Gr.5 Lesson Plan in EPP (K To 12) Elementary Agriculture

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 81

Friday July 01, 2016

Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN


Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)
I.

Layunin:
a. Naisasagawa ang mga paraan ng paglilinis ng inaning gulay.

II.

Nilalaman
a. Paksang Aralin : Mga Paraan ng Paglilinis ng Inaning Gulay
b. Sanggunian : K to 12 Curriculum Guide 1.9.1, Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Tx. 5pahina190-198
c. Kagamitan : Larawan ng ibat-ibang gulay, strip ng kartolina na may pangungusap
d. Pagpapahalaga :Pagkamaingat

III.

Pamamaraan
a. Lunsarang awit
Ipaawit ang Bahay Kubo
b. Balik-aral
Anong mga halaman ang binanggit sa awiting bahay-kubo?
c. Pagganyak
Alin sa mga halamang gulay at prutas ang gusto mong kainin? Bakit?
Ano ang dapat gawin bago kainin , itinda, o gamitin sa pagluluto ang Inaning gulay?
d. Gawain
Isulat ng guro ang mga pangungusap sa strip ng Kartolina ang mga sumusunod na
pangungusap:
1) Anihin ang gulay sa umaga o bandang hapon
2) Ang inaning gulay ay dapat linisin sa pamamagitan ng malinis na tubig upng
maalis ang dumi, putik o lupa, alikabok at iba pang mantsa sa inaning gulay.
3) Ang inaning gulay ay ilagay agad sa lagayan kahit hindi pa malinis.
4) Iwasan na magkaroon ng pasa , lamog, o sugat ang inaning prutas/gulay upang
maiwasan ang mabilis na pagkasira at pagkabulok nito.
5) Ilagay sa isangmalinis at tuyong sisidlan ang inaning gulay at dalhin sa
pamilihan.
6) Ihagis ang mga inaning prutas/gulay kahit ito ay masira.
Hayaang piliin ng mga mag-aaral kung alin sa mga pangungusap angtamang paraan
ng paglilinis ng inaning gulay.
e. Pagsusuri
Kailan nakabubuti na mag-ani ng gulay?
Ano ang mga dapat ihanda sa paglilinis ng gulay?
f. Paghahalaw
Anu-ano ang mga dapat na isagawang paraan ng paglilinis ng inaning gulay?
g. Aplikasyon
Panuto: Lagyan ng tsek kung ang pangungusap ay nagsasagawa ngtamang paraan
ang paglilinis ng inaning gulay at ekis kung hindi.
1) Iwasan na magkapasa ang gulay/prutaS
2) Linisin ang gulay ng malinis na tubig.
3) Ilagay ang gulay/prutas sa malinis na sisidlan
4) Lagyan ng kemikal na gamot ang tubig na ginagamit sa paglilinis.
5) Ingatan na malamog, magkapasa ang gulay / prutas habang nililinis ito.

IV.

Pagtataya
a. Panuto : Basahing mabuti ang bawat kalagayan at piliin ang tititk ng tamangsagot.
1) Ang maingat na paglilinis ng inaning gulay/prutas ay dapat gawin upang
A. Mabili ito ng murang presyo
B. Mabulok at masira agad ang gulay
C. Mahingi ng kapitbahay
D. Magustuhan ng mamimili
2) Ang tubig ay mahalaga sa paglilinis ng inaning gulay/prutas.
A. Tama
B. Mali
C. Ewan
D. Hindi
3) Sa paglilinis ng gulay/prutas pumili ng lugar na may sikat ng araw at
A. Sariwang hangin
B. Madumi ang lugar
C. Mainit ang pwesto
D. May basura sa tabi
4) Nalinis na ni Mang Jojo ang inani niyang kamatis at talong, saan niya dapat ilagay
ang mga ito?
A. Sa malinis na lagayan na may sapin
B. Sa lambat
C. Sa malibag na sako
D. Sa basket na walang sapin
5) Mabiling mabili ang inani mong gulay/prutas dahil sa malinis at maayos ang mga
ito, ano ang mararamdaman mo sa iyong sarili?
A. Malungkot, dahil walang bumili sa mga ito.
B. Malungkot dahil madadagdagan ang aking gawain.
C. Masaya, dahil maipamimigay ko ang mg ito.
D. Masaya, dahil sulit ang aking pagod.

V.

Takdang Aralin
a. Mag - interbyu ng mga nagtatanim , nag-aani at nagtitinda ng gulay/prutas.
Alamin ang paraan na ginagawa nila sa paglilinis ng mga ito.

Monday July 04, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)
I.

Layunin:
a. Naipakikita ang wastong paraan ng pagpapakete ng inaning gulay/prutas

II.

Nilalaman
a. Paksang Aralin: Wastong Paraan ng Pagpapakete ng Inaning Gulay/Prutas
b. Sanggunian:
K to 12 Curriculum Guide 1.9. Internet, Agritech sa DZRH,
Agricultural Information
c. Kagamitan:
mga larawan ng ibat-ibang gulay/prutas
d. Pagpapahalaga: Pagkamaingat

III.

Pamamaraan
a. Balik aral Off the Wall
May mga paraan ng paglilinis ng inaning gulay/prutas sa dingding. Piliin sa
mga ito ang tamang sagot at idikit sa pisara.
b. Pagganyak
Pagpapakita ng larawan ng mga gulay/prutas na nakapakete upang dalhin sa
pamilihan.
Itanong : Ano ang ibig sabihin ng pakete?. Bakit kailangan na ipakete ang
inaning gulay/prutas?
c. Gawain:
Pagbasa ng Sanaysay
Alam ba ninyo na kailangan ang tamang teknolohiya para maiwasan ang
madaling pagkasira ng mga produkto mula sa paghahalaman sa pamamagitan ng
tamang pagpapakete ng mga ito. Ano nga ba ang layunin at pakinabang ng
pagpapakete. Una, maiiwasang mahawahan ng mikro -

organismo ang

gulay/prutas upang hadlangan ang proseso ng pagkabulok at

pangangasim.

Pangalawa, Maiwasan na mahanginan upang maiwasan ang oksidasyon o


pagkawala ng tubig sa gulay /prutas. Ikatlo, mapanatili ang kasariwaan ng gulay.
Ikaapat, mapasigla ang pagkagusto ng mamimili. Ano ang mga kasangkapan at
kagamitan sa pagpapakete. Kailangan tandaan na ang
gulay/prutas ay dapat na nasa mabuting kondisyon

pagpapakete ng

ang mga ito. Ang mga

materyales at kagamitan ay ang sumusunod, gulay/ prutas tulad ng sili, kamatis,


talong, patola at iba pa. chlorine solution, calcium chloride, hugasang palanggana,
bandehado, kutsara, sangkalan,at salaan, platong styrofoam, at plastic na
pambalot.

Tuesday July 05, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)
I.

Layunin:
a. Naipakikita ang wastong paraan ng pagpapakete ng inaning gulay/prutas

II.

Nilalaman
a. Paksang Aralin: Wastong Paraan ng Pagpapakete ng Inaning Gulay/Prutas
b. Sanggunian:
K to 12 Curriculum Guide 1.9. Internet, Agritech sa DZRH,
Agricultural Information
c. Kagamitan:
mga larawan ng ibat-ibang gulay/prutas
d. Pagpapahalaga: Pagkamaingat

III.

Pamamaraan
a. Pagsusuri
Ano ang tamang teknolohiya upang maiwasan ang madaling pagkasira ng mga
produkto mula sa paghahalaman?
Magbigay ng mga layunin at pakinabang ng pagpapakete ng gulay/prutas?
Ano ang kailangang tandaan sa pagpapakete?
Sa pagpapakete ng gulay/prutas , ano ang mga dapat ihanda?
b. Paghahalaw
Ano ang dapat tandaan sa pagpapakete ng inaning gulay/prutas?
c. Aplikasyon
Ipasagot ng pasalita sa mga mag-aaral
1) Nabulok at umasim agad ang inaning gulay/prutas nina Mang Fred at Aling
Merlie, ano-ano kaya ang hindi nila isinaalang-alang sa tamang paraan
ngpagpapakete?

IV.

Pagtataya
a. Panuto: Lagyan ng tsek(/) kung ito ay ginagamit na kasangkapan at kagamitan sa
tamang pagpapakete ng gulay/prutas at ekis (x) kung hindi.
_____1. Plastik
_____2. Styrofoam
_____3. Gulay at prutas
_____4. Martilyo
_____5. Palanggana
_____6. Disturnilyador
_____7. Palanggan
_____8. Lubi
_____9. Sangkalan
_____10. Salaan

V.

Takdang aralin
a. Mag-interbyu ng tindera sa palengke, alamin ang iba pang kasangkapan sa
pagpapakete ng inaning gulay/prutas.

Thursday July 07, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)
I.

Layunin:
a. Nasusunod ang mga alituntunin sa pagpepresyo at pagbebenta ng inaning
gulay/prutas

II.

Nilalaman
a. Paksa Aralin: Mga Alituntunin sa Pagpepresyo at Pagbebenta ng InaningGulay
b. Sanggunian:
K to 12 Curriculum Guide 1.9.3
BEC Handdbook 5 pahina 53, 61
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan
c. Pagpapahalaga:Pagkamatapat

III.

Pamamaraan
a. Pagbasa ng tula
Halina sa Bukid
Halina sa bukid na aming tahanan
Hangin ay sariwat kay raming halaman
Mga paru-parot tutubi sa parang
Ang aking kalarot laging kaulayaw.
Halina sa bukid at inyong pagmasdan
Ang langit, ang bundok, mga kaparangan
Masasayang ibon nag-aawitan
At agos ng tubig sa mga batisan.
Halina sa bukid sandaling lisanin
Ang ingay sa lungsod na hindi mapigil
Mga kaguluhay saglit na limutin,
Pagtatanim at anihan ang alalahanin.
Halina sa bukid tayoy magtatanim
Ng maraming puno at mga gulayin
Pagsapit ng bungayating aanihin
Kay raming biyaya ang mapapasa atin.
Halina sa bukid dito ay payapa
Malapit sa Diyos ang bawat nilikha,
Ang mabuting tao ay pinagpapapla
Magsikap ka lamang ikaw ay sasagana.
b. Balik-aral

Anu-ano ang mga paraan ng pag-iimbak ng pagkain at inaning gulay?


c. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng gulay/prutas na may nakalagay na presyo
Halimbawa:
Kamatis Php 43.00/ kilo
Talong Php 55.00/ kilo
Luya Php 120.00/kilo
Bigas Php 43.50 / kilo
Sibuyas Php 95.50 / kilo
Mustasa Php 40.00 tali
Petsay Php 40.00 tali
Sitaw Php 35.00 kilo
Munggo Php 20.00 /ballot
Gatas ng kalabaw Php 40.00 /bote
Paano nilalagyan ng presyo ang bawat produktong gulay?
d. Gawain
Mga Alituntunin sa Pagpepresyo at Pagbibili ng Inaning Gulay/Prutas
1) Itala ang gastusin sa pagtatanim, pag-aani, pag-iimbak at pagbibiyahe
2) Idagdag sa gastos ang porsiyentong ipapatong ng mga ahente hanggang sa
makarating ang kalakal sa pamilihan.
3) Kung iisipin, higit na mura para sa mamimili at higit na tutubo ang
magsasaka kung siya mismo ang magdadala ng inani sa palengke.
4) Alalahanin din ang mga batas na umiiral at itinakda para sa mga ahensiya
ng pamahalaan upang makatiyak.
5) Laging isaisip na anumang uri ng paglabag ay may kaukulang kaparusahan.
6) Sa pagpepresyo nagbabago ito kapag may dumarating na kaguluhan at
pagsama ng panahon sa bansa tulad ng malalakas na bagyo , tagtuyot at
pagbaha.
e. Pagsusuri
Ano ang mga batayang dahilan sa pagpepresyo ng inaning gulay/prutas?
Dapat ba tayong sumunod sa umiiral na paraan ng pagpepresyo at pagbibili?
Ipaliwanag ang sagot.
f. Paghahalaw
Anong katangian ang dapat taglayin ng isang magtitinda? Paano niya
maipakikita ang pagiging matapat?

Monday July 11, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)
I.

Layunin:
a. Nasusunod ang mga alituntunin sa pagpepresyo at pagbebenta ng inaning
gulay/prutas

II.

Nilalaman
a. Paksa Aralin: Mga Alituntunin sa Pagpepresyo at Pagbebenta ng InaningGulay
b. Sanggunian:
K to 12 Curriculum Guide 1.9.3
BEC Handdbook 5 pahina 53, 61
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan
c. Pagpapahalaga:Pagkamatapat

III.

