Epp 5 Lesson Week 5

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Pag-aalaga ng

Hayop
Week 5
EPP 5-AGRICULTURE
Pagtapos ng aralin kayo ay inaasahan na :
1.1 Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga
ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda EPP5AG-
0e-11
1.2 Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan gaya
ng manok, pato, itik, puto/tilapiya EPP5AG-0g-15
1.3 Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at
kasangkapan na dapat ihanda upang makapagsimula sap
ag-aalaga ng hayop o isda. EPP5AG- 0j-18
“Hayop Mo,
Alagaan Mo!”
Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang tsek (✓) kung ang isinasaaad
sa pangungusap ay tama at ekis (X) naman kung mali.

1.Sa pagpili ng aalagaang hayop, dapat


isaalang-alang ang kapaligiran o lugar na
paglalagyan.
2.Itlog lamang ang produktong makukuha sa
manok.
3.Karaniwang inaalagaan ang mga itik sa mga
lugar na malapit sa tubig.
4. Itlog ang pangunahing produktong
naibibigay ng pugo.

5. Sa pag-aalaga ng tilapia, kailangan


nating isaalang-alang ang topograpiya,
panustos na tubig, uri ng lupa, at laki ng
palaisdaan.
Panuto: Isulat ang T kung Tama ang isinasaad na
pahayag at M kung Mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1.Ang maingat na pagpaplano ay kailangang


gawin kung mag-aalaga ng hayop upang lubos
at tiyak na mapakinabangan.
2.Sa paggawa ng plano, mahalagang pag-ukulan
ng pansin ang hayop na aalagaan at uri,
maging lugar, klima, at pakinabang na dulot
nito.
3. Sa maliit at makipot na bakuran dapat
alagaan ang manok.
4. Dapat isaalang- alang ang klase ng
pagkain na ibibigay sa alagang manok.
5. Ang produktong galing sa manok ay
puwedeng ibenta at ikonsumo ng
pamilya.
Mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop
na may dalawang paa at pakpak o isda

1. Napagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne


at itlog.
2. Nakapagpapaunlad sa kabuhayan ng mag-
anak dahil nagbibigay ng dagdag na kita.
3. Nagdudulot ng kasiyahan sa pamilya at
nagsisilbing libangan ng mag-anak.
4. Natutugunan ang problema ng bansa
sa kasalatan ng pagkain at kawalan ng
hanapbuhay ng tao.
5. Magandang kasanayan sa bata dahil
nagkakaroon siya ng tiwala sa sarili,
nagiging responsable at maalalahanin .
6. Nakatutulong sa mga gastusin ng
pamilya.
7. Ang dumi ng mga hayop ay mabisang pampataba
ng halaman – ginagawang organikong pataba.
8.Ang balahibo ng manok ay nagagamit na
materyales sa paggawa ng dekorasyon sa tahanan.
9. Nakapagbibigay ng gawain sa mamamayan at sa
pamayanan. Ang nagtatayo ng negosyo sa
pangingisda ay kumukuha ng mga tagapag-alaga,
kaya’t nagkakaroon ng hanapbuhay.
Mga Hayop na
Maaaring Alagaan
Mga Hayop na Maaring Aalagaan
1. Manok
Madaling mag-alaga ng manok kahit sa
maliit na lugar. Maaring mais at palay
lamang ang pagkain ng mga ito. Kung
maluwag ang bakuran, naghahanap din ito
ng mga uod sa lupa o sa damuhan. May
piling mga manok na kailangan ang wastong
paraan ng pag-aalaga upang maparami at
makapagbigay ng karne at sariwang mga
itlog. Halimbawa ng mga uri ng manok na
maaring alagaan ay Lancaster, New
Hampshire, White Leghorn at Plymouth.
May dalawang uri ng manok na inaalagaan.
• Una ay ang Layer na inaalaggan para sa mga itlog nito
• Ikalawa ay Broiler para sa taglay nitong karne.
Ang pagkain ng manok ay:
1. Starting Mash para sa bagong pisang sisiw hanggang anim
na lingo,
2. Growing Mash para sa anim na lingo hangang sa handa ng
ipagbili o hanggang sa mangitlog ang inahin at
3. Laying Mash para sa mga manok na nagsisimulang
mangitlog.
A. Uri ng manok na mainam sa pangingitlog

1. Minorca
- Nangingitlog ng 200
pirasong itlog sa isang taon
at may katamtamang laki ng
itlog. Kulay itim ito at galing
sa Espanya
2. Mikawa
– Ito ay kulay puti
at nangingitlog ng
200 pirasong itlog
sa isang taon.
B. Mainam na alagaang manok para sa karne.

1. Arbon Acre
– nakapagbibigay ng
masustansiyang karne.
2. Cobb
– puti ang balahibo
at kulay dilaw ang
balat.
3. Hubbard
– mainam alagaan dahil
sa masustansiyang karne
nito.

4. White Leghorn
- kulay puti at may
malalaking paa.
C. Uri ng manok na mainam sa pangingitlog at sa
kanilang karne.
1.Plymouth Rock
– ito ay manok na galing sa
Amerika at nakapagbibigay ng
masustansiyang karne at itlog.

