Lesson Exemplar - Resulta

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

1

LESSON EXEMPLAR SA GRADE – 11 FILIPINO


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Pamantayang Pangnilalaman: Nakasusunod sa pamatayan ng pagsulat ng


masinop na pananaliksik.
Pamantayan sa Pagganap: Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na
napapanahon ang paksa.

I. Layunin:
A. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik. (F11PU-IVef-91)
a.1. Nababatid ang kahalagahan ng pagbuo ng interpretasyon sa
resulta ng pag-aaral.
a.2. Naibibigay ang iba pang konsepto sa pagbuo ng interpretasyon sa
resulta ng pag-aaral.

Paksa: Pagsulat ng unang draft ng Resulta ng Pananaliksik


Sanggunian:Javier, Nina Lilia R., et. al., Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. (2016). Pahina: 137-138,
www.academia.edu.
Kagamitan: aklat, laptop, projector, chalk at chalk board, manila
paper, pentel pen

II. Pagpapalawak ng Aralin:


A. Pagganyak:

Punan ng iyong sagot ang talahanayan.

Pagsamahin ang kulay Resulta Interpretasyon

+ =

+ =

+ =

+ = =
2

Tanong: Batay sa iyong ginawa, ano ang pinagkaiba ng resulta sa


interpretasyon?

B. Pagbasa
Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik

Sa bahaging ito ng pag-aaral, ipinakikita ang mga nakuhang resulta ng


pananaliksik, tatalakayin at susuriin ayon sa layunin ng pag-aaral.
Nangangailangan din ito ng introduksyon.

Narito ang ilang patnubay na maaaring gamitin sa paglalahad ng mga


resulta ayon kay Dy.

a. Ipakita ang mga resulta ng pananaliksik sa maayos at mauunawaang


pagkakasunud-sunod.

b. Ibase ang iyong paglalahad sa mga layunin. Isama lamang ang mga
importanteng datos at mga pigura.

c. Huwag alisin ang mga negatibong resulta na importante.

d. Ihambing ang mga resulta sa mga dating pag-aaral.

Galang, Teresita F. et. al., Pagbasa at


Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Pahina
181.

Ang paglalahad ng resulta o kinalabasan ng pag-aaral ang


pinakamahalagang bahagi ng isang papel-pananaliksik. Layunin ng bahaging ito
na maipakita ang kinasapitan ng pag-aaral. Mahalagang maging obhetibo ang
bahaging ito at isantabi muna ang interpretasyon para sa bahagi ng pagtalakay.

Para sa isang kuwantitatibong pananaliksik, mahalaga ang presentasyon


ng mga numerical na resulta at datos samantalang sa isang kuwalitatibong
pananaliksik naman, mahalaga ang malawak na pagtalakay sa naging daloy ng
resulta (trend).

Higit na magiging epektibo rin ang presentasyon ng bahaging ito kung


gagamit ng mga ilustrasyon at talahanayan upang maging malinaw ang bawat
detalye.
3

Mahalagang maisaalang-alang ang mga sumusunod sa pagbubuo ng


bahaging ito ng pananaliksik.

1. Buodin ang mga resulta at kung kinakailangan, ipakita ito sa


pamamagitan ng ilustrasyon at mga talahanayan.
2. Sa paglalarawan ng bawat aytem, sikaping maipakita sa
mambabasa ang mga mahahalagang obserbasyong nakita.
3. Suriin ang iyong mga datos at mula rito ay ilahad ito sa
pamamagitan ng mga ilustrasyon o pigura kung hindi man ay
paraang pangungusap.
4. Sa paggamit ng mga ilustrasyon, ito man ay talahanayan o grap,
huwag kalimutang lagyan ito ng bilang o pananda.
5. Siguraduhing ang mga impormasyong matatagpuan ay may
kompletong detalye upang madali itong maunawaan ng
mambabasa kahit di pa man nababasa nito ang paliwanag sa
bahagi ng pagtalakay.

“Pagbuo ng mga Bahagi ng Pananaliksik”.


www.academia.edu. 176-177. (binuksan noong Abril 19,
2017)

Ipinapakita sa bahaging ito ng pananaliksik ang kabuuan ng mga datos na


kalakip maging ang interpretasyon o pagpapakahulugan ukol rito. Madalas na
makikita sa kabanatang ito ang mga grap, tsart, o talahanayan depende sa
metodolohiyang ginamit. Sa bahaging ito rin ipinakikita ang estadistika o
kabuluhan ng mga datos ng isang sarbey na ginamit sa pag-aaral.

Ang mga datos ay inilalahad sa pamamagitan ng tabular o grapik na


presentasyon sa bawat teksto. Kinakailangan ng isang mananaliksik na mailahad
lamang ang tunay na ang gawaing ito ay isang mahalagang proseso sapagkat
ito’y gagamitan ng malinaw na resulta ng isinasagawang pag-aaral. Sa bahaging
ito, ang bawat katanungan at talakayan ay mabibigyang pansin at kasagutan sa
pamamagitan ng tsart, grap o talahanayan upang maayos ang bawat pangyayari
na nasa datos. (Javier, Nina Lilia R., et. al., Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. (2016). Pahina: 137-138.

C. Pag-unawa sa Binasa
4

Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Ano ang mga impormasyong nakapaloob sa bahagi ng pananaliksik
kaugnay ng pagtalakay sa resulta at pagbibigay interpretasyon?
2. Ibigay ang pagkakaiba ng pagtalakay sa resulta ng pag-aaral sa
kuwantitatibong pananaliksik at kuwalitatibong pananaliksik. Ipaliwanag.
3. Paano nakatutulong ang mga grapikong representasyon sa
pagpapaliwanag ng resulta ng pag-aaral?
4. Bilang isang mag-aaral, paano mo bubuin ang interpretasyon ng resulta
ng ginawa mong pananaliksik?