Pamamaraan
a. Aplikasyon
Ilarawan ang sarili bilang tindera ng gulay/prutas sa palengke. Ikaw ba ay
susunod sa mga alituntunin sa pagpepresyo at pagbibili ng produkto. Bakit?

IV.

Pagtataya
a. Panuto : Lagyan ng (/) kung ito ay nagpapakita ng katapatan at (x) kung hindi.
1) Itala ang mga nagastos upang makasunod sa tamang pagpepresyo ng inaning
2)
3)
4)
5)

gulay.
Maglagay ng presyo ayon sa sariling kagustuhan.
Sumunod sa mga batas na umiiral na itinakda ng batas.
Samantalahin ang paglalagay ng presyo kung may sama ng panahon .
Higit na malaki ang kikitain kung doble ang presyo ng panindang
gulay/prutas.

V.

Takdang Aralin
a. Mag-interbyu ng tindera sa palengke, alamin ang sumusunod sa kanya
1) Pinakamabentang produkto
2) Pinakamabentang araw sa palengke
3) Pinakamahirap ibenta at dahilan nito
4) Pinakamadaling masira at dahilan nito
5) Solusyon sa pagkalugi

Tuesday July 12, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)

I.

Layunin:
a. Naipakikita ang pagiging malikhain sa pagsasaayos ng paninda

II.

Nilalaman
a. Paksa Aralin: Pagsasaayos ng Paninda
b. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 1.9.4 Agap at Sikap 6 pahina 270-280
c. Kagamitan:
video presentation, larawan ng tindahan o mga tunay na bagay
d. Pagpapahalaga: Pagkamalikhain

III.

Pamamaraan
a. Balik aral
Magbigay ng alituntunin sa pagpepresyo at pagtitinda ng produkto.
b. Pagganyak
May tindahan ba sa inyong pamayanan? Anong kabutihan ang idinudulot nito? Gusto
mo bang magkaroon ng sariling tindahan?
c. Gawain
Panonod ng video presentation ng ibat ibang tindahan ng gulay, prutas, de-lata, o sa
mga groceries o kaya ay gumamit ng larawan.
Pangkatin ng guro ang mga bata at ipakikita ng bawat pangkat ang pagiging
malikhain sa pagsasaayos ng paninda.
d. Pagsusuri
Ano ang masasabi ninyo sa inyong napanood?
Paano itinanghal ang mga gulay, prutas at iba pa?
Kailangan ba na maging malikhain sa pagsasaayos ng paninda? Bakit?
e. Paghahalaw
Ano ang dapat gawin sa pagsasaayos ng paninda?
f. Paglalapat
Sitwasyon 1
1) Kung ikaw ay mamamahala sa isang tindahan, ano ang dapat mong gawin upang
maging maayos at maganda ito sa paningin ng mamimili?
Sitwasyon 2
1) Sina Mica at Kimberly ay nais magtayo ng tindahan ng gulay at prutas. Ano ang
maipapayo mo sa kanila upang maging matagumpay ang kanilang pagtitinda?

IV.

Pagtataya
a. Panuto : Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung nagsasaad ng maayos at malikhain
napagtitinda at ekis (x) kung hindi.
1)
2)
3)
4)
5)

V.

Ayusin ang paninda ayon sauri nito.


Isipin ang ikagaganda ng paninda nang magustuhan ng mamimili.
Maglagay ng lebel at presyo sa paninda.
Pagsamasamahin ang paninda sa isang lagayan.
Linisin ang paninda at lugar ng tindahan upang maging kaaya-aya ito sa bibili.

Takdang Aralin
a. Gumawa ng panayam sa isang tindera, itanong kung paano niya inaayos ang kanyang
paninda.

Thursday July 14, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)

I.

Layunin
a. Natutukoy ang mga paraan ng pagtitinda ng mga produkto at ng mga umiiral na
alituntunin sa pagbibili ng produktong galing sa inaning gulay.

II.

Nilalaman
a. Paksa Aralin:
Paraan ng Pagtitinda ng mga Produkto at mga Umiiral na
Alituntunin sa pagbibili ng Produktong Galing sa Inaning Gulay
b. Sanggunian:
K to 12 Curriculum Guide 1.9.5
c. Kagamitan:
Larawan ng mga gulay/prutas
d. Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga

III.

Pamamaraan
a. Balik-aral
Isulat sa bawat dahon ng halaman ang mga paraan ng pagtatakda ng presyo sa
inaning gulay:
1) Gastos sa pagtatanim
2) Gastos sa pag-iimbak at at pag-aani
3) Pagbibiyahe
4) May sama ng panahon
b. Pagganyak
Magpakita ng larawan:
1) Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2) Ano anong gulay ang nasa tindahan
c. Gawain
Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat. Bigyan ang mga ito ng larawan ng
ibat-ibang gulay/prutas. Pag-usapan kung anong mga alituntunin ang
sinusunod sa pagtitinda ng gulay/prutas.Isulat sa pisara alin sa mga
gulay/prutas ang nabibili sa paraang pa-kilo, tingian at lansakan o maramihan.
Pag-uulat ng bawat pangkat.
Pa-kilo

Tingian

Lansakan o maramihan

Friday July 15, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)

I.

Layunin
a. Natutukoy ang mga paraan ng pagtitinda ng mga produkto at ng mga umiiral na
alituntunin sa pagbibili ng produktong galing sa inaning gulay.

II.

Nilalaman
a. Paksa Aralin:
Paraan ng Pagtitinda ng mga Produkto at mga Umiiral na
Alituntunin sa pagbibili ng Produktong Galing sa Inaning Gulay
b. Sanggunian:
K to 12 Curriculum Guide 1.9.5
c. Kagamitan:
Larawan ng mga gulay/prutas
d. Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga

III.

Pamamaraan
a. Pagsusuri
Anu-ano ang mga paraan o alituntuninna umiiral sa
pagtitinda ng
gulay/prutas?
Ipaliwanag ang ibig sabihin ng paraan na pa-kilo, tingian at lansakan o
maramihan.
b. Paghahalaw
Ang mga paraan ng pagtitinda ng gulay/prutas at mga umiiral na alituntunin
sa pagbibili ng produkto ay pa-kilo, tingian, lansakan o maramihan.
c. Aplikasyon
Panuto :Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A at B. Isulat ang titik ng
wastong sagot. Maaaring ulitin ang titik na sagot.
Hanay A

IV.

Hanay B

_____ 1. Pa-kilo

A. binibili ng nakabunton o kayaay naka-sako

_____ 2. Tingian

B. tinitimbang ang gulay/prutas

_____ 3. Lansakan o

C. mabibili ang gulay ng paisa-isang piraso.

Pagtataya
a. Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng wastong sagot at
isulat sa sagutang papel.
1) Si Aling Nora ay may pinagdadalhang palengke sa Maynila at Rizal, kung
saan ipinagbibili niya ang inaning sako-sakong sibuyas. Anong paraan ng
pagtitinda ng inaning sibuyas ang sinusunod dito?
a. Pa-kilo
c. Tingian
b. Lansakan o maramihan
d. Wala sa mga ito
2) Balak ni Mica at Kim na magtayo ng maliit na tindahan sa kanilang bahay.Ang
kay Mica ay sari-saring gulay at prutas at kay Kim ay de-lata at karne. Anong
paraan o alitutntunin ng pagtitinda ang kanilang susundin?
a. Pa-kilo
b. Tingian
c. Lansakan o maramihan
d. sagot sa a at b
3) Ang madahong gulay tulad ng mustasa, petsay ay nililinis muna
bagotimbangin at dalahin sa pamilihan, Anong paraan ito?

a.
b.
c.
d.
V.

Tingian
Pa-kilo
Lansakan
Wala sa mga ito

Takdang aralin
a. Ilista ang mga gulay o prutas na mabibili sa palengke. Interbyuhin ang ilang
tindera sa palengke sa paraan o alituntunin na sinusunod nila sa pagtitinda ng
kanilang produktong gulay. Humandang ibahagi sa klase ang nalaman sa
interbyung ginawa.

Monday July 18, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)

I.

Layunin
a. Natatalakay ang mga paraan sa pag-akit ng mamimili.

II.

Nilalaman

a.
b.
c.
d.
III.

Paksa Aralin: Mga Paraan sa Pag-akit ng Mamimili


Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 1.9.6
Kagamitan: Sanaysay
Pagpapahalaga: Pagtitiwala sa sarili

Pamamaraan
a. Pagbasa ng tula
Mga Puno
Magandang masdan paligid na luntian
Tingnan mo at malasin mga puno saanman
Mga taong walang malasakit hindi man lamang maisipan.
Magtanim muli upang ang mga punong pinutol ay mapalitan
Malamig na hangin ang dala at kalusugan
Mga punong malulusog, magaganda, tanging yaman.
Tulong-tulong mga mamamayan, magtanim at mag-alaga.
Isang puno bawat buwan, milyon ang lalaki pagdating ng araw.
Ano ang masasabi ninyo sa nilalaman ng tula?
Anong mensahe o aral ang isinasaad ng tula?
Paano mo aakitin ang mga tao na iwasan ang pagputol ng mga puno?
b. Balik-aral
Magbigay ng mga paraan at alituntunin na sinusunod sa pagbibili ng
produktong galling sa inaning gulay.
c.

Pagganyak
Magpakita ng larawan ng tindahan, isang maayos na tindahan at isang magulo
at malibag na tindahan.Larawan ng magtitinda na malinis, maayos at
magandang pananamit, at larawan ng magtitinda na walang kaayusan sa sarili
at pananamit.
Itanong : May kaibhan ba ang pagkakaroon ng malinis, maayos na paninda at
tindera sa magulo at walang ayos na paninda at magtitinda.
Paano maaakit ang mga mamimili?
Pasagutan ang ANA tsart
Alam

Nais Malaman

Alam Na

Tuesday July 19, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)

I.

Layunin
a. Natatalakay ang mga paraan sa pag-akit ng mamimili.

II.

Nilalaman

a.
b.
c.
d.
III.

Paksa Aralin: Mga Paraan sa Pag-akit ng Mamimili


Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 1.9.6
Kagamitan: Sanaysay
Pagpapahalaga: Pagtitiwala sa sarili

Pamamaraan
a. Gawain Basahin ang Sanaysay
Ang paglalagay ng mga paninda sa bahaging makikita ng

mamimili,

pagpapakitang-tuto sa paggamit ng paninda at pagbibigay ng impormasyon


ukol dito ang ilan lamang sa mga paraan upang makalikha ng hangarin sa mga
mamimili upang bumili ng produkto.

Mga kailangan sa pagtitinda at

paghahanda sa pagtitinda. Bago humarap sa mamimili ay tiyakin na malinis at


maayos ang kaanyuan at pananamit. Tiyakin na laging may nakahandang ngiti
upang maengganyo ang mamimili na lumapit at bumili , batiin ang mamimili
ng magandang umaga, tanghali o gabi. Kailangan na may kaalaman ang
magtitinda sa kanilang produkto. Laging maging handa sa tanong ng mga
mamimili. Ang nagtitinda ay kailangan taos

pusong pasasalamat sa

mamimili upang bumalik sa pagsasabi ng Thank you, Please come again,


o Maraming salamat, balik po kayo.
b. Pagsusuri
Ayon sa sanaysay na binasa , anu-ano ang kaugalian na dapat taglayinng
isang magtitinda upang makaakit ng mamimili?.
Pagsagot sa ANA tsart
Alam

Nais Malaman

Wednesday July 20, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)

I.

Layunin
a. Natatalakay ang mga paraan sa pag-akit ng mamimili.

II.

Nilalaman
a. Paksa Aralin: Mga Paraan sa Pag-akit ng Mamimili
b. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 1.9.6
c. Kagamitan: Sanaysay
d. Pagpapahalaga: Pagtitiwala sa sarili

Alam Na

III.

Pamamaraan
a. Paghahalaw
Anong katangian nang magtitinda ang tinalakay natin? Paano kayo
makaaakit ng mamimili?
b. Paglalapat
Iguhit kung paano mo maipakikita na ikaw ay makakaakit ng mamimili?

IV.

Pagtataya
a. Panuto: Isulat ang (S) kung sang-ayon ka na makaaakit ng mamimili ang
sumusunod na pangungusap at (DS) kung di sang-ayon.
_______1. Ihanda ng maayos ang mga paninda ayon sa pangkat nito.
_______2. Humarap sa mamimili na may maayos na kaanyuan.
_______3. Batiin ang mamimili ng magandang umaga po.
_______4. Huwag pansinin ang mamimili kung may itinatanong sila ukol sa
produkto.
_______5. Laging magsabi ng salamat po sa mamimili bumili man ito o hindi ng
paninda sa iyo.

