Week 7 and 8 AGRI

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (AGRIKULTURA)

DLP Blg.: 28 ENHANCEMENT


Asignatura:EPP Baitang:5 Markahan:1 Oras:50 MINUTO
Mga Kasanayan: 2.5 Nakagagawa ng plano sa pag-aalaga ng
Code:EPP5AG-0g-14
hayop/isda bilang mapagkakakitaang gawain.
Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na
Susi ng Pag-unawa gawain.Maraming produkto ang makukuha mula sa mga alagang hayop.
na Lilinangin: Hindi lamang ito isang libangan kung hindi isang magandang
pagkakakitaan Ngunit mahalaga na mayroon tayong planong susundin sa
pag-aalaga ng hayop bilang mapagkakakitaang gawain.
1.Mga Layunin
Natatalakay ang wastong plano sa pag-aalaga ng hayop/isda bilang
Kaalaman mapagkakakitaang gawain.
Naisasagawa ang wastong plano sa pag-aalaga ng hayop/isda bilang
Kasanayan
mapagkakakitaang gawain.
Kaasalan Nasusunod ang wastong paggawa ngplano sa pag-aalaga ng hayop/isda.
Napahahalagahan ang wastong plano sa pag-aalaga ng hayop/ isda bilang
Kahalagahan
mapagkakakitaang gawain.
2.Nilalaman Paggawa ng Plano sa Pag-aalaga ng Hayop/Isda.
3.Mga Kagamitang
larawan ng hayop na aalagan, manila paper, pentel pen, projector, laptop
Pampagtuturo
4.Pamamaraan
A. Magpakita ng mga larawan ng hayop na pwedeng pagkakitaan sa A. Magpakita ng
bahay at itanong sa mga bata kung paano ito alagaan. mga larawan ng hayop
na pwedeng
4.1 Panimulang B. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na tanong. pagkakitaan sa bahay
Gawain at itanong sa mga bata
(3 minuto) 1.Kapag kayo ay gumagawa ng proyekto, ano ang unang hakbang na kung paano ito
inyong alagaan.
isinasagawa?
2. Kayo ba ay gumagawa ng plano bago simulan ang isang gawain?
Ipaskil ng guro ang nakasulat na kopya ng tula.
Ipabasa sa buong klase at unawaing mabuti ang isinasaad nito.

Pag-aalaga ng Hayop
Sa paghahalaman, maging sa paghahayupan
Ang pagpaplano ay kailangan
Kung gawaing ito’y nais mapagtagumpayan
Mahalagang bagay, dapat isaalang- alang.
Pagpili ng hayop iyong pag-isipan
Ganun din ang lugar at kapaligiran
Perang gagamitin at iyong puhunan
Isama na ring mga kagamitan.
4.2 Mga Gawain/
Sa pasimula at kung wala pang alam
Estratehiya
Sumangguni sa may karanasan
(10 minuto)
Maaari ding sa ahensyang pamahalaan
Upang sigurado maibibigay na kaalaman.
Wastong pag-aalaga sa napiling hayop
Kuneho, kambing, baka at manok
Sa damuhan, sa dagat, at maging sa ilog
Pumili ng lugar, sa kanila ay angkop
Unti-uni ay matututunan din
Ang mga dapat at hindi dapat gawin
Mula dito maaaring palawakin
Proyektong sinimulan, kayang palaguin.
Ipaliwanag ng guro ang bawat saknong ng tula sa mga mag-aaral.Itanong:
Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagplano ng pag-aalaga ng hayop?

Sa pamamagitan ng powerpoint presentation basahin ng mag-aaral ang


4.4 Pagtatalakay
tungkol sa pagpaplano ng pag-aalaga ng hayop/isda.
( 15 minuto)
Ang pag-aalaga ng hayop ay isang gawaing mapagkakakitaan. Kaya’t
mahalagang pagplanuhan muna bago magsimula upang matiyak ang
ikatatagumpay nito.
Sa pagpili ng aalagaang hayop, dapat isaalang-alang ang kapaligiran o
lugar na angkop ang uri ng hayop at ng pangangailangan sa kapaligiran.
Ang kambing, baka at kuneho ay mabuting alagaan sa lugar na may
malawak na damuhan. Sa malawak na bakuran naman alagaan ang
manok, at kuneho. Ang isda at itik ay angkop sa lugar na malapit sa dagat,
ilog at iba pang anyong tubig. Isaalang-alang din ang puhunang
kakailangin para sa kulungan, gamot at pagkain.
Ikaw ba ay maari nang magplano? Halimbawa gusto mong mag-alaga ng
manok upang ikaw ay kumita, pag-aralan ang planong ito at sagutin ang
nakasaad na mga tanong ng guro.
Tingnan ng mabuti ang format ng plano na maaaring gamitin ng mga bata:

Plano ng Pag-aalaga ngManok


I. Layunin : (naglalaman ng layunin sa paggawa ng gawain)
II. Larawan: ng binabalak na gagawin
(Maaaring iguhit sa ibang papel kung kinakailan
III. Talaan: Punan kung anong meron ang alagamo
1. Uri nghayop na aalagaan
2. Bilang ng hayop
sisimulan
3. Lahi nghayop
4. Lugar
mapaglalagyan
(lagyan ng tsek ang
tumutugon sa plano)
a. Maytubig
b. Sikat ngaraw
c. Mayhangin
5. Klase ngPagkain
d. Tirangpagkain
e. Feeds
f. Kangkong,
g. Sapal ngniyog
6. Produkto namaibibigay
h. Karne
i. Itlog
j. Balat
k. Dumi
l. Iba pa
7. Kikitain
kapagipinagbili/
Produkto
Itanong:
4.5 Paglalapat Paano natin maisasama sa plano kung paano mapanatiling malusog ang
(4 minuto) pag-aalaga ng hayop/isda?
Ibigay ang kahalagahan ng paggawa ng plano sa pag-aalaga ng hayop
bilang mapagkakakitaan ?

5.Pagtataya
( 10 minuto
Ipagawa sa mga bata ang plano nang pag – aalaga ng hayop/isda bilang
mapagkakakitaang gawain.

Magplano tayo.

1.Magpangkat sa tatlo at pumili ng lider.


2. Pumili ng isang hayop na maaring alagaan bilang mapagkakakitaang
gawain.
3. Gumawa ng plano ng pag-aalaga ng hayop na inyong aalagaan.
4. Ituos kung magkano ang kikitain sa alaga ninyo.
5. Iulat sa klase ang ginawang plano at ang mga batayan nito sa
paggawa.

Pamantayan 3 2
Pakikipag-usap sa
mga Mag-aaral /
Kumperensiya
Malinaw ang Malinaw ang plano Hindi malinaw ang
nilalaman ng plano ngunit mayroong planong nagawa at
Detalye ng plano at kumpleto ang kulang na detalye maraming kulang
lahat ng detalyeng ang plano na detalye ang
kailangan plano
Naiulat nang Naiulat nang Maraming kulang
maayos at malinaw maayos ang plano na impormasyon
Pag-uulat ng grupo ang ngunit mayroong ang hindi
ginawang plano detalyeng hindi naipaliwanag ng
naipaliwanag grupo
Ang lahat ng Ilan sa mga Ang lider lamang
miyembro ng grupo miyembro ng grupo ang gumawa ng
Pagkakaisa ay nakiisa sa ang hindi nakiisa sa proyekto
paggawa ng plano paggawa ng
proyekto

6. Takdang-Aralin
( 3 minuto)

Sagutin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa


kuwaderno.