D. Paghawan ng Sagabal

Ipagagawa ng guro ang susunod na gawain:

Basahin ang pahayag at ibigay ang tinutukoy nito sa pamamagitan ng


pagpupuno ng mga titik sa bawat patlang upang mabuo ang salita.

1. Ito ay nakabatay o may pinagbatayang katotohanan.

O __ H E __ I B O

2. Sa pananaliksik, ito ay ang paggamit ng mga numero o statistics sa


pangongolekta ng datos tulad ng sarbey at mga pagtatanong.

K U W___ N T I ___ A T I ___ O

3. Sa pananaliksik, ito ay nakatuon sa paglalarawan.

K ___ ___ A L I ___ A T I ___ O

4. Ito ay larawan o dayagram na nakatutulong para maging malinaw at


kapansin-pansin ang isang bagay.

I L ____ S T ____ A ____Y O ____

5. Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay sa


pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o asignatura sa loob ng isang
panahon o termino.

P ___ P ___ L - P ____ N A ____ ____ L I ____ S I _____

6. Ang kinalabasan ng pag-aaral at pinakamahalagang bahagi ng papel-


pananaliksik.
5

R ____ S _____ L _____ A

III. Mga Gawain

A. Pangkatang Gawain

Hatiin sa tatlong grupo ang klase. Bawat pangkat ay gagawin ang


sumusunod:

Gawain 1:
Panuto: Suriin ang nilalaman ng talahanayan at sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

Kasanayan ng Guro sa Paggamit ng Kapampangan bilang Midyum sa


Pagtuturo sa Grade 1-3
4 3 2 1 Mean Int
Nahihirapan akong
ipaliwanag sa mga
mag-aaral ang 15 15 5 5 3.00 S
ibang salita
Nahihirapan akong
mabigyan agad ng
ibang katawagan 18 12 8 2 3.15 S
ang salita na aking
ginagamit

Nahihirapan akong
matukoy ang 30 8 1 1 3.68 LS
kahulugan ng salita

4 – Lubos na Sumasang-ayon
3 – Sumasang –ayon
2 – Hindi Sumasang-ayon
1 – Lubos na Hindi Sumasang-ayon

1. Ano ang resulta ng pag-aaral batay sa natuos na mga datos sa teybol?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang interpretasyong iyong mabubuo batay sa resulta?


6

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 2:
Panuto: Suriin ang nilalaman ng pie chart at sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

GG – Gustong Gusto MG – Medyo Gusto


HG – Hindi Gusto TA - Talagang Ayaw

Teybol 2: Saloobin ng mga Guro sa Paggamit ng Kapampangan bilang


Midyum sa Pagtuturo sa Grade 1-3

1. Ang resulta ng pag-aaral batay sa natuos na mga datos sa teybol?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________

2. Ano ang interpretasyong iyong mabubuo batay sa resulta?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
7

________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 3

Maghanap ng isang pananaliksik at kumuha ng isang teybol. Suriin ang


naging interpretasyon ng mananaliksik sa resulta ng mga natuos na datos. Kung
bibigyan ka ng pagkakataong isulat muli ito batay sa iyong sariling pag-aanalisa,
papaano mo ito isusulat?

B. Paglalahat

Sa isang dayagram, papaano mo maipapakita ang ugnayan ng resulta ng


pag-aaral at interpretasyon. Gawin ito sa loob ng kahon.

C. Paglalapat
Papaano mo magagamit sa iyong pag-aaral ang mga natutuhan mo sa
araling ito kaugnay ng pagbibigay interpretasyon sa mga resulta ng pag-
aaral? Magtala ng limang kaisipan.

D. Pagtataya

Tama o Mali
Bilugan ang inyong sagot. Kung ito ay mali, guhitan ang salitang
nagpamali sa pahayag at isulat sa ikatlong kahon ang iyong tamang sagot.

Mahalagang maging subhektibo sa


8

Tama Mali pagbibigay interpretasyon sa resulta ng pag-


aaral.
Tama Mali Ipaliwanag ang resulta sa pangungusap na
paraan.
Tama Mali Ang pie grap ay mabuting gamitin upang
maipakita ang bahagdan o percentage.
Tama Mali Madalas nakikita sa kwalitatibong pag-aaral
ang mga numerical na resulta.
Tama Mali Hindi nararapat ibuod ang resulta ng pag-
aaral
Ang mga talahanayan ay mainam gamitin sa
Tama Mali paglalahad ng mga resulta ng pag-aaral
upang higit na maging malinaw ito.
Tama Mali Madalas makita sa kabanatang panimula ang
mga grap, tsart at talahanayan.
Tama Mali Maaring gamitin ang tsart, grap at
talahanayan sa lagom.
Tama Mali Ang interpretasyon ay nakabatay sa resulta
ng mga natuos na datos.
Tama Mali Ang kamalian ng interpretasyon ay
nakasalalay sa maling resulta ng pag-aaral.

Inihanda nina:

Mary Grace E. Cruz District III Cabanatuan


Jenny Rose A. Oronos
Ruth N. Pablo Div. of Nueva Ecija
Ely Rose Apple R. Mariano
Ma. Dolores DJ. Pineda
Maria Victoria S. Villanueva Div. of Bulacan
Melanie E. Lotino
Roberto L. Tibus
Nestor C. De Guzman Div. of Angeles City
Aileen B. Yabut
Rodel J. David Div. of Mabalacat City

Isinumite kay:
Alexander F. Angeles
EPS-FIL Div of Gapan City
9

You might also like