Module 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

SHS

Filipino
Piling Larang (Tech-Voc)
Modyul 1:
Hatak ng Negosyo
KARAPATANG SIPI ©2020

Filipino – SHS Baitang 11/12


Piling Larang: Akademik – Modyul 1 : Hatak ng Negosyo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Baby Joy P. Payapag


Editor: Leopoldo C. Brizuela Jr. Rosemarie M. Nocedo
Bernardita Jaucian Maan A. Lomadilla
Tagasuri ng Nilalaman: Nora J. Laguda
Leopoldo C. Brizuela Jr.
Gumuhit ng Larawan: Jotham D. Balonzo
Nagdisenyo ng Pahina: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo

Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)


SHS
Filipino
Piling Larang – Akademik
Modyul 1:
Hatak ng Negosyo
Ang kagamitang ito ay nabuo sa tulong ng pampublikong kaguruan,
tagamasid sa Filipino at mga kaagapay sa sektor ng edukasyon, Hinihikayat
ang inyong pagtugon, puna at mungkahi sa ikauunlad ng kagamitan

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong mga tugon, puna at


mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)


Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

2
Hatak sa Negosyo

Panimula:

Magandang araw!

Kumusta kaberks?
Ayos ka lang ba?
Mabuti naman kung gano’n. Pero bago yan, matanong nga
kita, ano ang binabalak mong gawin pagkatapos mo ng SHS?
Ikaw ba ay magtatayo ng negosyo o magpapatuloy pa ng pag-aaral? Ano man sa
dalawa ang piliin mo’y tiyak na makakatulong ang araling ito saiyo.
Sa modyul na ito ay bibigyang lawak ang pag-unawa mo sa
komunikasyong teknikal at inaasahan na ikaw ay makabubuo ng isang blog. O,
kayang-kaya di ba? Halika simulan na natin!

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nabibigyang-kahulugan ang teknikal at
bokasyunal na sulatin.

Layunin

May mga bagong salita na dapat mong kilalanin


para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito upang
ganap mong maunawaan ang mga susunod na talakay
tungkol sa ating paksa.

Talasalitaan
Basahin natin.

Komunikasyong teknikal

3
ay maituturing ding applied
na uri ng komunikasyon na
ang mensahe ay nakalaan
lamang para sa inaasahang
tagatanggap nito na
nagangailangan ng agarang
pagtugon o paglunas sa
isang suliranin.

awdiyens –

nagsisilbing tagatanggap ng
mensahe at maaaring siya
ay isang tagapakinig,
manonood, o mambabasa

estilo-

layunin- Kinapalolooban ito ng tono, boses,


pananaw, at iba pang paraan kung
ito ang dahilan kung bakit papaanong mahusay na
kinakailangang maganap ang
maipadadala ang mensahe
pagpapadala ng mensahe

pormat-
tumutukoy ito sa ginabayang
estruktura ng mensaheng ipapadala

sitwasyon- nilalaman –

pagtukoy ito sa estado kaugnay dito nakasaad ang daloy ng


ng layuning nais iparating ng ideya ng kabuuang mensahe
mensahe ng komunikasyon

Ano ba ang alam mo na sa ating


aralin?

4
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong na
makikita sa ibaba. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Panimulang Pagsubok

1. Ang mga sumusunod na sulatin ay maituturing na


komunikasyong teknikal-bokasyunal maliban sa
____________.
a. flyers b. pananaliksik c. liham pangnegosyo d. anunsiyo

2. Ano ang mas angkop na paglalarawan ang maaari mong


ibigay sa komunikasyong teknikal-bokasyunal?

a. makatotohanan b. malawak c. may dulog personal d. naglalarawan

3. Ang elementong ito ng komunikasyong teknikal ay


tumutukoy sa tagatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang
tagapakinig, manonood, o mambabasa.

a. awdiyens b. layunin c. estilo d. pormat

4. Kailangang may lubos na kasanayan ang mga taong sumusulat ng


komunikasyong teknikal upang __________________.

a. maintindihan ng babasa at maisagawa ang pagkilos na inaasahan.


b. mapalawak ng mambabasa ang kanyang kaalaman.
c. maiwasto ang isang isang pagkakamali
d. magpasaya ng tao

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina ng Susi sa Pagwawasto ang wastong
sagot sa mga tanong.
Saang antas ka kaya nabibilang?

4 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3 tamang Sagot – MAGALING
5
2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
1 tamang sagot – KAYA MO YAN
Wow!!! Petmalu!!!

O, di ba kayang-kaya mong tukuyin katangian ng


sulating teknikal.