V.

Takdang aralin
a. Pumili ng isang kapareha. Pagkatapos ay bumuo kayo ng isang dayalogo na may
ibat-ibang paraan ng pag-akit ng mamimili. Ang paksa ng dayalogo: Ang Paraan
ng Pag-akit ng Mamimili. Isulat ito sa isang buong papel.

Thursday July 21, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)
I.

Layunin
a. Naisasagawa ang maingat na pagtatala ng puhunan, gastos kita at maiimpok sa
paghahalaman

II.

Nilalaman
a. Paksa Aralin:
b. Sanggunian:

c. Kagamitan:
d. Pagpapahalaga:
III.

Maingat na Pagtatala ng Puhunan, Gastos, Kita, at Maiimpok


K to 12 Curriculum Guide 1.9.7
Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan, Baytang 6 pahina 105-109
Talaan ng gastos at kita, graphic organizer
Pagkamaingat

Pamamaraan
a. Ipabasa ang tula tungkol sa mga langgam.

Halimbawa ng Langgam
Langgam ay insektong masinop sa buhay
Tulong-tulong silang hinanda ang bahay.
Pagkaiy pinulot, itinagot kinalap
Bago mag tag-ulan, pag-iimpok ang hinaharap
Sa dingding ay masdan hirap ang puhunan
Mapapansin ang kanilang tila bulungan
Mabiyayang bagay na natagpuan
Di pinagraramot, pinagsasaluhan
Ano ang masasabi ninyo sa mga langgam?
Anong mensahe o aral ang isinasaad ng tula?
Anong katangian ng langgam ang nais mong tularan. Bakit?
b.

Balik-aral
Anong mga paraan ang dapat gawin upang makaakit ng mamimili?

c. Pagganyak
Paghahanda ng tanong:
1) Ano ang kahalagahan ng pagtatala at pag-iingat ng talaan lalo na sa isang
taong nagtatanim ng ibat-ibang uri ng halaman?
d. Gawain Pagbasa ng tula
Pagkukuwenta o Pagtutuos
Ang munting narseri sa aming bakuran
Inaalagaan ni Nanay at Tatay
Tulong ang kanilang mapagpalang kamay
Upang mapaunlad yaring kabuhayan
Ang binhi, buto, sanga ay pinamuhunanan
Pataba at pamatay peste nasa listahan.
Gayon din ang ilan pang kailangang gamitin
Upang aming halaman ay isapamilihan
Pinagbilhan maingat na tinutuos
At inilalabas ang lahat ng gastos
Nalalaman dito kung may tubo o kapos.
Itong mag-anak sa kanilang pagpapala
Laking katuwaan ng buong mag-anak
Ang kanilang pagod malaking pakinabang
Ang bentay malaki sa inilistang puhunan
Tumutubo, papaunlad yaring kabuhayan
e. Pangkatin ang mga bata atsagutan ng bawat pangkat ang tanong sa loob nghanay

Ano ang puhunan?

Ano ang gastos?

Ano ang
kita/tubo

Saan manggagaling ang


impok?

Friday July 22, 2016


Subject: EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
Time: V - 6 (12:30 1:30)
V - 3 (1:30 2:20)
I.

Layunin
a. Naisasagawa ang maingat na pagtatala ng puhunan, gastos kita at maiimpok sa
paghahalaman

II.

Nilalaman
a. Paksa Aralin:
b. Sanggunian:

e. Kagamitan:
f. Pagpapahalaga:
III.

Maingat na Pagtatala ng Puhunan, Gastos, Kita, at Maiimpok


K to 12 Curriculum Guide 1.9.7
Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan, Baytang 6 pahina 105-109
Talaan ng gastos at kita, graphic organizer
Pagkamaingat

Pamamaraan
a. Pagsusuri
Anu-ano ang mga salik na dapat tandaan sa pagkukuwenta ng pinagbilhan sa
pagtatanim ng halaman?

b. Paghahalaw
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng batayang kaalaman.
1) Sa paghahalaman dapat na isagawa ang maingat na pagtatala ng puhunan,
gastos, at kita.
c. Paglalapat
Paano nalalaman na tumutubo o nalulugi ang isang taong nagtatanim at
nagbibili ng gulay/prutas?
IV.

Pagtataya
a. Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyong sumusunod at sagutin ang mga
tanong sa ibaba nito. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
Nagtanim si Leo ng sitaw, labanos, mustasa, petsay at kamatis.
Bumili siya ng buto ng mga ito sa halagang Php 750.00. Saloob ng
tatlong buwan niyang pag-aalaga sa kanyang halamanan ay nakagastos
siya ng Php 1 490.00 sa pamatay peste at pataba. Umani siya ng gulay
at prutas at nabenta niya , ayon sa kanyang talaan ay nakabenta siya sa
sitaw at labanos sa halagang Php 3 950.00 at sa mustasa, petsay at
kamatis sa halagang Php 5 590.00 .

1. Magkano ang halaga ng lahat ng buto o binhi na binili niya?


A. Php 950.00
B. Php 750.00
C. Php 1000.00
D. Php 550.00
2. Magkano ang nagastos niya sa pamatay peste at pataba?
A. Php 1 490.00
B. Php 1 580.00
C. Php 1 990.00
D. Php 1 940.00
3. Magkano lahat ang napagbilhan niya sa kanyang pananim?
A. Php 5 540.00
B. Php 8 500.00
C. Php 9 540.00
D. Php 7 544.00
4. Magkano ang kanyang tinubo?
A. Php 3 300.00
B. Php 3 700.00
C. Php 7 300.00
D. Php 7 700.00
5. Nalugi ba siya?
A. Oo
B. Hindi
C. Ewan
D. Maaari
V.

Takdang Aralin
a. Mag interbyu ng isang magtitinda, itanong kung ano ang ginagawa niya upang
malaman kung siya ay kumikita o nalulugi. Iulat sa klase ang sagot.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5
l.

Layunin

Naisasagawa ang waastong pag-iimbak ng mga inaning

gulay
ll.

Nilalaman

A. Paksang Aralin:
B. Sanggunian:

Pag-iimbak ng Inaning Gulay


K to 12 Curriculum Guide 1.9.8

Gabay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan, Baytang 6, pahina 101
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Tx. 5

pahina 272-278
C. Kagamitan:

larawan ng gulay/prutas o mga tunay na gulay

D. Pagpapahalaga:Pagkamatipid

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Isulat sa flashcard, ayusin ang halo-letra na tumutukoy sa
pagtatala ng maingat na pagtutuos/pagkukuwenta ng pinagbilhan.
1. H U N A N P U
2. S A G S O T
3. T I A K
2. Balik-aral
Sa nabuong sagot sa halo-letra, tumawag ng mag-aaral upang
ipaliwanag ang kahulugan ng puhunan, gastos at kita.

3. Pagganyak Pagbasa ng tula


Gulay
Gulay ay may ginintuang kulay
Dulot ay pag-asa sa bawat pamilya
Pandugtong sa aming buhay
At nagbibigay ng kakaibang ligaya.
Sa bansang ngayon ay naghihirap
Magtanin tayo ng gulay upang malasap
At nang makamit matagal ng pangarap
Nang wala nang gutom sa hinaharap
Gulay naman ay maaaring iimbak
Kung may sama ng panahon na sisindak
Nang sa kinabukasan ay maging matatag

Pamilyay sasaya, dahil sa gulay na inimbak.


Itanong: Ano ang kabutihan ng pagtatanim ng gulay?
Maaari ba na mag-imbak ng gulay kung may nagbabantang
masamang panahon?
B. Paglinang sa Aralin
1. Gawain
Ipabasa ang babasahing Paraan ng Pag-iimbak ng Inaning Gulay.
Pag-iimbak ng sariwang bungang-kahoy
Sa Pilipinas, ang pag-iimbak ng mga sariwang gulay ay hindi
suliranin. Ang isang pamilya ay maaaring magsalata, mag-imbak ng
pagkain sa palamigan o kaya ay gumamit ng ibat-ibang paraang
dapat gamitin, dapat naaangkop ang pagkaing iimbakin at sa lugar
na pag-iimbakan.

Pagbuburo
Paraan ng pag-iimbak ng pagkain na ginagamitan ng asin at tubig.
1.Pagpapakulo
Pinakukuluan ang gulay sa mainit na temperature, 120 C upang
maiwasan ang pagkasira o pagkabulok.
2. Paggamit ng asukal
Maaaring gumamit ng asukal o arnibal. Ang tamis na buhat sa
asukalay nagpapatagal sa pagkasira ng gulay.
3. Pag-aatsara
Pag-iimbak sa pamamagitan ng suka na may sangkap na mga
pampalasa.
a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng
tanong na sasagutin batay sa aralin.
Pangkat I Paano ginagawa ang pag-iimbak ng sariwang bungang-kahoy?
Pangkat II Paano isinasagawa ang pagbuburo?

Pangkat III Bakit kailangan ang pagpapakulo sa pag-iimbak ng inaning


gulay?
Pangkat IV Ginagamit ba ang asukal sa pag-iimbak ng gulay?
Pangkat V - Ano ang pag-aatsara, ano ans sangkap nito?
b.

Ipasagot sa bawat pangkat ang mga tanong.

2. Pagsusuri
- Mahalaga ba ang pag-iimbak ng inaning gulay/prutas?
- Magbigay ng mga paraan sa pag-iimbak at ipaliwanag ito.
(Gumamit ng ibat-ibang teknik sa pagsusuri)
3. Paghahalaw
Ang paraan ng pag-iimbak ng inaning gulay ay pagsasalata,
paglalagay sa palamigan, pagbuburo, pagpapakulo, paggamit ng
asukal o arnibal at pag-aatsara.

4. Aplikasyon
Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon?
1. Hindi naubos ang tinda mong gulay/prutas sa palenke.
2. Upang maiwasan ang pagkabulok ng gulay
3. Nais ng magulang mo na tubig at asin lamang.
4. Pinag-iimbak kayo ng guro na suka ang gamitin.

IV.

Pagtataya

Punan ng tamang sagot ang puwang upang mabuo ang talata.


Ang sobrang pagkain tulad ng gulay at prutas ay dapat ilagay sa
(1)_________ . Maaaring gumamit ng (2)_______sa pagbuburo tulad
ng mustasa at manga. Kung nais naman ay papaya na may sangkap
na suka at iba pang pampalasa (3)__________ang pinakamainam na
gawin. Para maiwasan ang pangangasim at pagkabuloknggulay o

prutas, (4)______________ ito sa mainit na temperatura ng tubig.


Nakakatulong din upang matagal na mapakinabangan ang arnibal o
5) ___________________sa pag-iimbak ng inaning gulay/prutas.

Tamang sagot: ( palamigan, tubig at asin, pag-aatsara, pagpapakulo,


asukal)

V.Takdang Aralin
Ilista ang mga paraan ng pag-iimbak na sinusunod ng kasapi ng
pamilya. Humandang ibahagi sa klase ang nalaman.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5

l. Layunin

Naipaliliwanag ang kabutihang naidudulot ng pag-aalaga ng

hayop na may dalawang paa at pakpak o isda


ll. Nilalaman
A. Paksa Aralin:

Kabutihang Naidudulot ng Pag-aalaga ng Hayop na

may Dalawang Paa at Pakpak o Isda


B. Sanggunian: K to 12 Curriculum guide 2.1
Umunlad sa Paggawa Tx. 5 pahina 134, 144-146
C. Kagamitan:

larawan ng hayop na may dalawang paa at pakpak at

larawan ng isda
D. Pagpapahalaga: Pagkamasipag

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Palaisipan Loop A Word
Direksiyon: Bilugan ang salitang napapaloob sa tsart.Ang mga
ito ay alagang hayop sa kapaligiran at sa tubig. Maaaring Makita
ito sa posisyong bertikal, horizontal o dayagonal.

I
S
D
A
K
H
E
-

K
M
A
P
D
I
D

M
O
B
U
H
T
A

A
T
I
G
B
O
L

N
I
B
O
N
S
A

O
A
E
U
L
I
G

K
E
I
M
W
B
O

T
I
L
A
P
W
A

Anu-anong mga salita ang nabuo?

-Ano ang tawag natin sa mga salita na nabuo?


