Balangkas NG Pagsusuri NG Nobela Ni Mary
Balangkas NG Pagsusuri NG Nobela Ni Mary
Balangkas NG Pagsusuri NG Nobela Ni Mary
I. BALANGKAS NG NOBELA
e. MGA TAUHAN
f. MGA SULIRANIN
g. MGA PANGYAYARI
Ang Maganda Pa Ang Daigdig ay sinulat ni Lazaro Francisco noong 1955 at lumabas ito
sa Liwayway Magazine bilang isang serye. Ito ay napublish bilang libro noong 1982.
Usapin sa repormang agraryo at panunulisan ang nobelang ito, at tumatanaw sa pag-asa
sa kabila ng kabulukan at karimlan ng paligid. Tungkol ito sa problema at mga isyung
mula sa agrikultura sa ating bansa at epekto sa buhay ng isang tao na si Lino Rivera.
Lino Rivera -
Galing lamang siya sa mahirap na pamilya ng mga magsasaka. Nakapagaral siya
hanggang sa ikaaapat na baitang. Masipag naman siyang magtrabaho. At marami na rin
siyang pinasukang trabaho. Dalawang beses siyang nabilanggo sa buong kwento. Parehas
ay para sa bagay na hindi niya ginawa. Noong unang beses dahil walang saksi. Sa
pangalawa naman, pinagbinatangan siyang pumatay.
Siya rin ay mabait na tao na tumutulong sa mga may kailangan. Pinuno siya ng kanilang
kilusan, subalit nung inalok siya ni Kumander Hantik na sumama sa kanyang samahan,
siya ay tumanggi. Siya ay may halagang 10,000 pesos sa paghuli, patay man o buhay.
Ernesto -
Anak ni Lino Rivera. Sa kurso ng storya, si Ernesto ay 11 na taong gulang. Mayroon
siyang isang krusipiho lamang mula sa kanyang ina na namatay na. Isa siyang matalino
na bata at siya ay nasa ikaapat na baitang na. Inaalagaan siya ni Bb. Sanchez. Minsan ay
sinabihan siya ng isang bata na anak siya ng tulisan. Pero kahit anong problema ang
dinaraos ng ama niya, mabait pa rin na anak si Ernesto.
Kumander Hantik -
Ang nagnakaw ng rebolber at orasan ni Kapitan Roda. Kumander siya ng Huk. Iyon ay
isang samahan na laban sa pamahalaan.
Pari Amando Echevaria -
Ang tiyo ni Bb. Sanchez. Kura siya ng Pinayahan at siya ay 57 na taong gulang.
Tumulong rin siyang mahanap ni Lino ang trabaho niya bilang janitor at siya ang
tumutulong sa kaso nito dahil naniniwala siyang walang sala si Lino. Nangingialam siya
sa mga pangyayaring relihiyon, panlipunan, at pamahalaan.
Si Aling Ambrosia ay ang labandera ni Bb. Sanchez. Binalita niya kay Bb. Sanchez na
nahuli si Lino. Si Ignacia ay ang kawaksi ni Bb. Sanchez. Si Aling Basilia ay ang ina ni
Bb. Sanchez.
Si Don Tito ay ay may ari ng bakahan sa Pinyahan. Araw araw, nawawalan siya ng
trabahaor at nananakawan siya ng mga baka. May anak siyang nagtapos sa New York
City. Si Albino naman ang kaibigan ni Lino na pamangkin ni Aling Ambrosia. Siya ang
nagsabi kay Pari Amando tungkol sa kalagayan ni Lino. Si Rosauro Ablana ay isang
matalik na kaibigan ni Kapitan Roda. Si Estanislao Villas ay ang may ari ng gasoline
station sa Pinyahan at pati na rin sa Maynila. Asawa niya si Ms. Rosalina Dolor na isang
kagawad. Ang isa pang kagawad ay si Ms. Genoveva Riegos.
