Ikawalong Linggo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Uri ng pagsulat

1. Teknikal na pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng


impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Limilikha ang
manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya. Isang espesiyalisadong uri
ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan
ng mga mamasyong maari makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang
komplikadong suliranin. Saklaw nito ang pagsulat ng FEASIBILITY STUDY
at KOREPONDING PAMPANGANGALAKAL. Gumagamit ng mga teknikal
na terminolohiya sa idang partikular na paksa tulad ng science and technology.
Nakatuon sa isang tiyak na audience o pang kat ng mga mambabasa.

2. Referensiyal na pagsulat – isang uri ng pagsulat na nagpapapliwanang ,


nagbibigay impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang
impormasyon batay sa katotohanan, naglalayong magrekomenda ng iba pang
sanggunian o source hinggil sa isang paksa madalas, binubuod ng isang
manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan ng
ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan nitong maaring sa paraang
pamaklong (parential) footnotes o endnotes. Madalas itong makikita sa mga
TEKSBUK, PAMANAHUNANG PAPEL, TESIS, O DISERTASYON.
Maihahanay din dito ang paggawa ng BIBLIOGRAPHY, INDEX at NOTE
CARDS.

3. Jornalistik na pagsulat – isang uri ng pagsulat ng balita. Pampahayagan ang


uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o
jornalist. Saklaw nito ang pagsulat ng BALITA, EDITORYAL, KOLUM,
LATHALAIN at iba pang akdang mambabasa sa mga PAHAYAGAN at
MAGAZINE.

4. Masining na pagsulat – masining na uri ng pasulat sa larangan panitikan o


literatura, ang tuon ay ang imahinasyo ng manunulat. Layunin nitong
paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa. Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng TULA, NOBELA,
MAIKLING KUWENTO, DULA, at SANAYSAY.

5. Akademikong pagsulat – ito ay may isinusulat na partikular na kumbensiyon.


Ito’y may layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na
ginawa. Ito ay maaring maging KRITIKAL NA SANAYSAY, LEB REPORT,
EKSPERIMENT, KONSEPTONG PAPEL, TERM PAPER
o PAMANAHONG PAPEL, TESIS o DISERTASYON. Itinuturing din itong
isang intelektwal na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang antas at
kalidad ng kaalaman ng
Akademik Ang mga pagsulat sa paaralan ay isang
akademik na pagsulat. Itinuturing itong
isang intelektwal na pagsulat dahil layunin
nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan

Teknikal Ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang


ispesipik na audience o pangkat ng
mambabasa. Nagsasaad ito ng mga
informasyong maaaring makatulong sa
pagbibigay soluyon sa isang komplikadong
suliranin.
Referensyal Naglalayon itong magrekomenda ng iba pang
reference o sources hinggil sa isang paksa.
Binubuod ng isang manunulat ang ideya ng
ibang manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon.

Profesyonal Ito ay nakatuon sa isang tiyak na


profesyon.

Halimbawa- police report


legal forms
medical report
patients’ journals
Malikhain Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat.
Maaaring fiksyunal o di-fiksyunal ang
akdang isinusulat. Layunin nitong paganahin
ang imahinasyon ng mga mambabasa.
GAWAIN 1
Panuto : Pumili ng isang natatanging larawang may kaugnayan sa napapanahong isyu. Mula rito ay
bumuo ng isang makatawag pansing islogan na nagpapakita ng magagandang katangian ng isang
Pilipino.

Pamantayan Magsanay Pa. Sapat ang Husay. Mahusay! Napakahusay!


1-2 puntos 3 puntos 4 puntos 5 puntos
Kaisipan Hindi nailahad Maayos na nailahad na Mabisa ang nailahad Mabisa at malikhain
ang kaisipan sa kaisipan sa islogan. na kaisipan sa ang nailahad na
islogan. islogan. kaisipan sa islogan.

Anyo Walang tugma ang May pagkakatugma Mahusay ang Mahusay na mahusay
mga salita at hindi ang mga salita subalit pagkakatugma ng ang pagkakatugma
gaanong hindi gaanong mga salita at ng mga salita at
matandaan ng matandaan ng napakadaling napakadaling
mambabasa. mambabasa. matanda ng
matanda ng
mambabasa.
mambabasa.

Paksa Hindi angkop ang Hindi gaanong angkop Angkop ang nabuong Angkop na angkop
nabuong islogan ang nabuong islogan islogan sa paksa. ang nabuong islogan
sa paksa. sa paksa. sa paksa.

Wastong gamit Maraming mali sa Iilan lamang ang wasto sa Wasto ang mga Labis na wasto ang
ng mga salita mga salitang mga salitang ginamit sa salitang ginamit sa mga salitang ginamit
ginamit sa islogan. islogan. islogan. sa islogan.

