Proseso NG Pagsulat

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Proseso ng

Pagsulat
Pagsasaayos ng
Katawan
a. Iayos ang mga datos nang pakronolohikal

Kahapon sana siya makukumpirma sa Commission on


Appointments, pero hindi pumayag si Sen. Sergio Osmeňa
dahil ibig daw nitong makita muna ang mga kopya ng
kontratang pinirmahan ni Reyes noong siya pa ang Armed
Forces Chief
Inabot ng anim na oras ang deliberasyon sa
confirmation ni Reyes.
Halos naubos ni Osmeňa ang oras dahil sa
pagtatanong niya kay Reyes tungkol sa pagbili ng apat na C-
130 eroplano mula sa Lockheed Martin at ng surveillance
equipment sa halagang P641 milyon.

-mula sa Reyes Confirmation, Nabalam


Inquirer Libre, Disyembre 20, 2001.
b. Iayos ang mga datos nang palayo o palapit,
pataas o pababa, papasok o palabas.
c. Iayos ang mga datos nang pasahol

Halimbawa, bagama’t malaki ang pagpapahalagang


binigay sa edukasyon ng mga Pilipino, marami sa ating mga
bata ang napipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa matinding
kahirapan o di kaya’y sa kakulangan ng mga pampublikong
paaralan.
Sa katunayan, sa bawat sampung batang nabibigyan
ng libreng edukasyon mula sa pamahalaan, anim lang dito
ang nakapagtatapos ng grade school. Yun namang
masuwerteng nakaraos ay dumadaan naman sa limitadong
bilang ng oras, kakulangan ng kagamitan, masisikip na
classroom at karaniwang mababang kalidad ng edukasyon.
d. Iayos ang mga datos nang pasaklaw

Subalit hindi sinasadyang ginalit ni Sto. Tomas ang


mga Pilipina nang ipahiwatig niyang baka lisanin ng mga
kababayan ang Hong Kong kung babawasan nang malaki
ang pasuweldo sa kanila.
Ang kaniyang nasambit? “Kung talagang mahirap
mangyari ang ating hinihiling, may posibilidad na sabihin na
lang natin, Ok, kung hindi kayo kailangan sa Hong Kong,
siguro dapat na kayong umuwi sa Pilipinas,” ani Sto. Tomas.
Binatikos ng mga aktibista na sumusuporta sa mga
katulong ang pahayag ni Sto. Tomas. Anila, isang walang
pakundangan at iresponsable ito.
e. Paghambingin ang mga datos

Di tulad ng mga tradisyonal na museo kung saan


‘yung mga bagay-bagay ay naka-display lang sa likod
ng mga salamin upang matyagan lang at hindi
hawakan, ang Museong Pambata ay naglalaman ng
mga bagay na puwedeng hawakan, usyusohin,
pakialaman, galawin at paglaruan ng mga bata upang
makatulong sa pagpapalawak ng kanilang imahinasyon
at pag-iisip.
f. Isa-isahin ang mga datos

Balak ng Mobile Library Program na maitanim ang hilig sa


pagbabasa at pag-aaral sa mga bata partikular na roon sa mga
lalong nangangailangan.
Kabilang din sa mga pakay ay:
1. Magkaroon ng mga special reading activities para sa
out-of-school youth at mga batang lansangan para ma-engganyo
silang bumalik sa pag-aaral.
2. Matulungan ang mga mababang paaralang pampubliko
sa kampanya nilang maisaayos ang kaugaliang pagbabasa ng mga
estudyante.
3. Hikayatin ang mga nakatatanda na engganyohing
magbasa ang mga bata.
4. Makapag-organisa ng mga programang pang-edukasyon
para sa mga batang nasa ospital at bahay-ampunan.
g. Suriin ang mga datos

Kabilang sa mga pelikulang hindi makakalimutan


dahil sa magaling na pagganap ni Amy ay ang Paano
Ba ang Mangarap (1985), Hinugot sa Langit, at Anak
(2000)
Dito sa Bagong Buwan, na isinulat ni Marilou
kasama si Ricky Lee at Jun Lana, at gawa ng Star Cinema
at Bahaghari Productions, tiyak na mapapansin na naman
ang galing ni Amy sa kaniyang pagganap bilang Fatima,
ang Muslim na nurse na asawa ni Cezar.
Proseso ng
Pagsulat
PAGWAWAKAS
a. Ibuod ang paksa

Alam kung marami pang bundok ng mga


problemang kailangan nating pasanin upang maging
ganap na katotohanan ang bagay na ito. Kaya nga
ngayon, bukod sa ating sama-samang pagsisikap,
magkaisa rin tayong manalangin na ang sariling wika na
natin ang gagamitin sa ating lipunan, paaralan at
gobyerno upang ganap na tayong lumaya sa wika, sa
isip at sa pagkatao.
-mula sa Sariling Wika para sa Bansang Malaya
ni Alcomtiser P. Tumangan
b. Mag-iwan ng isa o ilang tanong.

