Ikalima at Ikaanim Na Linggo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 58

: Pagsasaling-wika

Aralin 1. Pagbatid sa mga Pangunahing


Batayang Simulain sa Pagsasalin
LAYUNIN

Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na
kasanayan:

1. Nababatid ang pangunahing batayang simulain sa pagsasalin


2. Natutukoy ang mga katangiang dapat taglayin ng tagapagsaling-wika
3. Nabibigyang-puna ang mga pilosopiyang kaugnay ng pagsasalin

Panuto: Lagyan ng asteris ( * ) kung ang salitang nasa loob ng bilog ay angkop na salin ng
salitang nasa gitnang kahon at krus ( + ) naman kung hindi.

__1. riches

__2. poverty KAHIRAPAN _3. wealth

__4. difficulty

1
__5. desire

__6. aim ADHIKA __7. goal

___8. objective

 Mga gawain sa pagkatuto

1. Alamin mo…

Isang kilalang teorista at praktisyuner na nagngangalang Wilamowitz ang nagsabi na ang


pagsasaling-wika ay tulad ng paglilipat ng kaluluwa ng isang nilalang sa katawan ng isang
patay. Ang ganitong pahayag niya ay maituturing na eksaheradong paraan ng pagsasabi na
hindi biru-birong gawain ang pagsasaling-wika. Katunayan, nagkakaisa ang mga awtoridad
sa larangang ito na walang perpektong salin.

Kung may sampung tagapagsalin at bibigyan sila ng isang piyesa ng literatura upang isalin,
halimbawa ay isang tula, mapatutunayang ang resulta ay sampu ring iba’t ibang estilo ng
salin – nagkakaiba-iba sa mga salitang ginamit, sa paraan ng pagsasabi ng isang kaisipan,
sa balangkas ng mga taludtod at pangungusap at iba pa.

Pagsasaling wika - pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe ng


tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan (translation).

Ayon kay C. Rabin , 1958:

“Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o
pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa
isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.”

Ayon kay E. Nida, 1959/1966

“Ang pagsasaling-wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na


natural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una;y batay sa
kahulugan, at ikalawa’y batay sa istilo.”
2
Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang salita upang mabuo ang pangungusap. Piliin
ang titik ng tamang salita sa ibaba.

1. Si Milamowitz ay isang kilalang ___________ at praktisyuner.


2. Ayon sa kanya, ang _____________ ay tulad ng paglilipat ng kaluluwa ng isang
nilalang sa katawan ng patay.
3. Ang pagsasaling-wika ay hindi __________ gawain.
4. Nagkakaisa ang mga awtoridad sa larangang ito na walang ___________ salin.
5. Kung may sampung tagapagsalin at bibigyan ng isang piyesa ay mapatutunayang
ang resulta ay sampu ring iba’t ibang _________ ng salin.

a. pagsasaling-wika d. perpekto
b. biru-biro e. seryoso
c. teorista f. estilo

Narito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika.

A. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin:


Kailangang maging malawak at sapat ang kaalaman ng
tagapagsalin sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasaling-wika.
Hangga’t maaari, ang wikang pagsasalinan ay dapat na siyang unang
wika ng tagapagsalin. Dapat nating tandaan na sa kahit anong bagay,
ang kakarampot na kaalaman ay magiging mapanganib.

B. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin:


Nagiging mahusay at maayos ang pagsasalin kung ang
tagapagsalin ay may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay.
Kailangang interesado rito ang tagasalin.Makatutulong din nang
malaki kung makikipag-ugnayan ang tagapagsalin sa awtor.

3
C. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin:
Bawat wika ay nakaugnay sa kultura ng mga taong likas na gumagamit
nito. Ang Filipino ay wikang gamit natin sa pagpapahayag ng ating kultura at
saloobin; Ang Ingles naman ay wikang gamit ng mga Amerikano sa
pagpapahayag ng kanilang kultura at saloobin. Ang dalawang bansang ito ay
lubhang malaki ang pagkakaiba sa kani-kanilang kultura.
Mahihinuhang ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang
kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabibilangan nito. Kaya’t
marapat lamang na, upang maging makabuluhan at mabisa ang pagsasalin ay
magkaroon ng malawak at sapat na kaalaman ang tagapagsalin sa kultura ng
dalawang bansang kasangkot sa pagsasaling-wika.

 Matapos mong basahin ang paliwanag ay tiyak kong masasagot mo na ang


inihanda kong gawain para sa iyo.

Handa ka na ba?

A. Panuto: Isulat ang T kung tama ang ipinahihiwatig ng pahayag at M naman kung mali.
Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel.

_____1. Ang tagapagsaling-wika ay kailangang may sapat na kaalaman sa dalawang


wikang kasangkot sa pagsasalin.
_____ 2. Basta’t may alam sa paksa ay maaari nang magsaling-wika.
_____ 3. Hangga’t maaari, ang wikang pagsasalinan ay siyang unang wika ng tagapag-
salin.
_____ 4. Kailangang sapat ang kaalaman ng tagapagsalin sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin.
_____ 5. Kahit sino ay maaaring maging tagapagsaling-wika.

B. Panuto: Ayusin ang mga letra ng salitang dapat ipuno sa patlang upang mabuo ang
kaisipan nito.

1. Ang ___________________________ ay kailangang interesado sa paksang isasalin.

N G A S S L A I A G N - I W A K

4
2. Kailangang sapat ang _______________sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
A K L M A N A A

3. Makatutulong din nang malaki kung makikipag-ugnayan sa __________ ang tagapag-


salin.
O A T W R
4. Ang wikang pagsasalinan ay dapat na siyang unang _________ng tagapagsalin.