Pagpapalinang/Pa 1. May malawak kayong lupain na maraming tumutubong damo sa


gpapaunlad sa paligid nito. Ang tatay mo ay nawalan ng trabaho, ang nanay ay
kasalukuyang abala sa gawaing bahay. Kung tatanungin ka tungkol sa plano ng
aralin pag-aalaga ng hayop, anong hayop ang pipiliin mo? Bakit?
2. Marami kayong alagang hayop na tulad ng manok at kambing.
Ang kaibigan mo ay balak mag-alaga ng mga hayop din. Ano ang
maipapayo mo sa kanya bago siya magsimula?

7. Paglalagom/Panapos
na Gawain
( 2 minuto)

Itanong:

Bakit kailangan may masusing pag-iingat sa pagplano ng pag-aalaga ng


hayop?
Pagbubuod
Ang maingat na pagpaplano ay kailangan gawin kung mag-aalaga ng
hayop upang lubos at tiyak na mapakinabangan. Sa paggawa ng plano,
mahalagang pag-ukulan ng pansin ang hayop na aalagaan at uri nito,
maging lugar, klima, at pakinabang na dulot nito.

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: [email protected]

DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (AGRIKULTURA)

Oras: 50
DLP Blg.: 30 Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: 1 ENHANCEMENT
MINUTO

2.6 Natutukoy ang mga hayop na maaring


Mga Kasanayan: Code: EPP5AG-
alagaan tulad ng
0g-15
manok, pato, itik, pugo/ tilapia

Susi ng Pag-unawa na
Lilinangin: May mga hayop na maaring alagaan ayon sa ating pangangailangan
at ng mamimili. Ang pag-aalaga ng mga manok,pugo,at pato ay isang
mabuting gawain. Ang mga manok, itik, pato at pugo ay nagbibigay
ng karne at itlog.

1.Mga Layunin

Kaalaman
Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan tulad ng manok, pato,
itik, pugo/ tilapia.

Napaghahambing ang
Naisasagawa nang maayos ang pagtukoy sa mga hayop na maaring mga hayop na maaring
Kasanayan alagaan tulad ng manok, pato, itik, pugo/ tilapia alagaan tulad ng manok,
pato, itik, pugo/ tilapia

Kaasalan Napapahalagahan ang


Napaghahambing ang mga hayop na maaring alagaan tulad ng mga hayop na maaring
manok, pato, itik, pugo/ tilapia alagaan tulad ng manok,
pato, itik pugo/tilapia
Kahalagahan
Napahahalagahan ang wastong pagtukoy sa mga hayop na maaring
alagaan tulad ng manok, pato, itik, pugo/ tilapia

2.Nilalaman
Pagtukoy sa mga hayop na maaring alagaan.

3.Mga Kagamitang
Pampagtuturo Larawan ng mga iba’t ibang hayop, notebook, ballpen, manila paper,
pentel pen

4. Pamamaraan

4.1 Panimulang
Gawain Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
(3 minuto)
1. May alam ba kayong uri ng hayop o mga hayop na maaring
alagaan?
2. Anu-ano ang mga kagandahang maidudulot sa pag-aalaga
ng nasabing mga hayop sa buhay ng tao?
4.2 Mga Gawain/
Estratehiya Alin sa mga hayop na nasa mga larawan ang naalagaan mo na?
(8 minuto)

Sa mga Mag-aaral:

1. Bigyan ng metacard ang mga bata at pasulatan kung alin sa


larawan ang gusto nila.
Patayuin ang mga bata na may metacard at papilahin sila ayon sa
isinulat nila.
3. Isang pila sa bawat hayop na pinili nila.
4. Ipakikitang isa’t- isa ang kanilang metacard kung anong hayop ang
nakasulat.
Ipaliliwanag ng bawat isa kung bakit iyon ang pinili niya

 Tukuyin at alamin ang mga hayop na mainam alagaan.


4.3 Pagsusuri
(3 minuto)
 Isa-isahin ang salik sa pagpili ng hayop na aalagaan.

Sa pagpili ng hayop na aalagaan, dapat isaalang – alang ang


4.4 Pagtatalakay
kapaligiran o lugar na paglalagyan nito. Iangkop ang uri ng hayop sa
( 15 minuto)
kanilang pangangailangan sa kapaligiran.

Ang baka, kalabaw at kambing ay mainam alagaan sa lugar na may


malawak na damuhan. Maari ring mag-alaga ng baboy, manok, pugo
at kuneho sa likod ng bahay.
Ang itik, pato at isda ay angkop namang alagaan sa lugar na malapit
sa ilog, sapa, dagat at iba pang anyong tubig.
Isaalang- alang din ang puhunan na kakailanganin para sa kulungan,
gamot at pagkain.Maaring sumangguni sa mga ahensya ng
pamahalaan. Magsimula sa maliit kapag kulang ang karanasan. Unti-
unting matututunan ang mga dapat at hindi dapat gawin.

Ano- ano ang mga salik na dapat tandaan sa pag- aalaga ng manok,
pugo, itik at pato?

Itanong sa mga mag-aaral:


4.5 Paglalapat  Ano ang maibibigay ng mga hayop na maaring alagaan ayon
(4 minuto) sa ating pangangailangan?
 Paano nakatutulong sa pag-unlad ng pamilya at
pamayanan ang pag-aalaga ng hayop?

5.Pagtataya
(13 minuto)

Punan ang patlang ng tamang sagot at isulat sa gagutang papel.

1. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang mainam __________ na


maaring pagkakitaan.
2. Sa pag-aalaga ng hayop kailangan ang _________ upang
panustos sa pagkain at
gamot ng mga alaga,.
3. Ang uri ng hayop na aalagaan ay dapat angkop sa ________
paglalagyan nito.
4. Ang paghahayupan ay isang uri ng paraan ng pagtugon sa
pangangailangan ng mag-
Pasulit anak sa ___________.
5. Mahalaga ang masusing pag-aaral at________ bago magsimula
ng paghahayupan
upang matiyak ang tagumpay.

Susi sa Pagwawasto:

1. Libangan
2. Pera
3. Kapaligiran
4. Pang-araw-araw
5. Pagbabalak
6.Takdang-Aralin
( 2 minuto)

Pagpapalinang/Pagpa Sa inyong kwaderno sa EPP, Ipaliwanag ang sumusunod na mga


paunlad sa katanungan.
kasalukuyang aralin
1. Sa iyong palagay ano ang mas mainam alagaan,manok, pato, itik,
pugo/ tilapia?
2. Kawili-wili ba ang pag-aalaga manok, pato, itik, pugo/ tilapia?

7. Paglalagom/
Panapos na Gawain
( 2 minuto)

Ang guro ay tatawag ng 2 mag-aaral upang makapagbibigay buod sa


Pagbubuod
paksang tinatalakay.

