Komkon Fil

You are on page 1of 8

YUNIT I - WIKANG PAMBANSA BILANG GAWAING PANGKOMUNIKASYON

AT DISKURSONG LOKAL AT NASYONAL

Sa panahong nangangailangan nang higit na pagmamahal sa bansa at


identidad, lalong pinalalayo ito ng mga sitwasyong panlipunan at kultura bunga ng
mga batas na nilikha at mga panuntunan kagaya ng pagpipilit sa pagtulak palayo sa
sariling pagkakakilanlan - ang wikang Filipino. Ngunit hindi naging hadlang ang mga
panuntunang ito sa labis na pagmamahal ng mga eksperto, dalubguro, at mga mag-
aaral ng wika sa pagtigil damdaming maka-Pilipino bagkus naging daan ito sa lalo
pang pagpapanatili nang mas makatwiran at kritikal na pag-aaral sa wikang Filipino.
Ang sanayang aklat na ito ay isa sa maraming bunga nang higit na pagmamahal sa
sariling pagkakakilanlan at pagpapanatili ng pag-aaral ng wikang Filipino. Sa yunit na
ito, sa pangkalahatan, tinatalakay ang pagtaguyod sa wikang Pambansa sa mas
mataas na paaralan, mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino gamit ang
wikang Filipino sa iba’t ibang antas at larangan, at mga napapanahong isyung lokal,
nasyonal na binubuo ng anim na aralin.

ARALIN 1 INRTODUKSIYON: Ang Pagtataguyod Ng Wikang Pambansa Sa Mas


Mataas Na Antas Ng Edukasyon At Lagpas Pa
Layunin:
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstuwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
Pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
3. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon sa Lipunang Pilipino
4. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
5. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
6. Malinang at mapahalagahan ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitan-ideya.
Paunang Tanong
1. Mahalaga ba ang pag-aaral ng Wikang Pambansa? Bakit?
2. Paano nakakatutulong sa pagunlad ng indibidwal ang paggamit ng wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan?
3. Ano ang kalagayan ng wikang Filipino batay sa iyong karanasan?

SULYAP SA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Ayon kina Dayag at Del Rosario (2016), kung babalikan ang kasaysayan, hindi
naging madali ang pagpili sa wikang Pambansa. Dahil ang bansang Pilipinas ay
1|P ag e
bansang pulo- pulo na nangangahulugang maraming wika ang umiiral, naging mainit
na paksang tinalakay noong 1934 sa Kumbensyong Konstitusyunal ang pagpili ng
wikang pambansa. Maraming maka-Ingles ang naniniwalang dapat na higit na
makakabuti na sa mga Pilipino ang maging mahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles.
Ngunit marami sa mga delegado ang naniniwalang dapat na manggaling sa mga
wikang umiiral sa bansa ang magiging wikang Pambansa at dahil mas nanaig ang
damdaming maka-Pilipino na nagmamalasakit sa sariling wika, iminungkahi ng grupo
ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga wikang
umiiral sa Pilipinas. Ito naman ay sinusugan ni Manuel Luis Quezon na dati noo’y
pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.
Nang sumunod na taon, nagkaroon ng probisying pangwika na nakasaad sa
Saligang Batas 1935, Artikulo XIV (14), Seksyon 3 na nagsasabing:
“Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang
Pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi
itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na
wika”
Noong nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng pambansang asemblea ang Batas
Komonwelt Blg. 184 na may pamagat na “Isang Batas na Nagtatakda ng Surian ng
Wikang Pambansa at Nagtatakda ng mga Kapangyarihan at Tungkulin nito”
Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel Luis Quezon
na ang wikang Tagalog ang batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon
ng Surian ng Wikang Pambansa sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
Tagalog ang naging batayan ng wikang Pambansa sapagkat isinaalang-alang ang
mga pamantayang: a) wika ng sentro ng pamahalaan; b.) wika ng sentro ng
edukasyon; c.) wika ng sentro ng kalakalan; at d.) wika ng nakararami at
pinakadakilang nasusulat na panitikan.
Nang mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 matapos ang
dalawang taon , sinimulan nang ituro sa pampubliko at pribado ang wikang Pambansa
na batay sa Tagalog.
Sa pamamagitan naman ng Batas Komonwelt Blg. 570, ipinahayag ang
pagiging isa sa mga wikang opisyal ng wikang Pambansa simula Hulyo 4, 1946.
Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa. Mula sa
Tagalog ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas
ni Jose E Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito lumaganap ang
paggamit ng wikang Filipino.
Taong 1972 ay muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong
Konstitusyunal kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong
pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV (15), Seksyon 3 Blg. 2:
“Ang batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na
magpapaunlad at pormal na mapagtibay sa isang panlahat na wikang pambansang
kikilalaning Pilipino”