I W A K

5. Kailangang sapat ang kaalaman sa ______________ ng dalawang bansang kaugnay sa


pagsasalin.

A T U K U L R

C. Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang mga katangiang nabanggit sa bawat
bilang ay dapat taglayin ng isang tagapagsalin at malungkot na mukha ( ) naman kung
hindi.

___1. Interesado sa paksa ___2. Malawak ang


kaalaman sa kultura ng dalawang
wikang kasangkot.
___3. Nakikipag-ugnayan
sa awtor. ___4. Sapat na kaalaman sa
paksa.
___5. bihasa sa dawalang
wikang kasangkot

Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.

Gawain 2: Mga Nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling-wika

5
Napakaraming iba’t ibang simulain sa pagsasaling-wika na kalimitan ay nagsasalungatan.
Mahalagang mabatid natin ang mga ito upang maging mabisa ang ating pagsasalin.
Upang higit na maging malinaw sa iyo ay basahin at pag-aralan mo muna ang mga
paliwanag na aking ilalahad.

A.
Salita laban sa Diwa;
May ibang pangkat ng tagapagsalin ang naniniwalang hindi dapat sa
pagtutumbas ng mga salita ng isinasaling teksto nakabuhos ang atensyon ng
tagapagsalin kundi sa ideya o mensahe ng kaniyang isinasalin.

natutumbasan ng isa ring singkahulugang salita sa wikang pinagsasalinan.


Hindi maitatatwa na may mga salita sa wikang isinasalin na hindi

May mga pagkakataon na ang isang kaisipan o ideya sa isang wika ay hindi
maipahayag nang maayos sa ibang wika dahil sa magkalayong kultura ng
mga taong gumagamit sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Isa pa
, ang literal na salin ay hindi nagiging mabisa, lalo na kung ang kasangkot
na dalawang wika ay hindi magkaangkan.

 Naunawaan mo na ang inilahad kong kaalaman. Masasagot mo na siguro ang


inihanda kong gawain para sa iyo.

Handa ka na ba?

Panuto: Piliin ang higit na tiyak na kahulugan ng pangungusap na Ingles sa salin sa Filipino.
Titik lamang ang isulat.

1. Sing softly.
a. Umawit nang malambot c. Umawit nang mahina
b. Kumanta nang malambot d. Wala sa nabanggit

2. Sleep soundly.
a. Matulog nang mahimbing c. Matulog nang maingay
b. Matulog nang matunog d. Lahat ng nabanggit

6
3. Take a bath.

a. Kumuha ng paliguan c. Maligo


b. Kuhain ang banyo d. Wala sa nabanggit

4. Sleep tight.
a. Matulog nang mabuti c. Matulog nang mahigpit
b. Matulog sa masikip d. Wala sa nabanggit

5. Fall in line.
a. Mahulog ka sa linya c. Pumila nang maayos
b. Hulog sa linya d. Lahat ng nabanggit

Iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto. Hingin ito sa iyong guro.

B.
“Himig-orihinal” laban sa “Himig-salin”: Kapag literal ang salin,
humigit-kumulang, ito’y himig salin na rin. At kapag naman idyomatiko
ang salin, humigit kumulang, ito’y himig-orihinal. Nagiging himig-salin
ang isang salin sapagkat karamihan ng mga salita ay halatang-halatang
katumbas ng mga nasa orihinal na teksto; gayundin, sapagkat
pangungusap sa orihinal na makikitang nalipat sa wikang literal ang
salin, may mga balangkas ng mga parirala at pinagsalinan.
Kapag naman idyomatiko ang salin, nagiging himig orihinal na rin ito
sapagkat hindi na halos napapansin ng mambabasa na ang kanyang
binabasa ay una palang isinulat sa ibang wika. Higit na nakararami
marahil ang mga tagapagsalin na naniniwala na ang isang salin ay dapat
magng natural at himig orihinal.

 Matapos mong basahin ang inilahad kong paliwanag, gawin mo ang inihanda
kong gawain para sa iyo upang matiyak kung ito’y iyong naunawaan.

Handa ka na ba?

7
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga sumusunod na salin sa tunay na kahulugan nito. Titik
lamang ng pinakawastong sagot ang isulat.

Hanay A Hanay B
1. matigas ang ulo a. hard to please
2. kabiyak ng dibdib b. dream
3. di-mahulugang karayom c. twilight
4. sariling pugad d. liar
5. saling pusa e. wife/husband
6. bungang-tulog f. thick crowd

7. takipsilim g. stubborn
8. sanga-sangang dila h. house/home
9. mahaba ang buntot i. temporary included
10. makuskos-balungos j. spoiled

Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin ang susi sa pagwawasto sa iyong guro.

C. Estilo ng Awtor laban sa Estilo ng Tagapagsalin:

may sariling estilo. Bagamat may mga manunulat na sa Bawat


awtor, lalo na sa mga malikhaing panitikan, ay biglang tingin ay
waring magkatulad sa estilo, sa katotohanan ay may pagkakaiba ang
mga ito kahit paano. Maaaring nagkakaiba sa uri ng mga
pangungusap na ginamit. May mga awtor na mahilig sa mabulaklak
at kilometrong mga pahayag na dahil sa kahabaan ay madalas na
nalilito ang mga mambabasa sa pinagsama-samang iba’t ibang
kaisipan sa pangungusap. May mga awtor naman na ang kabaligtaran
nito ang hilig: maikli at payak na pangungusap ang ginagamit.