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: [email protected]

DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (AGRIKULTURA)

ENHANCEMENT
DLP Blg.: 30 Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: 1 Oras: 50 MINUTO

2.7 Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at


kasangkapan na
dapat ihanda upang makakapagsimula sa pag-
Mga Kasanayan: aaalaga ng Code: EPP5AG-
hayop/isda 0h-16
2.7.1Natutukoy ang mga kagamitan at
kasangkapan sa pag-aalaga
ng manok

Susi ng Pag-unawa na Ang araling ito ay magbibigay sa atin ng kaalaman tungkol sa mga
Lilinangin: kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng manok.Tatalakayin din
sa araling ito ang paggawa ng talaan ng mga kagamitan
atkasangkapan upang maisakatuparan ang pag-aalaga.

1.Mga Layunin

Kaalaman Natatalakay ang mga kagamitan at kasangkapan na dapat ihanda


upang makakapagsimula sa pag-aaalaga ng hayop/isda.

Kasanayan
Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat
ihanda upang makakapagsimula sa pag-aaalaga ng hayop/isda.
Kaasalan Nasusunod ang wastong paggamit ng mga kagamitan at
kasangkapan sa pag-aalaga ng manok.

Napapahalagahan ang wastong paggamit ng mga kagamitan at


Kahalagahan kasangkapan na dapat ihanda upang makakapagsimula sa pag-
aaalaga ng hayop/isda.

2.Nilalaman Paggawa ng Talaan ng mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pag-


aalaga ng Manok

Larawan ng isang
3.Mga Kagamitang manukan,tsart, meta
tsart, meta cards, manila paper, pentel pen
Pampagtuturo cards, manila paper,
pentel pen

4.Pamamaraan

A. Ipakita ang isang


Itanong: larawan ng manukan
sa mga bata at
Ano ang unang dapat ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga itanong sa kanila
ng ng hayop / isda? kung paano alagaan
4.1 Panimulang ang mga manok.
Gawain B. Itanong:
(3 minuto)
Ano ang unang dapat
ihanda upang
makapagsimula sa pag-
aalaga ng ng hayop /
isda?

Ipakita ang larawan sa mga bata.


4.2 Mga Gawain/
Estratehiya
(8 minuto)

Itanong:

1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit inaalagaan ang mga


manok?
2. Ano sa tingin ninyo ang mga kagamitang kailangan kung sakaling
mag-aalaga ng
manok?
3. Ano ang unang dapat ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga
ng manok?

Pangkatang Gawain:

1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo.


2. Bigyan ang bawat grupo ng meta cards.
3. Isulat sa meta cards ang mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
aalaga ng hayop / isda.
4. Idikit ang mga meta cards sa manila paper.
5. Ipatalakay sa bawat lider ng grupo ang kanilang nagawa.

Ang manok ay inaalagaan para sa kanyang karne at itlog.


Karaniwang ulam ito ng mag-anak sa
hapag- kainan. Ang pag-aalaga ng
manok ay isang kapaki- pakinabang
na gawaingmakapagbibigay ng
pansariling kapakinabangan.
Kailangan ng alagang manok ang
na kulungan upang magkaroon ng sapat
na bentilasyon at maging maginhawa sila.
ito ay yari sa katutubong
materyales tulad ng pawid at kogon

para sa bubong, at kawayan naman para sa sahig at dingding.


Tiyakin na may patukaan, painuman salalayan ng dumi at dapuan
ang mga kulungan para sa bubong, at kawayan naman para sa sahig
at dingding. Tiyakin na may patukaan, painuman salalayan ng dumi at
4.4 Pagtatalakay
dapuan ang mga kulungan.
(15 minuto)
Habang ang mga ito ay maliliit pa, dapat mapanatili ang init ng
kanilang katawan sa pamamagitan ng artipisyal na paraan.Brooding
ang tawag sa paraang ito. Karaniwang ginagamit ang lampara o
bombilya.Lagyan ng gamot na mayaman sa bitamina, mineral at
antibiotics ang tubig na iniinom ng mga sisiw. Makatutulong ito upang
lumakas at lumaki agad ang mga sisiw. Sa unang apat na lingo,
pakaiinin sila ng starter mash. Pagkatapos ng unang apat na lingo,
bigyan sila ng grower mash.
Tiyakin na may patukaan, painuman salalayan ng dumi at dapuan
ang mga kulungan.
Habang ang mga ito ay maliliit pa, dapat mapanatili ang init ng
kanilang katawan sa pamamagitan ng artipisyal na paraan.Brooding
angtawag sa paraang ito. Karaniwang ginagamit ang lampara o
bombilya.Lagyan ng gamot na mayaman sa bitamina, mineral at
antibiotics ang tubig na iniinom ng mga sisiw. Makatutulong ito upang
lumakas at lumaki agad ang mga sisiw. Sa unang apat na lingo,
pakaiinin sila ng starter mash. Pagkatapos ng unang apat na lingo,
bigyan sila ng grower mash.

Sagutin ang mga tanong:

Mahalaga bang maihanda muna ang talaan ng mga kasangkapan at


kagamitan sa pag-aalaga ng manok? Bakit?
1. Ano ang unang bigyang-pansin sa pag-aalaga ng manok?
2. Anu-ano ang mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng
manok?
3. Bakit mahalaga bang maihanda muna ang talaan ng mga
kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga ng manok?

Bakit kailanganggumawa ng maayos at maluwag na kulungan?

Gumawa ng maayos at maluwag na kulungan ng mga manok upang


4.5Paglalapat hindi maapektuhan ang kanilang paglaki.
(4 minuto)
5. Pagtataya
(13 minuto)

1. Magpangkat sa tatlong grupo. Pumili ng lider.


2. Gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
aalaga ng manok.
Isulat ito sa isang manila paper.
3. Iulat sa klase ang nagawang talaan ng mga kasangkapan at
kagamitan.
4. Maaring sundin ang talaan na nasa ibaba

Pangangailangan ng Manok Kasangkapan/Kagamitan


1. Kulungan
a. Bubong
b. Dingding
c. Sahig
Pakikipag-usap sa d. Patukaan
mga Mag-aaral/ e. Painuman
Kumperensiya 2. Brooder House

Rubriks sa Pagmamarka
Puntos Deskripsiyon
Naisagawa ng maayos ang talaan ng
4 kagamitan at kasangkapan
Naisagawa ang talaan ng mga kagamitan
3 at kasangkapan ngunit kulang ng isa
Naisagawa ang talaan ng mga kagamitan
2 at kasangkapan ngunit kulang ng dalawa
Naisagawa ang talaan ng mga kagamitan at
1 kasangkapan ngunit kulang ng tatlo
Hindi naisagawa ng talaan ng mga
0 kagamitan at kasangkapan

6.Takdang-Aralin
(2 minuto)

Pagpapalinang/Pagpapaunlad Magsaliksik tungkol sa mga kagamitan at kasangkapang


sa kasalukuyang aralin kakailanganin sa pag-aalaga ng manok?

7. Paglalagom/
Pagbubuod ( 2 minuto)

Ang guro ay tatawag ng 2-3 mag-aaral upang makapagbibigay buod


Pagbubuod sa paksang tinatalakay.