2.Balik-aral
Magbigay ng mga paraan sa wastong pag-iimbak ng inaning gulay?
3. Pagganyak
Pagbasa ng Tula
Manok
Sa bawat umaga sa kanyang pagputak
Magandang balita hatid sa lahat
Ang ibig sabihin, itlog ay handa na
Upang mailutoihain sa mesa
Isda
Tunay na mapalad itong bansang hirang
Ilog, lawat dagat sa isday mayaman
Tubig tabang natiy masaganang tunay

Sa maraming isdang panayang languyan

-Ano ang ibinibigay ng manok sa atin?


-Saan mayaman ang ating dagat?
B. Paglinang sa Aralin
1. Gawain
1. Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat.
2. Bigyan ang bawat pangkat ng mga larawan ng ibat ibang hayop
atsagutin ang mga tanong batay sa aralin.
Pangkat 1 : Anong mga hayop ang may dalawang paa at pakpak?
(Semantic web)
Pangkat 2 : Anong hayop ang makikita sa tubig, magbigay ng
halimbawa? (cluster map)
Pangkat 3 : Anong kabutihan ang naidudulot ng pag-aalaga ng
hayop na may dalawang paa at pakpak?
Pangkat 4 :Ano ang kabutihang naidudulot ng pag-aalaga Isda?
2. Pagsusuri
1.Anong mga hayop ang may dalawang paa at pakpak?
2. Anong hayop ang makikita sa tubig, magbigay ng halimbawa?
3. Anong kabutihan ang naidudulot ang pag-aalaga ng hayop
na may dalawang paa at pakpak ?
4. Ano ang kabutihan na naidudulot ng pag-aalaga ng isda?
3. Paghahalaw
Kahalagahan ng pag-aalaga ngisda at hayop na may dalawang
paa at pakpak .
Nagbibigay ng sapat na pagkain
Nakadaragdag sa kita ng pamilya
Nakapagbibigay ng kasiyahan sa sarili

Nakapagbibigay ng makabuluhang pagpapalipas ng


oras
Nakatutugon sa pangunahing pagpapalipas ng oras

4. Aplikasyon
Si Francis ay nag-alaga ng manok, bibe, itik, pugo at tilapia sa
kanilang likod- bahay. Tuwang tuwa ang kanyangIna na si Aling Lita
dahil bakasyon sa paaralan. Anong kabutihan ang naidudulot nito sa
kanilang pamilya?
lV. Pagtataya

Panuto : Isulat ang (T) kung tama ang pangungusap at (X) kung
mali
_______1. Ang pag-aalaga ng isda at manok ay kapakipakinabang na
gawain.
_______2. Nakadaragdag lamang na gawain sa paaralan at bahay ang
pag-aalaga ng hayop at isda
_______3. Nakatutugon ito sa pangangailangan ng mag-anak.
_______4. Nagsisilbing ehersisyo ang pag-aalaga ng hayop sa
Bakuran o likod-bahay
_______5. Makatutugon sa pangunahing pangangailangan ng
pamilya ang pag-aalaga ng hayop at isda.

V. Takdang Aralin
Magtala ng mga produkto na nakukuha sa pag-aalaga ng hayop at
Isda.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5

l.

Layunin

Naipakikita ang kaalaman, kasanayan at kawilihan sa pag-

aalaga ng isda at hayop na may dalawang paa at pakpak


bilangmapagkakakitaang Gawain
ll. Nilalaman
A. Paksa Aralin: Kaalaman,Kasanayan at Kawilihan sa Pag-aalaga ng
isda at Hayop na may dalawang Paa at Pakpak
Bilang Mapagkakakitaang Gawain
B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 2.2

Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong

Pantahanan at Pangkabuhayan (Sining PangAgrikultura 6,pahina 164-165


C. Kagamitan:

larawan ng isda at hayop na may dalawang paa at

pakpak
D. Pagpapahalaga: Pagkamasipag

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbasa ng tula
Manok
Isang inahing manok ang aking alaga
Masipag umitlog, hiling na biyaya
Lumusog agad katawan kong mahina
Dahil sa itlog na ulam sa umaga

Kahig nang kahig, putak ng putak


Saka ikakampay kanyang mga pakpak
Waring nagmamalaki at nagyayabang
Sa katabi niyang malusog na tandang
At nagsalita, Akoy manok na sobrang malusog
Sa itlog ko kayo ay talagang mabubusog
Huwag pabayaan, pakainin at itaguyod
Pagkat akoy kaibigan at tapat maglingkod.

Itanong:
-Sino ang tinutukoy sa tula?
-Ano ang ibinibigay sa atin ng manok?
2. Balik aral
Ano ang kahalagahan ng pag-aalaga ng isda at hayop na may

dalawangpaa at pakpak?
3. Pagganyak
Kilalanin ang larawan ng isda at hayop na may dalawang paa at
pakpak na ipakikita ng guro. (Hal. Tilapia, hito, dalag, karpa, manok,
itik, bibe, ibon, gansa, pabo o turkey, kalapati)
-

Pagbabahagi ng kanilang karanasan sa pag-aalaga ng mga ito.

B. Paglinang sa Aralin
1. Gawain Panonood ng isang dula-dulaan
Napili ng pangkat nina Roy, Louie at Albert ang pag-aalaga
ng manok, itik at isda. Isang araw ay dinalaw ang kanilang
proyekto ni Ginoong Dolores, angguro sa Sining PangAgrikultura.
G. Dolores : O, Roy magandang umaga sa inyo
Roy:

Magandang umaga naman po G. Dolores, mabuti at

napadalaw kayo. Louie, Albert halikayo at narito si Sir.


Albert at Louie: Magandang umaga po Sir.
G. Dolores :Maganda umaga naman sa inyo. Kumustana ba ang
alaga ninyong isda, manok, at itik.
Roy: Mabuti po naman. Heto po at tingnan ninyo, Marami
na , apat lamang ang mga ito nang kamiymagsimula.
Ngunit ngayoy napakarami nanaming alagang
manok, itik at isda.
G.Dolores :
Roy :

Naipagbibili ba ninyo ang mga ito?

Aba opo, marami na po na nabili rito at inaalagaan din

nila.
Albert :

Nagkakaroon pa po kami ng libangan sa pagaalaga ng isda at hayop.

G. Dolores :
manok at isda.

Magaling, ano pa ba ang pakinabang sa pag-aalagang

Louie : Napagkukunan pa ito ng pagkain, nagdudulot ng aliwat


dagdag kita.
G. Dolores: Magkano naman ang kinikita ninyo?
Roy : Marami po, nakatala pong lahat ng iyon sa aming
talaan ng gastos at kita.
Albert :
Roy :

Si Louie po ang nakakaalam niyon.


Halikayo Sir, ipakikita ko po sa inyo ang talaan at ng

makita ninyo ang aming kinikita at gastos.


2. Pagsusuri
- Ano ang proyekto nina Roy?
- Anoang mga kaalaman, kasanayan at kawilihan na nakuha nila
sa pag-aalaga ng isda at manok?

3. Paghahalaw
Ang kaalaman, kasanayan at kawilihan na nakukuha sa pag-aalaga
ng hayop ay:
- Nakadaragdag sa kita ng mag-anak
- Mapagkukunan ng pagkain
- Nagdudulot ng aliw o libangan

4. Aplikasyon
Sapagkat bata ka pa at di gaano ang kaalaman sa pag-aalaga ng
isda at hayop tulad ng manok, ano ang dapat mong gawin upang
madagdagan ang iyong kasanayan, kaalaman at kawilihan sa pagaalaga ng mga ito?

lV. Pagtataya
Panuto : Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng
wastong sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Nais mong maging kapakipakinabang ang iyong libreng oras ,

magkaroon ng dagdag na kita, bukod pa sa dagdag na karne, itlog at


isda para sa inyong mag-anak. Alin sa sumusunod ang gagawin mo.
A. Magtatanim ng palay

C. Matulog sa likod-bahay

B. Mag-aalaga ng manok/isda

D. Maglalaro sa likod-bahay

2. May proyektong pag-aalaga ng manok ang inyong klase sa Sining


Pang-Agrikultura.Paano ka sasali sa mga gawain bilang isang kasapi
nito?
A. Makikitulong sa ibang pangkat C. Makikiisa sa pangkat
B. Manonood lang sa gawain

D. Hindi ko sila papansinin

3. Sa proyektong pagmamanukan ng klase , ikaw ang naatasan na


maglinis ng kulungan. Gaano kadalas mo lilinisin ang kulungan ng
mga manok?
A. Linggo-linggo C. Tuwing makalawa
B. Buwan-buwan

D. Araw-araw

4. Nais ng pangkat na maging matagumpay sila sa pag-aalaga ng mga


manok at isda. Ano ang dapat nilang gawin upang matamo ang
tagumpay na minimithi nila?
A. Magkaisa sa mga gawain

C. Mag kanya-kanya ng gawain

B. Mag-inggitan sa gawain

D. Magsarili sa gawain

5. Natutuhan ni Andrew ang ibat-ibang kasanayan sa pag-aalaga ng hayop


tulad ng manok, ibon at isda. Ano ang dapat niyang gawin upang
makamit ang kapakinabangan na ito?
A. Mag-alaga sa likod-bahay ng hayop na maibigan
B. Ikuwento na lamang sa kaibigan ang kaalaman
C. Kalimutan ang lahat ng natutuhan
D. Magwalang bahala na lamang

V. Takdang Aralin
Sumulat ng isang maikling sanaysay na nagpapahayag ng kawilihan

atkasanayan sa pag-aalaga ng isda o manok.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL

Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura


Baytang 5
l. Layunin

Nakapagsasaliksik ng mga katangian, uri, pangangailangan

ng mgahayop na maaaring alagaan


ll. Nilalaman
A. Paksa Aralin:

Mga Katangian, Uri at Pangangailangan ng mga

Hayop naMaaaring Alagaan


B. Sanggunian:K to 12 Curriculum Guide 2.3, Patnubay ng Guro sa
Pagtuturo ng Gawain sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (Sining Pang-Agrikultura 5)
pahina 90-94
C. Kagamitan :

larawan ng mga hayop

D. Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Hulaan mo kung ano ang tinutukoy na hayop
1. Matapat kang bantay
Sa maraming bahay
Mga magnanakaw
Sa iyoy umiiling
2. Mabulas na katawan
Ang tangi mong yaman
Pagbungkal sa lupay
Di mo uurungan
3. Sa iyo ay galit
Itong mga daga
Pagkat di makasulong
Sa kanilang paninira
4. Ito ang alagang tila abang-aba
Dahil kahit ano kinakain niya
Ngunit laking tulong kapag maibenta
Pagod sa pag-aalaga isusulit niya.
2. Balik Aral
Ano ang kawilihan at kasanayan natatamo sa pag-aalaga ng
manok at isda?
3. Pagganyak
Ano ang katangian o uri ng hayop na alaga mo sa bakuran?
B. Paglinang sa Aralin
Gawain A - Pakikinig sa Taong Sanggunian
Isang mabuting paraan ng paghahanapbuhay at paglilibang ang

paghahayupan. Marami sa pamilyang Pilipino ang nag-aalaga ng mga


hayop sa kanilang mga bakuran. Karaniwan sa kanilang inaalagaan ay
poltri, baboy kambing, at baka.Upang matiyak na magiging matagumpay
ang kanilang proyekto, kailangan ang wastong kaalaman tungkol sa mga
katangian ng mga hayop na aalagaan.