Halika, may inihanda pa akong mga dapat mong


matutuhan at ilang gawaing mas lalong
magpapaunlad sa iyong pagkatuto.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Ang Teknikal-Bokasyunal na Sulatin

Kasing tanda na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang


komunikasyon. Sa katunayan ang mga guro, mga pilosopo, at mga iskolar ay
matagal ng tinutugunan ang mga hadlang tungo sa mabisang komunikasyon. Gaya
na lamang sa pag-aaral ni Aristotle ng Retorika, mahusay niyang pinag-iba ang
panghihikayat at argumento. Aniya, ang panghihikayat ay nakatuon sa kaparaanan
kung papaano maiangat ang interes ng mambabasa at tagapakinig, samantalang
argumento naman ay ang wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya.
Sa pananaw na ito mababakas ang pagsilang ng komunikasyong teknikal lalo na’t
pinahalagahan dito ang proseso o pag-eestruktura ng isang mensahe.
Sa huli ang pinakamainam na maisaalang-alang ay ang paglikha ng
mabisang mensahe.
Alam mo ba ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa sulating
teknikal? Sa paliwanag nina Martinez et al.(2010), ang komunikasyong teknikal
ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus sa pagsulat at pasalitang diskurso.

6
Samantala, ang sulating teknikal naman ay isa lamang sa maraming anyo
ng komunikasyong teknikal na nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula
sa isang disiplina.

?
___________________________________________
Ano nga ulit ang pagkakaiba ng
komunikasyong teknikal sa sulating
teknikal?

Tumpak! Ang komunikasyong teknikal ay may tiyak na anyo at nakapokus sa


pagsulat at pasalitang diskuro samantalang ang komunikasyong teknikal ay
nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa isang disiplina.

Ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong anyo ng


komunikasyon. Karaniwan na itong maihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin
bagaman ito ay may tiyak na awdiyens, layunin, estilo, pormat, sitwasyon,
nilalaman, at gamit na siyang pangunahing elemento ng komunikasyong teknikal.

Laging isa-isip na kaiba ito sa mga akademikong sulatin na karaniwang


isinasagawa sa klase gaya ng sanaysay, pananaliksik, analitikong papel at iba pa.
Iba rin ang komunkasyong teknikal sa malikhaing pagsulat dahil ang huli ay may
Ipagpatuloy mo ang
dulog na personal at maaaring hindi gaanong nagtataglay ng katotohanan o facts.
pagbasa at sagutin ang mga tanong.
________________________________________________________________

? Ano naman ang pagkakaiba


komunikasyong teknikal sa akademikong
pagsulat.
ng

Tama! Ang komunikasyong teknikal ay may dulog na personal at maaaring hindi gaanong
nagtataglay ng katotohanan o facts.

Sa isang komersyal o patalastas ng mga produkto, malimit gamitin ang ganitong


uri ng sulatin upang umakit ng mga suki o kostumer sa uri ng kanilang ibinibenta,
mapa-poster, slogan, bill board, video at audio man ang mga ito.

Nariyan ang mga sikat na tag line na kilalang-kilala ng karamihan:

 It won’t let you down - ng Rexona;


 Let’s sit and talk for a while in a one world of Nescafee – ng Nescafee;
 Huwag mahihiyang magtanong- ng RiteMed;
 Ingat! – ng Biogesic;

7
 Bida ang saya – ng Jollibee
 Yummy! – ng 555 Tuna

At marami pang iba.

Mga Elemento ng Sulating Teknikal-Bokasyunal:

1. Awdiyens - nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang


tagapakinig, manonood o mambabasa.
2. Layunin – ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang
pagpapadala ng mensahe.
3. Estilo – kinapapalooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang
paraan kung papaanong mahusay na maipapadala ang
mensahe.
4. Pormat – tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng
ipadadala.
5. Sitwasyon – pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng
mensahe.
6. Nilalaman – dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng
komunikasyon.
7. Gamit – ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na
maipadala ang mensahe.

? Ano-ano ang elemento ng komunikasyong teknikal?

___________________________________________________________________________
Tama! Ito ay ang awdiyens, layunin, estilo, pormat, sitwasyon, nilalaman at
gamit.
___________________________________________________________________

Pansinin ang halimbawa:

Patalastas: Biogesic- ni John Lloyd Cruz

Awdiyens: - mga magulang at anak

Layunin: - gamutin ang lagnat at sakit ng ulo

Estilo: - ipakita ang pagkakamaalahanin ng isang anak sa


Magulang o magulang sa anak

Pormat: - iskrip ng komersyal

8
Sitwasyon - masamang pakiramdam ng isang tauhan at bibigyan ng
ng Biogesic na may kasamng pag-aalala at pagmamahal

Nilalaman - ang tag line na “INGAT!” ay isang ugaling Pilipino na


nagpapakita ng kabuuan ng patalastas. Ito ay
nagpapakita ng pagmamahal at pag-aalala s amahal sa
buhay.