Sa pag-aalaga ng manok, kailangan munang ihanda ang mga


kagamitan at kasangkapan upang mas maayos na maisakatuparan
ang pag-aalaga. Alamin ang mga pangunahing kakailanganin sa
pagsisimula ng pag-aalaga ng manok.

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: [email protected]
DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (AGRIKULTURA)

DLP Blg.: 29 Oras: 50


Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: 1
MINUTO

2.5.1 Nakagagawa ng plano sa pag-aalaga ng Code:EPP5AG-


Mga Kasanayan:
isda 0g-14

Susi ng Pag-unawa na Ang pag-aalaga ng isda ay isang makabuluhang gawain. Ito ay


Lilinangin: nakatutulong sa pang araw-araw na pangangailangan ng mag-anak.
Ito ay nakadaragdag ng kita sa mag-anak.

1.Mga Layunin
Kaalaman
Natatalakay ang wastong pagpaplano sa pag-aalaga ng isda

Kasanayan Naisasagawa ang wastong pagpaplano sa pag-aalaga ng isda

Kaasalan
Nasusunod ang wastong pagpaplano sa pag-aalaga ng isda

Kahalagahan
Napahahalagahan ang wastong pagpaplano sa pag-aalaga ng isda

2.Nilalaman
Pag-aalaga ng Isda

3.Mga Kagamitang Larawan ng isang


Pampagtuturo palaisdaan, manila
Larawan ng isda na aalagaan, manila paper, pentel pen, projector paper, pentel pen,
projector

4.Pamamaraan
Ipakita ang larawan sa
Punan ng salita o mga salita ang mga patlang upang mabuo ang diwa mga mag-aaral at sagutin
ng mga pangungusap. Pumili ng sagot sa talaan ng mga salita at ang mga tanong sa
parirala sa ibaba. ibaba.

Tubig, insekto, mataas


1. Ang pag-aalaga ng isda ay makatutulong upang mabawasan ang
mga ____________ at
iba pang peste na pumipinsala sa mga alagang tanim.
2.Kailangan ang palaisdaan ay nasa ____________ upang hindi
bahain.
Itanong:
Ipakita ang larawan sa mga mag-aaral at sagutin ang mga tanong sa Malapit ba ang inyong
ibaba. pamayanan sa dagat,
4.1 Panimulang
lawa, ilog at sapa? Alam
Gawain
mo ba ang mag-alaga,
(2 minuto)
magparami at mag-ani
ng mga alagang isda?

Malapit ba ang inyong pamayanan sa dagat, lawa, ilog at sapa? Alam


mo ba ang mag-alaga, magparami at mag-ani ng mga alagang isda?
Magplano tayo

1. Magpangkat sa tatlo at pumili ng lider.


2. Pumili ng isang uri ng isda na maaring alagaan bilang
mapagkakakitaang gawain.
3. Gumawa ng plano ng pag-aalaga ng isda na inyong aalagaan.
4.Ituos kung magkano ang kikitain sa alaga ninyo.
5.Iulat sa klase ang ginawang plano at ang mga batayan nito sa
paggawa.

Pamantayan 3 2 1

Malinaw ang Malinaw ang malinaw ang


Detalye ng nilalaman ng plano ngunit planong
plano plano at mayroong nagawa at
kumpleto ang kulang na maraming
lahat ng detalye ang kulang na
4.2 Mga
detalyeng plano detalye ang
Gawain/Estratehiya
kailangan plano
(10 minuto)

Naiulat nang Naiulat nang Maraming


Pag-uulat maayos at maayos ang kulang na
malinaw ng plano ngunit impormasyon
grupo ang mayroong ang hindi
ginawang detalyeng naipaliwanag
plano hindi ng grupo
naipaliwanag

Ang lahat ng Ilan sa mga Ang lider


Pagkakaisa miyembro ng miyembro ng lamang ang
grupo ay grupo ang gumawa ng
nakiisa sa hindi nakiisa proyekto
paggawa ng sa paggawa
plano ng proyekto

Sa inyong palagay, kapaki-pakinabang ba na gawain ang pag-aalaga


4.3 Pagsusuri (2
ng mga piling hayop?
minuto)
Mahalaga ba ang pagtutulungan sa gawaing ito?

4.4 Pagtatalakay
(15 minuto)

Ang mga sumusunod ay dapat tandaan sa pagpaplano at pag-aalaga


ng isda.

1. Isaalang- alang ang sapat na panustos ng tubig kung saan


itatatayo ang palaisdaan.
2. Maglaan ng kalahating ektarya para sa gagawing palaisdaan.
3. Sa paggawa ng palaisdaan kailangan ng materyales tulad ng
semento, buhangin, graba
at hallow blocks. Kung sa lawa o iba pang anyong- tubig kailangan
din ng kawayan,
lambat at nylon na pisi para sa kulungan.
4. Piliin ang uri ng isdang pinakaangkop para sa sariling lugar. Ang
mga isda tulad ng hito
karpa, dalag at tilapia ay madaling alagaan kaya mahusay palakihin
sa likod- bahay
Tiyakin may mapagkukunan ng mga karaniwang pagkain ang napiling
isdang aalagaan.

4.5 Paglalapat A. Ano-ano ang


(5 minuto) Ano-ano ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng isda sa ating kabutihang dulot ng
pamilya at pamayanan? pag-aalaga ng isda
sa ating pamilya at
pamayanan?
B.Punan ng salita o mga
salita ang mga patlang
upang mabuo ang diwa
ng mga pangungusap.
Pumili ng sagot sa talaan
ng mga salita at parirala
sa ibaba.

Tubig, insekto, mataas


1. Ang pag-aalaga ng
isda ay makatutulong
upang mabawasan ang
mga ____________ at
iba pang peste na
pumipinsala sa mga
alagang tanim.
2.Kailangan ang
palaisdaan ay nasa
____________ upang
hindi bahain.

5.Pagtataya
(13 minuto)

Itala ang mga dapat tandaan sa pagpaplano ng isda.

Pagpaplano

Pasulit

6.Takdang-Aralin
(2 minuto)
Pagpapalinang/
Pagpapaunlad sa Gamit ang internet, magsaliksik ng uri ng isda na pinaka madaling
kasalukuyang aralin alagaan at mga pangangailangan nito.
7. Paglalagom/
Panapos na Gawain
( 2 minuto)

Sa pagpili ng aalagaan, kailangang piliin ang isdang madaling


Paglalagom pagkakitaan, madaling alagaan at kailangang isaalang-alang ang
mga pangangailangan ng isda.

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: [email protected]
DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (AGRIKULTURA)

Oras: 50
DLP Blg.: 31 Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: 1 ENHANCEMENT
MINUTO

Mga Kasanayan: 2.6.1 Natutukoy ang mga hayop na maaaring Code: EPP5AG-
alagaan tulad ng manok 0g-15

Susi ng Pag-unawa
na Lilinangin: Sa araling ito ay ating matutukoy ang mga hayop na maaaaring
alagaan at ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng hayop
na aalagaan.