Ilagay ang larawan dito Isulat dito ang slogan


Isulat dito ang slogan
GAWAIN 2
Gawain: Ang Pangarap kong
karakter
Alituntunin
1. Bumuo ng isang pinapangarap na karakter.
2. Ilarawan ang kapangyarihan (super power) ng iyong
karakter gayundin ang kahinaan nito.
3. Ang mabubuong karakter ay nararapat taglay ang
makaPilipinong pagpapahalaga, katulad ng pagpapahalaga
sa bayan, kasayasayan, makataong pananaw, wika at
kultura. Ang karakter ay may pilosopiya na kasasalaminan
ng pagiging mabuting Pilipino.
4. Nabibigyan ng imahe ang karakter. (drawing) sa bahaging
ito dapat makita ang tikas at kaangkupan ng karakter
batay sa deskripsyon ng kapangyarihan at mga kaya
nitong gawin.
5. Ang pangalan ng karakter ay tatak Pilipino (
Naipaliliwanag ang kahulugan ng pangalan)
6. Lumikha ng maikling Talambuhay ng iyong karakter.

Pamantayan saPagmamarka
• Kaanyuang Pisikal------------------------------------------------30%
• Tikas
• Lakas
• Kapangyarihan…………………………………………………………….20%
• Disenyo ng kasuotan at sandata………………………………….20%
• Pilosopiya ng karakter………..……………………………………….20%
( Kasasalaminan ng kulturang Pilipino)
• Maikling awtubayograpiya ng karakter……………………….10%
GAWAIN 3
Panuto : Basahing mabuti ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba:

Isyung Kinakaharap ng Filipino sa Kolehiyo


Isinulat ni Elisha Andrea Dela Cerna

Dapat nga ba talagang tanggalin ang asignaturang Filipino sa makabagong kurikulum sa


kolehiyo? Ang aking sagot sa tila sensitibong paksa na ito ay hindi. Hindi ako sang ayon sa
pagtanggal ng asignaturang Filipino sa pangkolehiyong Kurikulum.

Naiintindihan ko ang rason sa likod ng kagustuhan ng CHED na ipatanggal ang nasabing


paksa. Para sa kanila ay tama na ang mga taon na ginugugol ng mga estudyante sa Elementarya at
Sekondarya sa pag aaral ng wikang Filipino, siguro naman ay kabisado at gamay na nila ang
wikang Filipino sa mga nagdaang taon na iyon. Marami ang mga negatibong epekto ang magiging
dala nito kung sakasakaling maisabatas na tanggalin ang asignatura at panitikan sa wikang
Filipino, una na diyan ay ang biglang pagbaba ng sahod ng mga guro. Alam natin ang pagiging
guro ay hindi isang madaling bagay, kaya’t nararapat lang na sila ay bigyan ng mas malaking
kompensasyon para sa mga sakripisyo nila sa larangan ng Edukasyon, ngunit hindi ito mangyayari
para sa mga guro ng Filipino sa kolehiyo sapagkat sila ay ibabalik mula sa pagtuturo ng Kolehiyo
pababa sa pagtuturo ng Senior High School. Ani ni Rep. France Castro ng ACT teacher partylist,
(isang Partido na sumusuporta sa mga guro) sa isang panayam sa kanya ng ABS-CBN – "Alam 1

natin na 'yong mga teachers natin sa kolehiyo ay mayroon na ring naabot na taas ng suweldo as
compared doon sa teachers sa basic education. Kaya ang pangamba nila, 'yong bababa ang
kanilang suweldo, na nangyayari naman doon sa mga teacher natin na lumipat na sa senior high
school dahil sa pagtuturo ng Filipino," . Sadyang hindi kaaya aya para sa parte ng mga guro ang
mungkahing ito. Bukod pa diyan ay ang magiging negatibong epekto nito sa mga mag aaral ng
Kolehiyo. Sa isang artikulo na inilabas ng “The Lance” (Isang pang estudyanteng publikasyon ng
Kolehiyo ng San Juan De Letran) inilabas nila ang pahayag ng isang propesor na dalubhasa sa
wikang Tagalog na si Dr. Randy Din, aniya sa nasabing masamang epekto nito sa estudyante –
2
“Unang-una, hindi na nila [mga mag-aaral] malalaman ang tamang paggamit ng wika at lalong
lalala ang hindi pagkaka-alam nito. Hindi na uunlad pa lalo ang wikang Filipino dahil nahinto na
siya [sa pagturo] kasi isa sa paraan ng pagpapalaganap nito ay sa pamamagitan ng pag-gamit sa
eskwelahan pero kung ito ay ititigil, pano pa ito uunlad?....