Gamit - upang gumaling

Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal

1. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens - Ang mensahe ay kinakailangang


mula sa pananaw ng awdiyens at hindi sa manunulat.

2. Nakapokus sa subject - Sa pagsulat teknikal higit na binibigyang-pansin ang


pangunahing paksa ng usapan dahil dito ibinabatay ang lahat ng
impormasyong sangkot sa pagtalakay.

3. Kumakatawan sa manunulat - Ang katangiang ito ang nagpapakilala kung


ano at sino ang sumulat o ang kultura ng organisasyong kaniyang
kinabibilangan. Tumutukoy rin ito kung anong imahe ang nais ipakita ng
manunulat na sumasalamin sa samahang kabahagi siya.

4. Kolaborasyon - Maituturing itong proceso tungo sa mahusay na pagbuo ng


anumang uri ng komunikasyong teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba’t
ibang indibidwal na may magkakaibang kasanayan sa pagbuo ng
komunikasyong inaasahan.

?
_______________________________________________________
Ano-ano ang katangian ng komunikasyong teknikal?

___________________________________________________

Tumpak! Ito ay ang oryentasyong nakabatay sa awdiyens, nakapokus sa subject,


kumakatawan sa manunulat at kolaborasyon.
__________________________________________________________________

9
Ipagpatuloy mo.

_________________________________________________________________

Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa Modernong Panahon.

Interaktibo at Angkop

Pokus sa Mambabasa

Nakabatay sa Kolektibong Gawain


Komunikasyong
Teknikal-Bokasyunal Biswal

Etikal, Legal, at Politikal na Katanggap-tanggap

Pandaigdigan at Tawid-Kultural

Ipinapaliwanag sa mga susing gabay na ito ang komunikasyong teknikal-


bokasyunal bilang espesyalisadong disiplina. Kailangang may lubos na kasanayan
ang mga taong ng komunikasyong teknikal upang maintindihan ng babasa at
maisagawa ang pagkilos na inaasahan.

Sa modernong panahon ng komunikasyon, hatid ng kompyuter ang mabilis at


sapat na daloy ng impormasyon bunsod ng internet. Sa pamamagitan nito
napadadali ang access ng mga tao sa lahat ng uri ng kaalamang nais niyang
matamo. Gamit ang mga website, iba’t ibang search engines, elektronikong liham, at
iba pa, nagiging mabilis ang proseso ng impormasyon.

Mahalaga rin na ang impormasyon ay nakasentro sa mga mambabasa nito


upang maging sapat, madaling maunawaan, marating at makatugon sa
kinakailangan nila. Upang maisakatuparan ito, ang mga ilalahad na impormasyon ay
nararapat na nagtataglay ng wastong mga tala, dayagram, at iba pang anyo ng
ilustrasyon bilang mga biswal na pantulong.
__________________________________________________________________

Magpatuloy ka.

Mag In or Out tayo para sa ilan pang karagdagang kaalamang dapat mong
matutunan sa teknikal-bokasyunal na sulatin.
Kailangang may lubos na kasanayan
ang isang tao sa teknikal-bokasyunal
na sulatin upang maintindihan ng
babasa
10 at maisagawa ang pagkilos na
inaasahan. In or Out?
In. Ito’y isang kaparaanan upang
maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan ng mga taong
sangkot sa komunikasyon.

Sa pagsulat ng komunikasyong teknikal-


bokasyunal, mahalaga na ang impormasyon ay
nakasentro sa mga manunulat nito upang
maging sapat, madaling maunawaan, marating at
Ang mga ilalahad na
makatugon sa kinakailangan nila. In or Out?
impormasyon ay
Fact or Bluff?
nararapat na
nagtataglay ng Out. Dapat tandaan na sa pagsulat ng komunikasyong
wastong mga tala, teknikal, mahalaga na nakasentro ang pagsulat sa mga
dayagram, at iba pang mambabasaa o tatanggap ng mensahe.
anyo ng ilustrasyon
bilang mga biswal na
pantulong. In or Out? In. Mas magiging madali para sa mga mambabasa ang
pagkuha ng wastong impormasyon gamit ang mga tala,
dayagram, at iba pang ilustrasyon. Mas gusto nila itong
basahin kumpara sa mga nakasulat na teksto.

Ang teknikal-bokasyunal na sulatin


ay mas personal kaysa sa
akademikong sulatin. In or Out?
In. Tandaan na ang na ang sulating teknikal
ay nakatuon sa damdamin ng mambabasa, di
tulad ng sa akademikong sulatin na nakasentro
sa katotohanan.