 Subukin natin kung naunawaan mo ang inilahad kong paliwanag sa


pamamagitan ng inihanda kong gawain para sa iyo.

Handa ka na ba?

8
Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang mas mainam na salin ng pangungusap na may salungguhit
at ekis ( х ) naman ang hindi.

1. Carry on the shoulder. ______ Dalahin sa balikat ______ Pasanin.

2. Tell the children to return to their seats.


______ Sabihin sa mga bata na magbalik na sila sa kani-kanilang upuan.
______ Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan.

3. The war between Iran and Iraq.


______ Ang digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq.
______ Ang digmaan ng Iran at Iraq.

4. The guest arrived when the program was already over.


______ Ang panauhin ay dumating kung kailan tapos na ang programa. ______
Tapos na ang programa nang dumating ang panauhin.

5. I went to the Auditorium where the contest will be held.


______ Ako ay nagpunta sa Awditoryum na kung saan idaraos ang paligsahan.
______ Nagpunta ako sa Awditoryum na pagdarausan ng paligsahan.

Iwasto ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto. Hingin mo ito sa iyong
guro.

D. Panahon ng Awtor laban sa Panahon ng Tagapagsalin


Nagkakaroon lamang ng problema sa panahon kapag
mga akdang klasiko na ang isinasalin. Ito ay kung
nahihirapan ang isang tagapagsalin na pilitin ang sariling
mapaloob sa katauhan ng kanyang awtor, isa ring
napakahirap na gawain ang bagtasin ang panahong
namamagitan sa panahon ng awtor at sa panahon ng
tagapagsalin. Isang magandang halimbawa nito ay ang
9
pagsasalin ng Bibliya na mahuhusay kundi man
nagsisipagsalin. pinakamahusay na mga tagapagsalin
ang

E. “Maaaring Baguhin” laban sa “Hindi Maaaring


Baguhin”:
Ayon sa isang kilalang manunulat, di dapat bawasan, dagdagan
o palitan ng tagapagsalin ang anumang ideya magiging
makatarungan sa awtor. sa kanyang isinasalin sapagkat ang
gayon ay hindi

Ang tungkulin ng isang tagapagsalin ay isalin


o ilipat lamang sa ibang wika ang likhang-isip ng iba
kaya’t nararapat lamang na paka-ingatan niyang hindi
mapasukan ng anumang pagbabago ang akda.

10
F. “Tula-sa-Tula” laban sa “Tula-sa-Prosa”:
Isang manunulat ang nagsabi na ang isang prosa o tuluyan ay
dapat na maisalin sa paraang tuluyan din, at ang tula ay
kailangang sa paraang patula rin. Si Matthew Arnold man
diumano ay naniniwala na kung isasalin sa paraang tuluyan
ang isang tula, ang salin ay kailangang magtaglay pa rin ng
mga katangian ng isang tula.
Anupa’t waring nagkakaiba sa paniniwala ang karamihan ng
mga tagapagsaling-wika. May mga nagsasabi na ang
pagsasalin ng isang tulang may sukat ay napakahina kung
mawawala ang sukat; na ang tuluyang salin ng isang tula ay
pinakamahina sa lahat ng paraan. Sila’y naniniwala na upang
 maging makatarungan sa makatang awtor, ang kanyang tula
Naunawaan mo ba ang mga inilahad kong kaalaman? Masasagot mo na siguro
ang inihanda kong gawain para sa iyo. ay kailangang isalin ng isang
makata rin, at sa paraang patula rin.
Handa ka na ba?

Magsimula ka na!

A. Panuto: Ang mga sumusunod ay ilang idyoma sa Ingles. Kung sa palagay mo ay


tama ang ibinigay na kahulugan sa Filipino, isulat ang salitang Tama sa katapat
na blangkong linya. Kung sa palagay mo naman ay mali, isulat ang salitang
Mali.

Idyomang Ingles Kahulugan

_____ 1. Bread and butter - Kabuhayan


_____ 2. A snake in the grass - Lihim na kaaway; traydor
_____ 3. Move heaven and earth - Gawain ang lahat ng paraan
_____ 4. Man in the street - Karaniwang tao
_____ 5. Man of letters - Taong nag-aaral; dalubhasa sa
panitikan
_____ 6. Hold one’s tongue - Manatiling tahimik; huwag
magsalita ng anuman
_____ 7. Make faces - Bumusangot
_____ 8. Birds of a feather - Mga taong magkakaugali
_____ 9. Make a mountain out - Palakihin ang isang maliit na
of a molehill problema
____ 10. Bury the hatchet - Makipagkasundo sa kaaway

11
B. Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) kung ang salin ay angkop at ekis (x ) naman kung
hindi.

___1. intelligence ___2. dullness

___4. stupidity
___3. knowledge

___5. comprehension

Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong
guro.

Gawain 3: Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

Alam mo ba ang ilang simulain sa pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles? Basahin


mo ang mga paliwanang sa ibaba upang higit na maragdagan ang iyong kaalaman
sa paksang ito.

Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino Mula sa Ingles

A. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na

gumagamit nito. Batid ng lahat na ang Pilipinas at Amerika ay


dalawang bansang lubhang may malaking pagkakaiba sa kultura. Ang
wikang Ingles ay kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag
at ang Filipino naman ay sa Pilipinas.

hindi siya dapat maging literal sa pagsasalin; na hindi


Napakahalagang maunawaan ng isang tagapagsalin na dapat maging
salita-sa-salita ang pagsasalin, lalo na kung kargado ng kultura ang

12
kanyang isinasalin. Sa halip, ang dapat niyang pilitin ay maisalin ang
intensyon o ang ibig ipahatid na mensahe ng awtor.

13
B. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging
kakanyahan
Malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng mga wikang hindi
magkakaangkan at malaki naman ang pagkakatulad sa
kakanyahan ng mga wikang magkakaangkan. At dahil
hindi magkaangkan ang Filipino at Ingles, natural lamang
na maging malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng
dalawang wikang ito.
Bawat wika ay may sariling paraan ng pagbubuo ng
mga salita; pagsusunud-sunod ng mga salita upang mabuo
ang parirala o kaya’y pangungusap.
Anupa’t sa pagsasaling-wika, dapat malaman ng
tagapagsalin ang mga kakanyahan, ang kalakasan at
kahinaan ng mga wikang kasangkot sa kanyang
isasagawang pagsasalin. Ang isang katangiang nasa isang
wika ay hindi dapat ilipat sa pinagsalinang wika.

C. Ang isang salin, upang maituring na mabuting salin, ay


kailangang tanggapin ng pinag-uukulang pangkat na
gagamit nito.

D. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na


kasalukuyang sinasalita ng bayan

E. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula,


na masasabing establisado o unibersal na ang gamit ay
hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay
ng katumbas sa Filipino.

F. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na


panumbas sa isang salita ng isinasaling teksto, gamitin ang
alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa (
footnotes ) ang iba bilang mga kahulugan.

14
G. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa mga salita.

H. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang isang normal

na balangkas ng pangungusap sa Ingles ay simuno salita kapag

ito’y naging bahagi ng pangungusap. Ang

+ panaguri, samantalang sa Filipino, ang itinuturing na karaniwang


ayos ng pangungusap sa Filipino ay panaguri
+ simuno.

I. May mga pagkakataon na ang mga tahasang pahayag sa

Ingles ay kailangang gamitan ng eupemismo sa Filipino upang hindi


maging pangit sa pandinig.

J. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag


kang paaalipin dito.

 Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Mayroon ka bang hindi naunawaan?


Basahin mo lamang mabuti at unawain upang maging malinaw sa iyo ang lahat.

Subukin mo ang iyong pag-unawa sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing


inihanda ko para sa iyo.

Handa ka na ba?

Panuto: Isulat ang S kung ikaw ay sang-ayon sa ipinahihiwatig ng bawat pahayag


at DS naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng
papel.

______ 1. Ang Pilipinas at Amerika ay dalawang bansang magkatulad ang kultura


kaya’t madali lamang ang pagsasaling-wika.
______ 2. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit
nito.
______ 3. Sa pagsasalin ay hindi kailangang magtipid sa mga salita ang tagapag-
salin.

15
______ 4. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula ay kailangang
baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino.
______ 5. Bigyang pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita
ng bayan.

______ 6. Ang Filipino at Ingles ay dalawang wikang magkaangkan.


______ 7. Ang isang katangiang nasa isang wika ay hindi dapat ilipat sa pinagsa-
linang-wika.
______ 8. Mahalaga ang diskyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit huwag paaalipin
dito.
______ 9. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang salita kapag ito’y naging
bahagi ng pangungusap.
_____ 10. Ang isang tagapagsalin ay hindi dapat maging literal sa pagsasalin.

Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong
guro.

2. Lagumin Mo…

Subukin mo kung gaano ang iyong natutunan sa mga gawaing isinagawa sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Punan ng angkop na letra ang bawat kahon upang mabuo ang katumbas ng
salita sa bawat bilang.

1. gusali - b u l d g

2. himala - m r c l e

3. huwad - f k

4. iyak - c y

5.opisina - o f c e

c n s t
6. paligsahan -

7. yaman - w a l h

8. ingay - n o s

16
9. dasal - p r y r

10.bahaghari- r i b w

Naging madali ba para sa iyo ang gawain? Tingnan mo kung tama ang iyong mga
sagot. Hingin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyong
gawain.

3. Subukin Mo …

Punan ng angkop na salitang makikita sa loob ng kahon sa ibaba ang bawat


patlang upang mabuo ang diwang ipinahahayag nito.

Ang tagapagsalin ay kailangang may sapat na kaalaman sa mga


______1______ ng Ingles at Filipino, gayundin sa _______2_______ ng tekstong
isasalin at sa _____3______ ng mga bansang Amerika at Pilipinas.
Maraming nagsasalungatang paraan o simulain sa pagsasaling-wika, tulad
ng salita laban sa ____4_____, himig-orihinal laban sa ______5_________, estilo
ng awtor laban sa ________6________, panahon ng awtor laban sa ____7_______,
maaaring baguhin laban sa _______8__________, at tula-sa-tula laban sa
_____9_________.
Malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng mga wikang hindi _______10____ at
malaki naman ang pagkakatulad sa ______11_____ ng mga wikang
magkakaangkan.
Sa pagsasaling-wika, dapat malaman ng tagapagsalin ang mga kakanyahan o ang
mga _______12_______ at _______13_______ ng dalawang wikang kasangkot sa
kanyang pagsasalin.
Sa Ingles, ang normal na balangkas ng pangungusap ay ____14___ + __________,
samantalang sa Filipino, ang itinuturing namang karaniwang ayos ay
______________ + _______15_______.