Si Marcelo Ligon ay ang abogado ni Lino. Si Mr. Orozco ang superintendent ng mga
school. Si Ernestina ang inaanak ni Bb. Sanchez. Nagkatampuhan sila ni Ernesto, na
kaidad niya. Si Ms. Minda Lavadia ay ang guro ni Ernesto at Ernestina. Si Kabo Lontoc
ay ang gwardiya na nangdakip kay Lino. Si Diego Sakdal ang nagbunsod kay Lino na
pumunta sa Pier X. Si Cayetano Tarantella ay pinatay ni Lupo Pinlak gamit ang isang
tubo. Ang abogado de opisyo naman ni Lino ay si Abogado Teoposto Garcia. Binigyan
siya ni Pari Amando ng 200 pesos para sa kanyang serbisyo.
Si Ester Matthews ay isang amerikanang mestisa na penpal ni Bb. Sanchez. Sina Bandino
Runes, Dimas Solitario at Juan Rompe ang mga saksi na “pinatay” ni Lino si Tarantella.
Pero sa totoo lang, kasabwat sila ni Lupo Pinlak. Siya ang Kumander Kalpin ng mga
Huk. SI Tisyo ang kasama ni Lino sa kanilang kasamahan, kasama rin siyang tumakas sa
bilangguan.
Si Dr. Margarito Castro ang doktor na tumingin kay Lino nang magkasakit ito. Si Dinong
ay isa pang kasama ni Lino na tumakas mula sa bilangguan. Si Felix ay isang sakristan.
Si Pedro Sinsak ay pinalitan ni Lino sa trabaho. Si Santiago ag katiwala ni Pari Amando.
IV. Buod
Nagsimula ang storya sa Kiyapo kung saan nahablot ang bag ni Bb. Sanchez. Nabawi
naman agad ang bag ng isang taong di kilala. Binugbog pa niya ang mga magnanakaw.
Nahuli ang mga suspek at nalaman ni Bb. Sanchez na ang pangalan ng tumulong sa
kanya ay Lino.
Ang maybahay ni Lino ay ginahasa ng mga sundalong Hapon. Sa pag-uwi ni Bb. Sanchez
sa bayan ng Pinyahan, nalaman niyang nakikipirmi si Lino kasama ang anak niyang si
Ernesto.
Habang wala si Lino, inalagaan muna ni Bb. Sanchez si Ernesto. Noong una ay hindi
kumakain at nakakatulog si Ernesto. Nag-aalala na si Bb. Sanchez at ang ina niya.
Sinusubukan din ni Ernestina na pasiyahin si Ernesto ngunit walang nanyayari. Binilhan
na siya ng damit at lahat.
Dumalaw si Padre Amando at pinag-usapan nila ni Bb. Sanchez ang nangyari kay Lino.
Nang tanungin ng pari kung ano ang gusto nung bata, ang sinabi niya ay ang kanyang
ama. Nangako ang pari na tutulungan niya si Lino.
Bago umalis, nangako ang pari na pupuntahan niya si Lino at aalamin ang kanyang
kalagayan at ang katotohanan. Pagkatapos ng ilang oras ay dumating si Aling Ambrosia,
ang labandera nina Miss Sanchez.
Natagpuan na ni Rada ang saksi, pati na rin ang tunay na pumatay, sa Camarines Sur
subalit nakatakas na ito kasama ang labindalawang bilanggo habang ililipat sila sa
Muntinlipa.
Nabalitaan ngayon na si Lino at ang mga kasamahan nya ay humuhuli ng mga Huk. Ang
mga Huk ay mga manggagahasa at magnanakaw. Noong nagkita si Kumander Hantik at
at si Lino sa isang kweba, inanyayahan niya ito na sumali sa kanilang samahan.
Tumanggi si Lino. Bilang ganti, ikakalat raw ni Kumander Hantik na si Lino ang
nagsisimula ng gulo sa mga lalawigan. Nagkaroon ng Operation Scarlet subalit hindi pa
rin mahuli si Lino at ang samahan niya.
Habang nangungumpisal ang isang rantsero, nalaman ni Padre Amado ang kinaroroonan
ni Lino. Sinabi nyang tumitigil nang tumakas at binalitang alam na na wala siyang
kasalanan sa kaso. Tumigil nga si Lino at sa dulo, nalaman niyang iniibig siya ni Bb.
Sanchez.