1.Mga Layunin

Natatalakay ang hayop na


Kaalaman Natutukoy ang hayop na maaaring alagaan tulad ng manok maaaring alagaan tulad ng
manok

Naisasagawa ang pagtutukoy ng hayop na maaaring alagaan tulad


Kasanayan
ng manok

Kaasalan Nasusunod ang wastong


Natatalakay ang wastong pagtutukoy ng hayop na maaaring alagaan pagtutukoy ng hayop na
tulad ng manok maaaring alagaan tulad ng
manok

Naisasapuso ang
Kahalagahan Naipapaliwanag ang kahalagahan ng wastong pagtukoy ng hayop na kahalagahan ng mga
maaaring alagaan tulad ng manok hayop na maaring alagaan.

2.Nilalaman Pagtukoy sa mga Hayop na Maaring Alagaan Tulad ng Manok

3.Mga Kagamitang
larawan ng iba’t-ibang uri ng manok, manila paper, tsart
Pampagtuturo

4.Pamamaraan

4.1 Panimulang
Naranasan na ba ninyo ang mag-alaga ng hayop sa loob o sa labas
Gawain
ng inyong tahanan? Anong hayop ang inalagaan ninyo?
(3 minuto)
4.2 Mga
Gawain/Estratehiya
(10 minuto)

White Leghorn New Hampshire Cob


Pagmasdan ang mga larawan, alin sa mga ito ang sa tingin ninyo’y
pinakamainam na alagaan para sa pangingitlog at karne?

Itanong:
 Mahalaga ba ang pag-aalaga ng hayop sa pamumuhay ng
4.3 Pagsusuri (2
mag-anak at pamayanan?
minuto)
 Bilang kasapi ng inyong pamilya, ano ang kabutihang dulot
na maibibigay mo sa pag-aalaga ng mga hayop?

4.4 Pagtatalakay
(15 minuto)

Basahin mo ang mga impormasyon tungkol sa pag-aalaga ng mga


Uri/Laki ng manok na
aalagaan.

1. Kulungan - kailangan ng alagang manok ang maluwang na


kulungan upang magkaroon ng sapat na bentilasyon at maging
maginhawa sila. Ang kulungan ay dapat ilagay sa lugar na
nahahanginan at may sapat na layo sa tahanan. Maaaring yari ito sa
katutubong
materyales tulad ng pawid at kugon para sa mga bubong, at mga
patpat na kawayan naman ang dingding at sahig. Lagyan din ng
sapin tulad ng dayami, kusot, buhangin, o ipa ang
sahig kung ditto pangingitlugin ang mga manok. Tiyakin na may
patukaan, painuman,
salalayan ng dumi, at dapuan ang mga kulungan.

2. Pagpili ng manok - mahahalagang pumili ng malulusog at


masisiglang sisiw upang
matiyak na mapakikinabangan ang mga ito nang husto. Dapat
alagaan ang mga sisiw nang mabuti upang hindi ito magkasakit at
mamatay. Kailangang panatilihin ang init ng katawan nito sa artipisyal
na paraan habang bata pa. Brooding ang tawag sa pagpapainit sa
mga
sisiw mula sa pagkapisa hanggang humigit kumulang sa apat na lingo
ang gulang o kung
kaya na nilang pamahalaan ang init na kailangan ng kanilang
katawan. Karaniwang
ginagamit ang lampara o bombilya sa brooding.

Mabuting lagyan ng gamot na mayaman sa bitamina, mineral, at


antibiotics ang tubig
na iniinom ng sisw sa mga unang araw nito. Makatutulong ito upang
lumakas at lumaki
kaagad ang mga sisiw. Ang mga patuka ng mga sisiw ay maaaring
giniling na mais, darak, dinurog na isda, dahon ng ipil-ipil, at iba pa.
May mga nabibili ring patuka na pinaghalu-
halo na ang mga nabanggit na sangkap upang matustusan ang mga
pangangailangan ng
sisiw.

3. Pangingitlog ng manok – Kapag may 20 linggo na ang layer o


dumalaga, inililipat sila sa mga pugad o bahay-itlugan bago sila
mangitlog. Karaniwang nagsisimulang mangitlog ang mga dumalaga
pagsapit ng ika-22 linggo. Piliin ang maliksi, matalas ang mata,
maayos
ang balahibo at palong, at dilaw na dilaw ang mga tuka at binti.

4. Pangangailangan ng mangingitlog na manok – kailangan ng mga


manok ang sapat na
liwanag, 14 hamggamg 16 na orasaraw-araw. Kung may kuryente,
gumamit ng bombilyang may 50 watts sa bawat metro kuwadradong
espasyo.

5. Iba pang pangangailangan – dapat pangalagaan sa sakit ang mga


manok. Linisin at isterilisahin ang kulungan at mga kagamitan ditto sa
bawat panahon ng pag-aalaga. Ibukod kaagad ang manok na
mahina at sakitin upang hindi mahawa ang iba.
Ang mga manok ay may iba’t-ibang uri:

A.Uri ng Manok na mainam sa pangingitlog

1.White Leghorn
2.Minorca
3.Mikawa

B.Mainam na alagaang manok para sa karne

1.Arbon Acre
2.Cobb
3.Hubbard

C.Uri ng Manok na mainam sa pangingitlog at sa kanilang karne.

1. Plymouth Rock

2. Rhode Island Red


3. White Leghorn
4. New Hampshire
5. Cob

4.5Paglalapat 1. Ano ang mangyayari kapag mahusay at wasto ang pag-aalaga ng


( 5 minuto) na manok?
2.Bilang kasapi ng inyong pamilya, ano ang kabutihang dulot na
maibibigay mo sa pag-
aalaga ng mga manok?

5.Pagtataya
( 13 minuto)

Magsaliksik upang mapunan ang tsart.

Pasulit Hayop na aalagaan Uri Katangian

Manok

6.Takdang-Aralin
( 2 minuto)

Pagpapalinang/Pagp Magsaliksik ng mga pamamaraan ng pagpaparami ng manok at


apaunlad sa paggawa nito.
kasalukuyang aralin

7. Paglalagom/
Panapos na Gawain
( 2 minuto)

Bakit mahalaga na malaman ang katangian, uri at pangangailangan


Pagbubuod
ng manok na aalagan?

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: [email protected]
DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (AGRIKULTURA)

ENHANCE MENT
DLP Blg.: 32 Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: 1 Oras: 50 MINUTO

2.6.2Natutukoy ang mga hayop na maaring


Mga Kasanayan: alagaan tulad ng tilapia Code: EPP5AG-
0g-15
2.6.3Naiisa-isa ang mga salik sa pag-aalaga ng
isdang tilapia

Susi ng Pag-unawa na May mga mahahalagang pangangailangang dapat isaalang-alang at


Lilinangin: bigyang halaga bago magpasya magsimula o magtayo ng isang
palaisdaan.
Naiisa-isa ang mga salik
1.Mga Layunin Naiisa-isa ang mga salik sa pag-aalaga ng isdang tilapia sa pag-aalaga ng isdang
tilapia. (SHOULD BE
DELETED)
Natutukoy ang mga hayop
Kaalaman Natutukoy ang mga hayop na maaaring tulad ng tilapia na maaaring alagaan tulad
ng tilapia

Nailalarawan ang mga


hayop na maaring alagaan
Kasanayan Naiisa-isa ang mga salik sa pag-aalaga ng isdang tilapia tulad ng tilapia

Nadidisiplina ang sarili sa


Kaasalan Nailalarawan ang mga hayop na maaring alagaan tulad ng tilapia pagpapangalaga sa mga
isda tulad ng tilapia.