A. Poltri
May ibat-ibang uri at lahi ng poltri. May kanya-kanyang katangian
ang bawat lahi. Ang lahi ng poltring maaaring alagaan ay ang mga
sumusunod:
Maraming mangitlog (Egg type Breed)
Mabilis lumaki (Meat Type Breed)
Maraming mangitlog at mabilis lumaki (Dual Type)
B. Baboy
Sa pagpili ng inahing baboy na aalagaan, dapat na tandaan ang
mga sumusunod.Piliin ang may 10 hanggang 14 at tamang agwat ng
suso/utongHuwag mag-aalaga ng baboy na nakabaligtad ang utong
sapagkat hindi ito magkakagatas.Pantay ang lapad ng katawan,
makinis ang mukha at lambi , malinaw at maliwanag ang mata.Galing
sa malaking lahi at may walo (8) o mahigit pang magkakapatid na biik.
C. Kambing
Ang lalaki at babaeng kambing ay may kaniya-kaniyang
katangian.Ang lalaking kambing ay dapat nagmula sa lahing
maganda, ang babaeng kambing ay dapat malakas magbigay ng
gatas ang mga suso, maamo at mabait sa anak.
D. Kuneho
Ang kunehong may mabuting lahi ay nagtataglay ng mga
sumusunodna katangian
- Malalaki at nakatayong mga tainga

- Mahaba ang katawan


- Mahahaba at malulusog ang mga paa
- Nag-aanak sa loob ng 30 araw
E. Baka
Sabaka, anumang kasarian o lahi, tiyakin na sila ay nagtataglay ng
mga sumusunod na katangian:
Malusog , masigla at maliwanag ang mata, makinang ang balat at
mamasa-masa ang nguso. Huwag bibili ng baka na magaspang ang
balat at may kapansanan, halimbawa ay pilay o bulag.
May palatandaan na madaling tumaba. Ang kaanyuan ng
pangangatawan ay pakudrado, buka ang mga tadyang at malaki ang
bahaging may puso. Ang malapad at siksik na dibdib ay tanda na ang
baka ay malusog at masigla, maganda at malakas kumain.
Gawain B Pananaliksik
Gawain C Pag-aaral ng mga datos na nakalap
(Maaaring gamitin ng guro ang datos sa Gawain A , piliin ang nais na
gawaing naaangkop sa kakayanan ng mga bata)
2. Pagsusuri
1. Ano ang magandang uri o lahi ng poltri na magandang alagaan?
2. Ano ang dapat tandaan kung mag-aalaga ng baboy?
3. Anong uri o lahi ng kambing ang aalagan mo?
4. Kung nais mong mag-alaga ng kuneho ,ano ang dapat taglayin
nito?
5. Sa baka, anong katangian ang dapat mong tiyakin?
3. Paghahalaw
Ang bawat uri o lahi ng hayop na nais alagaan ay may kaniyakaniyang katangian. Alamin ang katangian at pangangailangan ng
hayop bago mag-alaga ng mga ito

4. Aplikasyon
Sino Ako, sabihin ang uri, lahi at katangian ko
1. Unga!unga!.unga!.....
Ang lagi kong sigaw
Ang karne kong taglay
Protina ang bigay.
2. Ako ang alagang tila abang-aba
Dahil kahit ano kinakain ko
Ngunit laking tulong ko
Kapag naibenta na ako

3. Sa bawat umaga sa aking pagputak


Magandang balita ang hatid ko sa lahat
Ang ibig kong sabihiy itlog koy handa na
Upang ilutot ihain sa mesa.

lV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at isulat sa sagutang
papel ang titik ng wastong sagot.
1. Nais ng pamilya San Juan na magtayo ng poltri na nangingitlog at
maaaring pagkunan ng karne. Aling katangian ang dapat tandaan sa
pagbili ng lahing aalagaan ?
A. Maraming mangitlog at mabilis lumaki
B. Maraming mangitlog at mahinang lumaki
C. Mahinang mangitlog at mabilis lumaki
D. Mahinang mangitlog at mahinang lumaki
2. Nangangailangan si Fredo ng lalaking kambing para sa kanyang
proyekto. Anong katangian ang dapat niyang hanapin sa bibilhin
niyang lahi?

A . Payat at mahina

C. Malusog at agresibo

B. Matanda at sakitin

D. Malusog at walang balahibo

3. Kailangan din niya ng babaeng kambing. Anong katangian ang


hahanapin niya?
A. Mabangis sa anak

C. Maliliit ang suso

B. Mahinang mag-gatas

D. Maamo at mabait sa anak

4. Nagbabalak mag-alaga ng barako si Bernie. Anong katangian ang


hahanapin niya sa lahing bibilhin?
A. Payat ang mga paa
B. Malalaki at nakatayo ang tainga
C. Maikli ang katawan
D. Maliliit at nakatungong mga tainga
5. Bibili si Nick ng aalagaang baka. Anong katangian ang hahanapin
niya sa lahing bibilhin?
A. Mahina at mataba
B. Malusog at masigla

C. Maselan sa pagkain
D. Makapal ang balahibo

V. Takdang Aralin
Mag-interbyu ng kapitbahay na may-alagang hayop sa kanilang
bakuran . Itala ang uri, lahi o katangian ng kanilang mga alaga. Iulat sa
klase ang nakuhang impormasyon.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5
l.

Layunin

Naisasagawa ang mga pamamaraan ng pag-aalaga ng mga

hayop na inaalagaan
ll. Nilalaman
A. Paksa Aralin: Paraan ng Pag-aalaga ng mga Hayop na Inaalagaan
B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 2.4

Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan (Agrikulturang
Pang Elementarya ,Baytang 5 pahina 102-106
C. Kagamitan:

larawan ng hayop o sa slide show, power point

D. Pagpapahalaga: Pagkamasipag/Pagkamaingat

lll. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Awit
2. Balik-aral
Magbigay ng uri, lahi o katangian ng hayo na aalagaan.
3. Pagganyak
Ano ang mga dapat mong ihanda kung mag-aalaga ka ng
sumusunod:
1. Poltri (manok, itik, bibe, pato)
2. Baboy, kambing ,kuneho
3. Baka at kalabaw

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain
PAGTATALAKAYAN SA WASTONG PAMAMARAAN
NG PAG-AALAGA NG IBAT-IBANG URI NG HAYOP
Pangkat I Pampoltri
Wastong paraan ng pag-aalaga ng poltri
A. Kulungan
1. Nasa mataas at tuyong lugar
2. Maluwag upang malayang makakilos ang mga hayop
3. Nasisikatan ng araw
4. Laging malinis ang kulungan at kapaligiran
B Pagkain
1. Malinis na pagkain
2. Bigyan ng pagkain sa takdang oras
3. Bigyan ng sapat na inumin
4. Panatilihing malinis ang kainan at inuman
Pangkat 2 Baboy, Kambing, Kuneho
A. Kulungan
1. Panatilihing malinis at tuyo ang kulungan

2. May luwang na angkop sa dami o bilang ng alagangHayop.


3. Bombahin ng gamot ang kulungan upang di tigilan ng hayop na
nagdadala ng sakit
4. May wastong bentilasyon o hangin
5. Nasisikatan ng araw
6. May sapat na kagamitan sa kulungan gaya ng kainan, inuman,
lalagyan o imbakan ng pagkain at iba pa.
B . Pagkain
1. Malinis at sapat na pagkain at inumin
2. Karagdagang pagkain gaya ng ipil-ipil, dahoon ng kamoteng
gapang at iba pang damo na maaaring kainin nila.
3. Pagbabakuna sa tamang panahon
4. Pagpapaligo sa baboy upang maginhawahanang katawan .
Pangkat 3 Kalabaw at Baka
Damo ang pangunahing pagkain ng baka at kalabaw.
Mahalaga na sila ay madala o maisuga sa isang pastulan upang
makakain ng sariwang damo. Ang wastong pagsusuga ay sa umaga
bago sumikat ang araw.Bukod sa damo ay maaari ring bigyan ng ipilipil , dahon ng kamoteng gapang o kangkong at iba pa.
Kailangan na linisin lagi ang katawan ng baka at kalabaw
upang di kapitan ng mga hayop o insekto na nagdadala ng sakit. Ang
pagbabakuna ay kailangan upang maiwasan ang pagkakasakit ng
hayop.

Gawain B

PAKIKIPANAYAM

Mga inaasahang tanong at sagot sa pakikipanayam


1. Anu-ano po ba ang alaga ninyong hayop?
a. Poltri
b. Baboy, kambing, kuneho

c. Kalabaw at baka
2. Anu-ano po ba ang mga pangangailangan sa mga pabahay ng
mga ito?
a. Mataas malinis at tuyong lugar
b. May bentilasyon
c. Nasisikatan ng araw
d. May sapat na luwang na angkop sa dami ng inaalagaan
e. May sapat na kagamitan para sa pagkain at inumin
3. Gaano po ba kalaki ang pabahay?
Ang kulungan ay dapat na may sapat na luwang kung saan ay
makakakilos nang maayos ang mga alagang hayop.
4. Anu-ano pa ang pagkaing ibinibigay ninyo sa mga hayop?
Bukod sa pagkaing komersyal , binibigyan din sila ng ilang
halaman gaya ng ipil-ipil, dahoon ng kamoteng gapang,
kangkong at iba pang damo na karaniwang kinakain
nila.Binibigyan din sila ng sapat na inumin.
5. Kailangan po ba nila ang bakuna?
Kailangang pabakunahan ang mga hayop sa takdang panahon
upang maiwasan ang sakit.
2. Pagsusuri
Ano ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng ibat-ibang hayop
tulad ng poltri, baboy, kambing,kuneho, baka at kalabaw?
3. Paghahalaw
May wastong paraan ng pag-aalaga ng ibat-ibang uri ng hayop
na nais alagaan. ( Pagbigayin ang mga bata o isulat sa pisara)
4. Aplikasyon
Si Ernie ay nais mag-alaga ng poltri tulad ng manok at itik, ang
kanyang kapatid na si Erson ay baboy at si John Andrei ay baka. Ano
ang maipapayo mo sa kanila sa wastong pag-aalaga ng hayop na

gusto nilang alagaan?

lV. Pagtataya
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na tanong .Isulat ang titik ng
wastong sagot.
1. Nais magtayo nina Ruby ng poltri. Saan nila dapat ilagay iyon?
A. Mataas ang lugar na may punong-kahoy
B. Mababang lugar na tinitigilan ng tubig
C. Pook na maraming nakapaligid na bato
D. Maraming nakapaligid na bato
2. Sa pag-aalaga ng hayop, kailangan ang pabahay. Anu-ano ang
dapat isaalang-alang sa paggawa ng kulungan?
A. Tubig na malinis at ligtas sa sakit
B. Klima sa lugar at kapaligiran
C. Pagkain at pagsasapamilihan nito
D. Malayo sa bahay
3. Mahalaga ang pagpapatuka ng poltri upang maging malusog ang
mga ito. Anong dapat tandaan sa pagpapakain ng alagang manok?
A. Panatilihing malinis ang kainan
B. Bigyan ng marami at labis-labis na patuka
C. Bantayan ang patukaan at kulungan sa lahat ng oras
D. Bigyan ang alagang hayop ng pagkain na komersyal at
mamahaling uri
4. Maraming alagang hayop si Jojo. Ano ang nararapat niyang gawin
upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga ito?
A. Pabakunahan araw-araw
B. Pabakunahan kapag may sakit na
C. Pabakunahan minsan lamang
D. Magkaroon ng regular o tamang panahon sa pagbabakuna

5. Napansin ni Zaldy na matamlay ang mga baboy na inaalagaan ng


kanyang pamilya, sino sa sumusunod na tao ang dapat niyang
lapitan upang magamot ang kanilang alagang hayop?
A. Punong Barangay
B. Pinuno ng Pulisya
C. Isang Beterinaryo
D. Isang Tindera

V. Takdang aralin
Gumawa ng isang card na naglalaman ng wastong paraan ng pag-aalaga ng
hayop.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL

Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura


Baytang 5
l. Layunin

Nakapagsasaliksik ng mga karanasan ng mga taong

nag-aalaga ng hayop
ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin:

Mga Karanasan ng mga Taong Nag-aalaga ng

Hayop

lll.

B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 2.5

C. Kagamitan:

interview

D. Pagpapahalaga:

Pagkamasikap sa Buhay

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Awit ,Tula o Laro

2. Balik-aral
Magbigay ng mga pamamaraan ng pag-aalaga ng
hayop/isda.
3. Pagganyak
-Itanong kung sino ang may alagang hayop o isda?
-Ipakuwento ang kanilang karanasan sa pag-aalaga ng
hayop o isda.
B. Paglinang sa Aralin
1. Gawain
Pagbasa ng karanasan ng taong nag-alaga ng hayop/isda.
Dennis Canasa
Isa sa mga may natatanging kuwento ng tagumpay ay si Dennis Canasa na nagmula sa
Candaba, Pampanga.
Pagkatapos ni Dennis sa kolehiyo, tinulungan niya ang kanyang mga magulang sa
pagpapatakbo ng kanilang rice mill business. Ngunit hindi pa katagalan ay naisip niyang
magkaroon ng sariling negosyo. Pumasok siya sa pag-aalaga ng tilapia. Si Dennis ay isa
ring fish dealer.
Malaki ang tulong ng karanasansa desisyon ni Dennis na mag-umpisa sa negosyong ito.
Pinaliwanag ng dating guro niyana madaling kumita sa pag-aalaga ng tilapia. Siguradong
malaki ang kita basta magandang klase ang semilya, tamang feeds at siyempre
kailangang samahan ng sipag at tiyaga.
Noong kalagitnaan ng 1994, nag-umpisa siya sa 3 hectares ng fishpond. Tinanggap niya
ang mga mungkahi ng kaibigan . Dito niya nakita ang unti-unting pag-unlad at dito rin
niya naramdaman ang suporta at tulong ng pamilya. Nag-uumapaw at hindi kailanman
naghihintay ng kabayaran. Kayat lalo siyang nagsikap
Hindi siya tumitigil sa pag- attend sa mga seminar upang madagdagan ang kaalaman.
Walang patid at hanggang sa kasulukuyan ay patuloy pa rin. Kaya naman madaling
napaunlad ni Dennis ang kanyang fishpond operation. Umaabot na ito sa 52 hectares.
Kasabay ng pag-unlad ng kanyang negosyo ay ang pag-unlad din ng kanyang personal
na buhay. Marami na siyang naipundar kabilang na dito ang sasakyan para sa kanyang
pamilya at pati na rin panggamit sa negosyo. Bukod dito ay hindi na rin mabilang ang
mga taong natulungan at nabahaginan niya ng kanyang tagumpay.
Damang-dama ni Dennis ang tulong at suporta ng pamilya sa kanya at malaki ang
pasasalamat nito sa kanila.
Maraming, maraming salamat . Kasama ko ang pamilya ko noon, ngayon at malaki ang
tiwala ko na sasamahan pa rin ako magpakailanman. Sa kanila ako nagsimula. Sila ang
gumawa ng pangalan ko. Hindi ko mararating ang narating ko ngayon kung pinabayaan
nila akong mag-isa.Kaya kailangan ang determinasyon, pagmamahal sa ginagawa at
pagsusumikap sa buhay.