Wika panahon ng tagapagsalin diwa


Kakanyahan kahinaan hindi maaaring baguhin
Paksa estilo ng tagapagsalin himig-salin
Kultura simuno + panaguri panaguri + simuno
Magkaangkan tula-sa-prosa kalakasan

17
 Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Hingin mo sa iyong guro
ang Susi sa Pagwawasto upang malaman kung ilan ang nakuha mong iskor.

4. Paunlarin Mo …

Kung ang iskor na iyong nakuha sa pagsubok ay higit sa sampu (10), maaari
ka nang magsimula sa susunod na aralin, subalit kung mababa rito ang iyong iskor,
kailangan mo munang sagutin ang gawaing inihanda ko bago mo pag-aralan ang
susunod na aralin.

Handa ka na ba?

Magsimula ka na!

Panuto: Isulat kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag.

1. Ang paglilipat ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng isinasaad


ng tekstong isinasalin.
2. Bihasa sa larangan ng pagsasaling-wika.
3. Ang normal na balangkas ng pangungusap sa Ingles.
4. Dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
5. Ang itinuturing na karaniwang ayos ng pangungusap sa Filipino.

Aralin 2: Mga Hakbang sa Pagsasaling-


wika
A. Anu-ano ang mga Tiyak na Matututunan Mo?

Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na
kasanayan.

1. Nasusunod nang wasto ang mga hakbang at paraan sa pagsasalin


2. Nabibigyang-pansin ang kawastuhang gramatikal sa pagsasalin
3. Nakapagsasalin ng isang tiyak na teksto

18
B. Anu-ano na ang Tiyak na Alam Mo?

Matapos mong mabatid sa Aralin 1 ang mga pangunahing batayang simulain sa pagsasalin
at ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsaling-wika. Nararapat lamang na
mabatid mo ang mga hakbang at paraan upang makabuo ng isang mahusay at maayos na
pagsasalin.

Alam mo ba ang mga ito?

Sagutin mo ang pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano na kalawak ang
iyong kaalaman sa paksang ito.

Panuto: Pagtapat-tapatin ang salitang Ingles sa angkop na salin nito sa Filipino.

Hanay A Hanay B

1. Paalam, Mahal ko a. Hello


2. Swertihin ka sana! b. Goodbye my love
3. Kumusta c. I love you 4. Minamahal Kita
d. Forgive me
5. Patawarin mo ako e. Fight!
6. Makibaka! f. Good luck!

C. Mga Gawain Sa Pagkatuto


1. Alamin Mo…

Bilang tagapagsalin, mahalagang malaman at matutunan mo ang mga tiyak na


hakbang na maaari mong maging gabay sa pagsasalin .
Alam mo ba kung anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagsasaling-wika? Anu-ano
ang mga hakbang na dapat isaalang-alang upang makabuo ng isang mabisang salin?

Subukin mong sagutin ang inihanda kong pagsubok upang malaman kung gaano ka
kagaling sa paksang ito.

Handa ka na ba?

Simulan mo na?

19
Panuto: Isulat ang S kung sang-ayon ka sa ipinahahayag ng pangungusap at DS naman
kung di ka sang-ayon.

_____1. Basahin mo muna ang akdang isasalin upang makuha mo ang kabuuang diwa
nito.
_____2. Isalin mo ang bawat salita upang maging madali ang pagsasalin.
_____3. Isagawa mo ang unang pagsasalin. Dapat mong isipin na ang isasalin ay diwa at
hindi salita.
_____4. Muli mong basahin ang salin at alamin kung may salita kang dapat palitan.
_____5. Rebisahin ang salin hanggang sa maging maayos nang lahat ang dapat ayusin.

Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong
guro.

Alam kong handang-handa ka na ngayon sa mga gawaing inihanda ko.

Gawain 1: Ilang tiyak na hakbang sa pagsasalin

Upang makabuo tayo ng isang mabisang salin, nararapat lamang na alamin natin ang ilang
tiyak na hakbang na maaari mong maging gabay sa pagsasaling-wika.
Basahin mo muna ang mga inilahad kong paliwanag upang lalong maging malinaw ito sa
iyo.

20
Naririto ang ilang tiyak na hakbang na maaari mong
maging gabay sa pagsasaling-wika:

 Basahin muna ang buong akdang isasalin upang makuha


mo at maunawaan ang kabuuang diwa nito.

 Isagawa na ang unang pagsasalin. Dapat mong isipin na


ang isasalin ay diwa at hindi ang mga salita.

 Pagkatapos mong maisalin ang akda, itabi mo muna ang


orihinal. Basahin mo ang salin.

 Muli mong basahin ang salin at alamin kung may salita


kang dapat palitan, pariralang dapat na alisin o idagdag
upang mabuo ang hinihinging diwa o kaya naman ay mga
pangungusap na dapat baguhin ang balangkas upang
maging malinaw ang kahulugan nito.

 Ipabasa mo nang malakas sa iba ang salin at obserbahan


ang mga bahagi ng salin na hindi mabasa nang maayos.

 Rebisahin ang salin at saka muling ipabasa nang malakas


sa iba ( hindi ang unang bumasa ) hanggang sa maging
maayos nang lahat ang dapat ayusin.

 Matapos mong basahin ang paliwanag ay tiyak kong masasagot mo


na ang inihanda kong gawain para sa iyo.

Handa ka na ba?

Panuto: Isaayos ang mga hakbang sa pagsasalin ayon sa wastong pagkakasunud-sunod.


