Sa Batang Walang Bagong Damit

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa Batang Walang Bagong Damit

ni Amado V. Hernandez)

Batang dukha! Huwag sanang maghinagpis


kung ikaw ay walang damit na marikit,
huwag managlihi kahi't isang saglit
sa pagmamarangya ng may bagong damit;
magpakatining ka at magpakabait
sa kapalaluan sa iyong paligid.

Munti ma'y wala kang sukat ikahiya


mabansag mang ikaw ay anak-dalita:
si Hesus, hindi ba sumilang nang aba
sa sabsabang hamak sapin man ay wala,
ni kutsarang pilak, ni balot na sutla,
at ang sumalubong, ‘di ba pawang dukha?

Hayaan mo silang tumawa't magaliw,


magpakabuyangyang magsaya't maglasing;
ang damit na lalong maganda'y kupasin
at ang kasayahan ay natatapos din;
ang batang masanay sa hirap, magiging
mulawin sa gitna ng nagdapang baging.

Marupok ang damit, buhay ma'y marupok,


maluluma iyang mamahaling suot;
wala kang pamasko ay huwag malungkot
at kagaya mo rin nang paslit si Hesus;
may araw ding ikaw ang mapapatampok
kung magkasakit ka, mulang pagkamusmos.

You might also like