Isa sa paraan para makita ang ating pagiging makabayan ay ang pag-gamit ng ating
sariling wika sa komunikasyon.” Maaaring magandang halimbawa na lang ang pagsusulat ng
Alibata upang mabigyan ng karagdagang diin o bigat ang mga nasabi ng Propesor. Ang alibata ay
ang pinakauna Sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino noong unang panahon, simula ng tayo ay
masakop ng mga Espanyol ay tila Nawala o namatay ang kulturang ito, tayo ay natuto ng mga
salita at titik na banyaga at sa loob ng 333 na taon na pagkakasakop ay ito ang ating ginagamit.
Dahil sa hindi pagsasanay at pagpapalawak ng nasabing system ito ay nakalimutan at hindi
napagyabong. Isa pang negatibong epekto nito ay ang pag tigil ng paglawak at pag lalim ng wikang
Filipino, ayon sa panayam ng GMA kay David Michael San Juan – isang propesor ng Filipino sa
De La Salle University: “Bata pa ang wikang pambansa at hindi pa ito ganap na intelektwalisado
3

o nagagamit sa iba’t ibang larangan, Upang maging ganap ang intelektwalisasyon nito, nararapat
lamang na pagbutihin at palawakin pa ang pagtuturo nito sa lahat ng antas, lalo na sa kolehiyo,”.
Hindi pwedeng isantabi na lamang ang mga negatibong epektong ito, bukod sa ito ay mga lehitimo
at tiyak na mangyayari ay Malaki din ang mababawas sa kalidad ng pagsasalita ng wikang Filipino.

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga sa aking kursong Business Management dahil una,
ang negosyo ay tungkol sa pakikipagkalakalan sa ibang tao ukol sa mga produkto or serbisyo na
aking maaaring ialok o ibenta. Mahalaga ang wika dahil ito ang magsisilbing komunikasyon sa
pakikipagkalakalan. Pangalawa, magiging mahirap ang pagkalakalan kung hindi mo kilala ang
sariling wika dahil dito nakapaloob ang ating kultura at pagkakakilanlan sa bawat isa. Pangatlo,
itinuring man “Lingua Franca” ang wikang Ingles sa internalisasyon at globalisasyon, mag
sisimula pa rin ang lahat kung saan man ang ating pinanggalingan at naniniwala ako na mas
nagiging mainland ang bawat isa na nagbibigay halaga sa sariling wika.

Inaamin ko na kahit ako din na Pilipino na ay masasabing hindi pa gamay at lubusang


nauunawaan ang aking sariling lenggwahe, nakakahiya mang aminin ngunit iyon ang katotohanan,
ngunit ang katotohanan na ito ay siyang patibay na dapat lamang panitilihin ang Asignatura at
panitikang Filipino sa Kurikulum pang kolehiyo upang lubos na maunawaan at magamit ng bawat
Pilipino ang wikang Filipino.

Sources:
http://thelance.letran.edu.ph/home/ReadMore/74
1

https://news.abs-cbn.com/news/11/26/18/pag-alis-ng-filipino-at-panitikan-sa-kolehiyo-inapela
2

3
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/367090/dapat-bang-alisin-na-ang-asignaturang-
filipino-sa-mga-kolehiyo-at-unibersidad/story/

1. Ibuod ang binasang talata sa sampung pangungusap , patalata.


2. Ipaliwanag ang konsepto ng talata.
Panggitnang Pagsusulit
Mekaniks ng Pagsasaling –Awit

1. Ang Panggitnang Pagsusulit na ito ay paglalapat ng mga paksang tinalakay


lalo’t higit ang tungkulin ng wika , pagpapayaman ng talasalitaan , pagsulat
at ppagsasaling-wika.
2. Ang gawaing ito ay maaaring gawing mag-isa , dalawahan o tatluhan
lamang. Sakali, may kalayaan ang estudyanteng mamili ng kanyang kasama.
3. Ang pagsasaling gagawin ay mula sa Wikang Ingles patungo sa Wikang
Filipino, may kalayaang mamili ang estudyante ng awiting isasalin.
4. Ang isasalin ay awiting Ingles at ipinagbabawal ang mga awiting papuri o
pansimbahan. Kinakailangang ipaalam muna at aprubahan ng inyong guro.
5. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha o pagsipi sa mga umiiral na salin.
Kung mapatunayan ay bibigyan ng guro ng bagsak na marka ( zero ).
6. Isaalang-alang ang kasiningan at boses habang ito ay inaawit matapos isalin
ngunit hindi ito masaydong mamarkahan dahil ang salin ang higit na
mahalaga , siguraduhin lang na ito ay makakanta.
7. Ang inyong faynal awtput ay kailang i-post sa youtube at ipasa lang ang link
nito sa aking email na : __________________ ( email /oras/araw /petsa ng
pasahan po sir )
8. Ang paraan ng pagmamarka ay :

Pamantayan ng Pagmamarka
Kawastuhan/Kaangkupanng-salin - 40
Katapatan, Kaayusan at Kalinawanng-salin - 20
Pagkakaugnay-ugnay ng diwa - 20
Tonal na Kalidad ( boses / blending / diksyon) - 20

You might also like