Titik lamang ang isulat. Mula A hanggang F.

___1. Rebisahin ang salin at saka muling ipabasa sa iba hanggang sa maging maayos nang
lahat ang dapat ayusin.

21
___2. Isagawa na ang unang salin. Dapat mong isipin na ang isasalin ay diwa at hindi ang
mga salita.

___3. Muli mong basahin ang salin at alamin kung may salita kang dapat palitan, pariralang
dapat na alisin o idagdag upang mabuo ang hinihinging diwa o kaya naman ay mga
pangungusap na dapat baguhin ang balangkas upang maging malinaw ang
kahulugan nito.

___4. Basahin mo muna ang buong akdang isasalin upang makuha mo at maunawaan ang
kabuuang diwa nito.

___5. Pagkatapos mong maisalin ang akda, itabi mo muna ang orihinal. Basahin mo ang
salin.

___6. Ipabasa mo nang malakas sa iba ang salin at obserbahan ang mga bahagi ng salin
na hindi mabasa nang maayos.

Iwasto mo ang iyong sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto. Hingin mo ito sa iyong guro.

Gawain 2: Pagsasalin ng mga salita at parirala

Sa larangan ng pagsasalin, kailangang maging malawak muna ang ating kaalaman sa


pagsasalin ng mga salita o parirala bago makapagsalin ng akda.

A. Panuto: Piliin sa loob ng ulap ang salitang angkop na salin ng mga salita sa bawat bilang.

beauty orphan university


heroism bureau courtesy
river purpose department
bible treasurer courtship

1. Banal na kasulatan 5. ulila 9. ilog


2. pamantasan 6. paggalang 10. kagawaran
3. kabayanihan 7. kawanihan 11. ingat-yaman
4. pagliligawan 8. kagandahan 12. layunin

B. Panuto: Punan ng angkop na titik ang bawat hanay upang mabuo ang wastong salin ng
mga parirala sa bawat bilang.
22
1. lahing kayumanggi - b r o_ n r_c_
2. malinaw na pananalita - cle_r s_ee_h
3. taunang ulat - a_n_u_l r_po_t
4. lubos na kaalaman - c_mp_te kn_wl_d_e
5. bansang malakas - po_erf_l n_t_on

Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.

Gawain 3: Pagsasalin ng mga sawikain at mga pahayag na patambis

Sa pagsasaling-wika lalo na ng mga tula at akdang pampanitikan ay madalas tayong


makatagpo ng mga matatalinghangang pahayag o idyoma. Bilang tagapagsalin,
kinakailangang malawak ang kaalaman natin sa pagpapakahulugan sa mga ito.

Alam mo ba ang kahulugan ng ilan sa mga pahayag na patambis o idyoma? Sagutin mo


ang pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano na kalawak ang iyong
kaalaman sa paksang ito.

Handa ka na ba?

Panuto: Isulat ang AS kung ito ay angkop na salin at LS naman kung ito ay literal na salin.

Itaga sa bato
__1. to remember ____2. to cut on
stone

__3. to list on the water Ilista sa tubig ____4. a


debt that will not
be paid anymore

__5. to become angry Magdilim ang paningin ___6.


darken the umutang ng buhay eyesight ___7. to kill ___8.
to borrow a life

bilugin ang ulo


___9. to make the head
___10. to fool round

Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro.
23
Gawain 4: Pagsasalin ng mga pangungusap at akda

Mahalagang maging maingat sa pagsasalin ng mga pangungusap at mga akda. Basahin


muna nang ilang ulit bago simulan ang pagsasalin upang maunawaan ang kabuuang diwa
nito.

Sagutin mo ang gawaing inihanda ko upang malaman kung gaano ka kagaling sa paksang
ito.

Handa ka na ba?

Magsimula ka na!

Panuto: Isaayos ang mga salita upang mabuo ang ang angkop na salin ng mga pangungusap
sa bawat bilang.

I , did, know, what, you, last night.

1. Alam ko ang ginawa mo kagabi.

The, province, from, came, visitor, the

2. Ang panauhin ay galing sa lalawigan.

I, the, opened, door, big.

3. Ang malaking pinto ay binuksan ko.

Alejandro, an, wrote, interesting story

4. Si Alejandro ay sumulat ng isang


kawili-wiling kuwento.

There, a, is, girl, beautiful, the, in, room

5. May magandang bata sa kuwarto.

24
Iwasto mo ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.

2. Lagumin Mo…

Subukin mo kung gaano ang iyong natutunan sa mga gawaing isinagawa sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Piliin sa ibaba ang angkop na salin ng mga salita sa bawat bilang.

1. balarila 6. pangatnig
2. pandiwa 7. patinig
3. pangngalan 8. pang-uri
4. katinig 9. pang-abay
5. panaguri 10. pang-ukol

grammar adverb predicate conjunction

verb noun vowel

propositio n consonant adjective

Naging madali ba para sa iyo ang gawain? Tingnan mo kung tama ang iyong mga
sagot. Hingin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyong gawain.

3. Subukin Mo …

25

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung ang salitang nasa bilog ay salin ng salitang nasa gitnang

bilog at ekis ( ) naman kung kasalungat na salin.

__1. renowned

__2. obscure __3. unknown

SIKAT

__5. glorious
__4. unsung

__6. famous

Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Hingin mo sa iyong guro ang susi sa
pagwawasto upang malaman kung ilan ang nakuha mong iskor.