2. Pagsusuri
-Sino si Dennis Canasa?
-Ano ang kanyang hanapbuhay?
-Matagumpay ba siyang tao? Bakit?
-Maganda ba ang kanyang karanasan sa pag-aalaga ng isda?
- Anong aral ang nakuha natin sa karanasan ni Dennis Canasa?

3. Paghahalaw
Tularan ang mga karanasan ng mga taong nagtagumpay sa pagaalaga ng hayop/isda.

4. Aplikasyon
Nakatulong ba upang maging inspirasyon natin ang pagsasaliksik
ng mga karanasan ng mga taong nag-aalaga ng hayop/isda? Bakit?

lV. Pagtataya
Panuto :

Isulat ang (S) kung sang-ayon at (X) kung hindi.

______1. Purihin ang kasipagan ng mga taong nagtagumpay


sa pag-aalaga ng hayop.
_______2. Magtanong sa karanasan ng mga taong nag-alaga ng hayop
upang maging gabay.
_______3. Ang pagsisikap sa buhay ay pag-unlad ng kabuhayan ng
pamilya.
_______4. Huwag maniwala sa karanasan ng mga nagtagumpay na tao
sa paghahayupan.
_______5. Samahan ng sipag at tiyaga ang karanasan sapag-aalaga ng
hayop.

V. Takdang- Aralin
Magsaliksik ng karanasan ng mga taong naging matagumpay
sa pag-alaga ng hayop o isda sa inyong pamayanan.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Paing- Agrikultura
Baytang 5

l. Layunin

Nagagamit ang teknolohiya (internet) sa pagkalap ng impormasyon


at sa pagpili ng hayop / isda na aalagaan

ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Paggamit ng Teknolohiya (Internet) sa Pagkalap
ng Impormasyon at sa Pagpili ng Hayop na
Aalagaan
B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 2.6

C. Kagamitan:

internet

D. Pagpapahalaga: Pagkamaparaan

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ipasabi ang kanilang karanasan sa pag-aalaga ng hayop

tulad ng baboy, manok , kambing, baka at isda.


2. Paghahawan ng salita
Teknolohiya
Internet
3. Pagganyak
Ano ang naitutulong ng makabagong teknolohiya tulad ng
internet.

B Paglinang sa Aralin
1. Gawain Magpatulong sa ICT Coordinator kung kailangan.
a. Pagtungo ng mag-aaral sa computer room ng paaralan, at
kumalap ng mga impormasyon sa pag-aalaga ng hayop /
isda sa pamamagitan ng teknolohiya o internet.
b. Magbigay ng pamantayan sa maayos na paggamit ng
computer
c. Pangkatin ang mga bata ayon sa bilang ng computer sa
paaralan
.
2. Pagsusuri
Pag-uulat ng bawat pangkat sa nakalap na impormasyon sa
pagpili ng hayop / isda na aalagaan gamit ang internet.

3. Paghahalaw

Ang makabagong teknolohiya o internet ay nakatutulong sa


pagkalap ng impormasyon tulad ng pagpili ng hayop o isdang
aalagaan.

4. Aplikasyon

Magsaliksik ng mas maraming impormasyon sa nais na


alagaang hayop o isda sa tulong ng internet.

lV. Pagtataya
Sagutan ang tseklis

Kriterya

Oo

Nagamit koba ng internet ng maayos?


Nakasunod ba ako sa pamantayan?
Nakakuha ba ako ng impormasyon sa
pag-aalaga ng hayop?
Nakatulong ba ang internet sa pagpili ng hayop na
aalagaan ko?
Nahirapan ba ako sa paggamit ng internet sa
pagkalap ng impormasyon?

V. Takdang Aralin
Gumupit ng larawan ng hayop o isda na nais alagaan at kumalap ng
impormasyon sa pag-aalaga nitosa pamamagitan ng internet.

Hindi

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5
l.

Layunin

Nakagagawa ng plano sa pag-aalaga ng isda/hayop bilang


mapagkakakita anggawain

A. Paksang Aralin:

Paggawa ng Plano ng Paghahayupan

Sa paggawa ng plano ng paghahayupan, dapat


isaalang-alang ang uri ng hayop na aalagaan,
kulungan, kagamitan at pagkain.
B. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide 2.7
Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan 6,
pahina 124 -128
D. Kagamitan:

larawan ng hayop o powerpoint presentation

E. Pagpapahalaga: Pagkamasuri

lll. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Awit/tula
2 Balik-aral
Anong katangian ang dapat taglayin ng isang mag-aalaga ng
hayop upang maging matagumpay?
3. Pagganyak
- Ano ang alaga mong hayop sa inyong bakuran?
- Anong paghahanda ang iyong ginagawa bago ka mag-alaga
ng hayop o isda?
B. Paglinang sa Aralin
Pumili lamang ng gawaing angkop sa kakayahan ng mga bata at
kapaligiran
Gawain A Panood ng powerpoint presentation
Gawain B Sanaysay
Gawain C - Taong Sanggunian
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Gumawa ng plano sa pag-aalaga
ng hayop/ isda.
Pangkat I Ano ang kailangang ihanda kung ma-aalaga ng poltri
tulad ng manok, itik, bibe, pugo.
Pangkat II Ano ang kailangang ihanda sa baboy, kambing, kuneho
Pangkat III Ano ang kailangang ihanda kung baka/kalabaw ang
aalagan.
2. Pagsusuri
Pag-uulat ng bawat pangkat
3. Paghahalaw
Sa paggawa ng plano ng pag-aalaga ng hayop/isda dapat
isaalang-alang ang uri ng hayop na aalagaan, kulungan, kagamitan at
pagkain.

4. Aplikasyon
Pumili ng isa sa mga sumusunod na hayop o isda at igawa ng
plano ang pag-aalaga sa mga ito.
1. manok
2. baboy
3. baka
4. isda

lV. Pagtataya
Panuto: Ang mga sumusunod ay mga bagay na dapat isaalangalang sa paggawa ng plano ng paghahayupan.
A. Uri ng hayop na aalagaan
B. Kulungan at kagamitan
C. Pagkain
Sabihin kung alin sa mga nabanggit ang isinasaad ng sitwasyon sa
ibaba. Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel
1. Nagpaplano ng paghahayupan si Mario. Nais niyang tiyakin ang
hayop na aalagaan niya. Pipili siya ng lahing madaling pakainin at
matibay laban sa sakit at peste.
2. Mag-aalaga ng baboy sina Kim. Nais niyang gumawa ng pabahay na
yari sa mura at local na gamit tulad ng pawid at kawayan.
3. Nais tiyakin ng maghahayupan ang kaligtasan at kalusugan ng mga
baboy na aalagaan. Maghahanda siya ng pagkain at painuman na
kasya lamang ang nguso ng baboy na aalagaan.
4. Mura at masustansiyang pagkain ang nais ipakain ni Mico sa
kanyang kambing na aalagaan. Maaari rin niyang pakainin iyon ng
ipil-ipil, kangkong, dahoon ng kamoteng gapang.
5. Magpaplano ng pag-aalaga ng hayop ang klase nina G. San Felipe.
Mamimili sila ng hayop na aalagaan. Ang hayop na aalagaan nila ay

iyong naaayon sa kanilang nais at angkop sa lugar na kanilang pagaalagaan.

V. Takdang Aralin
Anong plano sa pag-aalaga ng hayop ang iyong sinunod sa alaga
mo sa likod-bahay. Isulat sa kwaderno at iulat sa klase.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5
l.

Layunin

Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan gaya ng

manok, pato, itik, pugo at tilapia


ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Mga Hayop na Maaaring Alagaan Gaya ng
Manok, Pato, Itik, Pugo at Tilapya.
B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 2.8

Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan 5, pahina 96-101
Manwal ng Guro 6, pahina 118-128
C. Kagamitan:

video viewing o larawan ng hayop tulad ng

manok, itik, pato, itik at tilapia.


D. Pagpapahalaga

lll. Pamamaraan

Pagkamapili

A.

Panimulang Gawain

Pagbasa ng tugma ukol sa alagang hayop


Bibe
Mga bibeng alaga ni lelang ay matataba
Sagana sa palay, darak, at mais na patuka;
Masipag mangitlog, maaasahang kusa
Lahat ay nakikinabang sa dulot na biyaya.
Manok
Ang mga manok ay nakalilibang na alagaan
Palay at mais ibigay ilaan;
Tubig na malinis ipainom lamang
Nang bumilis ang paglaki, itlog pakinabangan.
Gansa
May mahabang leeg itong aking alaga,
Katulad ay bibe kung tawagiy gansa
Gumagawa ng ingay kapag nakakakita
Ng tao o panauhing bago sa paningin niya.

2. Balik-aral
Kailangan ba na gumawa ng plano bago magsimula sa pagaalaga ng hayop na nais alagaan bilang mapagkakakitaang
gawain?

3. Pagganyak
Sa mga hayop na nasa larawan , tukuyin ang nais mong alagaan.
Ipaliwanag kung bakit iyon ang gustong alagaan.
B. Paglinang sa Aralin
1. Gawain
Pumili ng gawaing angkop sa kakayahan ng mga bata at kapaligiran
Gawain A Pag-aaral sa Video Viewing

Gawain B Pagbasa ng Sanaysay


Gawain C Pag-aaral ng isang Dula-dulaan
2. Pagsusuri
Anong mga salik ang napanood ninyo ang dapat isaalang-alang sa
pagtukoy ng mga hayop na nais alagaan?

3. Paghahalaw
Matutukoy ang mga hayop na nais alagaan kung aalamin ang
salik na dapat tandaan sa pag-aalaga ng hayop tulad ng pakay ng
mag-aalaga, uri ng klima o panahon, mapagkukunan ng pagkain at
kalusugan at pangangatawan.

4. Aplikasyon
Matapos mong malaman ang mga dapat tandaan sa pag-aalaga
ng hayop, matutukoy mo na ba kung anong hayop ang maaaring
alagaan sa inyong likod-bahay.

lV. Pagtataya
Panuto : Isulat ang titik ng lahing dapat piliin upang matukoy ang hayop
na aalagaan.

Layunin
_____1.Magtinda ng itlog ng manok

Lahing pipiliin
A. Lahing mag-aanak sa

loob ng 30 araw
_____2. Magbili ng gatas ng kambing

B. Mabuting inahing baboy

_____3. Magpaanak ng inahing baboy

C. Lahing maraming mangitlog

_____4. Magbili ng maliliit na kuneho

D. Mahaba ang araw ng

Paggatas
______5. Mag-aalaga ng isdang tilapya

E. Mabilis lumaki

V. Kasunduan
Alamin ang mga dapat ihanda sa pagsisimula sa pag-aalaga ng hayop o isda.
Iguhit ito o gumupit ng larawan

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL

Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura


Baytang 5

l.

Layunin

Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan

na dapat ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga ng


hayop o isda
ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Paggawa ng Talaan ng mga Kagamitan at
Kasangkapan na Dapat Ihanda sa Pag-aalaga
ng Hayop o Isda
B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 2.9

Patnubay ng Guro sa Pagtuturo ng Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pahina 124-128
C. Kagamitan:

talaan ng kasangkapan at kagamitan sa

paghahayupan
D. Pagpapahalaga: Pagkamatipid

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anong hayop ang maaaring alagaan sa inyong likod-bahay?
-Ipaliwanag kung paano nila natukoy na iyon ang tamang
hayop na alagaan sa likod-bahay.