2|P ag e
Taong 1987, ayon sa Saligang Batas 1987 ay pinagtibay ng Komisyong
Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa
paggamit ng wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV (14),Seksyon 6 ang probisyon
tungkol sa wika na nagsasabing:
“Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
pagyabungin at pagyamanin pa sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang
mga wika.”
Kung aalaming maigi, malayo na ang narating nang pagkakaroon ng wikang gagamitin
na magpapakita ng pagkakakilanlan ng Pilipino. Hanggang sa kasalukuyan mararapat
na bigyang halaga natin ang paggamit ng wikang Filipino, ang wikang Pambansa at
hindi ito matatapos at mababasa sa pahina ng kasaysayan lamang.
ANG WIKANG PAMBANSA AT EDUKASYON

Ang edukasyon ay isang proseso ng komunikasyon ang lawak ng


kapakinabangan ng tao ay nakabatay sa wikang ginagamit sa proseso ng
pagtuturo/pagkatuto. Ang wika ng edukasyon ay dapat na naaayon sa mithiin ng mga
nakararami sa lipunan (Eastman, 1983; sa Boras-Vega,) Isinaad sa Artikulo XIV
(14),Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 na:
“… hangga’t hindi pinagtitibay ng batas. Ingles at Kastila ang magpapatuloy
bilang wikang opisyal.”
Wikang Opisyal – itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang gagamitin sa anumang uri ng komunikasyon,
lalo na sa anyong pasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o ahensiya ng
gobyerno (Almario, 2014)
Mga Batayan sa Pagtuturo ng Wikang Pambansa
BE Circular No. 71,s. 1939 – Ipinag-utos nang noo’y Kalihim Jorge Bacobo ng
Paturuang Bayan na gamitin ang mga katutubong diyalecto bilang mga pantulong na
wikang panturo sa primarya simula taong panuruan 1939-2940.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263- Noong Abril 1, 1940 ay nilagdaan ni
Pangulong Quezon ang kautusan at dito’y ipinag-utos ang pagtuturo ng wikang
Pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa. Nag-aatas din ito
ng paglilimbag ng Tagalog-English Vocabulary at isang gramatika na pinamagatang
Ang Balarila ng Wikang Pambansa.
Bulitin Blg. 26, s. 1946- Naglalaman ng pagmumungkahing magsama ng isang pitak
o seksyon sa Wikang Pambansa sa lahat ng pahayagang pampaaraalan upang
mapasigla ang pag-aaral ng Wikang Pambansa sa mataas na paaralan, mga
paaralang normal at tekniko na nilagdaan ng Direktor ng Pagtuturo na si Caledonio
Salvador.
Executive Order No. 10 - Noong Nobyembre 30, 1943, nagpalabas si Jose P. Laurel
ng Executive Order Blg 10 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay ituturo na sa

3|P ag e
lahat ng mataaas na paaralang pampribado, pampubliko, kolehiyo at unibersidad at
agad magkakabisa simula taong panuruan 1944-1945.
Memorandum Pangkagawaran Blg. 6, s. 1945 - Ipinalabas ng Kagawaran ng
Edukasyon na nagtatakda ng tentatibong kurikulum sa elementarya. Sa kurikulum na
ito, ang wikang pambansa ay bibigyan ng araw-araw na pagkaklase, 15 minuto sa
primarya at 30 minuto sa intermedya.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 - Noong Hunyo 19, 1974, ang Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura ay naglagda sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran
Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong
Bilingguwal. Ayon sa panuntunang ito, binibigyan ng katuturang magkahiwalay na
paggamit sa Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura, sa
pasubaling gagamitin ang Arabic sa mga lugar na ito ay kinakailangan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s 1987 - Ang Filipino at Ingles ay gagamiting
mga midyum sa pagtuturo. Ituturo rin ang dalawang wika at gagamiting midyum ng
pagtuturo sa lahat ng antas edukasyon para matamo ang bilingguwal na kahusayan.
CHED Memorandum Order (CMO) No 59, s.1996 - Sa animnapu’t tatlong (63)
minimum na kahingian ng General Education Curriculum (GEC), siyam (9) na yunit
ang ilalaan sa Filipino ay siyam (9) din sa Ingles.
CMO No. 04, s. 1997 - Siyam (9) na yunit ng Filipino ang kukunin sa programang
Humanities, Social Science at Communication (HUSOCOM) at anim (6) naman sa di-
(HUSOCOM).
Kautusang Pangkagawarang Blg. 60, s. 2008 - Ang Filipino at Ingles ang
mananatiling mga wika sa pagtuturo at ang mga lokal na wika ay gagamitin bilang
pantulong na wika ng pagtuturo para sa pormal na edukasyon at para sa alternatibong
sistema ng pagkatuto.

4|P ag e
5|P ag e
6|P ag e
7|P ag e
8|P ag e

You might also like