1ST Cot
1ST Cot
1ST Cot
Department of Education
Division of Davao City
Dona Pilar L. Marfori Elementary School
Davao Central District
BANGHAY ARALIN SA EPP V
Setyembre 25, 2019
1:20 pm - 2:10 pm
GRADE V
I- LAYUNIN:
a. Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan gaya ng manok, pato, itik, pugo
EPP5AG-0g-15
II- PAKSA: Pagtukoy sa mga hayop na maaring alagaan tulad ng manok, pugo, itik at pato
A. Panimulang Gawain:
Balik-Aral
Punan ang mga patlang upang mabuo ang mga dapat tandaan sa pagpaplano at pag-
aalaga ng isda.
1. Isaalang- alang ang sapat na panustos ng _____ kung saan itatatayo ang palaisdaan.
(sag. Tubig)
4. Ang mga isda tulad _____, ______, ______ at ______ng ay madaling alagaan kaya mahusay
palakihin sa likod- bahay. (sag. hito, karpa, dalag at tilapia)
B. Pagganyak
a. Maghanda ng isang puzzle para sa bawat pangkat ng mag-aaral. Bigyan ng sapat na oras ang
bawat pangkat upang mabuo ito. (5 minuto)
\
b. Ipatukoy kung ano ang nabuong larawan.
C. Pagtatalakay
a. Talakayin ang mga salik sa pag-aalaga ng hayop tulad manok, pugo, itik at pato gamit ang
powerpoint presentation at video presentation.
b. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga ipapakita na mga salik sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. Paglalapat
Pangkatang Gawain (Differentiated activities)
Bawat pangkat ay bibigyan ng Task Kard.
Pamantayan:
Kaugnayan sa Paksa – 5
Kaayusan- 5
Kooperasyon – 5
Presentasyon – 15
Kabuuan - 30
E. Paglalahat
Para sa iyo, alin sa mga hayop ang mas mainam alagaan? Bakit?
_________2. Ang pagkain nila ay pwedeng haluan ng durog na shell upng tumibay at kuminis ang magiging
itlog nila.
_________3. Ang kulungan ng itik ay dapat malayo sa mga bahayan dahil sa ingay at amoy ng dumi nito at
maayos na daluyan ng tubig.
_________4. Maaari silang gawan ng tirahan kahit na saan basta't komportable sila.
V- Takdang Aralin
Pasulatin ng isang maikling talata ang mga mag-aaral tungkol sa pag-aalaga ng manok/pugo
batay sa sunod na tanong. Nakatutulong ba at nakapagdudulot ng kasiyahan ang pag-aalaga ng mga
manok at pugo?
Rater:
RENE R. QUIRANTE PRECY P. GARA
Master Teacher I Master Teacher II
ELEANOR G. DEXIMO
Principal III
Maraming paraan sa pag-aalaga ng mga manok. Ang ilan sa mga
hakbang ay ang mga sumusunod:
Ang pag-aalaga ng pugo ay mas madali lamang at hindi masyadong magastos kumpara sa pag-aalaga
ng mga manok. Narito ang tamang paraan ng pag-aalaga ng mga pugo ayon sa pagpapakain rito: Ang pugo ay
maaring pakainin ng mga patuka sa manok, isang kilo para sa limampung mangingitlog na pugo. Maaring samahan
ng dinurog na shell ang pagakin nila upang mas tumibay at kuminis ang mga magiging itlog nila.
Ang 1/2 na pulgadang kulungan ay dapat na hiwain upang magkasya ang ang lagayan ng pagkain ng mga pugo
upang maiwasan na mag agaw-agawan sila sa pagkain. Dagdagan pa ito ng 1/2 pulgada pa upang maiwasan ang
pagdudumi ng mga pugo.
Panatilihing laging mayroong pagkain ang patukaan ng mga pugo. Dapat 24 oras silang may pagkain upang
makakuha ng mas mattas at magandang produksyon ng itlog. Dapat ay ilawan sila upang hindi sila tumigil sa
pagkain. Kapag ganito ang inyong ginawa, ang mga pugo ay maaring mangitlog ng 2 sa loob ng 24 oras. Ayon
naman sa pag-aalaga at paglilinis.