4. Paunlarin Mo …

Tama ba lahat ang iyong kasagutan? Nangangahulugan lamang niyan na bihasa ka


na sa pagsasaling-wika. Magiging madali na sa iyo ang pagsasagawa ng pagsasalin. Kung
nagkaroon ka man ng kamalian, sagutin mo muna ang gawaing inihanda ko bago mo
pagaralan ang susunod na liksyon.

Panuto: Subukin mong isalin sa Ingles ang liham sa ibaba.

26
Dr. Alfredo Reyes
Tagatala
Unibersidad ng Santo Tomas
Espanya, Maynila

Mahal na Ginoo:

Binabalak ko pong mag-aral sa Santo Tomas sa darating na pasukan kaya nais kong
malaman ang katugunan sa sumusunod na mga tanong: Ako po ang “Salutatorian” sa mga
nagtapos sa haiskul, gaano po ba ang kailangan kong ibayad na matrikula sa Kolehiyo ng
Edukasyon? May iksamen pa po ba akong kailangang kunin? Kung mayroon, kailan at
saan? Anu-ano po bang mga katibayan ang kailangan ko?

Tatanawin ko pong utang na loob ang inyong maibibigay na kasagutan sa aking mga
tanong.

Buong galang na sumasainyo,


Bb. Ana Marie Lopez

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.

Gaano ka na kahusay?
A. Panuto: Isalin ang mga sumusunod na salawikain sa Ingles.

1. Ang taong nagagalit, walang kilalang matwid.

2. Kapag walang pakikibaka ay walang tagumpay

3. Kapag tahimik ang batisan, malalim itong tunay.

4. Magsisi ka man at huli, wala nang mangyayari

5. Sa taong may hiya, ang pangako’y panunumpa.

27
To a person with Follow my An angry man shame,
a advises, but not
knows no reason promise is a vow what I do

Nothing will Silent water If there’s no happen if you runs deep


fight, there’s no
will repent victory

Iwasto ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.

28
PANGSASALING-WIKA
Pagsasaling-Wika

Mga
Depinisyon at
Kahulugan
Pagsasaling-wika- - paglilipat ng isang
teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa
panimulaang wika papunta sa tunguhang
wika

-Itoang paglipat sa
pinagsasalinang wika ng
pinakamalapit na katumbas
na diwa at estilong nasa
wikang Isinasalin
(Santiago).
INGLES ------------------------FILIPINO
( Wikang Isinasalin ) ( Wikang Pinagsasalinan)

Tagabasa A < ======== = > Tagabasa B


Isang paraan ng paglalapat ng
katumbas na kahulugan ng isang
wika (isinalin) ng tinutumbasang
kahulugan sa ibang wika
(pinagsasalinan)

Ang pagsasalingwika ay muling paglalahad


sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na
natural na katumbas ng orihinal –
ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y
batay sa kahulugan, at ikalawa’y batay sa
istilo (Eugene Nida at Charles Taber:1969)
Ang pagsasalin ay isang gawaing
binubuo ng pagtatangkang palitan
ang isang nakasulat na mensahe sa
isang wika ng gayon ding mensahe
sa ibang wika. (Peter Newmark,
1988)

Ang pagsasalin ay isang prosesong


komunikatibo na naganap sa loob ng isang
kontekstong panlipunan (Hatim at I. Mason)
Ang pagsasaling-wika:

-paglalahad sa ibang wika ng katumbas na kahulugan sa isang wika

-isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihahahayag sa


isang wika ng katapat na diwa sa ibang wika

-ito ay dapat mabatay sa mga teorya at simulain


ng wika na kagaya ng kahalagahan ng wika,

papel na ginagampanan nito sa lipunan ng mga tao,

mga uri at antas ng gamit nito,

At mga pagbabago sa mga katangian nito samantalang nagbabago


rin ang lipunang gumagamit at pakikisama sa kanyang kapwa
Malayang Talakayan

1. He became swell headed after being


elected president of the Student
Council.
2. Tone down your voice.
3. You are my life and my soul, my
inspiration.
4. Laws grind the poor and the rich man
rule the law.
5. He seems to have lost his senses.
DIWA SA DIWANG
PAGSASALIN
Isalin:

“Like Father, Like Son”

“Kung anong puno, siyang


bunga”

You will know its fruit by


its tree (mali; literal na salin)
Isalin:

“I’m the apple of her eyes”

Ako ang mansanas ng kanyang


mata (literal)

“Ako ang kanyang paborito”


Isalin:

“This is a red letter day”

“Isa itong mahalaga at


masayang araw”

Kulay pula ang araw na ito


(mali: literal)
Halimbawa Parirala

“If I were in “Kung ako


your shoes.” ikaw.”
“Kung ako
ang nasa
sapatos mo.”
Halimbawa (Pangungusap)
“Isa syang
makatang may
pangalan.”
“He is a well “Isa siyang bantog
known poet.” na makata.”
 “Siya ay isang
mabuti-alam
makata.”
1.Mahigpit ang bilin
ng mga dalubwika
na dapat iwasan ng
nagsasalin ang
tumbasang salita sa
salitang salin.
Dapat ba natin
itong sundin?
Bakit?
2. Paano nangyayaring nagagamit
din ang literal o salita sa salitang
salin?
Mga pinapayagang
Literal na Pagsasalin
He went out of the room.

Salin:
Lumabas siya ng kwarto.

Give me a piece of string.