2. Rhode Island Red


– maganda ang klase ng itlog at
ito ang madalas na inaalagaan
ng mga magsasaka
2. Kalapati
Nabubuhay ang kalapati kahit saang lugar at sa kahit
anong klima. Gustong- gusto nitong tumira sa
maraming puno. Kailangan mataas ang bahay ng
kalapati upang ligtas sa daga, pusa at ahas. White
Kings, Red Corneans, at Giant Homer ay mga uri ng
kalapati na inaalagan dito sa Pilipinas. Pagkaraan ng
25 hanggang 30 araw, maari nang ipagbili ang squab
o batang kalapati.
Ang pagkain ng alagang kapati ay munggo, sorghum,
palay, mumo ng tinapay, buto ng sunflower, giniling
na mais, at giniling na pritong mani.
3. Pugo
Tulad ng ibang hayop, ang pugo ay mainam
alagaan at paramihin. Ito ay inaalagaan para
sa kanyang itlog at karne. Ang itlog ng pugo
ay mayaman sa protina kung kaya’t ito ay
mainam sa pagpapalaki ng katawan at mga
kalamnan. Para sa mga nagsisimula pa
lamang, maaaring alagaan ang lahing
Japanese Seattle. Mahusay itong mangitlog at
malaman pa. Ang pugo na mabilis lumaki at
dumami ay galing sa Bulacan, Rizal, at
Batangas.
4. Itik at Pato
Isang magandang pagkakitaan ang pag-aalaga ng itik at pato sa likod
ng bakuran ng tahanan dahil sa malaki ang nagagawang tulong nito sa
pamilya. Ang pag-iitikan ay magandang pagkakitaan dahil sa maraming
mga produkto na makukuha rito tulad ng balut, penoy, at ang pulang
itlog. Maliban sa nabanggit, ang pagpapatuhan ay maaaring
mapagkukunan din ng itlog at karne.
5. Isda
Ang pag-aalaga ng isda ay madaling gawin. Kailangan lamang
ang isang lugar na may sukat na apat na metro ang lapad,
limang metroang haba, at isa at kalahating metro ang lalim.
Ang isda ay karaniwang ulam ng mga Pilipino sa buong
kapuluan sapagkat ito ang pinakamurang ulam na mabibili sa
pamilihan bagamat ito ay mahal na rin sa ngayon. Ito ay sagana
sa protina na kailangan ng bawat Pilipino.
Mga Kasangkapan/Kagamitan sa Pag-
aalaga ng Hayop
1. Kulungan
-Ang mga alagang hayop ay nangangailangan ng
malinis na tahanan. Kailangang maayos ang
bubong at sahig ng kulungan upang hindi Mabasa
ang mga alagang hayop. Ito ay dapat may lagusan
ng tubig at dumi upang hindi bumaho. Ang sahig ay
dapat palaging tuyo at hindi nagpuputik.
2. Pagkain
-Kailangan ng malinis at masustansyang pagkain
para sa mga alagang hayop. Iwasan ang
pagpapakain ng bulok na pagkain upang hindi
magkasakit ang mga alagang hayop.

• Ang broiler feeds ay parasa manok na pangkarne.


• Ang hog mash ay para sa baboy at pre-starter ay
para sa maliliit na hayop. Ang mga pagkaing ito ay
nabibili sa mga tindahan ng poultry supplies.
3. Panustos na Tubig
-Ang pagbibigay ng malinis na inumin ng
mga hayop ay napakahalagaupang hindi
magkasakit at magkaroon ng parasitiko.
Kailangan din ang maraming tubig sa
paglilinis ng kulungan at mga gamit sa
pag- aalaga.
4. Tapunan ng dumi-
Linisin ang dumi ng alagang hayop araw-araw. Gumawa
ng isang imbakan o hukay na para sa mga dumi upang
hindi mangamoy at makaperwisyo ng mgakapitbahay.
Siguruhing ito ay may takip upang hindi langawin at
pagmulan ng sakit. Maaari ding gawing pataba sa mga
halaman ang mga dumi ng hayop.
5. Gamot at bitamina
– upang malusog na lumaki ang mga alaga at
makapagdulot ng maayos ng karne o itlog
Mga Salik na Dapat Isaalang-alang sa Pag-aalaga ng Hayop

1.Bigyan ng sapat na liwanag at bentilasyon.


2.Maaliwalas na lugar.
3.Tamang paraaan ng pagpapakain.
4.Kalinisan at kaayusan.
5.Kapaligiran.
6.Maglagay ng mas maraming pakainan at painuman
7.Pabakunahan ang mga alagang hayop laban sa peste at sakit.
8.Ihiwalay ang mga alagang may sakit upang hindi mahawa ang
malulusog na hayop.
Gawain sa Pagkatuto 1
Sagutan ng TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung
hindi. Kopyahin ang mga pahayag at isulat sa patlang ang tamang
sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

________ 1. Nagdudulot ng kasiyahan sa


pamilya ang pag-aalaga ng hayop.
________ 2. Mabisang gawing pataba sa
mga tanim ang dumi ng hayop.
________ 3. Nakapagdagdag ng kita ng mag-anak
ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa,
pakpak o isda.
________ 4. Nagbibigay ng stress sa tao ang pag-
aalaga ng hayop na may dalawang paa, pakpak o
isda.
________ 5. Ginagawang palamuti ang mga
balahibo ng hayop na may dalawang paa, at
pakpak.
Gawain sa Pagkatuto 2
Magbigay ng 5 na mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng
hayop. Kopyahin ang gawain sa iyong sagutang papel at
isulat ang mga ito sa mga nakapaligid na maliiit na bilog sa diagram .

Kasangkapan/
Kagamitan sa
Pag-aalga ng
Hayop

You might also like