Pagkakaisa, kalayaan, kaunlaran...mawawala


ang lahat ng iyan kung mawawala ang sariling wika.
Ngayon, pababayaan mo bang maglaho ang ating
sariling wika? Pababayaan mo ba?
-mula sa Ang Kaugnayan ng Wika sa Bayan
ni Rolando A. Bernales
c. Mag-iwan ng hamon.

Sadyang ang tinatahak natin ngayon ay hindi isa


sa mahihirap kundi pinakamahirap na bahagi ng
kasaysayan. Sapagkat nasa gitna tayo ngayon ng isang
kasaysayan at dramatikong panahon. Pababayaan ba
nating dumaan ang kasaysayan nang hindi tayo
kasama? Nang hindi tayo kasangkot?
Ngayon, tayo ay magpasiya! Ngayon ang panahon
ng pakikilahok!
-mula sa Mamamayan ang Magpapasiya
ni Rolando A. Bernales
d. Bumuo ng kongklusyon.

Bilang kongklusyon, ang huling pagtatangka sa


pag-agaw ng kapangyarihan ay taliwas sa
demokratikong proseso ng kasalukuyang
kinapapalooban ng ating pamahalaan. Ito’y isang
aroganteng hakbang ng mga rebeldeng sundalo upang
maitatag ang kanilang sariling pananaw ng lipunan na
nagtatago sa likod ng esensiya ng diktadurya matapos
pabagsakin ng mamamayan ang huling diktadurya
noong nakaraang Pebrero!
-mula sa Panibagong Diktadura? Hindi na!
ni Rolando A. Bernales
e. Gumawa ng prediksyon.

Sa panahong iyon, magkakahawak-hawak na


nating haharapin nang buong tatag at walang anino ng
takot at pangamba ang ngayon at ang kinabukasan ng
ating bansa. At natitiyak ko...sa tulong ng ating Dakilang
Lumikha...makabubuo tayo ng isang bansa...isang
Pilipinas na dakila, masagana at kaiga-igayang
panahanan.
-mula sa Ang Kabataan sa Pagbuo ng Bansa
ni Alcomtiser P. Tumangan
f. Magwakas sa angkop na sipi o
kasabihan.

Tapos na ang pagsasawalang-bahala. Hindi na


natin masisisi ang ating kapalaran. Ika nga ni
Shakespeare, The fault, dear Brutus, is not in our stars
but in ourselves!
g. Sariwain ang suliraning
binanggit sa simula.

Kailangan natin ngayon ang isang uri ng


moralidad at pagiging relihiyoso na katulad ng kay
Rizal. Kailangan natin ang uri ng kaniyang pananalig sa
Diyos sa mga bagay na nalikha Niya sa ating
kapaligiran at hindi siyang tagawasak ng mga ito dahil
sa hangarin natin sa kapangyarihan at kasakiman sa
kayamanan.
-mula sa Si Rizal at ang Likas na Yaman
ni Alcomtiser P. Tumangan
h. Mag-iwan ng isang pahiwatig o
simbolismo.

Sa di kalayuan, ilang kumikislap na luha ang


pumatak sa isang maliit na anino ng isang matipunong
lalaki matapos gampanan ang isang utos ng kaniyang
nakatataas.
Habang nagdadagsaan ang maraming tao sa
pinanggagalingan ng tila umaagos na pulang gata sa
lupa ay unti-unting nawawala ang anino sa kadiliman.
-mula sa Pagbabalik
ni Rolando A. Bernales
Proseso ng
Pagsulat
Revising Techniques
• Pag-eedit at pagrerebisa ng sariling draft
• Peer Editing
• Professional Editing

“When you revise, you do four things: cut


material, replace material, add material,
rearrange what’s already there.”
(Rozakis, 1997)

You might also like