Kahalagahan Napapahalagahan ang mga hayop na maaaring alagaan tulad ng


tilapia

2.Nilalaman Pag-aalaga sa mga Hayop na Maaring Alagaan

3.Mga Kagamitang
larawan, metacards, tsart, projector, manila paper
Pampagtuturo

4.Pamamaraan

Ipasagot sa mga bata ang mga sumusunod na tanong:


4.1 Panimulang
1. Mahalaga ba sa tao o sa mag-anak ang pag-aalaga ng isda?
Gawain
2.Anong mga kapakinabangan ang makukuha sa pag-aalaga ng
(3 minuto)
isda?
3. Magbigay ng iba’t ibang uri ng isda na maaring alagaan?

4.2 Mga Gawain/ Laro: Word Puzzle


Estratehiya
(10 minuto) Maghanda ng isang karton at pinaggupit-gupit na metacards na
pahaba. Ibigay sa mga bata at paunahang isulat ang kanilang sagot.
Ibilog ang metacards ng mga bata at i-shoot nila sa karton na hawak
ng guro. Ang unang makakashoot sa karton, siya ang panalo.
(kailangan tama ang sagot ng bata.)

Ayusin ang mga letra upang makabuo ng salitang may kaugnayan sa


aralin.
1. T I P L I A A
2. T O O P G A R P Y I A
3. P L A A S I A A D N
4. K L U U G N A N

Pagsusuri sa mga nabuong salita.


Ipabasa isa’t-isa sa mga bata ang mga salitang nabuo.

4.3 Pagsusuri (2
minuto) Guro: Ang mga salitang nabuo sa inyong laro ay mahahalagang
bagay na kailangan
pag-uusapan.
Iyan ang pag-uusapan natin ngayon.

4.4 Pagtatalakay Talakayin at bigyang diin ang mahahalagang konsepto sa aralin.


(15 minuto)
 May mga salik na dapat natin isaalang-alang sa pag-aalaga
ng isda:

1.Topograpiya

Patag na lupa ang nararapat sa palisdaan. Ang hindi patag na ilalalim


ay makakasagabal sa mga gawain tulad ng paglilinis at pag-aani.

2. Panustos na Tubig

Mahalagang magkaroon ng palagiang panustos ng malinis na tubig


sa buong taon. Kung kaya’t ang pagtatayo ng palaisdaan sa ilog o
sapa ay karaniwang ginagawa upang makatiyak na may sapat na
tubig para sa pag-aalaga ng isdang angkop para dito.

3. Uri ng Lupa

Sa pag-aalaga ng isda, malaki ang maitutulong ng kalagayan ng


lupa. Ang Matabang lupa sa palaisdaan ay magdudulot ng dagdag
na pagkain para sa isda. Ang lupang may katangian magtagal ang
tubig ay angkop para sa isang palaisdaan. Karaniwan ang lupang
lusak ay nagtataglay ng ganitong katangian, samantalang ang
lupang mabuhangin ay nangangailangan pa ng karagdagang pagkain
upang hindi umagos ang tubig.

4. Pagpili ng isdang aalagaan

Iba-iba ang pangangailangan ng iba’t ibang uri ng isda, kaya dapat


piliin ang uri ng isda na pinakaangkop para sa sariling lugar
tulad ng tilapia. Bigyan halaga ang mga pinagkukunan sa
pamayanan na kakailanganin sa palaisdaan.

5. Laki ng Palaisdaan

Mainam na malaki ang lugar ng gagawing palaisdaan kung nais itong


mapakinabangan nang husto. Maaaring maglaan ng kalahating
ektarya o higit pa nag gagawing sukat ng palaisdaan. Kailangan din
ang mataas na paglalagyan ng palaisdaan upang hindi ito bahain.
Dapat hindi bababa sa isang matro ang lalim ng palaisdaang
gagawin.

 Paraan ng Pag-aalaga ng Tilapia

Isa sa pinakakilalang proyektong palaisdaan ay ang pag-aalaga ng


tilapia. Maraming mangingisda ang mawiwiling mag-alaga ng tilapia
dahil ang uri ng isdang ito ay madaling pakainin at paramihin. Kung
ang mag-anak ay nagnanais na magkaroon ng gawaing
pangkabuhayan sa pag-aalaga ng isda, ito na ang pinakamainam na
halimbawa. Narito ang mga paraan ng pangangasiwa at
pangangalaga ng isda.

Paggawa ng Palaisdaan

May iba’t-ibang paraan ng paggawa ng palaisdaan tulad ng mga


sumusunod:

 Paggamit ng Kulungan

Ang paraang ito ay ginagamit sa malalaking ilog at lawa na kung saan


ang malalaking kulungan na may sukat na 1 x 1 x 1 metro kuwadrado
ay maaaring maglaman ng 250 – 1,500 maliliit na tilapia.

 Paggamit ng Artipisyal na sapa.

Ang pamamaraang ito ay pag-aalaga ng tilapia sa ginawang sapa o


kinulong na tubigan. Maaari itong gawin sa likod-bahay o sa lugar na
malapit sa daluyan ng tubig.

 Paggamit ng Drum

Ang pamamaraang ito ng pag-aalaga ng tilapia sa ginawang sapa o


kinulong na tubigan. Maaari itong gawin sa likod-bahay o sa lugar na
malapit sa daluyan ng tubig.

 Pagpapakawala ng Similya ng Tilapia

Ang pagpapakawala ng Similya sa palaisdaan ay isinasagawa


dalawang lingo matapos malagyan ng pataba ang kulungan o
palaisdaan.
Ang taas ng tubig sa palaisdaan ay dapat pamalagiin sa ilalim na 1/2
– 3/4
metro.

 Pagpapakain sa mga isda

Ang mga alagang tilapia ay binibigyan ng mga pataba tulad ng pulbos


na gatas at harina, tinapay, darak at tira-tirang pagkain. Ang
mga ito ay ibinibigay tuwing ikalawang linggo

mula sa papgkawala ng similya hanggang sa ikalawang buwan.

4.5 Paglalapat Bakit kailangang isaalang-alang ang topograpiya sa pag-aalaga ng


(5 minuto) isda?

5.Pagtataya
( 13 minuto)

Sagutin at isulat sa saguting papel.

Ipaliwanag ang mga sumusunod na salik sa pag-aalaga ng isda.

Panustos na Laki ng
Pasulit Topograpiya
tubig palaisdaan

Uri ng lupa Uri ng isda

6.Takdang-Aralin
( 2 minuto)
Pagpapalinang/Pagpa Isulat sa inyong kwaderno ang makukuhang impormasyon.
paunlad sa
kasalukuyang aralin Kung merong palaisdaan nagpaparami sa inyong lugar bumisita dito
at alamin ang mga pamamaraang isinasagawa upang lumaki at
mapakinabangan nang husto ang mga alaga.

7. Paglalagom/
Panapos na Gawain
( 2 minuto)

.
Ano-ano ang mga salik sa pag-aalaga ng isdang tilapia?

