Talatang Naglalarawan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY OF BOGO
Buac, Cayang, Bogo City, Cebu
ANONANG SUR ELEMENTARY SCHOOL
Anonang Sur, Bogo City, Cebu

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 4

Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksiyon:_______________

Petsa:__________________________________ Score: __________________________

NAKAKASULAT NG TALATANG NAGLALARAWAN

A. PANIMULA

Ang TALATA ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga


pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay
o paksang –diwa.

Talatang naglalarawan- ito ay naglalaman ng ating nakikita'


naririnig, nadarama, at maging ng anyo, hugis, kulay at katangian sa
kabuuan. Ang layunin ng ganitong uri ng talata ay bumuo ng isang malinaw
na larawan ng mga mambabasa o nakikinig.
Halimbawa 1:
Ang Punong Niyog
Sa lahat ng punong kahoy, ang niyog ang may pinakamaraming
pinaggagamitan. Lahat ng bahagi ng punong ito ay mahalaga. Mahusay na
panggatong ang katawan nito. Ang mga dahon ay nagagawang basket, walis,
at mga kagamitang pambubong. Ang balat ng bunga ay nagagawang iskoba,
bunot, at mga kutson.
Ang bao ang nagagawang mga alkansiya, butones, plorera, at laruan.
Mula naman sa laman ng bunga, maaaring makakuha ng langis at
makagawa ng kendi at gamot. Nanggagaling din sa laman nito ang mga
sangkap na magagamit para sa pabango, sabon, sorbetes, ulam, at cake.
Halimbawa 2:
Si Inay

B. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

Nakasusulat ng talatang naglalarawan (F4PU-IIe-g-2.1)

C. PANUTO
1. Gamit ang mga binigay na mga halimbawa at pagtatalakay kung
paano sumulat ng talatang naglalarawan, sagutin ng buong husay
ang mga Gawain na ibinigay sa ibaba.
2. Maari lamang kayong magtanong sa inyong mga magulang o
kapatid pero ikaw ang dapat sumagot sa mga tanong.
D. GAWAIN
Sumulat tayo ng isang talatang naglalarawan ng kagandahan
ng biyaya ng ating kalikasan. Pumili ng isang panimulang
pangungusap para sa isusulat mong talata.
1. Ako ay Kakaibang Bulaklak.
2. Ako ay Ligaw na Damo.
3. Maraming Kakaibang Bulaklak sa Paligid.
4. Malamig ang Tubig sa Sapa.

E. PAGLALAHAT
1. Ano ang natutuhan mo sa mga talata na nasa itaas?
2. Ano ang ginagamit sa paglalarawan?
3. Paano mo ito gagamitin kung maglalarawan ng tatlo o higit pang
mga bagay, tao, hayop o lugar?

F. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS
NAPAKAGALING! NAGAGAWA MAGSIKAP
KABUUANG
PAMANTAYAN (4-5) NA! PA!
ISKOR
(2-3) (0-1)
Wala o halos May ilang Maraming
walang mali pagkakamaling pagkakamali
hindi labis na pati sa
nakakaapekto ispeling ng
GAMIT NG
Iskor:______ sa bisa ng mga salita na
SALITA
sulatin nakakaapekt
Iskor:______ o sa bisa ng
sulatin
Iskor:______
Wala o halos May ilang Maraming
walang mali pagkakamaling pagkakamali
hindi labis na ng
PAGKAKABUO
nakakaapekto nakaaapekto
NG
Iskor:______ sa bisa ng sa bisa ng
PANGUNGUSAP
sulatin sulatin.
Iskor:______
Iskor:______
MEKANIKS Nasunod ang May 2-3 Karamihan
panuto at maayos panutong hindi ay kulang sa
ang nasunod o bantas at di
pagkakagamit sa pagkakamali sa maayos ang
mga bantas, bantas at pagkakagami
pagpasok sa paggamit ng t ng
unang salita o malaking titik malalaking
indensyon at titik. Marumi
paggamit ng Iskor:______ ang gawa.
malaking letra Iskor:______
Iskor:______
Di-malilimutan May mga Walang talab
ang sinabi dahil pagkakataong sa damdamin
nakakaantig ng tumatalab sa ang isinulat.
DAMDAMIN AT
damdamin at damdamin at
MENSAHE
tumatatak sa isip tumatatak sa
isip ang sinabi. Iskor:______
Iskor:______ Iskor:______

G. PANGWAKAS
Ang pagsusulat ng talatang naglalarawan ay isang kakayahan ninyo
bilang bata sa Ikaapat na baiting, nawa’y linangin ito ng maayos at
tandaan na gamitin ang imahinasyon at palalimin pa ang inyong mga
talasalitaan lalong- lalo na sa mga salitang naglalarawan at ng sa gayun
makabuo pa kayo iba’t – ibang talatang naglalarawan.
Nawa’y nakatulong din sa inyo ang mga halimbawa at gawain na
inihanda para sa inyo.

H. MGA SANGGUNIAN
Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4. Patnubay ng
Guro sa Pagtuturo ng Wika at Pagbasa, pp. 121 – 123

Yaman ng Lahi, Wika at Pagbasa sa Filipino 4. Kagamitan sa


Mag -aaral, pp. 72 – 77

K to 12 Gabay Pangkurikulum, FILIPINO pp.72

Inihanda ni:
FLORITA T. JACABAN

You might also like