2. Pagganyak
Anu-ano pa ba ang dapat isaalangalang sa pagpaplano ng
paghahayupan?

B. Panlinang sa Aralin
1. Gawain
Pumili ng angkop na gawaing angkop sa kakayahan ng mga bata at
kapaligiran.
Gawain A Sine-sinehan
Gawain B Sanaysay
Gawain C Taong Sanggunian
Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat. Gumawa ng talaan ng
kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga ng hayop at isda.
Pangkat 1 - Pag-aalaga ng baboy
Pangkat 2 - Pag-aalaga ng manok,itik, bibe
Pangkat 3 - Pag-aalaga ng baka/kalabaw
Pangkat 4 - Pag-aalaga ng isda

2. Pagsusuri
1. Anu-anong kasangkapan at kagamitan ang ihahanda kung
mag-aalaga ng hayop o isda?
2. Alamin sa pag-uulat ng bawat pangkat.

3. Ano ang inyong ginawa para malaman ang kasangkapan at


kagamitan sa pag-aalaga ng hayop o isda.
Inaasahang sagot- (talaan ng kasangkapan at kagamitan)

3. Paghahalaw
Gumawa ng talaan ng kasangkapan at kagamitan bago
magsimula sa pag-aalaga ng hayop o isda.
4. Paglalapat
Ano ang dapat gawin upang masigurado na magiging maayos
at matagumpay ang pag-aalaga ng hayop o isda?

lV. Pagtataya
Panuto:Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumutugon sa
wastong paraan ng paghahayupan at MALI kung itoy hindi
wastong paraan ng pag-aalaga ng hayop o isda.
______1. Simulan agad ang pag-aalaga ng hayop o isda ayon sa
kagustuhan ng mag-aalaga.
_______2. Itala ang kasangkapan at kagamitan sa paghahayupan.
_______3. Magtanong sa mayroon nang karanasan sa pag-aalaga
ng hayop.
_______4. Upang magkaroon ng lubos na kaalaman sa planong
paghahayupan itala ang lahat na ginagawa.
_______5. Magsimula sa pag-aalaga ng walang talaang inihanda
dahil hindi ito kailangan sa paghahayupan.

V. Takdang Aralin
Igawa ng talaan ng kasangkapan at kagamitan ang hayop na nais

alagaan sa likod-bahay.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL

Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura


Baytang 5
l. Layunin

Naipakikita ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop na


nais alagaan

ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Wastong Pamamaraan sa Pag-aalaga ng Hayop
na Nais Alagaan
B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 3.1.1, Patnubay ng Guro

sa Pagtuturo ng Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 5, pahina 107-109
C. Kagamitan:

larawan. video clips

D. Pagpapahalaga: Pagkamatiyaga

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Anu-anong kasangkapan at kagamitan ang dapat

ihanda kung mag-aalaga ng hayop tulad ng manok at isda?


2. Pagganyak
Alin sa mga hayop sa larawan ang natukoy mo na
maaring alagaan sa inyong likod-bahay?
B. Paglinang sa Gawain
Pumili lamang ng gawaing angkop sa kakayahan ng mga bata at
kapaligiran.
Gawain A Aktuwal na pagsasagawa ng proyekto
Pangkatang Gawain
a. Pagbubuo ng mga pamantayan dapat sundin sa paggawa
b. pagpapakita ng mga paraan ng pag-aalaga ng hayop
2. Gawain B - Pantomina
a.Pagpapangkat pangkat
b. Pagpapakita ng mga gawain ng bawat pangkat sa pamamagitan
ng pantomina.
Pangkat I Wastong pag-aalaga ng poltri
Pangkat 2- Wastong pag-aalaga ng baboy, kambing at Kuneho
Pangkat 3- Wastong pangangalaga ng baka at kalabaw

3. Pagsusuri
Naipakita ba ng bawat pangkat ang wastong paraan ng pagaalaga ng ibat-ibang hayop?

4. Paghahalaw
May wastong paraan na dapat gawin sa pag-aalaga ng ibatibang hayop tulad ng pagpapakain, paghahanda ng kulungan,
pagbabakuna, paglilinis at inumin.

5. Aplikasyon

Hayaang magtanungan ang mga bata


Anoang mga dapat isaalang-alang sa wastong paraan ng pag-aalaga
ng hayop tulad ng poltri, baboy, baka at isda.Isulat sa card ang sagot.
Manok
1.
2.
3.

Baboy

Baka

Itik

Isda

lV. Pagtataya
Pagsagot sa tseklist Lagyan ng tsek (/) sa tapat ng nararapat na sagot.
Kriterya
Maaliwalas ba ang paligid ng kulungan?
May sapat bang sikat ng araw ang lugar ng
kulungan?
May mapagkukunan ba ng malinis na tubig?
Maayos ba at malinis ang pakainan at
pagkain?
May sapat bang lugar na paglalagyan ng ibatibang kagamitan?
Angkop ba ang laki ng kulungan sa bilang ng
hayop?
Nabakunahan ba sa tamang panahon ang
mga alagang hayop?

Oo

Hindi

V. Takdang Aralin
Magtala ng mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan
pag-aalaga ng hayop.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL

Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura


Baytang 5
l. Layunin

Nasususunod ang mga tuntuning pangkaligtasan at

pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop


ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin:

Mga Tuntuning Pangkalusugan at Pangkaligtasan

saPag-aalaga ng Hayop
B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 3.1.2, Patnubay ng

Guro sa Pagtuturo ng Gawain sa Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan 6,
pahina 145 -146.
C. Kagamitan:
D. Pagpapahalaga:

larawan ng hayop, video clips


Mapangalaga

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Awit/Tula
2. Balik-aral

Wastong paraan ng pag-aalaga ng hayop


3. Pagganyak
Ipaliwanag ang ibig sabihin ng kalusugan at kaligtasan
B. Paglinang sa Gawain
1. Gawain
Pumili lamang ng gawaing angkop sa kakayahan ng mga bata
at kapaligiran
Gawain 1- Role Playing
Panonood ng isang duladulaan
Gawain 2 Pakitang gawa ng mga bata
Pangkat 1 Panuntunang Pangkalusugan
Pangkat 2 Panuntunang Pangkaligtasan

2. Pagsusuri
Pagtalakay sa mga ipinakitang-gawa
Anu-anong mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop ang nakita ninyo?

3. Paghahalaw
Mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa
pag-aalaga ng hayop ay

Pagbabakuna sa mga hayop


Pagkakaroon ng malinis at maayos na kulungan
Pagpapanatiling malinis ng mga hayop
Pagbabaon ng malalim sa mga patay na hayop
Pagdidisinpekta o paglalagay ng pamatay mikrobyo
Pagpapanatili ng kaayusan ng pastulan

4. Aplikasyon
Nagkaroon ng pagbabakuna sa mga hayop sa inyongbarangay laban
sa kumakalat na rabies. Ano ang gagawin mo sa mga alagang hayop ng

inyong pamilya?

lV. Pagtataya
Tseklis sa Paggawa
Panuto : Lagyan ng tsek (/) ang bawat panuntunang pangkalusugan o
pangkaligtasan na inyong sinusunod

Oo
Panuntunang Pangkalusugan/Pangkaligtasan
Pinananatili ko ba na malinis ang mga
hayop?
Pinananatili ko ba na malinis at maayos ang
kulungan?
Dinisinpekta o naglagay ba ako ng pamatay
mikrobyo sa mga kagamitan o gamit?
Pinanatili ko ba na maayos ang pastulan?
Pinababakunahan ko ba ang mga hayop?

V. Takdang-Aralin
Magtanong sa limang kaklase kung anong panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop
angsinusunod nila. Iulat sa klase

Hindi

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5

l. Layunin

Nasusubaybayan ang paglaki ng mga alagang hayop o

isda gamit ang isang talaan


ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Pagsubaybay sa Paglaki ng mga Alagang Hayop
Gamitang Isang Talaan
B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 3.1.3 , Patnubay ng

Guro sa Pagtuturo ng Gawain sa Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan 6,
pahina 162-164, 216- 219
C. Kagamitan:

Talaan o record book

D. Pagpapahalaga: Pagkamasuri

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Laro- Sino Ako

Hulaan kung sino ang tinutukoy , kunin sa dingding kung sino


siya at idikit sa pisara.
_____a. Tuwing umaga , pumapalahaw ang tinig niyat
nagpapaalala sa nahihimbing pa.(manok)
_____b. Bagong huli akosa tubig,panghain sa mesa na hatid ay
protina.(isda)
_____c.Ako ang bantay sa maraming bahayItinuturing akong
matapat na kaibigan,
2. Balik-aral
Mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa
pag-aalaga ng hayop.

3. Pagganyak
Ayusin ang mga letra upang mabuo ang tamang salita.
Isinusulat dito ang mahahalagang bagay tungkol sa alagang
hayop o isda.
Sagot : L A A N

Itanong kung ano ang talaan? Ano ang gamit ng talaan?


Mahalaga ba ang talaan sa pag-aalaga ng hayop o isda?

B. Paglinang sa Aralin
1. Gawain
Gawain A Pag-aaral ng talaan sa pag-aalaga ng baboy
Gawain B - Pag-aaral ng talaan sap ag-aalaga ng isda

2. Pagsusuri
a. Ano ang kahalagahan ng pagtatala at pag-iingat ng talaan lalo
na sa taong nag-aalaga ng hayop o isda?
b. Anu-ano ang mga salik na dapat tandaan habang ang mga

alagang hayop o isda ay lumalaki?

3. Paghahalaw
Ano ang kailangang ingatan kung ikaw ay nag-aalaga ng
hayop o isda?

4. Aplikasyon
Ano ang kahalagahan ng pagtatala at pag-iingat ng talaan sa
mga taong nag-aalaga ng hayop o isda?

V. Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang
wastong titik sa mga sumusunod na impormasyon sa pagtatala
ng pag-aalaga ng hayop o isda.
A. Pagtatala ng pinagkagastusan
B. Pagtatala ng halagang ginugol
C. Natira / Kinita
D. Pinagbilhan

1. Bumili ng materyales si Jayson na gagamitin sa kanyang palaisdaang


itatayo.
2. Ang mga itoy semento, tabla, kawayanat lambat. Bumili rin siya ng
semilya ng tilapia pati na rin ang ipakakain dito.
3. Nakuwenta niya na umabot sa Php 12 200.00 ang nabili niyang
materyales kaya nailagay niya agad ito sa kanyang talaan.
4. Bukod sa semilya ng tilapia, bumili rin siya ng sisiw upang dumami ang
kanyang aalagaan. Bumili din siyang pagkain para sa sisiw.
5. Lumaki ang kanyang alagang isda. Tuwang tuwa siya dahil maraming

bumili ng mga ito. Nakabenta siya ng higit pa sa Php 44 000.00.


Napag-alaman niya sa kanyang talaan na sa gastos niyang
Php 5 000.00 mula sa pag-aalaga niya ng sisiw ay kumita pa siya ng
6 500.00.
Susi sa pagwawasto
1. A2. B3. A4. C5. D
V. Takdang Aralin
Gumawa ng talaan ang mga alagang hayop sa likod-bahay.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL

Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura


Baytang 5

l. Layunin

Nakagagawa ng balak ng pagpaparami ng alagang hayop

ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Paggawa ng Balak sa Pagpaparami ng Alagang
Hayop
B. Sanggunian:

K to 132 Curriculum Guide 3.1.4, Agap at Sikap 6

pahina 39-40, Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 5 pahina 214-218
C. Kagamitan:

larawan ng hayop, video clips

D. Pagpapahalaga: Pagkamasipag

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Pagpapakita ng larawan ng mga hayop
2. Pagbasa ng Tula

Hayop Katulong ng TaoMahalin


Kaming mga hayop ay may damdamin din
Marunong masaktan, magutom, dumaing;
Kamiy katulong ninyo sa mga Gawain
Naglilingkod, walang tutol,sadyang masunurin
Ang asoy laruan , kaibigang tunay
Sa mga tahanay siyang nagbabantay;
Panginooy kilala malayo pa lamang
Wagayway ng buntot di mapipigilan
Kalabaw sa bukid siya pa ring katuwang
Nitong magsasakang sa lupaynagbungkal;
Masaganang ani ay nakasalalay
Sa ararong singkaw sa init ng araw
Kasama ni kutsero sa araw-araw
Hilay kalesa maginhawang sasakyan;
Kakampi nitong Inang kalikasan
Ihahatid ka ng walang alinlangan
Itlog at karne, handog nitong manok
Sa hapag kainan protina ang dulot;
At sa kanyang pagaspas at pagtilaok;
Gumising na at humanda sa pagpasok.
Kung wala ang hayop taoy malulunod
Ang hirap at gutom sa kanyay sasaklot
Mga gawain ninyoy mabigat na pagsubok
Kayat kaming hayop inyong mahalin.