Sa pag-aalaga ng isda kailangan natin isaalang-alang ang


Pagbubuod
topograpiya, panustos na tubig, uring lupa, pagpili ng isdang
aalagaan, at laki ng palaisdaan.

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: [email protected]
DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (AGRIKULTURA)

DLP Blg.: 34 Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: 1 Oras: 50 MINUTO

2.7.2Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at


kasangkapan sa pag- aalaga ng itik
Mga Kasanayan: Code: EPP5AG-
2.7.3Nasasabi ang kabutihang naidudulot ng pag- 0h-16
aalaga ng itik
Susi ng Pag-unawa Ang araling ito ay tungkol sa mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
na Lilinangin: aalaga ng itik. Malalaman natin dito ang mga dapat gawin at ibigay sa
kanila upang sa gayon makapagdudulot sila ng kung anong
maaasahan sa kanila.

1.Mga Layunin
Kaalaman Nasasabi ang kabutihang naidudulot ng pag-aalaga ng itik Natatalakay ang kabutihang
naidudulot ng pag-aalaga ng
itik
Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
Kasanayan aalaga ng itik
Kaasalan Natatalakay ang talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag- Nalilinang ang kaalaman sa
aalaga ng itik paggawa ng talaan ng mga
kagamitan at kasangkapan
sa pag- aalaga ng itik
Kahalagahan Napapahalagahan ang mgatuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan
sa pag-aalaga ng itik
2.Nilalaman Paggawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag- aalaga
ng itik

3.Mga Kagamitang
Tsart, meta cards, manila paper, pentel pen
Pampagtuturo
4.Pamamaraan

4.1 Panimulang
Gawain
(3 minuto)

Itanong:
Anong hayop ang nasa larawan?
Anong produkto ang naibibigay ng hayop na ito?

Pangkatang Gawain:
Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo.
4.2 Mga Gawain/ Bigyan ang bawat grupo ng meta cards.
Estratehiya Isulat sa meta cards ang mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
(8 minuto) aalaga ng manok.
Idikit ang mga meta cards sa manila paper.
Ipatalakay sa bawat lider ng grupo ang kanilang nagawa.

4.3 Pagsusuri (2 Pagsusuri sa ginawa ng pangkat.


minuto) Itanong:
Ano ang unang dapat ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga ng
itik?
Malaki ang pakinabang sa mga bakuran kung mag-alaga ng
itik.Karaniwang inaalagaan ang mga itik sa mga lugar na malapit sa
tubig kung saan may mga suso at tulya para sila ay maipastol at
makatipid sa pagkain. Ang itik ay inaalagaan para sa paggawa ng balut.
Maaari natin silang pakainin ng mga pag-kaing kinakain ng mga manok
at mabigyan sila ng angkop na kulungan at na paliguan. Gumamit ng
batya o kaya isang putol na bariles na magsisilbingpaliguan ng mga itik.
Masarap ding gawing resipi ng ulam ang karne ng itikgaya ng
estopado, adobo o pritong bibe.
Kailangang ang kulungan ay maaaring yari sa pawid at kawayan.
Bigyan din ng maayos na pagkain ang mga itik upang mangitlog ng
marami. Ang mga pagkaing dapat ibigay sa mga alagang itik ay:
a. Starter Mash – ang mga itik na walong lingo ang gulang ay
binibigyan ng pagkaing masabaw na starter mash. Sa unang tatlong
lingo, malatang kanin na hinahaluan ng dinikdik na hipon ang ipakian
apat o limang beses sa isang araw. Pagkaraan ng isang buwan
maaarin nang bigyan ng mga sariwang suso at nilagang palay ang mga
ito.
b.Mash Feed – ito ay pagkain na may taglay na 21 porsiyento na
protina. Inihahalo sa giniling na isda, mais, darak, dinurog na balat ng
talaba, at iba pang pagkaing mayaman sa mineral at bitamina.
4.4 Pagtatalakay c. Laying Feed–isang uri ng pagkain na ibinibigay sa mga babaeng itik
(15 minuto) upang mangitlog nang marami.
d. Fattening Mash – pagkaing ipinapakian upang tumaba at lumusog
ang mga itik.
 Ipasabi sa mga mag-aaral ang mga kasangkapan at
kagamitan sa pag-aalaga ng itik.
 Ipakita ang halimbawa ng tsart ng talaan ng mga kagamitan at
kasangkapan
Talaan ng mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pag-aalaga ng Itik

Kasangkapan Kagamitan
1. Kulungan Lagari
Kawayan Plais
Pisi
Lambat ( para sa bakod)
Alambre
2. Paliguan
Bariles (kalahati)
3.Painuman
4. Pakainan
5. Patong aalagaan
6. Pagkain
4.5 Paglalapat Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
(5 minuto)
1. Anong lugar ang angkop sa pag-aalaga ng itik?
2. Nakatutulong ba sa ating pamilya ang pag-aalaga ng itik? Paano?

Ang itlog ay nagtataglay ng protina na kailangan n gating katawan na


mainam tumulong sa paglaki.

5.Pagtataya
( 13 minuto)
Isagawa ang mga sumusunod:
1. Gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-
aalaga ng itik. Isulat ang sagot sa kwaderno.
2. Magtala ng apat na pakinabang sa pag-aalaga ng itik. Isulat ang mga
sagot sa kwaderno
Rubriks sa Pagmamarka:

Puntos Deskripsiyon
4 Naisagawa ng maayos ang talaan ng mga kagamitan at kasangkapan
3 Naisagawa ang talaan ng mga kagamitan at kasangkapan ngunit kulang ng isa
2 Naisagawa ang talaan ng mga kagamitan at kasangkapan ngunit kulang ng
dalawa
1 Naisagawa ang talaan ng mga kagamitan at kasangkapan ngunit kulang ng tat
0 Hindi naisagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan
6.Takdang-Aralin
( 2 minuto)
Ipagawa sa mga bata.
Pagpapalinang/Pa
gpapaunlad sa A.Kapanayamin ang isang tao sa inyong pamayanan na nag-aalaga ng
kasalukuyang itik.Alamin kung paano nila inaalagan ang mga alagang itik.
aralin
B.Magsaliksik tungkol sa mga pangunahing kailangan sa pag-aalaga ng
tilapiya.

7. Paglalagom/
Panapos na Gawain
( 2 minuto)

Itanong:
Mahalaga bang maihanda muna ang talaan ng mga kasangkapan at
kagamitan sa pag-aalaga ng manok? Bakit?
Pagbubuod
Ang pag-aalaga ng itik ay isang gawaing makatutugon sa pangunahing
pangangailangan sa pagkain at makapagpapaunlad sa kabuhayan ng
pamilya.Higit na matagumpay ang pag-aalaga kung naihandang mabuti
ang mga kakailanganin ng mga alaga.

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: [email protected]
DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (AGRIKULTURA)

DLP Blg.: Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: 1 Oras: 50 MINUTO ENHANCEMENT

1. Nasasabi ang tamang paraan ng pag-aalaga ng


tilapiya
Mga Kasanayan: Code: EPP5AG-0h-
2. Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at 16
kasangkapan na dapat ihanda upang
makakapagsimula sa pag-aalaga ng hayop/isda

Susi ng Pag-
unawa na Mapapag-aralan sa araling ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang
Lilinangin: sa pagsisimula ng pag-aalaga ng tilapiya. Matutunan din dito ang tamang
paraan ng pag-aalaga ng tilapiya at kabutihang maidudulot ng tilapiya.