Hindi saklaw ng komunikasyong


teknikal-bokasyunal ang paggamit
ng video, audio, slides at iba pang
uri ng multimedia na kagamitan.11In
or Out?
Out. Ang multimedia ay isa sa kaparaanan upang mas mapadali ang pagpapahayag
ng mensahe sa kasalukuyang panahon kung kaya’t saklaw rin ng teknikal-
bokasyunal na sulatin ang paggamit ng mga kagamitang ito.

Yehey!!! Like mo ba ang ating talakay?

Mabuti kung ganoon. Natutuwa akong unti-unting nagiging


malinaw sa iyo ang mga bahagi ng talumpati at kung ano ang
mga dapat pang isalalang-alang nito sa paghahanda.

Ipagpatuloy mo pa.
Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong
nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Basahing mabuti ang mga pangungusap sa


ibaba.
___________________________________ Pagsasanay 1
Ipares-mo!
Panuto: Ipares mo ang Hanay COVID ang
kahulugan ng elemento ng komunikasyong
teknikal sa Hanay Virus.

COVID VIRUS
1. Estilo a. tumutukoy ito sa ginabayang
estruktura ng mensaheng ipapadala

12
2. Awdiyens b. dito nakasaad ang daloy ng ideya
ng kabuuang mensahe

3. Pormat c. nagsisilbing tagatanggap ng


mensahe at maaaring siya ay isang
tagapakinig,manonood o mambabasa.

4. Nilalaman d. kinapapalooban ito ng tono,


boses, pananaw at iba pang paraan
kung papaanong mahusayna
maipadadala ang mensahe

5. Layunin e. ito ang dahilan kung


bakit kinakailangang maganap ang
pagpapadala ng mensahe.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina ng Susi sa Pagwawasto.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang


pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2 Ano ang Naiiba?


Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba,
isulat ang pagkakaiba ng komunikasyong
teknikal sa akademikong at malikhaing
sulatin.

Komunikasyong Akademikong Malikhaing Sulatin


Teknikal Sulatin

13
Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.
Saang pagsasanay ka nahirapan?
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa


naunang mga gawain upang
masagutan ang susunod na
pagsasanay.

SIPAT- ONLINE BUSINESS Pagsasanay 3

Panuto: Gamit ang iyong Facebook Account,


maghanap ng mga PATALASTAS ng mga online
sellers.

Kopyahin ang nilalaman ng dalawang patalastas na umagaw ng pansin sa iyo at ilagay sa


sagutang kuwaderno, at gawin ang hinihingi na makikita sa talahanayan sa ibaba.

PATALASTAS Awdiyens Layunin Estilo Pormat Sitwasyon Nilalaman Gamit


1.

2.

Iba ka talaga. Ang husay mo Lodi!

Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap? 14
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
gawin.

Panuto: Gamit ang gaphic organizer sa ibaba, ibigay


ang malinaw na ugnayan ng mahahalagang salita at
paliwanag upang maibigay ang kahulugan ng teknikal-
bokasyunal na sulatin.

TEKNIKAL-BOKASYUNAL
NA SULATIN

15
Pamantayan Puntos
1. Kahalagahan ng mga salita 5
2. Maayos na ugnayan 5
3. Balarila 5
Kabuoang Puntos 15

Yehey!

Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang


iyong mga sagot sa pahina 22..
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.

nagawa lahat
1 hindi nagawa
2 hindi nagaw
3 pataas hindi nagawa

16
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at
pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko pa ng
karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawaain
Panuto: Gumupit ng poster ng isang sikat na produkto at idikit sa journal/sagutang
kuwaderno. Ibigay ang pitong (7) elemento ng sulating teknikal-bokasyunal at lakipan ng
emoji na nasa ibaba, ayon sa iyong panlasa.
POSTER Awdiyens Layunin Estilo Pormat Sitwasyon Nilalaman Gamit

EMOJI

Leyenda:

Petmalu Ayos Ok

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang


saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.
Werpa di ba!!!?
Oh, hanggang sa muli!

17
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok
1. b
2. c
3. a
4. a
Pagsasanay 1 Panapos na Pagsubok
1. d Gagamitin ang Rubric sa pagmamarka ng awtput
2. c
3. a
4. b
5. e
Pagsasanay 2 Karagdagang Gawain
Subhetibo ang sagot Sariling Pagraranggo Gamit ang Emoji

18
Sanggunian

 Francisco, Christian George C., et al. 2017. Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc) Rex Bookstore, Incorporated.

Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o


tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: [email protected]

19

You might also like