papel..:
Tukuyin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
13
6. Madalas na nakikita o nababasa ang bionote sa isang aklat sa aling pahina
nito?
A. Gitnang pahina ng aklat C. Panloob na Pabalat
B. Pinakaharap na Pabalat D. Wala sa nabanggit
7. Kadalasan ang biodata, resume o bionote ay isinusulat dahil sa
layuning_______
A. Personal C. Pampropesyonal
B. Pampinansiyal D. Pangsiyentipiko
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa karaniwang nilalaman ng isang
bionote?
A. Larawan at pangalan ng awtor C. Pinagtuturuang paaralan
B. Natapos na digri D. pisikal na katangian
9. Ito ang pinakalayunin ng Bionote
A. Maipagmalaki ang sarili C. Maipakilala ang sarili sa madla B.
Makabuo ng sariling talambuhay D. Maiisa-isa ang magagandang katangian
10. Alin sa mga sumusunod ang masasabing kahalagahan ng pagsulat ng Bionote?
A. Nasusuri ang kalidad ng isang manunulat
B. Nakikilala ang pagkatao ng isang manunulat
C. Naipakikilala ang sumulat ng aklat sa pamamagitan ng maikling profayl nito
D. Lahat ng nabanggit
11. Ang bionote ay madalas na nakikita at nababasa sa mga ____
A. Modyul C. magasin
B. Pahayagan D. aklat
12. Ito ang pinakaangkop na katangian ng bionote
A. Mahaba ang nilalaman C. kailangang malaman
B. Maikli ang nilalaman D. wala sa nabanggit
13. Kung ang pagsulat ng bionote ay gagamitin sa resume kailangang maisulat ito
gamit ang ilang bilang ng salita?.
A. 200 salita B. 150 na salita C. 100 na salita D. 250 na salita
14. Alin sa mga pagpipilian ang hindi kabilang kapag nagsusulat ng kaligirang
pang-edukasyon?
A. Digri C. Buhay kabataan
B. Paaralang pinag-aralan D. Karangalan
15. Kapag sinabing gawing simple ang pagkakasulat ng isang bionote, ito ay
nangangahulugang ____
A. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan
B. Pag-iwas sa paggamit ng kakaunting pagpapatawa
C. Umiwas sa pagsulat ng mga di-kanais-nais sa mga mambabasa
D. Gawing maiksi lamang ang isinulat
14
15
16
TALASANGGUNIAN
Aklat
Bernales, Rolando. et.al. (2013). Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong
Komunikasyon. Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.
Garcia, Florante (2017). Pintig Senior High School Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Quezon City, SIBS Publishing House, Inc.
Internet
https://search.yahoo.com/search?fr=mcafee&type=E211US714G0&p=paggawa+ng+bionote
+activities https://philnews.ph/2019/07/25/bionote-ang-kahulugan-at-mga-halimbawa/
https://www.slideshare.net/yrrehc04rojas/pagsulat-ng-bionote
https://www.paanohow.com/edukasyon-at-pag-aaral/paano-gumawa-ng-bionote-
biographical-note/
17
Para sa mga katanungan, puna o fidbak, sumulat o tumawag:
18