2. Balik-aral
Kahalagahan ng isang talaan sa pag-aalaga ng hayop.

3. Pagganyak
Itanong sa mga bata kung sila ay may balak mag-alaga ng
hayop o isda.
- Ano ang layunin nila sa kanilang balak napag-aalaga ng
hayop.

B. Panlinang na Aralin
1. Gawain - Ipabasa ang mga salik at hakbang sa pagbabalak ng
isang gawain (Agap at Sikap 6 pahina 39)
Bigyan ang bawat pangkat ng pamatnubay na tanong
Pangkat 1 Ano ang pagbabalak ng isang gawain?
Pangkat 2 Bakit mahalaga ang pagbubuo at pagtatalaga ng
tungkulinsa pagbabalak ng gawain?
Pangkat 3 Kailangan ba ang pagsasagawa at
pamamatnubay?
Pangkat 4 Kailan isinasagawa ang pagpapahalaga sa
pagbabalak ng gawain?

2. Pagsusuri
Pag-uulat ng bawat pangkat sa nakalap na gawain.
Kung mag-aalaga sila ng hayop o isda kailangan ba ng
pagbabalak sa pagsasagawa nito?

3. Paghahalaw
May mga pamamaraan at hakbang na dapat sundin sa
pagbabalak ng pagpaparami ng alagang hayop, ang mga ito ay
1. Pagbabalak
2. Pagtatalaga at pagbubuo ng tungkulin
3. Pagsasagawa at pamamatnubay

4. Pagpapahalaga

4. Aplikasyon
Paano mo haharapin ang sumusunod;
May proyekto ang Sining Pang-agrikultura na pagpaparami ng
hayop o isda sa paaralan at isa ang inyong pangkat sa kalahok.
Isulatang mga balak sa pagpaparami ng alagang hayop o isda.

lV. Pagtataya
Panuto : Lagyan ng smiley () ang pangungusap na nagpapakita ng
wastong pagbabalak sa pag-aalaga ng hayop
_____1. Kailangan ang tao na mahusay mamahala.
_____2. May mga hakbang na dapat sundin upang magtagumpay
_____3. Magtakda ng paraan o plano upang makamit ang layunin
_____4. Ang gawain ay inaalam at inililista sa pagbabalak
_____5. Kailangan ang maingat na pagsubaybay upang matiyak ang
gawain na binalak.
_____6. Sa pagbabalak pagsunud-sunurin ang Gawain.
_____7. Hindi na kailangan ang pagbabalak sa anumang gawain.
_____8. Kailangan ang pagpapahalaga upang matiyak kung epektibo
pagbabalak.
_____9. Pag-usapan ng pangkat ang pagkukulang sa pagbabalak
____10. Huwag makisali sa gagawing pagbabalak ng pangkat sa
pag-aalaga ng hayop o isda.

V. Takdang-aralin
Mag interbyu ng mga nag-aalaga ng hayop o isda .Itanong ang salik
at hakbang na ginawa nila sa pagpaparami ng alagang hayop.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5
l. Layunin

Naipaliliwanag ang palatandaan ng alagang hayopo isda na


maaari nang ipagbili

ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin:

Mga Palatandaan ng hayop o Isda na Maaari

nang Ipagbili
B. Sanggunian:
C. Kagamitan:

K to 12 Curriculum Guide 4.1.1


internet, video clips

D. Pagpapahalaga: Pagkamapili

lll. Pamamaraan
A .Panimulang Gawain
1. Pagsasanay Laro : Paramihan ng kilalang hayop o isda.
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Papagbigayin ang mga
bata ng pangalan ng hayop o isda. Salitan ng pagbibigay ng sagot
ang dalawang pangkat. Ang pangkat na may pinakamaraming
sago tang panalo.

2. Balik-aral
Mga paraan ng pagbibi ng alagang hayop
3. Pagganyak
Mamasyal sa ibat-ibang lugar na may nag-aalaga ng hayop o
isda .Ipatala ang kanilang napansin.

B. Paglinang sa Aralin
1. Gawain
a. Pagbuo ng suliranin Ano ang mga palatandaan na ang
alagang hayop ay maaari nang ipagbili?
b. Papanoorin ng palabas o film showing tungkol sa alagang
maaari nang ipagbili .
2. Pagsusuri
a.Talakayin ang napanood
b. Bigyan ng pagkakataon na magusap-usap ang
magkakapangkat kung ano ang palatandaan ng alagang
maaari ng ipagbili.
3. Paghahalaw
Masabi ng mga bata ang mga palatandaan na ang hayop o
isda ay maaari ng ipagbili.

4.Aplikasyon
Pagbigayin ang mga bata ng palatandaan na ang hayop ay
maaari ng ipagbili.
V. Pagtataya
Panuto: Punan ng kaukulang tsek ang inyong sagot
Uri ng pakikilahok

Pamantayan
5 3 1

Nakiisa ba ang lahat sa paggawa ng


itinakdang Gawain

Naging maingat ba sa itinakdang gawain.

Nasunod ba ang mga pamantayan

Nagpamalas ba ng kasiyahan sa paggawa.

V. Takdang-aralin
Magsulat ng karanasan tungkol sa palatandaan ng alagang hayop o
isda maaari ng ipagbili.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5
l. Layunin

Nakagagawa ng istratehiya sa pagsasapamilihan halimbawa,


pagbebenta sa palengke o sa pamamagitan ng online selling

ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin: Paggawa ng Istratehiya sa Pagsasapamilihan at
Pagbebenta sa Palengke sa Pamamagitan ng
Online Selling
B. Sanggunian:
C. Kagamitan:

K to 12 Curriculum Guide 4.1.2


computer o laptop, internet

D. Pagpapahalaga:Pagkamalikhain

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Mga palatandaan na ang hayop ay maaari nang ibenta.
2. Talasalitaan
Alamin ang kahulugan ng :

On-line

Internet

Web

Teknolohiya

a.On-line business isang negosyo na ginagamitan ng


teknolohiya o internet.
b.Internet ang internet ay ang nagkakabit ng mga computer
network na maaaring gamitin ng tao sa buong mundo.
c.Web isang sistema na nagpapagalaw sa internet

d.Teknolohiya ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang


kahulugan.
Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga
kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa
paglunas ng mga suliranin ng tao.

3. Pagganyak
Ano ang usong paraan ng pagtitinda o pagsasapamilihan ng mga
produkto mula sa alagang hayop o isda gamit ang makabagong
teknolohiya.
Magpakita ng larawan o video clips ng on-line sellingupang
maunawaan ng mga bata.

B. Paglinang sa Aralin
1. Gawain- Panonood ng isang palabas o film showing ng mga
istratehiya sa pagsasapamilihan, halimbawa pagbebenta sa
palengke o sa pamamagitan ng on-line selling.
a .Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat
b. Pagkalap ng impormasyon sa napanood tungkol sa on-line
selling.

2. Pagsusuri
Pag -uulat ng mga bata sa nakalap na impormasyon ng on-line

selling

3. Paghahalaw
Ang on-line selling ay isang paraan ng negosyo na
ginagamitan ng teknolohiya o internet.

4. Aplikasyon
Gabayan ang mga bata sa paggawa ng halimbawa ng on-line
selling ng produkto gamit ang computer.Gumuhit ng larawan at
igawa ng istratehiya sa pagbibili sa pamamagitan ng on-line selling

lV. Pagtataya
Panuto : Pagsagot sa tseklist. Lagyan ng tsek (/) kung naisagawa ng
wasto ang sumusunod na katanungan at (x) kung hindi.
Mga Tanong

Oo

Hi ndi

Nakasunod ba ako sa gawain?


Nasunod ko ba ang pamantayan sa paggawa ng
on-line selling?
Makagagawa ba ako ng pagtitinda sa
pamamagitan ng on-line selling?
Makatutulong ba ako sa pamilya sa makabagong
teknolohiya?
Naging interesado ba ako sa on-line selling?

V. Takdang aralin
Magsaliksik tungkol sa kahalagahan ng on-line selling. Iulat sa klase
ang nakuhang impormasyon.

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG RIZAL
Banghay Aralin sa Sining Pang- Agrikultura
Baytang 5
l. Layunin

Natutuos ang puhunan, gastos at kinita sa pag-aalaga

ng hayop o isda
ll. Nilalaman
A. Paksang Aralin:

Pagtutuos ng Puhunan, Gastos at Kinita sa Pag-

aalaga ng hayop o Isda.


B. Sanggunian:

K to 12 Curriculum Guide 4.1.3 , Patnubay ng

Guro saPagtuturo ng Gawain sa Edukasyong


Pantahanan at Pangkabuhayan 6, pahina 159-164
C. Kagamitan:

talaan ng pag-aalaga ng hayop/isda

D. Pagpapahalaga: Pagkamaingat

lll. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Paano mo masusubaybayan ang paglaki ng iyong alagang
hayop o isda?

Talasalitaan
Puhunan

Gastos

Kita

Impok

2. Pagganyak
Sitwasyon :
Nag-alaga si Mar ng apat na kambing. Nabili niya ng Php 750.00
ang bawat isa. Sa loob ng apat na buwan niyang pag-aalaga,
nakagastos siya ng Php 1 490.00 sa gamot at pagkain.Naipagbili
niya ang lahat ng kambing sa halagang Php 8 98000.00.ang
kanyang puhunan ay Php 5000.00. Magkano ang kinita ni Mar?
1. Magkano ang puhunan ni Mar?
2. Magkano ang kanyang ginastos?
3. Magkano ang kinita niya?

B. Paglinang sa Aralin
1. Gawain
Pumili lamang ng gawaing angkop sa kakayahan ng mga batas at
kapaligiran
Gawain A Paghahanda ng Tanong (TM 6,pahina 159-160)
Gawain B Pag-aaral sa Isang Talaan Tungkol sa Pag-aalaga ng
Baboy (TM 6 pahina 162-163)
Gawain C Dayalogo (TM 6 pahina 163-164)
2. Pagsusuri
1. Ano ang kahalagahan ng pagtatala at pag-iingat ng talaan ng
isang taong nag-aalaga ng hayop o isda?
2. Anu-ano ang mga salik na dapat tandaan sa pagtutuos/
pagkukuwenta ng pinagbilhan ng mga naturang hayop?
3. Paano malalaman kung tumutubo o nalulugi ang isang taong
nag-aalaga ng mga hayop na ito?

3. Paghahalaw
Isagawa ang maingat na pagtutuos ng puhunan, gastos at
kita sa pag-aalaga ng hayop.

4. Aplikasyon
Ipatuos sa mga bata ang kita ayon sa sumusunod na

Talaan ng Gastos
Halaga ng sisiw
Halaga ng patuka at antibayotiko

500.00
900.00

Halaga ng serbisyo
Iba pang gastos

500.00

120.00
Kabuuang gastos

Halaga ng pinagbilhan

2 020.00

3550.00

Halaga ng kinita

_________

lV. Pagtataya
Panuto : Basahin at unawain ang sumusunod na kwento. Sagutin ang
mga tanong .Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

Nag-alaga si Sydney ng 5 biik. Binili niya ng Php 1 200.00 ang


bawat isa. Inalagaan niya iyon ng apat na buwan. Nagkagasto siya ng
Php 7 500.00 sa gamot at pagkain. Ipinagbili niya ng Php 12 300.00 ang
tatlo at Php 6 880.00 ang dalawa.

1. Magkano ang halaga ng ng lahat ng biik na inaalagaan niya?


A. 4 500.00

C. 5 000.00

B. 7 220.00

D. 6 000.00

2. Magkano ang nagastos niya sapagkain at gamot?


A. 7 000.00

C. 7 500.00

B. 7 100.00

D. 7 400.00

3. Magkano lahat ang nagastos niya sa limang baboy?


A. 13 100.00

C. 13 200.00

B...13 300.00

D. 13 500.00

4. Magkano ang kanyang tinubo?


A. 5 680. 00

C. 5 690 00

B. 5 666.00

D. 5 685.00

V. Takdang-Aralin
Mag interbyu ng taong nag-aalaga ng hayop o isda sa inyong lugar,
alamin sa kanya kung paano siya nagtutuos ng kita at gastos.

You might also like