Ang mga pugo kumpara sa mga manok ay madaling alagaan. Maaari silang gawan ng tirahan kahit na saan basta't
komportable sila. Hindi sila madaling mahawahan ng kung anu-anong sakit hindi katulad ng mga manok. Hindi
kinakailangan ang pagbabakuna at ang mga gamot na karaniwang ibinibigay sa mga manok na idinadagdag sa
pagkain at inumin. gayun pa man , kung sakaling magkaroon sila ng sakit, maaring gamitin sa kanila ang mga
gamot ng manok.
B. PAG-AALAGA NG ITIK/PATO
Ang isang barako ay kailangan sa bawat pito hanggang sampung babaing itik o dumalaga, kaya mahalagang malaman ang
kasarian ng mga ito.
Narito ang katangian ng bawat kasarian:
Barakong Itik:
Inahing Itik:
Kailangan ng itik ang wastong pabahay upang mas maayos ang pag-aalaga sa mga ito. Ang bahay ng mga itik ay kinakailangang
itayo sa mga lugar na hindi malapit sa daanan ng tao o sasakyan, may magandang bentilasyon, at maayos na daluyan ng tubig.
Maaring gumamit ng lokal na materyales tulad ng kawayan, nipa, coco-lumber, pawid, at kogon. Ang mga materyales na ito
ay mas mura at mas mainam gamitin para sa bahay ng mga itik kaysa sa ibang uri ng materyales. Ang dingding ay dapat bukas
upang lagusan ng hangin. Karaniwang ginagamit na pangdingding ang silat ng kawayan, nilalang alambre at lambat na nylon
1. Ang pabahay na may sukat na 16 na metrong parisukat at 3 metro ang taas ay maaaring paglagyan ng 100 na itik. Kaya kung
may 500 na itik, ang pabahay nito ay dapat na may lawak na 80 metrong parisukat.
2. Ang masikip na lugar ay nagiging dahilan upang ang mga itik ay magtukaan at magkasugatan. Ang bawat itik ay dapat
bigyan ng lugar sa kulungan na may luwang na 0.16 metrong parisukat.
3. Ang lupa ay maaaring latagan ng malinis na bualaw, busal ng mais, balat ng mani at iba pang katulad na materyales. Ito ay
ginagawa para mapanatiling tuyo ang sahig at maiwasan ang sakit.
4. Maaaring lagyan ang pabahay ng languyan na 3.27 metro (10 talampakan) ang lapad at 6.55 metro (20 talampakan) ang
haba na kasya para sa 50 itik. Tandaan na ang pagkakaroon ng languyan ay hindi nakakaapekto sa pangingitlog ng itik dahil
may mga lahi na di naman nangangailangan nito.
5. Lagyan ng bakod na net o kawayan na sapat lamang ang taas upang makalakdaw ang nag-aalaga. Pagsama-samahin sa isang
kulungan ang mga itik na iisa ang gulang. Nag-aaway-away ang mga itik na magkakaiba ang gulang kung magkakasama sila sa
iisang lugar. Ang mga maliliit na itik ay tinutulak at tinutuka ng mas matandang itik at inaagawan ng lugar sa kainan.
6. Gumawa din ng pakainan at labangan o inuman. Ang pangkaraniwang pakainan o patukaan ay yari sa kahoy. Ito ay may
lalim na 15.24 cm (anim na pulgada), may lapad na 30.48 cm (12 pulgada) at may habang 1.52 metro (limang talampakan). Sa
bawat patukaan ay maaaring magsalo ang 10 hanggang 15 itik. Ang ganitong uri ng pakainan ay madaling linisin at ilipat.
Maaari ring gumamit ng palanggana, hinating lumang gulong ng sasakyan o kaya'y rektanggulong pakainan para magsilbing
labangan o inuman.
7. Ang mga itik ay sa madaling araw nangingitlog. Nangingitlog sila sa lugar na tinutulugan nila. Ang paglalagay ng ipa o kusot
sa lugar na ito ay makakatulong nang malaki para sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga itlog at maging ng kulungan ng mga
itik