1.Mga Layunin

Natatalakay ang talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat


Kaalaman ihanda upang makakapagsimula sa pag-aalaga ng hayop/isda

Kasanayan Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat


ihanda upang makakapagsimula sa pag-aalaga ng hayop/isda

Kaasalan Nasusunod ang tamang paraan ng pag-aalaga ng tilapiya

Kahalagahan Napahahalagahan ang tamang paraan ng pag-aalaga ng tilapiya

2.Nilalaman Paggawa ng Talaan ng mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pag-aalaga


ng Tilapia

Larawan ng mga kagamitan


3.Mga sa pag-aalaga ng isda, tsart,
Kagamitang Tsart, meta cards,manila paper, pentel pen meta cards,manila paper,
Pampagtuturo pentel pen

4.1 Panimulang Ayusin ang mga titik upang


Gawain matukoy kung anong isda
(3 minuto) Ayusin ang mga titik upang matukoy kung anong isda ang nasa larawan.
ang nasa larawan.

TOHI
TOHI

SANBGU
SANBGU

ILATIAP
ILATIAP

GGAULNGNGO
GGAULNGNGO
Ano ang nabuong salita sa puzzle word? Ano ang nabuong salita sa
puzzle word?
Ano ang unang dapat ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga ng
tilapiya? Ano ang unang dapat ihanda
upang makapagsimula sa
pag-aalaga ng tilapiya?
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:(NOT INCLUDED)
1. Anu-anong pakinabang ang dulot ng pag-aalaga ng tilapiya?
2. Paano inaalagaan ang mga tilapiya upang matiyak na
pakinabangan ito ng husto?
3. Nakakatulong ba sa pag-unlad ng pamilya ang pag-aalaga ng
tilapiya? Paano?

Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang grupo.


Bigyan ang bawat grupo ng meta cards.
Isulat sa meta cards ang mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga
ng tilapiya.
Idikit ang mga meta cards sa manila paper.
Ipatalakay sa bawat lider ng grupo ang kanilang nagawa.

Talaan ng mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pag-aalaga ng Tilapia

Ipakita ang halimbawa ng tsart ng talaan ng mga kagamitan at


kasangkapan

4.2 Mga Gawain/ Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga kasangkapan at kagamitan sa pag-
Estratehiya aalaga ng tilapiya
(8 minuto)
Kasangkapan Kagamitan
1. Kulungan Lagari
Kawayan Plais
Pisi
Lambat ( para
sa bakod)
Alambre
2. Paliguan
Bariles (kalahati)
3. Painuman
4. Pakainan
5. Patong aalagaan
6. Pagkain

Ipasagot sa mga bata ang mga tanong:

1. Anu-anong pakinabang ang dulot ng pag-aalaga ng tilapiya?


4.3 Pagsusuri (2 2. Paano inaalagaan ang mga tilapiya upang matiyak na pakinabangan
minuto) ito ng husto?
3. Nakakatulong ba sa pag-unlad ng pamilya ang pag-aalaga ng tilapiya?
Paano?

4.4 Pagtatalakay Ang tilapia ay isang isdang madaling alagaan at masarap kainin.
(15 minuto)

Nagtataglay ito ng sustansiyang kailangan ng ating katawan gaya ng


protina. Karaniwang pinalalaki ito sa mga palaisdaan sa likod bahay.
Kung may anyong tubig tulad ng ilog, sapa, lawa o dagat na malapit sa
inyong pamayanan, maaari ring alagaan ang tilapia rito.
Magagawa ito kung mayroong nakalutang na kulungan para sa tilapia.
Ibinababad ang kulungan sa ilog o sapa at dito pinalalaki ang alagang
tilapia hanggang handa na itong kainin o ipagbili. Kung sa bakuran mag-
alaga ng tilapia, maaaring gumamit ng bariles o kongkretong semento na
paglalagyan sa mga ito. Makapag-aalaga ng 250 hanggang 500 binhi ng
tilapia sa isang metrong kubikong kulungan.

Sa paggawa ng kulungan, maaaring gumamit ng kawayan para sa


balangkas nito, talian ng naylon na pisi ang mga hugpungan, sa
paglalagay ng takip, gumamit ng bisagra na gawa sa dalawang
kapirasong ginupit na goma ng gulong upang madaling buksan at isara
ang pinto nang hindi kakalawangin.
Maraming pagkain tulad ng lumot, kiti-kiti at mga kulisap ang makukuha
ng mga tilapia sa ilog. Bukod dito, dagdagan pa ng darak at fishmeal ang
pagkain ng tilapia upang lumaki ito agad. Ang dami ng pagkaing ibibigay
sa tilapia ay naaayon sa laki at timbang ng alaga. Maaari ng anihin ang
alagang tilapia sa loob ng dalawang buwan.

4.5 Paglalapat Mahalaga bang maihanda muna ang talaan ng mga kasangkapan at
(8 minuto) kagamitan sa pag-aalaga ng tilapiya? Bakit?
Masustansiyang Pagkain
Mayaman sa protina ang isda. Ito ay tumutulong sa paglaki at pag-unlad
ng mga buto at kalamnan.
5.Pagtataya
( 10 minuto)
Pakikipag-usap Isagawa ang mga sumusunod:
sa mga Mag-
aaral/ 1.Magpangkat sa limang grupo na may 10 miyembro. Pumili n glider.
Kumperensiya 2.Gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga
ng tilapiya.
3. Isulat ito sa meta cards at idikit sa manila paper.
4. Iulat ng napiling lider ang nagawa sa klase.

Rubriks sa Pagmamarka

P Deskripsiyon
un
to
s
4 Naisagawa ng maayos ang talaan ng
mga kagamitan at kasangkapan
3 Naisagawa ang talaan ng mga
kagamitan at kasangkapan ngunit
kulang ng isa
2 Naisagawa ang talaan ng mga
kagamitan at kasangkapan ngunit
kulang ng dalawa
1 Naisagawa ang talaan ng mga
kagamitan at kasangkapan ngunit
kulang ng tatlo
0 Hindi naisagawa ng talaan ng mga
kagamitan at kasangkapan

6.Takdang-Aralin
( 2 minuto)
Pagpapalinang/P
agpapaunlad sa
kasalukuyang Kapanayamin ang isang tao sa inyong pamayanan na nag-aalaga ng
aralin tilapiya. Tanungin ito kung paano niya ito pinamamahalaan ang mga ito.
7.Paghahanda para sa
bagong aralin ( 2 minuto)
Ang tilapiya ay isang isda na madaling alagaan at masarap kaiinin.
Panapos na Karaniwang Pinalalaki ito sa mga anyong tubig. Maaari rin itong alagaan
Gawain sa likod-bahay. Nararapat na ihanda ang lahat ng materyales na
kailangan upang maisakatuparan ang pag-aalaga ng tilapiya

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: [email protected]

You might also like