Salin:
Bigyan mo ako ng kapirasong
tali.
“The wind is blowing”

Salin:

“Ang hangin ay umiihip”


“ Umiihip ang hangin”
“ Humahangin”

“Reap what you sow”

Salin:

“ Anihin kung anong iyong itinanim”


“ Kung anong itinanim siyang aanihin”
President Cory was accorded a state
funeral.
Salin:
Si Pangulong Cory ay binigyan ng
pambansang libing.

Gawaing Pang-upuan:
Bumuo ng limang pangungusap na
Ingles pagtapos ay isalin ito sa Filipino.
PAALALA

Nananatili sa Filipino ang mga sagisag internasyonal


sa larangan ng agham at teknolohiya katulad ng:
(iron(Fe)-bakal; water(H2O)-tubig; salt(NaCl)-asin; calcium(Ca)-
kalsiyum; muriatic acid(MCl)-asido muryatiko; ammonia(NH)-
amonya; calcium carbide(CaC)-kalburo; lime(CaO)-apog;
silicon lioxide(SiO)-buhangin; nickel(Ni)-nikel; copper(Cu)-tanso;
tin(Sn)-lata; iodine(I)-yodo; phosphorous(P)-posporo;
arsenic(As)-arseniko)
Mga Katangiang
Dapat Taglayin ng
Isang Tagapagsalin
1. Sapat na kaalaman sa 2 wikang
kasangkot sa Pagsasalin

a) Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang


kasangkot sa pagsasalin

1. kailangang maunawaan ang bawat himaymay ng


kahulugan ng salita, gamitin ang anyo ng mga
pananalitang karaniwang ginagamit ng nakararami.

2. Pag-isipan at suriin ang angkop na


salitang gagamitin sa salin

3. Kung may alinlangan sa kahulugan


gumamit ng diksyunaryo kung
kinakailangan
2. Sapat na kakayahan sa
pampanitikang paraan ng
pagpapahayag.

a) malaking tulong para masapol ang


konseptong napapaloob

b) Nagkakaroon ng iba’t ibang paraan ng


pagsasalin ng parirala, pangungusap,
talataan, idyoma at tula
3. Sapat na kaalaman sa
paksang isasalin

a) Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ay


makatutulong para masapol ang tunay na nais
paratingin ng teksto.
b) Magsaliksik para makatipon ng iba pang
impormasyon para mas lumawak ang kaalaman
na malaking tulong sa magiging bisa at
kahusayan ng salin
c) Kailangang ganap na maunawaan ng
tagapagsalin ang nilalaman at intensyon ng awtor
ng akdang isinasalin.
4. Sapat na kaalaman sa kultura ng
dalawang bansang kaugnay sa
pagsasalin

a) Tandaan na ang wika ng isang bansa ay laging nakabuhol sa


kanyang kultura.
b) Kung ano ang mga kahulugang sangkot sa kahulugan ng mga
salita
Hal: Ingles Filipino
rice rice
1. He plants rice : (palay) 1. Nagtatanim siya ng palay.
2. He cooks rice: (bigas) 2. Bumili siya ng bigas.
3. He eats some rice: (kanin) 3. Nagluto siya ng kanin.
4. Kumain siya ng bahaw.
5. Nagluto si nanay ng
malagkit.
5. Sapat na kalaman sa gramatika
ng dalawang wikang kaugnay sa
pagsasalin

a) Alamin ang istuktura o ayos ng pangungusap ng isasalin


(Ingles) para maiakma sa wikang pagsasalinan (Filipino)
Hal: Ingles Filipino
1. Ayos ng pangungusap
 Subject + Predicate Panaguri + Paksa
Paksa + panaguri
2. Pagpaparami ng pangngalan
 Mouse mice daga mga daga
kiss kisses halik mga halik
3. Impleksiyon ng pandiwa – natapos na ba ang kilos,
ipinagpapatuloy pa o binabalak pa lang gawin ang aksyon.
Mga
Nagsasalungatang
Paraan sa
Pagsasaling -wika
1.“ Salita” laban sa “Diwa”

2. Himig- orihinal” laban sa


“Himig – salin”

3. Estilo ng Awtor” laban sa


” Estilo ng Tagapagsalin”

4. “Panahon ng Awtor” laban


sa “Panahon ngTagapagsalin

5. “Maaaring Baguhin” laban sa


“Hindi Maaaring Baguhin”

6. “Tula-sa-Tula” laban sa “Tula-


sa-Prosa”
GAWAIN 1

Panuto : Punan ang grid sa ibaba batay sa hinhingi nito.

Wikang Ingles Salin sa Filipino Pangungusap

Bag o bones

Keeping a skeleton on his closet

Wet behind the ears

Slip of the tounge

Sky is the limit

On the house

Red letter day

Blowing his own horn

Blow your top

Burning the midnight oil


Gawain 2
Panuto: Pag-aralang mabuti ang tulang A Home Song at isalin ito sa Wikang Filipino.

Pamantayan ng Pagmamarka

Kawastuhan/Kaangkupanng-salin - 40

Katapatan, Kaayusan at Kalinawanng-salin - 30

Pagkakaugnay-ugnay ng diwa - 30

Kabuuan 100%

A Home Song

I read within a poet's book

A word that starred the page:

"Stone walls do not a prison


make,

Nor iron bars a cage!"

Yes, that is true; and something


more

You'll find, where'er you roam,

That marble floors and gilded


walls

Can never make a home.

But every house where Love


abides,

And Friendship is a guest,

Is surely home, and home-sweet-


home:

For there the heart can rest.

You might also like